CHAPTER 07
"FOREST!"
Napalingon si Forest nang marinig niyang may tumawag sa kanya. Nang makita kung sino iyon ay bigla siyang natigilan.
Ito ang unang beses na nakita niya si Russ mula nang makita niya ito at si Neil sa Byul Restaurant noong nakaraang linggo. Hindi niya alam kung bakit pero parang hindi pa 'ata siya handang harapin ang babae. Nakakaramdam kasi siya ng awkwardness at hindi niya maintindihan kung bakit.
Oh, c'mon! Bakit ka ganyan, Forest? Parang hindi mo kaibigan si Russ, ah? Eh, ano naman kung nagdi-date sila ni Karyo? That shouldn't concern you. At dapat nga maging masaya ka para sa kanila, 'di ba?
May kung anong humila sa kanyang puso sa sinabing iyon ng kanyang isip. Her conscience says yes. That she shouldn't concern herself and just be happy for the both of them. But a big part of her says no...and the reason? Uncertain.
"Tapos ka na mamili?" Tanong sa kanya ni Russ nang makalapit sa kanya. Sinipat nito ang hawak niyang basket na halos papuno na ng mga pinamili niya.
Kasalukuyan silang nasa loob ng supermarket sa loob ng Grand Morayta Mall. Napag-utusan kasi siya ng kanyang ina na bumili ng ilang supplies sa bahay.
"Ah, malapit na. Adult milk for mom na lang ang kulang ko then magbabayad na ako," naiilang na sagot niya.
"I see," anito at tumango. "Sayang naman. I thought we can have coffee after this."
"Maybe next time, ate."
"Okay then—"
Naputol ang kung ano pa man ang sasabihin ni Russ sa kanya nang tumunog ang telepono nito. Sinagot nito ang tumawag at napansin niya ang pagliwanag ng mukha nito matapos niyon.
"Nasa loob ka na?" Tanong nito sa kausap. "Yeah, yeah. Nandito lang ako sa milk section. I'll wait for you here, alright?'
"May kasama ka, ate?" Tanong niya kay Russ matapos nitong tapusin ang tawag.
"Ah, yes. May dinaanan lang saglit kaya nauna na ako rito sa loob," sagot nito sa kanya at tinulak na ang pushcart na hawak. "Hindi ka pala nadaan sa Lounge lately? Busy?"
"A-ah...oo, ate. Busy sa flowershop," alanganing sagot niya at nag-iwas ng tingin. Lumapit siya sa stall ng mga gatas at kumuha ng adult milk.
Sa totoo lang, busy naman talaga siya sa flowershop ngayon dahil sa pag-aasikaso sa kasal ni Gov. Deo. Pero bukod doon, hindi niya kasi mapilit ang sarili na pumuntang Cagandahan Lounge nitong mga nakalipas na araw.
"Russ!"
Pareho silang napalingon ni Russ nang marinig ang tumawag sa babae. At pakiramdam niya ay may kung anong dumagan sa dibdib niya nang makita ang nakangiting si Neil habang lumalapit kay Russ.
"Oh, tigress. Nandito ka rin pala?" Tanong sa kanya ni Neil nang makita siya nito.
Nakita niyang kinuha ni Neil sa kamay ni Russ ang push cart at ito na ang nagtulak doon.
Feeling niya ay nag-times two ang bigat ng kanyang puso sa nakita. Tiningnan niya ang mabigat na hawak niya at napakagat ng labi.
Bakit gan'on? Mas inuna pa ni Neil na kunin ang pushcart ni Russ na wala pang laman kaysa 'yung sa kanya na mabigat na at halos papuno na?
Napalunok siya at lihim na napailing. Hindi niya gusto ang kanyang nararamdaman. Alam niyang higit pa sa asar ay mayroong nakalakip na mapait na damdamin doon.
"Ay, wala! Wala ako rito!" Pilit siyang umakto ng normal. Iningusan niya si Neil kahit nararamdaman niya ang pait sa kanyang lalamunan.
Umiling lang sa kanya si Neil at ngumiti. Hindi na ito nagkomento pa at tinulungan si Russ na mamili kung anong gatas ang magandang bilhin.
Napalunok siya. Hindi niya alam kung bakit naiiyak siya. Huminga siya ng malalim at matapos ay tinawag ang dalawa.
"Mauna na ako sa inyo," aniya at pilit pinakatatagan ang hawak sa mabigat na basket.
"Hindi mo na ba kami mahihintay? I'll drive you home later since isa lang naman ang way natin," ani Neil.
"Thanks but no thanks. I can manage. May dala akong car."
She doesn't know if Neil or Russ sensed the bitterness in her words. At kahit naman na ayaw niyang magpakita ng kagaspangan ay hindi niya napigilan ang sarili.
"Ingat na lang kayo ni ate Russ," aniya at tumingin sa babae. Nakita niya ang paninitig sa kanya ni Russ kaya naman mabilis siyang nag-iwas ng tingin. "Alis na ako."
Hindi na niya hinintay ang pagsagot ng dalawa. Mabibigat ang mga paang umalis siya roon.
"WALA kang date ngayon, tigress?" Tanong ni Neil kay Forest habang abala siya sa paga-arrange ng mga bulaklak.
"Meron. Lima. Sama ka?" Sarcastic na sagot niya.
Ngumisi sa kanya si Neil at nangalumbaba. "Pwede naman. Para mapatunayan ko sa'yo na wala sa kanila ang hinahanap mo dahil ako talaga iyon."
Napaikot na lang siya ng mga mata at marahas na napailing. "Baliw."
"Oo na. Baliw na. Baliw na baliw sa'yo."
Sinamaan niya ng tingin si Neil.
Hindi niya alam kung bakit maaga pa ay naroon na ito sa kanyang flowershop at nang-iistorbo. Kanina niya pa ito pinapaalis pero matigas ang paninindigan nito na manatili sa shop niya at guluhin siya.
Hindi niya gusto na makasalamuha si Neil ngayon. Mainit pa rin ang kanyang ulo sa eksena nito at ni Russ sa supermarket kahapon. At isa pa, dahil doon ay mas lalo siyang naguguluhan sa nararamdaman. Gusto niyang magkaroon ng space at lumayo rito para malimi kung ano man ang gumugulo sa kanya. Pero itong si Neil ay talo pa ang mighty bond kung makadikit.
"'Di ba busy ka sa pagtatayo ng construction firm niyo ni Dex? Bakit 'di na lang 'yun ang asikasuhin mo kaysa iniistorbo mo 'ko?" Asar na tanong niya.
"Don't worry, wifey. Everything about that is under control," sagot nito at kinindatan siya. "Isa pa, na-miss kita. Hindi kita nakasama ng matagal kahapon. Iniwan mo na lang kami ni Russ sa supermarket. 'Di mo kami hinintay."
"Eh, kung hindi kayo nag-date sa supermarket kahapon ni ate Russ, eh 'di sana nakasama mo 'ko ng matagal kahapon!"
Nanlaki ang kanyang mga mata at napatigil sa ere ang paggupit niya ng tuyot na dahon sa bulaklak na hawak. Anak ng pating! Naisatinig niya ang mga salitang sa utak niya lang dapat sasabihin!
Nakita niya ang unti-unting pagsilay ng ngiti sa labi ni Neil. Amusement is written all over his face. Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi kaya nakagat niya ng mariin ang labi.
Syete! Anong katangahan 'yan, Forest?!
"Someone's jealous, huh?" Ani Neil na hindi mabura sa labi ang malapad na ngiti.
"A-anong jealous ang pinagsasabi mo? U-umalis ka na nga! 'Di ako matapos-tapos kakaistorbo mo, eh!" Aniya at mabilis na nag-iwas ng tingin dito.
Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Neil at matapos ay nagulat siya nang ilapit nito ang mukha sa mukha niya.
"You're blushing, tigress."
Mabilis niyang inilayo ang mukha nito sa kanyang mukha gamit ang kanyang kamay. "Tse! Tigilan mo 'ko, Karyo! Baka bigwasan kita!"
Tumawa si Neil at umiling. Bumulong din ito pero narinig pa rin niya.
"You're making my damn heart flustered again, my tigress..."
Naramdaman niya ang malakas na pagkabog ng kanyang puso. Pakiramdam niya rin ay nagkaroon bigla ng fiesta sa loob ng kanyang tiyan. Neil's words just made her feel something unexplainable that she can't decipher.
"Let's go somewhere," mabilis na sabi ni Neil at pumunta sa kanyang gilid. Inalis nito sa kanyang kamay ang hawak na gunting at bulaklak. Matapos ay hinila siya nito patayo.
"T-teka! Saan tayo pupunta?!" Natatarantang tanong niya. Bigla na lang kasi siya nito hinila patungo sa pinto ng kanyang shop.
"Aya! Ikaw na muna bahala sa shop ni Forest. I'll pay you double for this, okay?" Ani Neil kay Aya na nasa counter na abala sa pag-aasikaso sa isang customer.
Nakangising tumango si Aya. "No problemo, boss! Basta ikaw! Siguraduhin mo lang pagbalik mo, kasal na kayo ni ate Forest!"
Pinanlakihan niya ng mata si Aya dahil sa sinabi nito. "Aya!"
Tinawanan lang siya ni Aya at matapos ay hinila na siya ni Neil patungo sa kotse nito.
"Kidnapping 'to!" Protesta niya matapos siya nitong maisakay sa kotse nito.
Tumawa lang si Neil sa kanya. Nagulat na lang siya nang bigla itong lumapit sa kanya. Napaatras tuloy siya.
"A-anong gagawin mo?" Kinakabahang tanong niya.
Naroroon na naman ang malakas na kabog ng puso niya dahil sa lapit nito sa kanya. Pakiramdam niya tuloy ay kung paulit-ulit na gagawin iyon sa kanya ni Neil ay magkakasakit na siya sa puso!
"Seatbelt," nakangising sabi nito at ikinabit ang kanyang seatbelt.
Naramdaman niya muli ang pag-init ng kanyang mukha.
Okay. Pahiya ng kaunti. Jusko. Mga ilan pang kahihiyan ang gagawin mo, Forest?
"S-saan mo ba ako dadalhin?" Tanong niya at humalukipkip.
Napapansin niya, palagi na lang siya nitong hinihila kung saan-saan. At siya? Hindi man lang siya makatanggi. Kahit na malaking bahagi ng isip niya ay nagpoprotesta, nagra-rally at nagsusumigaw na huwag siya dapat sumunod sa lalaking ito ay mas malakas pa rin ang maliit na porsyentong piping nagsasalita na hayaan na lang ito at sumama na lang siya.
Baliktad na nga ang mundo mo, Forest...
INILIBOT ni Forest ang tingin sa paligid. Dinala siya ni Neil sa open field ng Fun Town Amusement Park. Malaki ang open field. Parisukat ang hugis niyon at nalalatagan ng bermuda grass. Sa bawat sulok naman ay nakatanim ang mga malalagong puno. May mga wooden tables at chairs din sa ilalim ng mga puno na inilagay para sa mga gustong magpicnic at magpahinga.
Byernes pa lang ngayon kaya mangilan-ngilan lang ang naroon. May ilan na naglalaro ng freesbie, badminton at nagpapalipad ng saranggola. May ilang pamilya rin na naglatag ng banig at nagpi-picnic. May mga magsyota rin na mukhang nagdi-date habang nakaupo sa bermuda grass. Mahangin at kahit na patanghali na ay hindi gan'on katindi ang sikat ng araw kaya hindi masakit sa balat.
"Anong gagawin natin dito?" Tanong niya kay Neil.
Hindi niya alam kung bakit siya dinala roon ng lalaki. Ang alam niya lang ay all smiles ito habang nagda-drive na ikinapaikot na lang ng mga mata niya kanina.
Neil just smiled at her once again. Matapos ay kinuha nito ang kanyang kamay at hinawakan iyon ng mahigpit.
Naramdaman na naman niya ang pamilyar na munting mga boltaheng kumiliti sa kanya nang magdaop ang kanilang mga palad.
What's this feeling?
"Let's have fun, alright? Ceasefire muna tayo ngayon," nakangiting sabi ni Neil sa kanya.
Magpoprotesta na sana siya at aalisin ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay ng patakbong hinila siya nito sa nagtitinda ng mga saranggola.
"PAANO ba 'to? Hindi ako marunong," kunot-noong sabi ni Forest habang tinitingnan maigi ang hawak na saranggola. Animal ang design ng hawak niyang saranggola. At naasar talaga siya nang binigay iyon sa kanya ni Neil kanina. Siya raw kasi iyon.
Ngumisi sa kanya si Neil. "Ayusin mo 'yang hawak kay baby tigress. Baka masira."
Sinamaan niya ito ng tingin. "Gusto mo sa'yo na. Tutal naman 'di naman ako interesadong magpalipad ng saranggola."
Umiling-iling sa kanya si Neil at tumawa. "Ang ikli talaga ng pasensya mo. Kaya ang sarap mong asarin, eh."
"Ah, gan'on?" Naningkit ang mga matang sabi niya. "Gusto mo ikaw ang paliparin ko?"
Tumawa ng malakas si Neil. "Ikaw naman! Kaya mahal na mahal kita, eh. Ibang klase ka maglambing!"
Inambahan niya ito ng suntok pero mabilis nitong itinaas ang kamay.
"Oh, sige na, sige na! Tuturuan kita magpalipad niyan. Grabe, marunong mambugbog pero 'di marunong magpalipad ng saranggola," tumatawang sabi pa rin ni Neil.
Inismidan niya na lang ito at matapos ay pinag-isipan na lang kung papaano papaliparin ang saranggolang hawak.
"Ganito kasi 'yan..."
Lumapit sa kanya si Neil. Kinuha sa kanya ang saranggola at iniwan lang ang tali kung saan niya iyon hahawakan.
"Para madali, itataas ko 'tong saranggola mo, okay? Tapos hilahin mo 'yung tali para lumipad," ani Neil at dumistansya na sa kanya. Lumayo pa ito ng kaunti sa kanya at nang sa tingin nito ay sapat na ang distansya ay sinenyasan siya nitong itataas na ang saranggola.
Tumango siya rito at nag-concentrate. Ito ang unang beses na magpapalipad siya ng saranggola. At hindi niya maiwasan na makaramdam ng excitement. Feeling niya ay bumalik tuloy siya sa pagkabata.
Isang matunog na halakhak ang kumawala sa kanyang labi nang makita niyang matayog na lumipad ang kanyang saranggola. Tuwang-tuwa siya! Hindi niya akalain na ganoon pala kasaya magpalipad ng saranggola.
"Karyo! Tingnan mo! Ang taas ng lipad ni baby tigress!" Tumatawang sabi niya habang nakatingala sa saranggola.
Narinig niya ang papalapit na tawa ni Neil.
"Good job, Forest. Good job," ani ni Neil at nakangiting tinapik-tapik ang kanyang ulo.
Iningusan niya ito pero tumawa rin siya.
Masarap sa pakiramdam ang magpalipad ng saranggola. Feeling niya tuloy ay lahat ng stress niya nitong mga nakalipas na araw ay nawala habang nakikita niya ang mataas na paglipad ng saranggola niya.
"Hala, hala!" Nag-panic siya. Pabagsak ang kanyang saranggola! "Karyo! Si tigress, babagsak!"
Naramdaman niya mula sa likod ang pagdikit ng katawan ni Neil sa kanya. Ang dalawang kamay nito ay humawak sa mga kamay niyang nakahawak sa tali ng saranggola. Iginiya nito ang kanyang mga kamay upang mapanatili na nasa taas ang kanyang saranggola.
Nag-init ang kanyang mukha at kumabog ng malakas ang kanyang dibdib. Sobrang lapit ni Neil sa kanya! At pakiramdam niya ay nahihirapan siyang huminga.
Kalma, Forest, kalma!
Napalunok siya. Knowing that Neil is almost back-hugging her is making her hard to breathe. It also made her brain gone haywire.
What the heck, Forest? Anong nangyayari sa'yo?
"'Ayan! Hawakan mong mabuti para hindi na ulit bumagsak," ani ni Neil sa kanya at kumalas sa kanya.
Wala sa sariling tumango siya rito nang hindi tumitingin. Naiilang siya. At hanggang ngayon ay malakas pa rin ang kabog ng kanyang puso.
"You know what? I'm really happy today."
Sa pagkakataong iyon ay napatingin siya kay Neil. Nakapamulsa ito habang nakangiting nakatingin sa kanyang saranggola.
"It's a very rare moment to see you smiling and laughing with me. And I'm really glad that finally, I'm able to see it today," anito.
Naiilang man ay hindi niya napigilan ang sarili na mapangiti. Oo nga naman. Sa maraming beses na nagkasama sila, noon at hanggang ngayon, ay parang ngayon lang sila nagkaroon ng pagkakataon na parehong i-enjoy ang company ng isa't isa. They were always busy throwing a fit to each other that she failed to realize that they can also enjoy each other's company.
"Alaskador ka kasi kaya palagi akong inis sa'yo," nakangising sabi niya.
"Sadyang pikon ka lang kaya kahit na hindi naman kita inaano ay nagagalit ka na," sagot nito at tumawa.
"Hindi kaya!" Depensa niya at tumawa. "Ang lakas mo kayang mang-asar. Kapag nagkakasalubong tayo, parang kulang ang araw mo kapag hindi mo 'ko inaasar."
"Parang siya hindi, ah?" Anito at nangingiting naiiling. "Isa pa, kung hindi kita aasarin, hindi mo 'ko papansinin..."
Hindi siya nakaimik sa sinabi nito at napatitig na lang dito. Neil is tenderly looking at her with smile on his face. It's a sincere smile that makes her heart to beat as fast as it can be for the nth time.
Hindi niya tuloy napigilan na ilapat ang isa niyang kamay sa kanyang dibdib.
Am I really thinking the right reason why you're beating fast, heart?
"Kumain na muna tayo. It's lunch already," mayamaya'y sabi ni Neil sa kanya.
Tumango na lang siya rito bilangsagot at kagat-labing hinila ang saranggola upang bumaba sa paglipad.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top