CHAPTER 05
NAKAPANGALUMBABANG tinitigan ni Forest ang katatapos niya lang i-arrange na mga bulaklak. Matapos ay bumuntong hininga siya ng malalim.
Ilang araw na ang lumipas pero hanggang ngayon ay tila sirang plaka na paulit-ulit na nagre-replay sa utak niya ang mga sinabi ni Neil sa kanya n'ong gabing ihatid siya nito sa bahay nila.
Hindi niya alam kung bakit masyado siyang apektado roon. Kung tutuusin ay dapat hindi naman niya iyon iniintindi pero hindi iyon mawala-wala sa isip niya. Siguro kasi ay hindi man lang niya narinig ang salitang 'joke' matapos nitong bitawan ang mga salitang iyon o kaya man lang ay binawi. Matapos kasi nitong sabihin iyon ay tahimik itong kumalas sa pagkakayakap sa kanya at naglakad na.
Napapaisip tuloy siya kung seryoso ba talaga ito o hindi.
Naku, naku, naku, Forest! Tigilan mo na nga ang kakaisip! Ano naman kung seryoso siya? After all, ilang taon din naman kayo hindi nagkita kaya pwedeng mamiss ka talaga niya. Kahit ikaw, alam mo sa sarili mo na na-miss mo rin ang kolokoy na 'yun!
Isang marahas na buntong hininga muli ang pinakawalan niya. Oo. Aaminin na niya. Kahit naman na palagi lang silang nag-aaway ni Neil noon ay na-miss niya talaga ito. N'ong lumipad ito patungong amerika ay tila nawalan ng spice ang buhay niya. Nawala ang kaisa-isang tao na palagi niyang inaaway at inaasar. Nalungkot talaga siya noon na talagang ipinagtaka niya sa sarili. Kasi hindi naman siya dapat makaramdam ng ganoon, 'di ba? Dapat nga ay magbunyi pa siya noon dahil nawala ang tinik sa buhay niya. Pero n'ong umalis ito ay tila nakaramdam siya ng kakulangan. Siguro kasi ay sanay na sanay na siya na araw-araw silang nagbabangayan nito. At n'ong mawala ito ay nasira ang kanyang daily routine kaya naman nakaramdam siya nang kalungkutan at kakulangan sa buhay niya n'ong umalis ito.
Pero paano naman 'yung sinabi niyang 'And this time, I won't let you go'? Para saan 'yon?
Isa pa iyon sa gumugulo sa kanyang utak. Hindi niya talaga maisip kung bakit nasabi ni Neil iyon sa kanya. Mayroong ideyang pumapasok sa kanyang isip pero ayaw niyang entertain-in. Masyado kasing malayo sa katotohanan.
Imposibleng namang may gusto siya sa akin, 'di ba? Goodness gracious! We're enemies! Baka sinabi niya lang iyon para inisin ako!
"Kapag tinitigan ba 'yan, mas lalo bang gaganda ang ayos?"
Natigil sa pagmumuni-muni si Forest nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Excited na nag-angat siya ng tingin at sumalubong sa kanya ang nakangiting si Paolo.
"Paolo!" Aniya at mabilis na umalis sa counter at niyakap ito nang mahigpit. "Na-miss kita!"
"Wow! 'Di naman halatang na-miss mo 'ko, 'di ba?" Tumatawang sabi ni Paolo sa kanya at gumanti ng yakap sa kanya. "Miss you too, Forest."
Kumalas siya ng yakap dito at mabilis na hinila patungo sa receiving area ng flowershop niyang iyon. Pinaupo niya ito roon at walang sabi-sabing kinurot ang pisngi nito.
"Tagal mong nawala! Isang buwan din 'yon! Na-miss talaga kita, Pao-pao!" Aniya.
Isang buwan ding nawala si Paolo sa Capogian Grande. Nagpunta kasi itong Maynila dahil may kinailangan itong asikasuhin doon.
Hindi na niya halos matandaan kung paano sila naging close ni Paolo. Barkada kasi ito ni Neil at kahit naman mabait ito ay hindi naman sila madalas magkausap nito noong nasa kolehiyo pa sila. Nag-umpisa lang na mabuo ang pagkakaibigan nila nang minsang pinag-community service siya ng kapatid nitong si Gov. Deo dahil sa kalokohan na nagawa niya at tinulungan siya nito.
Tumatawang tinanggal ni Paolo ang mga kamay niya sa pisngi nito at matapos ay inabot ang kanyang ulo at ginulo ang kanyang buhok.
"Aish! Naman, eh!" Tumatawang wika niya at mabilis na pinalis ang kamay nito sa kanyang ulo. Inayos niya ang nagulong buhok at matapos ay inilahad ang kanyang dalawang kamay sa harap nito. Nagpapa-cute ang mga matang tiningnan niya ito. "Pasalubong ko, Pao-pao?"
Naiiling na tumawa muli sa kanya si Paolo at hinila siya para maupo. "Mangako ka munang titigilan mo na ang kakatawag sa akin ng Pao-pao. Kapag nagawa mo 'yon, 'tsaka ko lang ibibigay ang pasalubong mo."
Tumawa siya ng malakas. Pang-asar niya kasi kay Paolo ang pagtawag niya rito ng 'Pao-pao'. Hindi nito gusto na tinatawag niya itong gan'on dahil nagmumukha raw itong tuta.
"Cute kaya ng Pao-pao. 'Tsaka bagay kaya sa'yo. Mukha kang pet dog," aniya at nagpipigil na tumawa muli.
Naningkit ang mga mata nitong tiningnan siya. "Ah, gan'on? Kalimutan mo na ang pasalubong ko sa'yo. Sayang pa naman. 'Dami pa namang bagong manga series na nabili ko. Ipamimigay ko na lang."
Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na hinawakan ang dalawang kamay ni Paolo. Nginitian niya ito ng matamis. "Ikaw naman! 'Di ka na mabiro, Paolo. Alam mo namang lambing ko lang sa'yo 'yun, eh. Masyado kang gwapo para maging pet dog. Nasaan na ang mga libro ko?"
Weakness niya ang magbasa ng mga manga series. At alam na alam ni Paolo na kolektor siya ng manga books.
Naiiling na tumawa si Paolo sa inakto niya at inalis ang pagkakahawak niya sa kamay nito. Muli nitong hinawakan ang kanyang ulo at tinapik-tapik iyon. "Nasa kotse ko, bata."
Kulang na lang ay tumalon siya at magtitili sa kasiyahan. Madadagdagan na naman ang koleksyon niya!
"Thanks, Paolo! Hulog ka talaga ng langit! At dahil diyan, libre kita ng lunch!" Tuwang-tuwang sabi niya at tumayo na. Tinawag niya si Aya, ang kanyang staff at ibinilin dito ang shop. Matapos ay hinila na niya si Paolo palabas.
"Ang hyper mo ngayon. Iba talaga ang nagagawa ng manga books sa'yo," natatawang sabi ni Paolo sa kanya at nag-umpisa na mag-drive.
"Syempre! Dagdag koleksyon 'to, pare!" Aniya at nakangising niyakap-yakap ang paper bag na binigay nito na naglalaman ng manga books.
"'Nga pala, I heard, bumalik na rito si Neil sa CG. Nagkita na kayo?"
Napaikot siya ng mata. Hindi niya pa pala nasasabi rito ang plot twist nang pagbabalik ni Neil sa Capogian Grande. Napapaisip tuloy siya kung sasabihin niya rito ang tungkol doon o hindi.
"Oo. Nagkita na," kaswal na sagot niya.
Hindi na muna niya siguro sasabihin dito ang tungkol doon. Stress na siya pagbabalik ni Neil. At kapag nalaman pa ni Paolo ang tungkol sa kasunduan ay paniguradong uulanin siya ng tukso mula rito. Kahit naman kasi na mabait ito ay may pagka-alaskador pa rin ito.
Mabilis na tinapunan siya ng tingin ni Paolo. At hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang pagsilay ng kakaibang ngiti sa labi nito.
"What?" Kyuryosong tanong niya.
Umiling sa kanya si Paolo. Halata niyang may nakakatuwa itong naiisip base sa ekspresyon ng mukha nito. "What what?"
Inikutan niya ito ng mata at inismidan. "Alam kong may naiisip ka na namang kalokohan. Kabisado ko na 'yang ngiti mong 'yan, eh. Ano 'yan, ha?"
Tumawa ito at muli siyang tiningnan. "I won't tell," anito at kinindatan siya.
Naniningkit ang mga matang humalukipkip siya. "Ano ba 'yun? Kapag hindi mo sinabi sa akin, forever na kitang tatawaging Pao-pao."
Hindi siya matatahimik hangga't 'di sinasabi ni Paolo kung ano ang naiisip nito. Para kasing may inside joke ito na involve siya kaya gusto niyang malaman.
Hanggang sa mai-park na ni Paolo ang sasakyan at makapasok sila sa restaurant kung saan sila manananghalian ay hindi niya ito tinantanan. Para siyang bata na nakahawak pa sa braso nito at kinukulit ito. Sa kakakulit niya tuloy rito ay may nabangga siyang tao dahil hindi siya nakatingin sa daan.
"Sorry," aniya at tiningnan ang taong nabunggo.
Bahagya siyang nagulat nang makita si Neil na kunot ang noo habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa kanya at kay Paolo.
"Neil!" Gulat na tawag ni Paolo rito. Nang makahuma ito ay masayang tinapik ang balikat nito. "Long time no see, pare!"
Hindi tumugon si Neil kay Paolo. Nananatili pa rin ang pagkakunot ng noo nito habang nakatingin sa kanya.
"What are you doing here, Forest?" Seryosong tanong nito sa kanya na tila ba hindi nito nakikita si Paolo.
Nakaramdam siya nang pagkailang. Hindi talaga siya sanay na makita na seryoso si Neil. Pakiramdam niya tuloy ay isang maling sagot niya lang dito ay malilintikan siya.
"U-uh...k-kakain ng lunch kasama si Pao-pao?" Alanganing sagot niya.
Narinig niya ang pagtawa ni Paolo sa kanyang tabi. Nagulat siya nang biglang umakbay ito sa kanya.
"Same as ever, Neil," anito at nginisian ang lalaki.
Nakita niya ang pagdilim ng mukha ni Neil na naging dahilan kung bakit nakaramdam siya ng kaba. Napalunok tuloy siya. Pakiramdam niya tuloy ay biglang bumigat ang hangin sa paligid.
Problema ng unggoy na 'to? Bakit parang galit siya?
Mabilis na lumapit sa kanya si Neil at walang ano-ano'y inalis ang pagkakaakbay sa kanya ni Paolo. Matapos n'on ay mabilis nitong hinawakan ang kanyang kamay at hinila palabas ng restaurant.
Hindi niya alam kung ano ang unang dapat intindihin. Ang kamay nilang magkahawak na nagbibigay sa kanya ng tila maliliit na kuryenteng kumikiliti sa kanyang puso o ang pang-iiwan nila kay Paulo at pag-alis nila sa restaurant.
Oh, shit! Forest, ano na? Hindi ka man lang manlalaban? Papalag? Haller? Hinihila ka ni Neil papunta sa kung saan!
Pakiramdam niya ay nagtago somewhere ang logic niya. Hindi siya makapag-isip ng maayos. Gusto niyang pumalag at alisin ang pagkakahawak sa kanya ni Neil pero hindi niya magawa. Para kasing nananaig ng point one percent ang kagustuhan ng kanyang utak na sumunod na lang dito.
Namalayan na lang niya na nasa loob na sila ng kotse ni Neil. Tiningnan niya ito at nakita niyang bumuntong hininga ito ng marahas. Sumandal ito sa upuan at pumikit ng mariin.
"Sorry," narinig niyang wika nito.
Sa totoo lang ay naguguluhan siya sa inakto nito. At hindi niya maintindihan kung bakit parang galit ito na makita siya na kasama si Paolo.
Umayos siya ng upo at matamang tiningnan si Neil. "'Yong totoo, Neil. Anong problema mo? Bakit mo ba 'ko hinila na lang bigla paalis doon sa restaurant? Kawawa naman doon si Pao-pao. Naiwan mag-isa. Wala 'yong kasabay kumain."
Mabilis na nagmulat ng mga mata si Neil at napatiim-bagang. Tiningnan siya nito ng masama. "You are not supposed to date anyone! Scratched that. You are not allowed to date anyone! You are bound to marry me and yet you have the guts to date another man? Ano na lang ang iisipin nang makakakita sa'yo? Na cheater ka? Na may kabit ka? Damn it, Forest! Whatever your relationship with Paolo, cut it! Makipag-break ka na sa kanya dahil ayoko ng may kahati!"
Napamata na lang si Forest sa narinig na sinabi ni Neil at hindi nakapagsalita. What the heck? Ano bang ipinagpuputok ng butsi nito? Relationship with Paolo? Ano ba ang akala nito? Na boyfriend niya si Pao-pao? At anong sinabi nito? Cheater siya? Kabit siya?
Mabilis na umigkas ang kanyang kamay at binatukan si Neil. Umaray ito sa ginawa niya at tinapunan siya muli ng masamang tingin.
Kumukulo ang dugo niya sa galit. Hanep din talaga ang lalaking ito! Ilang sentences lang ang sinabi nito pero nagawa nitong pag-initin agad ang kanyang ulo.
"Unang-una sa lahat, hindi tayo kasal at never tayong makakasal kaya walang pwedeng magsabi sa akin na cheater o kabit ako! Pangalawa, hindi ko boyfriend si Paolo para makipaghiwalay sa kanya. Magkaibigan lang kami, jusko! At pangatlo, hindi ako sa'yo para sabihin mo na ayaw mo ng kahati. Ano akala mo sa akin? Bagay na pwedeng angkinin? Tigil-tigilan mo ako sa kaartehan mo Karyo at baka bigwasan kita!"
Hindi umimik si Neil sa sinabi niya. Nawala na ang masamang tingin nito pero nananatili ang paninitig nito sa kanya. Pilit niyang sinusubukang salubungin ang tingin nito pero hindi niya kinaya. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin dahil naiilang siya sa paraan ng paninitig nito sa kanya. Tila ba nakikita nito ang kaloob-looban niya habang nakatingin ito sa kanya.
Lumunok siya at kapagkuwa'y tumikhim. "A-alis na ako. Baka naghihintay sa akin si Paolo," aniya at binuksan na niya ang pintuan ng sasakyan nito.
Pababa na siya nang maramdaman niyang hinawakan nito ang kanyang braso. Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ito.
"Let's eat somewhere else. Tatawagan ko na lang si Paolo na sumunod."
"SHOULD we set now your wedding date?"
Napaikot na lang ng mga mata si Forest sa tinuran na iyon ng kanyang ina. Nasa bahay sila ngayon kasama si Neil at pamilya nito at pinag-uusapan na naman muli ang kasal na gusto ng mga ito na mangyari sa pagitan nila ni Neil.
Bakas sa mukha ng mga magulang nila ang excitement habang pinag-uusapan ang detalye ng kasal nila ni Neil. Gusto niya sanang sumabat at sabihing wala siyang balak na sumang-ayon sa gusto ng mga ito pero habang nakikita niya ang saya sa mga mukha nito ay parang pinipilipit ang puso niya sa isiping siya ang magiging dahilan para mabura iyon at mapalitan ng lungkot kapag tumanggi siya sa gusto ng mga ito.
At kailan ka pa naging santa, Forest? They're talking about your future. Future with Karyo. Bakit parang hindi na ganoon kalakas ang pwersa ng pagtutol na meron ka? Hindi ba dapat ngayon ay nagwo-walk out ka na? Sinasabi sa kanila na hindi mo gusto mo magpakasal? Bakit parang okay na lang sa'yo ang nangyayari?
Napabuntong hininga siya ng marahas. Hindi niya rin kasi maintindihan ang sarili. Dapat kanina pa siya nagbubunganga at nagsasabi kung gaano niya kadisgusto ang kasal na gustong mangyari ng mga magulang nila ni Neil. Pero heto siya. Nananatili sa kinauupuan niya at nakikinig sa pag-uusap ng mga matatanda.
"Can we talk outside?"
Napatingin si Forest kay Neil na kanina pa rin tahimik at nakikinig lang sa pag-uusap ng mga magulang nila. Seryoso itong nakatingin sa kanya na tila may nililimi sa isipan.
Nagtataka man ay tumango siya bilang sagot. Nagpaalam sila sa mga matatanda na lalabas muna. Pumayag naman ang mga ito kaya naman mabilis silang lumabas ng bahay. Imbes na sa hardin sila pumunta ay hinila niya si Neil palabas ng gate. Matapos ay naupo siya sa may gutter. Gumaya si Neil sa kanya at naupo rin tabi niya.
"Anong pag-uusapan natin?" Tanong niya rito at tumingala sa langit.
Halos walang bituin sa kalangitan kaya naman bahagya siyang nakaramdam ng lungkot. Paborito pa naman din niya ang tumingin ng bituin sa gabi kapag nagpapalipas siya ng oras.
"Do you really hate the idea of marrying me?"
Natigilan siya sa tanong na iyon ni Neil. May kung anong emosyon ang nakalakip sa tanong na iyon ng lalaki na hindi niya mapangalanan. At kahit na alam niyang walang halong panunumbat ang tanong na iyon, nakakaramdam siya ng guilt. Pero bakit kailangan niyang makaramdam nang ganoon?
Isa pa, bakit nahihirapan siyang sagutin ang tanong na iyon? 'Di ba dapat isang mabilis na 'oo' lang ang isagot niya? Pero bakit tila merong nakabara sa kanyang lalamunan at nahihirapan siyang bigkasin ang dalawang letra na iyon?
C'mon, Forest...don't tell me...?
Lihim na ipinilig niya ang ulo. Hindi niya gusto ang pumapasok na ideya sa kanyang utak. Hindi pwede. Kennat be. Never. Pero...bakit parang iba na ang ibinubulong ng puso niya?
Narinig niyang nagpakawala ng marahas na buntong hininga si Neil 'tsaka nagsalita muli. "Let's make a truce, then."
Sa pagkakataong iyon ay nilingon na niya ito. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. At naroroon na naman ang paraan ng tingin nito na nagpapakabog ng malakas sa kanyang puso.
"If you can find your true love in month's time, forget about the wedding..."
Nagulat siya sa sinabi nito. Kapagkuwa'y kumunot ang noo niya. Anong gustong sabihin nito?
"...Andif not? You're mine."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top