CHAPTER 04
"PWEDE bang tigilan mo 'yang pangangalumbaba mo? 'Di maganda 'yan sa negosyo ko."
Nakasimangot na sumunod si Forest sa sinabi ni Russ at ininom ang in-order niyang lady's drink.
Pagkatapos niyang maisara ang kanyang flowershop kanina ay dumiretso siya agad sa Cagandahan Lounge. Gusto niya kasing uminom kahit kaunti nang matahimik ang magulo niyang sistema.
Ilang araw na siyang restless. At lalong hindi nakakabuti sa kanya na palaging nakikita si Neil. Simula kasi ng dumating ito ay pakiramdam niya ay mayroong malakas na bagyong sumasalanta sa kaloob-looban niya. May hatid itong iba't ibang emosyon na hindi niya mapangalanan. At hindi niya nagugustuhan iyon.
"Ate Russ, mayroon ka bang alak diyan na pampakalma ng isip? Kailangang-kailangan ko 'yun ngayon, eh," aniya rito at inilapat ang kanyang kanang pisngi sa mesa.
Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Russ sa sinabi niya at kapagkuwa'y naramdaman niyang tinapik siya nito sa balikat. Nag-angat siya ng tingin dito at nakita niyang ngumiti ito sa kanya.
"Kung ako sa'yo, itutulog ko na lang 'yan. Umuwi ka na. Ipahinga mo na. Napapraning ka na naman, eh!" anito at bahagyang tumawa.
Napasimangot siya at bumangon. "Ate Russ naman, eh! 'Kita mo na ngang problemado ako tapos paaalisin mo ako agad? Kailangan ko ng comfort, ate! Comfort!"
Muli, tinawanan lang siya ng babae. Naiiling na tinalikuran siya nito at inasikaso ang ibang customer.
Bumuntong hininga siya nang malalim. Feeling niya ay mababaliw na siya dahil sa mga ganap sa buhay niya.
Paano niya ba matatakasan ang kasunduan ng mga magulang niya at ni Neil? At paano niya ba mapapapayag ang lalaki na makiisa sa kanya sa pagtutol sa kasal na gusto ng mga magulang nila?
Hanap ka kaya ng fake boyfriend, Forest? Tapos pakilala mo sa parents mo at sabihing papakasal na kayo? Baka kagatin nila at maniwala. Eh, 'di tapos ang problema mo!
Napatango siya sa naisip. Pero napasimangot din siya agad. At saan ka naman kukuha ng fake boyfriend, aber? May mga manliligaw ka naman sana, kaso lakas ng trip mo at tinataboy mo sila agad.
Muli niyang inilapat ang kanyang mukha sa mesa at bumuntong hininga ng marahas. Kailan ba siya huling nagka-boyfriend? Ah. Si Luke ang huli niyang naging boyfriend at matapos n'on ay wala ng sumunod. Hindi niya alam kung bakit pero tila nawalan na siya ng gana na pumasok sa relasyon simula nang iwan siya ng ex-boyfriend niyang iyon.
Hindi naman niya masasabing naging man-hater siya matapos makipaghiwalay sa kanya si Luke noon. Umaasa pa rin naman siya na magkakaroon siya ng ka-happy ending. Siguro ay naghihintay lang siya ng tamang tao na bubuhay muli sa interes niya na pumasok muli sa relasyon. 'Yung tamang tao na mamahalin siya at siguradong hindi siya iiwan.
Eh, baka kasi si Neil ang tamang tao na 'yon, Forest? Kinilabutan siya sa naisip. At saan nanggaling ang ideya na 'yon? Si Neil? Ang tamang tao para sa kanya? What the heck. Iyon na 'ata ang pinakanakakatawang joke na naisip niya.
"Pisti ka talaga, Karyo! Dapat 'di ka na bumalik, eh!" Gigil na wika niya at dinuro-duro ang basong walang laman.
"Nice. Kahit wala ako, binabanggit mo pa rin ang pangalan ko. Sobrang na-miss mo ba ako? Ilang oras pa lang naman tayo hindi nagkikita, ah?"
Halos mapatalon sa gulat si Forest nang may bumulong sa kanyang tenga. At nang lingunin niya kung sino iyon ay kulang na lang ay hampasin niya ito sa inis.
"'Pwede bang lubayan mo muna ako? Kahit ngayong gabi lang?" Naiiritang wika niya kay Neil na ngayon ay prenteng naupo na sa tabi niya at um-order din ng maiinom.
"Ayoko nga," anito at nginisian siya. Inilibot nito ang tingin sa paligid at nakita niyang tumango-tango ito. "Ilang taon ba akong hindi nakauwi rito? Six? Seven years? Ang laki na ng inunlad ng CG. At ngayon ko lang nakita ang bar na ito."
Tinapunan niya ng masamang tingin si Neil. Kapagkuwa'y hindi niya naiwasang mapatitig rito nang may mapagtanto. Napansin niya kasing malaki na rin pala ang pinagbago nito n'ong huli niya itong nakita.
Gwapo si Neil noon pa man. Singkit ang mga mata, matangos ang ilong at mapula ang labi. Tipikal na may pagka-tsinoy look. Matangkad ito pero 'yun nga lang ay medyo payat ito noon kaya naman hindi ito nakakaligtas sa pambubuska niya rito noon na payatot. Pero sa ngayon, sa nakikita niya, mas gumwapo ang lalaki. Pakiramdam niya ay tumangkad pa ito ng kaunti at mas pumuti ang makinis nitong balat. Gumanda rin ang katawan nito. Hindi na ito payatot at mukhang alaga ang katawan sa eherhisyo. Ang dati nitong buhok na may kahabaan ng kaunti ay umikli na. Naka-clean cut na ito ngayon na bumagay sa hugis ng mukha nito. May itim na bilog na hikaw na rin ito sa kanang tainga na nagbibigay ng angas dito. Mas naging simpatiko rin ito ngayon at nai-imagine na niya kung gaano karami ang babaeng naghahabol dito para lang masilo ito.
Ikaw, Forest? Gusto mong makihabol? Lihim na napailing siya sa bulong ng isip.
At bakit naman siya makikihabol? Gusto niya ngang lumayo ito sa kanya kaya nungkang sasali siya sa pila ng mga babaeng naghahabol dito.
"Admiring the view, wifey?"
Forest was pulled back to reality when she heard Neil talked. Napatingin siya sa mukha nito at nakita niyang isang malapad na ngisi ang nakaguhit sa labi nito habang amused na tinitingnan siya.
Mabilis na nag-init ang kanyang pisngi. Hindi naman niya sinasadyang titigan ito. At ang nakakainis pa ay nahuli siya nito.
Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin. Inabot niya ang bagong baso na kalalapag lang ni Mia, staff ni Russ, sa kanyang harapan. "N-nasaan ang magandang view? Wala naman," umiiwas na sabi niya at uminom.
Nakita niya sa kanyang pheriperals na naiiling na tumawa si Neil sa kanyang sinabi. Matapos ay nilagok din nito ang in-order na inumin.
"Can I ask you something?" Narinig niyang tanong ni Neil.
Saglit niya lang ito tinapunan ng tingin at walang ganang tumango.
Maybe they can talk without bantering to each other, right? Just for this night. Feeling niya kasi ay ubos na ubos na ang ipon niyang energy dahil simula nang dumating ito ay palagi na lang silang nagbabangayan kahit sa kaliit-liitang bagay.
"How are you, Forest?"
Nagtatakang napatingin siya muli kay Neil dahil sa tanong nito. At bahagya siyang nagulat nang makita ang sinseridad sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya.
Ah. Ito 'ata ang unang beses na tinanong siya nito ng gan'on simula n'ong dumating ito. Wala kasi silang matinong pag-uusap. Palagi kasi silang nagbabangayan at nag-aasaran sa tuwing nagkikita sila nito.
Kumusta na nga ba siya? As far as she is concerned, okay naman siya. Maayos namang tumatakbo ang negosyo niya at wala naman siyang pinoproblema. Lately lang naman siya nai-stress nang sabihin ng mga magulang niya sa kanya ang tungkol sa kasunduan nito sa mga magulang ni Neil.
"Dati okay. Pero n'ong dumating ka, hindi na," bored niyang sagot dito at ibinalik ang tanong nito. "Ikaw? Kumusta ka?"
Nakangiting uminom muna muli si Neil bago sumagot sa kanya. "Dati hindi. Pero n'ong nakita na kita ulit, okay na."
Natigilan siya sa sinagot nito. Naniningkit ang mga matang nilingon niya ito. Hindi na siya magpapauto rito. Alam niyang niloloko na naman siya nito at kapag nahulog siya sa patibong nito ay paniguradong sandamakmak na asar ang aabutin niya rito.
Pero bakit parang kinilig ka, Forest? Aminin! Mabilis siyang napailing. Bakit naman siya kikiligin? Sino ba ito para kiligin siya? Hindi naman ito ang kras niyang si Mayor Tuazon na kapag sinabihan siya nang ganoong salita ay kikiligin siya na kulang na lang ay mangisay at magtatalon-talon siya.
Sige, hijah. Deny pa. Diyan ka magaling, eh!
"Ha-ha. Nakakatawa," aniya at inismiran ito. Muli siyang uminom at sinaid ang laman ng baso.
Narinig niyang tumawa lang si Neil sa sinabi niya at nagsalita. Hindi niya naintindihan kung ano man ang sinabi nito dahil halos pabulong iyon.
"Uwi na ako," mayamaya'y sabi niya at tumayo na.
Nagulat siya nang tumayo rin ang lalaki at inalalayan siyang makababa sa inuupuang high chair. Naglabas pa ito ng pera at binayaran ang kanilang inumin.
"Anong ginagawa mo?" Takang tanong niya rito.
Kunot noong itinuro ni Neil ang sarili. "Ako? Uh, nagbayad at tinulungan kang tumayo. Tapos, ngayon ihahatid na kita sa inyo."
"At bakit?" Kunot-noo na ring tanong niya.
Hindi niya ma-gets ang lalaki. Kakarating lang nito pero aalis din agad? At bakit naman siya nito ihahatid? Hindi naman siya lasing at nasa tamang huwisyo pa siya kaya hindi niya kailangan ng maghahatid sa kanya.
Nakita niya ang pagdaan ng pagkairita sa mukha ni Neil. "Do I really need to answer your question, Forest?"
Sinamaan niya ito ng tingin. "Yes! Kadarating mo lang tapos aalis ka na agad dito? Tapos ngayon, gusto mo 'kong ihatid pauwi. I don't get you. Hindi ko naman kailangan ng maghahatid sa akin dahil hindi ako lasing. I can take care of myself. And as fas as I remember, we are not close enough para ihatid mo ako sa bahay namin."
Nagpakawala ng marahas na buntong hininga si Neil at may pagod sa mga matang tiningnan siya. "Fine. Ihahatid kita sa inyo 'coz I'm gentleman enough to do it. Pwede nang sagot iyon?"
Iningusan niya lang ito at matapos ay nagmamadaling lumabas ng Cagandahan Lounge. Ni hindi na niya nagawang magpaalam kay Russ. Nakita niyang sumunod sa kanya si Neil kaya naman halos patakbo siyang nagpunta sa bus station para makalayo rito. Saktong dumating ang yellow mini-bus pagdating niya kaya naman mabilis siyang sumakay.
"Bakit ba kasi hindi ko dinala ang kotse ko ngayon? Aish! Kinailangan ko pa tuloy makipagpatintero sa lalaking iyon," pagkausap niya sa sarili nang makaupo.
"Exactly the reason why I want to drive you back home."
"Ay! Butiki!" Nasapo niya ang dibdib sa gulat nang may magsalita sa kanyang harapan. At mabilis ding bumagsak ang kanyang balikat nang makita si Neil na nakangisi sa kanya.
Akala pa naman niya ay naiwan ito. Masyadong maliksi kumilos ang unggoy. Nasundan agad siya.
"Bakit mo ba ako sinusundan? 'Yong totoo? Stalker ka talaga, eh!" Inis na sabi niya rito.
Ngumiti lang sa kanya si Neil at matapos ay tumabi sa kanya.
"Doon ka nga sa kabila! Daming upuang bakante, oh? 'Di mo ba nakikita? Kailangan talaga sa tabi ko mauupo?" Asar niyang sabi at pilit itong tinutulak para umalis sa tabi niya.
Hindi nagpatinag si Neil. Bagkus ay nagulat siya nang bigla nitong ilapit ang mukha nito sa kanya.
"'Cute mo," nakangiting sabi nito at kinurot ang magkabila niyang pisngi.
Mabilis niyang inalis ang mga kamay nito sa kanyang pisngi at inangilan ito.
"Ano ba?!" Asar na sabi niya at inambahan ito. "'Aminin mo nga sa akin, naka-drugs ka ba? Lakas ng tama mo ngayon, eh!"
Lumayo sa kanya ng kaunti si Neil at tumawa. "Kapag may tama, naka-drugs agad? 'Di ba pwedeng tinamaan lang sa'yo?"
Binatukan niya ito. "Tigil-tigilan mo nga ako! 'Konti na lang itatapon na kita palabas ng bintana!"
Tumawa lang si Neil sa sinabi niya at matapos ay umayos ng upo. Hindi na ito umimik at matapos ay humalukipkip. Tumingin ito sa harapan at hindi na siya tiningnan muli.
Naiinis na tumingin na lang siya sa labas ng bintana at umusog ng kaunti upang hindi sila magdikit nito. Hindi kasi siya komportable na magkadikit silang dalawa. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit tila may mga paru-parong naglilikot sa kanyang tiyan sa tuwing naiisip niyang magkadikit sila nito.
Tahimik ang naging byahe nila. Wala ni isa sa kanila ang nagkusa na magbukas ng pwedeng pag-usapan. Nang makarating sila sa Grande Heights kung saan sila pareho nakatira ay tahimik na naglakad lamang uli sila.
Sa totoo lang, hindi malaman ni Forest kung maiinis ba siya o ano. Gusto niya na tahimik si Neil dahil hindi nauubos ang energy niya sa pakikipagtalo rito. Pero kapag tahimik naman ito at seryoso ay hindi siya sanay. Feeling niya ay ibang tao ito at naiilang siya.
Hirap mong ispelengin, 'te! Ano ba talaga? Gusto mo ng tahimik o maingay na Neil?
Napabuntong hininga siya nang marahas. Siguro, kaunti na lang ay mababaliw na talaga siya. Bakit ba kasi kailangan niya pang intindihin ang kinikilos nito? Hindi ba pwedeng hayaan na lang niya itong manahimik at maging masaya siya dahil hindi niya kailangan makipagtalo ngayong gabi?
"Sandali nga lang," iritableng sabi niya kay Neil at huminto sa paglalakad. Humalukipkip siya at hinarap ito. Huminto naman ito sa paglalakad at nagtatakang tiningnan siya. "Bakit ang tahimik mo? Bakit 'di ka man lang nagsasalita?"
Kumunot ang noo ni ni Neil sa tanong niya. Mayamaya'y bigla na lang ito bumunghalit ng tawa. Sa inis niya ay hinampas niya ito sa braso pero nakailag ito.
"Stop it, Forest!" Anito at tumatawang umilag sa sumunod na bira niya ng hampas. Umiiling-iling ito na dumistansya sa kanya ng kaunti. Natatakot siguro na baka tamaan na ito ng hampas niya.
"Alam mo, 'di kita maintindihan. Nananahimik ako kasi I think you need it pero parang sobrang bothered ka naman dahil sa hindi ko pagsasalita. Seriously, Forest. 'Di ko alam kung saan ako lulugar sa'yo."
Natahimik siya sa sinabi nito. Oo nga naman. Bakit ba kasi hindi na lang niya ito hayaang manahimik? Eh, 'di sana makakauwi siya ng may peace and order.
Baliw ka na, Forest. Baliw na baliw!
Naramdaman niyang umakbay sa kanya si Neil kaya naman mabilis ang reflexes niyang hinawakan niya ang kamay nito at iba-backflip niya sana pero hindi niya nagawa. Matibay ang pagkakahawak nito sa kanya at namalayan na lang niya na nakayakap na ito sa kanya mula sa likod.
"Bitiwan mo nga—"
"I really missed you,Forest...And this time, I won't let you go..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top