CHAPTER 03

HINDI makatulog si Forest. Kanina pa siya pabiling-biling ng higa at 'di mapakali. Paano ba naman kasi ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa kanyang isipan ang sinabi ni Neil sa kanya kanina. Ayaw man niya iyong alalahanin pero sadyang nagsusumiksik iyon sa kanyang isip.

"Pero 'di ko naman sadya 'yon!" Malakas na sabi niya at bumalikwas ng bangon. Iginalaw-galaw niya pa ang mga kamay habang patuloy na kinakausap ang sarili. "Ang tagal na n'on pero 'di pa rin nakakalimot? 'Di pa rin ako napapatawad? Siya naman ang may kasalanan kung bakit ko nagawa 'yon kaya bakit siya maghihiganti sa akin? Kaloka!"

They were in their last year in college when that incident happened. She was guilty then. But she just did it to save herself...

"Karyo!" Malakas na tawag niya sa lalaki at hinihingal na mabilis niyang hinawakan ito sa braso.

Kanina niya pa ito hinahanap. Hindi pa siya pumasok sa isa niyang klase dahil kailangang-kailangan niya itong makausap. Kung hindi lang talaga importante ay nungkang lalapitan niya ito.

She knew Neil since childhood because their parents are best of friends. Magkapitbahay pa sila so technically, they can be called as childhood friends. But their relationship is far beyond the words 'childhood friend'. It's the anonym of that. They are rivals, enemies, foes or any words that synonyms to that.

Kahit anong pilit kasi ng mga magulang nila na pagkasunduin sila ay balewala. They just simply hate each other kaya kahit kailan ay hindi sila magkakasundo nito.

Kunot-noong nilingon siya ni Neil at kapagkuwa'y isang nakakalokong ngisi ang sumilay sa labi nito.

"And I wonder why Ms. Forest Yuhico is looking for me," anito at hinarap siya. "What can I do to you, tigress?"

Tinampal niya ang kamay nitong hahawak sana sa kanyang ulo at sinamaan ito ng tingin. Binitiwan niya ang pagkakahawak sa braso nito at naglaan siya ng sapat na distansya sa pagitan nilang dalawa.

Mahirap na. Kahit na never naman siya nitong sinaktan ng pisikal kapag nagkakabanggaan sila ay mabuti pa rin ang nag-iingat.

"Pakisabihan naman yang girlfriend mong kamag-anak ng sawa na layuan niya ang boyfriend ko kung ayaw niyang manghiram ng mukha sa aso," walang gatol na sabi niya.

To be honest, she's freaking hurting right now. Si Luke, ang kanyang boyfriend for three years, ay gusto ng makipaghiwalay sa kanya. At ang dahilan? Nalaman niyang nilalandi ito ng girlfriend ni Neil.

Ayaw niyang makipaghiwalay kay Luke. Mahal na mahal niya ito at hindi siya papayag na mawala ito sa kanya. Tanga na kung tanga. Pero hindi niya ito basta-basta susukuan. Kung kinakailangan niyang magmakaawa at magpakababa ay gagawin niya, 'wag lang siyang iwan ni Luke. Ganoon niya kasi ito kamahal.

Si Luke kasi ang unang lalaki na nagparamdam sa kanya ng totoong pagmamahal at seguridad na mananatili ito sa kanyang tabi kahit anong mangyari. Nagkaroon siya ng ibang karelasyon noon bago si Luke, pero lahat ng mga ito ay mabilis na iniwan lang siya sa hindi niya malamang dahilan.

At mukhang history really repeats itself, Forest. Anang isang bahagi ng kanyang isip. Marahas siyang umiling. No. Iba si Luke. Hindi siya katulad ng mga ex kong walang balls.

Nginisian siya ni Neil matapos mamulsa. "I don't do girlfriends, tigress. So, sino sa kanila ang tinutukoy mo?"

Ngali-ngali niya itong sipain pero pinigilan niya ang sarili. Ah! Bakit nga ba nakalimutan iyon? This legendary playboy never commits. Marahil ay isa sa mga fling lang nito ang babaeng iyon.

Mahirap man lunukin at tanggapin pero gwapo si Neil kaya maraming babaeng nagkakandarapa rito. Ipinagpapasalamat na lang niya sa Diyos na hindi siya kasama sa mga tangang babaeng naghahabol dito.

"Cassy," aniya at humalukipkip. "Tell your flavor of the week to back off kung ayaw niyang balatan ko siya ng buhay. Hindi ang isang tulad niya ang sisira sa relasyon naming ni Luke."

Tumawa ng malakas si Neil sa sinabi niya at ikinainis niya.

Pilit niyang kinakalma ang sarili upang hindi ito suntukin. She's freaking serious right now at hindi niya maisip kung ano ang nakakatawa sa sinabi niya.

"Possessive, aren't we?" Ani Neil ng makahuma. Pilit na pinipigilan nito ang sarili na tumawang muli. "But come to think of it. Don't you think it's a blessing in disguise, tigress? You are bound to marry me so if Luke will be the one breaking up with you, hindi ka na mahihirapan na iwan siya."

Inambahan niya ito ng suntok at tiningnan ito ng masama. "That will never gonna happen."

Kamakailan lang ay kinausap sila ng mga magulang nila ni Neil at sinabing gusto ng mga ito na pakasalan nila ang isa't isa. Pero syempre, pareho silang hindi pumayag. Pagiging magkaibigan nga ay hindi nila magawa, maging mag-asawa pa kaya?

Tumawa muli ng malakas si Neil at kapagkuwa'y tinalikuran na siya. Pero bago tuluyang umalis ay nilingon muna siya nito. Kabaligtaran sa inaasahan niyang ngisi na madalas na ibinibigay nito sa kanya ay seryoso ang mukha nitong tumingin sa kanya.

"Kung talagang mahal ka ng kolokoy na 'yon, kahit anong lapit sa kanya ni Cassy ay hindi siya magpapadala. I think that it's high time for you to see what's beneath of that so called 'love' he's telling you."

Napatanga na lang si Forest sa sinabing iyon ni Neil habang tinitingnan ito maglakad palayo. Ayaw man niyang pansinin pero alam niyang may gusto itong pahiwatig.

C'mon, Forest! Parang di mo naman kilala ang unggoy na 'yan! Pinagtitripan ka lang niyan! Alam mo namang masaya yan kapag nakakaisa siya sa'yo. Umiling-iling siya.

Tama. Hindi niya dapat pansinin kung ano man ang sinabi ni Neil. Siguro ay bagong paraan lang nito iyon para inisin siya.

"Paksyet ka!"

Mabilis na tinanggal ni Forest ang suot niyang sapatos at buong lakas na ibinato iyon sa lalaki na ilang metro lang ang layo sa kanya. Dahil sharpshooter siya, saktong tumama iyon sa noo nito na naging dahilan para ikatumba nito.

Narinig niya ang sunod-sunod na pagsinghap ng mga estudyante na naroon din sa canteen dahil sa ginawa niya ngunit wala siyang pakialam.

Galit na galit siya. Scratch that. Kulang ang salitang galit para ilarawan ang nararamdaman niya ngayon. Kung pwede niya nga lang pulbusin ang lalaki ay baka kanina pa ito pinong-pino sa pagkadurog.

Tuluyan nang nakipaghiwalay sa kanya si Luke. At ang dahilan nito? Sinabi nitong sinabi ni Neil dito na nakatakda na siyang pakasalan ito kaya mas mabuting maghiwalay na silang dalawa.

Hindi niya sinabi kay Luke ang tungkol sa bagay na iyon dahil wala naman siyang balak na pumayag sa kagustuhan ng mga magulang nila. Pero ang lintik na lalaki, sinabi iyon dito. At ang masama pa, mukhang kalat na kalat na sa buong St. Therese University ang tungkol sa bagay na iyon dahil sa tuwing may nakakasalubong siyang kaklase niya ay binabati siya at para bang napakalaking karangalan ang maging asawa ng isang Neil Aragon.

"Damn!" Malakas na mura ni Neil.

Nang makahuma ito sa ginawa niya ay mabilis itong tumayo. Inilang hakbang lang siya nito at mabilis na hinawakan ang kanyang braso. Bahagya siyang napaigik sa higpit ng pagkakahawak nito sa kanya ngunit hindi siya nagpahalata.

"What was that for?!" May gigil na wika nito.

Kung nakakamatay lang ang tingin ay paniguradong kanina pa siya hindi humihinga dahil sa ibinabatong tingin nito sa kanya.

Nginisian niya ito. Akala siguro nito ay masisindak siya sa ganoon lang. Mukhang nakalimutan 'ata nito na black belter siya.

Hinawakan niya ang kamay ni Neil na nakahawak sa braso niya at sa isang iglap ay nakadapa na ito sa sahig.

"Shit! Aray!" Daing ni Neil at pilit na kumakawala sa pagkakadagan niya rito habang nakapilipit ang braso nito.

"You don't mess with Alexandra Forest Yuhico, Nicario Leon Aragon!" Nakangising sabi niya rito at mas lalo niya pang diniinan ang hawak niya sa braso at balikat nito.

Malakas na napaaray muli si Neil sa ginawa niya. Na lalo niyang ikinangisi. Kung pwede niya nga lang tuluyang baliin ang braso nito ay baka ginawa na niya. Pasalamat ito at kahit konti ay may natitira pa siyang awa sa katawan kaya hindi niya ito tutuluyan.

"A-ah...F-forest, b-baka pwedeng madaan sa mahinahong uspan 'to? Baka mamaya, tuluyan nang maputulan ng braso si Neil sa ginagawa mo."

Nag-angat siya ng tingin. Hindi niya napansin na nakalapit na pala ang barkada ng kumag na sina Jacoby, Paolo, Drake at Dex.

"You want to replace him, Jacoby? It's fine with me," nakangiti ngunit may pagbabanta na sabi niya.

Hindi pa nagku-cool down ang nag-aapoy niyang utak. Wala siyang sasantuhin ngayon dahil sinagad ni Neil ang mahabang pasensya na meron siya.

Mabilis na umiling si Jacoby. "A-ah, hindi, hindi. Okay na 'yan. Si Neil ang may kasalanan sa'yo, 'di ba? Sige lang. Ano pa ba ang gusto mong gawin sa kanya? Gusto mo bang ibitin natin siya patiwarik? O kaya ipakagat sa mga langgam? Wala namang problema 'yun. Paniguradong okay lang naman 'yun kay Neil. 'Di ba, Neil?"

Isang malutong na mura ang pinakawalan ni Neil para kay Jacoby na ikinatawa lang ng huli. Matapos ay pilit na nilingon siya nito. "Kapag ako nakaalis lang talaga sa bakal na kamay mong gubat ka, humanda ka talaga sa akin!"

Isang malademonyong tawa ang pinakawalan niya. "Try me, Karyo. Baka hindi lang braso ang mabali sa'yo." Isa pa ulit diin ang ginawa niya sa braso nito na nagpahiyaw rito.

"Forest, maawa ka naman sa kaibigan namin. Marami pa 'yang hahaplusin—"

Tinapunan niya ng masamang tingin si Dex. Nakangisi ito na tila 'di alintana ang kaawa-awang kalagayan ng kaibigan.

"I mean, marami pa 'yang ido-drawing na plates. Kawawa naman 'yan sa mga prof namin kapag walang napasa. 'Di ba, Drake?" Dugtong nito at binalingan si Drake.

Tumango si Drake bilang pagsang-ayon kay Dex at nakipag-high five rito. Mukhang wala rin itong paki sa kalagayan ng kaibigan dahil may mga aliw pa sa mga matang tiningnan siya nito. "Oo nga, Forest. May deadline kaming plates ngayon. Kapag 'di 'yan nakapagpasa, babagsak 'yan at baka 'di pa maka-graduate ngayong taon."

"Forest, pakawalan mo na si Neil. Kung ano man ang ginawa niya sa'yo, ako na ang humihingi nang pasensya," sabi naman ni Paolo na sa pagkakataong iyon ay lumapit sa kanya at hinawakan siya sa balikat.

Napailing siya. Hindi niya talaga maintindihan kung paano napasama sa barkada nila Neil si Paolo. Sa magkakaibigan kasi ay ito ang naiiba. Mabait, mapagkumbaba at tahimik ito. Hindi katulad nila Dex, Jacoby, Drake at ang pinaka sa lahat ng pinaka na si Neil na garapal ang mga mukha at ubod ng yabang.

"Aw! Shit!"

Dahil nawala siya sa focus ay hindi niya napansin na nawala ang pressure sa pagkakahawak niya sa braso at balikat ni Neil at nakaalis ito sa pagkakadagan niya. Namalayan na lang niya na nasa ilalim na siya nito at mahigpit na hawak na nito ang kanyang mga kamay.

"You don't mess with Nicario Leon Aragon, Alexandra Forest Yuhico!" Panggagaya nito sa sinabi niya kanina at nginisian siya nito.

Sinubukan niyang sumipa para makawala ngunit matibay at mabigat ang mga binti ni Neil na nakadagan sa kanya.

"You, jerk!" Ngitngit niya at nagpumiglas.

Nagulat siya nang biglang lumapit ang mukha ni Neil sa kanya. Nahigit niya tuloy ang kanyang hininga dahil doon. Anong balak gawin ng tukmol na 'to?!

Kumabog ng malakas ang kanyang puso. Pakiramdam niya rin ay may kung anong naglilikot sa tiyan niya. Hindi niya malaman ang gagawin. Para siyang may inaabangan na ayaw naman niyang mangyari. Get a grip, Forest! Do something!

"The best way to tame a tigress is to..." Isang nakakalokong ngiti ang kumawala sa labi ni Neil. Matapos ay mabilis ding nabura iyon nang bumaba ang tingin nito sa kanyang mga labi at matamang tinitigan iyon.

Shit! Anong gagawin niya?!

Nagtatalo pa ang kanyang isip kung ano ang dapat gawin para makawala kay Neil pero mabilis na nanlaki ang mga mata niya nang makitang unti-unti nitong tinatawid ang gahiblang distansya na meron sila.

"...kiss her lips."

Nooooooooooooo!

Bago pa tuluyang maglapat ang kanilang mga labi ay malakas na umigkas ang kanyang paa. At sapul ito kung saan sumisikat ang araw rito.

Narinig niya muli ang sunod-sunod at malakas na pagsinghap ng mga estudyanteng naroon dahil sa ginawa niya. Pati sina Jacoby, Drake, Paolo at Dex ay tila natulala na lang dahil sa nangyari.

Nanghihinang napagulong palayo si Neil sa kanya habang sapo-sapo ang nasaktang si 'junior'.

Mabilis siyang tumayo at dumistansya rito.

"Akala mo makakaisa ka sa akin? Neknek mo!" Aniya at inismiran ito.

Namimilipit sa sakit na tiningnan siya ni Neil. May kung ano sana itong gustong sabihin pero hindi na nito nagawang bigkasin dahil nawalan ito ng malay.

Shit! Nanlalaki ang mga matang mura niya sa sarili.

Mukhang napasobra siya sa ginawa niya at tuluyan na niyang tinanggalan ng kinabukasan si Neil!

Namalayan na lang niya na buhat-buhat na si Neil nila Dex at mukhang dadalhin na si clinic habang siya ay nananatiling nakatayo roon at binabato ng masasamang tingin ng mga naiwang estudyante roon.

Ilang linggo ring nanatili si Neil sa ospital dahil sa ginawa niya at sangkatutak na sermon ang inabot niya sa mga magulang niya dahil doon.

Kahit na nakaramdam siya ng matinding guilt at ngali-ngaling puntahan ito sa ospital upang magpaalila para makabawi sa ginawa niya ay may isang bagay na ipinagpasalamat siya noon. Iyon ay ang sabihin ng mga magulang niya na hindi na itutuloy ang plano ng mga ito na ipakasal silang dalawa.

"Siguro naman ay capable pa naman siyang magkaanak, no? Hindi naman siguro siya nabaog sa ginawa ko noon?" Tanong niya sa sarili at nangalumbaba.

Wala naman kasing nabanggit sa kanya ang mga magulang niya noon na naging epekto sa ginawa niya sa 'junior' nito kaya siguro naman ay kaya pa naman nitong magparami.

Napapitlag siya nang marinig niya ang pagtunog ng kanyang cellphone. Dinampot niya iyon at kapagkuwa'y napanganga siya sa nabasang mensahe.

"Sleep, tigress. Stop thinking of me. You're making me restless. I can't sleep. – Your husband, Neil."

"What the heck?!"

May psychic powers ba si Neil? Bakit alam nitong iniisip niya ito? Saan nito nakuha ang number niya? At teka nga, bakit nga ba kasi masyadong naliligayahan ang utak niya na isipin ito? At isa pa pala...

Bakit parang may kung anong kumilitisa puso niya nang mabasa ang last three words ng message nito?    

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top