CHAPTER 02
"MAG-USAP nga tayo!" Mabilis na hinila ni Forest si Neil patungo sa hardin ng bahay ng mga magulang nito nang makawala sila sa paningin ng matatanda.
Matapos makatanggap ng batok sa kanya si Neil (na hindi nito naiwasan) kanina dahil akala niya ay sa motel talaga siya nito dadalhin ay napatanga na lang siya nang sabihin nitong ipinapatawag sila ng mga magulang nila para magsalo-salo sa pananghalian at dahil na rin may importanteng sasabihin ang mga ito sa kanila.
Hindi na niya kailangan pa manghula kung ano ang pag-uusapan. Nasabihan naman na siya kung ano ang plano ng mga ito ilang araw na ang nakakalipas na naging dahilan nga kung bakit stress na stress siya.
Habang nag-uusap ang mga magulang nila ni Neil kanina ay kating-kati ang dila niya na sumalungat at tumutol sa mga sinasabi ng mga ito ngunit hindi niya magawa dahil palagi siyang pinipigilan ni Neil. Palagi siya nitong inuunahan magsalita at ang mga magulang naman nila ay tila walang pakialam sa nakabusangot niyang mukha.
Gustong-gusto na niyang mag-walk out kanina. Pero dala ng hiya sa mga magulang niya at ni Neil ay pinigilan niya ang sarili. Kahit naman masama ang loob niya sa naging desisyon ng mga ito ay naroon pa rin ang respeto niya.
"I should be the one holding your hand but it feels nice that you're the one holding mine..."
Napatigil siya sa paglalakad. Napatingin sa magkahugpong na kamay nila ni Neil. Matapos ay nag-angat ng tingin sa mukha nito.
Nakangiti ito sa kanya. 'Yung ngiti na tila nagpagulo ng sistema niya. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit pero pakiramdam niya ay sinsero ito sa sinabi.
Oh c'mon, Forest! He's just teasing you for pete's sake! 'Wag kang praning! 'Tsaka kailan ka pa naaepktuhan ng ngiti ng unggoy na 'yan, aber?
Tila nakukuryenteng mabilis niyang binitawan ang kamay ni Neil. Humalukipkip siya at hinarap ito. "Bakit ka pumayag sa gusto nila?" Seryosong tanong niya.
Gusto niyang malaman kung anong nagtulak dito para pumayag sa kagustuhan ng mga magulang nila. Hindi niya kasi makuha ang point nito. They hated each other since immemorial. And marrying each other is the funniest joke she can ever think of.
Namulsa si Neil. Matapos ay naupo ito sa pahabang upuan na gawa sa kahoy na naroon at naliliman ng puno ng mangga.
"Because it's convenient to do," nakangising sagot nito.
"Cut the crap, Karyo!" Asik niya. She has no time for his joke. "Do you think I'll buy that? What's your real reason? Is this about your inheritance?"
Ganoon naman kadalasan sa teleserye, 'di ba? Kaya pumapayag sa fixed marriage ang hero or heroine ay dahil may manang nakataya?
So, iniisip mong kayo ang bida sa teleserye? Hala siya! Madalasan ang mga bida, may happy ending. At sila ang nagkakatuluyan! Mabilis na napailing siya sa naisip. Of course not! Kahit kailan ay never niyang naisip na sila ang magkakatuluyan ni Neil. Isipin niya pa lang ay kinikilabutan siya. Eeew.
Isang matunog na tawa ang sagot ni Neil sa kanya. Napahawak pa ito sa tyan na tila nakarinig ito nang isang nakakatawang joke.
Nagmamartsang naupo siya sa tabi nito. Masama ang tingin na hinampas niya ito sa braso.
"Aray!" Anito at tumatawa pa ring hinawakan ang braso nitong nasaktan. "Ang brutal mo talaga sa akin kahit kailan! Kailan ba mawawala ang pagiging tigresa mo?"
Hahampasin niya sana ulit ito nang hawakan nito ang kanyang kamay. Matapos ay lumapit ang mukha nito sa kanyang mukha na ikinatigil niya at naging dahilan ng malakas na kabog ng kanyang dibdib.
"A-anong ginagawa mo?" Kinakabahang tanong niya.
This isn't the first time Neil did it. At ganoon pa rin ang epekto sa kanya sa tuwing gagawin nito iyon. Pakiramdam niya ay may gyerang nangyayari sa kaloob-looban niya at nabablangko ang utak niya.
"It's been what? Seven years? And yet, you still have that spell..." Seryosong sabi ni Neil sa kanya habang matamang tinitingnan siya sa mga mata.
Napalunok siya. Nalito rin siya sa narinig. Hindi niya makuha ang ibig sabihin ng mga binitiwan nitong salita.
"I really missed you, Forest..."
Nabigla siya. Hindi niya inaasahan na marinig ang sinabi nito. Pakiramdam niya rin ay naumid ang kanyang dila at nahihirapan magproseso ng mga salita ang utak niya.
Shoot! Now, she's totally at lost.
Gusto niyang barahin si Neil. Sapakin. Tadyakan. O kaya ay kutusan pero tila wala siyang lakas. She doesn't understand why his words have a strong impact to her. Kung tutuusin, hindi naman siya dapat maapektuhan lalo na't galing ang mga salitang iyon sa 'forever kaaway' niya. Pero bakit ganoon? His words just simply put her in daze and made her heart beat the fastest it can be.
Lumapit pa lalo si Neil sa kanya na ikinaparalisa niya. Itinapat nito ang bibig sa kanya at bumulong, "...and you fell for it."
Isang malakas na tawa ang muling kumawala sa labi ni Neil matapos dumistansya sa kanya. Binitawan na siya nito at muling sinapo nito ang tiyan dahil sa kakatawa.
Napanganga siya. Kapagkuwa'y mabilis na nag-init ang bumbunan niya.
She should have known better. Bakit ba hindi niya pinakinggan ang bulong ng isip niya kanina na binibiro lang siya nito? Na hindi naman ito seryoso sa sinabi nito? Now, she feels stupid for falling on his trap.
Disappointed, Forest? Pero bakit ka madi-disappoint? Sino ba siya sa'yo? Sarkastikong tanong sa kanya ng kabilang bahagi ng isip niya.
Ikinuyom niya ang kanyang mga kamao ng mahigpit. Matapos ay tumayo na siya. Ngali-ngali niya itong bugbugin pero pinigilan niya ang sarili. Nasa loob pa rin sila ng pamamahay ng mga magulang nito at naroon din ang mga magulang niya kaya ayaw naman niyang makita ng mga ito kung paano niya ihahatid sa impyerno si Neil.
May araw ka rin sa aking unggoy ka! Gigil na wika niya sa sarili at nagtiim-bagang.
"Hey! Saan ka pupunta?" Tanong ni Neil sa kanya nang makita sigurong naglalakad na siya palayo rito.
Saglit lang niya itong nilingon. Tinapunan niya ito ng nakamamatay na tingin. "Sa CG Cemetery. Maghuhukay ng paglilibingan mo," aniya at tuluyang naglakad na palayo.
Nang makarating siya sa loob ng bahay ay napahawak siya sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng sakit sa parteng iyon.
Pisti! Ano'to? Naguguluhang tanong niya sa sarili.
"BAKIT kaya ang gwapo ni mayor? Haaaaay..." Dreamy na wika ni Forest sa sarili habang nakatingin kay Mayor Maria Crisostomo Tuazon na tahimik na sumisimsim ng kape at nagbabasa ng dyaryo sa sulok ng Banana Zone.
Simula nang maispatan ito ng kanyang mga mata kanina ay hindi na niya ito nilubayan ng tingin.
Matagal na kasi siyang may pagsintang pururot sa mayor ng Capogian Grande. Napakagwapo naman kasi talaga nito kaya naman maraming nabibighani rito at isa na siya roon.
Haaaaay...sarap sigurong maging syota ni mayor!
"Aray!" Mabilis na napahawak siya sa kanyang nasaktang noo nang may pumitik doon. Nag-angat siya ng tingin upang tingnan ang lapastangan na may gawa n'on sa kanya at napanguso nang makita si Zarin na nakangisi sa kanya habang nilalapag sa mesa ang kanyang order na banana muffin.
"Huwag mo ngang pagnasahan ang bebelabs ko! Akin lang siya!" Anito at matapos mailapag ang order niya ay nangalumbaba rin tulad niya at tila kinikilig na tumingin sa mayor.
"Kapag nakita ka ni kuya Clint na ganyan, lagot ka. World war three na naman kayo," aniya rito at nginisian ito.
Saglit lang siya nitong nilingon at kapagkuwa'y muling ibinalik ang tingin kay Mayor Maria. "Sus! 'di naman niya malalaman. Nasa Hacienda Adela siya ngayon at busy sa pagha-harvest ng kamote dahil anihan na."
"Talaga lang, ha?" Aniya at pilit na pinipigilan ang sarili na tumawa.
Paano ba naman kasi, saktong kakakita niya lang kay Clint na pumasok sa café at kunot na kunot ang noo nito habang nagpapalipat-lipat ng tingin kay Zarin at kay Mayor Maria.
"Kuya Clint!" Malakas na tawag niya sa lalaki na ikinalingon nito at ni Zarin.
Natawa siya nang makitang namutla si Zarin sa pagkakakita kay Clint. Mabilis itong tumayo at bago lumapit kay Clint ay inambahan siya nito ng batok pero binelatan niya lang ito.
Humahagikhik na sinundan niya ng tingin ang dalawa na pumasok sa loob ng kitchen. Nakita niya pang tumawa rin ang mga staff ni Zarin dahil sa nangyari.
"'Ayan! Solo na ulit kita! Wala na si Ate Zarin! Ha-ha!" Parang tangang wika niya sa sarili at gamit ang dalawang kamay ay nangalumbaba ulit siya at tiningnan ang kanyang kras.
Masaya na siya sa ginagawa nang biglang may humarang sa kanyang harapan. Nagpalinga-linga siya upang habulin nang tingin ang mayor pero sa tuwing gagawin niya iyon ay humaharang ang nasa harapan niya. Sa inis niya ay masama ang tingin na tiningnan kung sino ang epal na humaharang. At naalibadbaran lang siya nang makita ang pagmumukha nito.
"Umalis ka nga diyang unggoy ka! Panira ka ng view, eh!" Aniya at pilit na hinahawi si Neil.
Nilingon ni Neil ang kanyang tinitingnan at kapagkuwa'y kumunot ang noo nito. "Nasaan ang magandang view? Wala naman, eh!" Anito at inihilamos ang kamay nito sa kanyang mukha.
"Ano ba?!" Inis niyang sabi at pilit na inalis ang kamay nito sa kanyang mukha. Inangilan niya ito. "Ano bang ginagawa mo rito? Kung nasaan ako, nandoon ka rin. Kailan pa kita naging stalker?"
Hindi niya alam kung ano ang ginagawa ni Neil doon. Sa pagkakaalam niya kasi ay nagpunta ito sa Bajo Del Sol dahil kakausapin nito si Dex para sa itatayo nitong construction firm sa Capogian Grande.
Tumatawang naupo si Neil sa kanyang harapan at sa gulat niya ay kinuha nito ang kapeng iniinom niya at uminom ito roon.
Syet na malagket! Indirect kiss 'yon!
"Anak ka ng—"
"Hmmm...sarap!" Anito matapos sumimsim. Tiningnan siya nito at ngumiti. "Akin na lang 'to, ha? Masarap sa panlasa ko, eh. Ibibili na lang kita ng bago, okay?"
Napatanga na lang siya sa sinabi ni Neil at hindi na nakapagprotesta pa. Namalayan na lang niya na tinawag na nito si Gabrielle, isa sa mga staff ni Zarin, at um-order ng bagong kape.
"Ano ba kasing ginagawa mo rito?" Tanong niya ng makahuma.
Ilang araw na siyang naguguluhan sa inaakto ni Neil sa kanya. Naroon pa rin naman ang pang-aasar at pangbu-bully nito pero may mga kilos ito tulad ngayon na hindi niya maesplika ng maayos. Tila ito isang malaking puzzle ngayon na nahihirapan siyang resolbahin.
"Mayroon lang akong kikitain," sagot nito.
Napalunok siya nang makita ito na uminom ulit ng kape sa tasang iniinuman niya kanina habang nakangiting pinagmamasdan siya. Umaalingawngaw muli sa kanyang utak ang mga salitang 'indirect kiss' dahil doon.
Anak talaga ng pitumpo't pitong puting tupa! Erase, erase, erase! Wala lang 'yan, Forest! 'Wag mo bigyan ng kahulugan. Parang 'di mo naman kilala ang tukmol na 'yan! Inaasar ka lang niyan kaya dedma lang!
Tumikhim siya upang alisin ang agiw ng kanyang utak at tinaasan niya ito ng kilay. "At sino naman, aber?"
"Mistress ko. Ipapakilala ko sa'yo para 'di ka na masaktan kapag nakita mo kaming magkasama," anito at tumawa.
"Siraulo!" Aniya at kinuha ang tissue sa mesa, nilukot at binato rito. "Wala akong paki. 'Di kita asawa para masaktan kung may mistress ka!"
"Let me correct you, wifey," sabi nito at nangalumbaba sa kanyang harapan. "It should be 'hindi pa' because sooner or later, you'll be my wife whether you like it or not."
"Sa tingin mo papayag akong mangyari 'yon? Over my dead body, Karyo!" Aniya at inismidan ito.
"Let's see," nanghahamon na sagot nito sa kanya at ngumisi.
"You know what? Hindi ko talaga alam kung anong pumasok diyan sa utak mo at pumayag sa kagustuhan ng mga magulang natin. We both know we don't like each other. We hate each other's gut, to be more specific. And yet, it's so easy for you to say yes to this ridiculous marriage," umiiling na sabi niya. "I really don't get you."
"What if my reason is because I love you? Will you believe me?" Sabi nito at nginisian siya.
Napipilan siya sa sinabi nito. Nagulat siya at hindi niya inaasahan ang ganoong sagot mula rito. As if it's true. C'mon, Forest! Don't fall for his trap again.
"T-that's bullshit, Neil!" Aniya at inismidan ito. "Give me other reason. You are better than that."
Nabura ang ngisi sa labi ni Neil. At bigla na lang sumeryoso ang mukha nito na ikinakunot ng noo niya.
Lumapit ito ng bahagya sa kanya at kapagkuwa'y bumulong sa kanya, "well then, let say this is my revenge to you...for what you did to me that day."
Mabilis na tumayo si Neil at iniwan siya nito habang siya ay natulala na lamang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top