CAMPUS ZOMBIS
Lakad takbo ang ginawa ni Claudia marating lang ang eskwelahan. Saglit siyang napatigil at tumingin sa relos.
"Shocks! 3 minutes na lang. Ba't ba walang masakyan?" reklamo niya
Malayo pa ang lalakbayin niya. Mahuhuli na siya sa flag ceremony. Baka hindi na siya papasukin. Ngunit sa kabila ng lahat, takbo pa rin siya nang takbo. Umagang umaga haggard na siya.
Muling napatigil si Claudia nang makarinig ng ingay. 'Sa wakas may masasakyan na ako.' Ani nito sa isip 'Tsk,kung kelan malapit na ako. Wag na lang kaya ko na 'to.'
Lumingon pa rin ito dahil palakas nang palakas ang ingay. May mga tao na ring bumabangga sa kanya't nagtatakbuhan.
'Ano ba 'tong mga 'to!? Late rin ba?' reklamo nito sa isip nang muntikan na itong matumba
Laking gimbal na lang niya nang may makitang nagkakagulo.
May mga taong nagkakagatan na naghahanap pa ng ibang mabibiktima. Mga taong napakaputla, maraming ugat sa katawan, malalaking mata at tila ba luwa, mabagal maglakad, nakaangat sa ere o di kaya'y bali-baliktad na nakapulupot ang mga braso't kamay na tila ba mga...
"Z-zombie?" tila nawalan ng lakas ang dalaga sa nakita
Ang mga taong nakagat ng pinaniniwalaan niyang zombie na kanina'y nawalan ng malay ngayon ay bumabangon at tila ba isa na ring zombie.
"Aray! Sorry miss, tumakbo ka na!" tsaka lamang ito natauhan nang may bumangga sakanyang isang mama, isa sa mga nagtatakbuhan
Muli ay tumakbo siya nang tumakbo. Hindi alam kung saan pupunta. Hanggang madapa ito.
Lumingon siya't nakitang nagkalat na ang mga zombies. Kahit hirap ay bumangon siya't paika-ikang tumakbo.
"Wait lang po!" sigaw niya nang akmang pagsasarhan na siya ng gate ng mga guards
"Nako hija bilis!" sigaw din pabalik sa kanya ng isa sa mga guardiang natigil sa pagsara ng tarangkahan
"Salamat po." hingal na hingal siya at halos maputla na ang itsurang halos mapaupo na sa sahig pagpasok na pagpasok pa lang sa school grounds
"T-teka, ba't wala pong tao?" tanong nito nang makitang napakalinis ng school grounds. Hindi dahil sa walang kalat kundi dahil sa walang mga estudyanteng nagpa-flag ceremony.
Tiningnan niya ang orasan at 5 minutes late na siya. Wala ring iba late at gurong nagtse-tsek ng mga late na bata gaya niya.
"Alam mo na naman siguro ang nangyayari sa labas 'no? Mas mabuti nang safe lahat ng estudyante sa loob ng kani-kanilang classroom. Kaya isasara namin lahat ng gates para walang makapasok na zombie." Tugon ng gurdia sakanya
"Oo nga hija. Kaya ikaw pumunta ka na rin sa klase mo." Sabi ng isa pang guardia
"Sige po, salamat."
Nang makakuha ng lakas, imbes na sa silid aralan ay sa clinic siya tumungo.
"N-nurse, tulungan mo 'ko." Humahangos nitong sabi sa nars oras na pagpasok niya sa clinic
"Nako napano ka? Umupo ka muna." Sabi nito at inalalayang maupo ang dalaga
"Y-yung p-paa ko po.." hinang hinang sambit ni Claudia
"Bakit anong nagya—" napatigil ang nars at napahakbang patalikod nang makita ang tila ba kagat ng tao o halimaw o zombie sa binti ng dalaga
"I-infected ka na?" natatakot nitong sambit na patuloy pa rin sa paghakbang patalikod habang tinitingnan ang nangingisay na dalaga hanggang sa tuluyang nawalan na ng malay
Natatakot man ay pilit na lumakad ang nars papalapit sa dalaga na katabi ng pinto. Gustong lumabas ng nars upang manghingi ng tulong dahil alam na niya ang mangyayari oras na magkamalay ang dalaga.
"Wag kang papasok!" sigaw ng babae nang may makitang batang lalaking papasok sana ng clinic ngunit huli na ang lahat
Napakabilis ng pangyayari at sa isang iglap ay kinagat na ng dalaga ang bata sa leeg.
Napakalakas na sigaw ang narinig mula sa bata habang nagkikikisay. Napatulala ang nars sa nasaksihan lalo na nang balingan siya ng tingin ni Claudia matapos mawalan ng malay ang bata.
Isang napakalas na tili ang umalingawngaw mula sa clinic.
"Aisht ano ba yan! Late nanaman tayong palabasin ni Ms. Tanco." Reklamo ni Jun habang kasabay ang dalawang kaibigan, sina Shy at Chrisy, sa paglalakad palabas ng room
"Oo nga, gutom na ako." Sabi ni Shy at nagpout
"Pagkain lang naman sa isip mo eh." Sabi ni Chrisy na nauna sa paglalakad
"Oy hindi kaya." Depensa ni Shy
"Pati siya?" sabay sabay na sambit ng tatlo at nagtawanan
"Hay nako ewan. Bilisan niyo na nga sa paglalakad baka inaantay na nila tayo. Tiyak nasa canteen na ang mga iyon." Sambit ni Chrisy at tinutukoy ang iba pa nilang mga kaibigang hindi nila kaklase
Nang makarating na sila sa may hagdanan ay nagtaka sila kung bakit nagkukumpulan ang iba pa nilang kaklase at hindi pa bumababa.
"Problema niyo guys?" nagtatakang tanong ni Jun sa mga kapwa nasa ika-sampung baitang na
"Oo nga, ba't di pa kayo bumab---" literal na napanganga si Shy nang makita ang dahilan kung bakit nakatulala rin ang mga kaklase. Tila ba ang seksyon na lang nila ang nasa ikalawang palapag.
"Mga zombie ba sila?" narinig nilang tanong ng isa pa nilang kaklase na kakarating lang
Tama. Mga estudyante na naging zombie ang nasa di kalayuan sa baba ng hagdan. Napatingin na sakanila ang isa mga ito at di nagtagal lahat na ng zombie ay naglalakad na patungo sa kanila.
"So what are you waiting for? Run for your life!" sigaw ni Chrisy dahilan para magtakbuhan ang lahat
Yun iba ay nagtago na sa mga classroom at ni-lock pa ito.
"Ang damot niyo! Papasukin niyo kami!"
"Oh my God bes asan ka na?"
"Help! Tulong!"
"Gosh! Paparating na sila!"
Kanya-kanyang sigaw ng mga natatarantang estudyante ngunit hawak hawak pa ring tumatakbo ang tatlong magkakaibigan.
"Halos lahat ng classrooms naka-lock. Ayaw nilang magpapasok." Naiiyak nang sambit ni Shy
"Kailangan natin silang mahanap." Natatakot man ay nasa isip pa rin ni Jun ang mga kaibigan
"Guys wag nga kayong matakot. Natataranta ako." Sabi ni Chrisy at napatigil na sa pagtakbo. Napahawak siya sa tuhod at hinabol ang paghinga. Napatigil na rin ang dalawa pa "Mabagal naman maglakad yung mga zombie kaya we're safe as of now."
"Ayun sila!" sigaw ni Jake sa di kalayuan --- kasama sina Angelou, Jade, Mario, Pipo at Cedric -- at tumakbo palapit sa mga kaibigan. Naghahanapan lang pala sila.
"Guys buti na lang ligtas kayo." Sambit ni Angelou na naiiyak na rin at hinahabol ang paghinga
"Hahanapin nga rin namin kayo eh." Jun
"Pagtapos ng PE class namin. Nag-canteen na kami." Hingal na hingal na paliwanag si Mario
"Ang tahimik ng canteen. Nang bigla na lang sumalakay yung mga zombie." Pagpapatuloy ni Cedric dahilan para tuluyan nang umiyak si Angelou. Nakita niya kasi kung paano ang nangyari sa mga kaklase.
"Kaya pumanik kami agad. Buti na lang di pa kami nakakapasok ng tuluyan sa canteen." Pipo
"And guys we have no time to chitchat dahil nakapanik na sila ng hagdan." Sambit ni Jade dahilan para mapalingon sila sa likuran, sila na lang pala ang estudyanteng nasa labas "Run bitch, run!"
Muli, magkakasama silang tumakbo para humanap ng matataguan.
"Dito!" turo ni Cedric sa hagdan at pumanik na sila papanik ng ikatlong palapag
Hingal na hingal sila sa tila ba walang katapusang takbuhan. Tumigil lang sila sa pagtakbo nang nasa gitna na sila ng palapag. Napakatahimik dito. Tila ba sila lang tao. Wala kasing gumagamit sa mga classroom dito at puro laboratories lang.
"Kailangan nating makahanap ng mga panangga incase may umatake satin." Sabi ni Jake na sinangayunan ng lahat
Nagsimula na silang maglibot sa buong palapag. Pumasok sina Angelou at Chrisy sa science laboratory.
"Ano kayang chemical ang pwede nating gamitin sakanila?" nagulat ang dalawa nang biglang sumulpot si Pipo, sumunod din pala ito sakanila
"Sana pala sa computer lab pumunta para makapagsearch tayo." Chrisy
"Mukhang safe naman dun. Building A palang ata inaatake." Angelou
"Pansamantala eto muna ang weapon natin." Sabi ni Pipo at kumuha ng walis at dustpan sa dulo ng classroom
"Sabihan kaya natin sil--" hindi na natuloy ni Chrisy ang sasabihin nang makarinig sila ng sigaw kaya dali dali silang lumabas
"Shy!" sigaw ni Jake habang tumatakbo palapit kay Shy
"Anong nangya--" napaawang na lang ng bibig si Angelou sa nakita
Yung janitor na naging zombie ay hawak na si Shy na ngayo'y nagpupumiglas at sumisigaw.
Pinukol ni Jun ng eraser ng blackboard yung zombie dahilan para mabitawan niya si Shy na dali-daling tumakbo't nagtago sa pinakamalapit na classroom. Binalingan ng zombie ng tingin si Jun.
"Sht! Guys tago!" kanya-kanya silang tago sa pinakamalapit na kwartong mapupuntahan
Ilang minuto rin ang tinagal ng pagtatago ni Jake at Mario sa loob ng isang classroom. Pinapakiramdaman ang nangyayari sa labas. Muling sumilip si Jake sa bintana at nang makitang malapit na ang zombie sa hagdanan ay dahan dahang lumabas ito.
"Anong gagawin mo?" tanong ni Mario ngunit sinenyasan lang ito na tumahimik
Ingat na ingat lumikha ng ingay si Jake at nang malapit na sa zombie ay tinulak niya ito dahilan para mahulog ito sa hagdan pababa hanggang first floor. Lumabas na rin si Mario na kanina pa nakasilip. Kinatok ng dalawa ang mga kwartong pinagtataguan ng mga kaibigan para sabihing ayos na ang lahat.
Pumasok silang lahat sa kwartong nakaawang para palabasin na si Shy ngunit laking gulat nila nang makita itong walang malay. Nilapitan ito ni Jake at ginising. Papalapit na rin ang iba nang matigilan sa nakita. Oo nga't nagkamalay na si Shy nang bigla nitong higitin si Jake at kagatin sa leeg dahilan para sumigaw ito.
Nagkapalitan ng mga tingin ang magkakaibigan tila ba isa lang ang tumatakbo sa isip. Ang dalawa nilang kaibigan, zombie na.
Nang mawalan si Jake ng malay ay dahan dahan silang napahakbang palabas kasabay ng dahan dahang pagtayo ni Shy.
"Guys takbo." Nanghihinang sambit ni Chrisy na nanguna na sa pagtakbo at naiwan ang mga kaibigang nakatulala pa rin at maiiyak na "Guys save your lives! Follow me!"
Nang papalapit na si Shy sakanila ay dun na lang sila natauhan at nagkanya-kanyang takbo. Ang iba'y sumunod kay Chrisy na desididong mangalap ng impormasyon sa computer laboratory na ngayo'y pababa na ng hagdan. Samantalang si Cedric ay di alam kung saan pupunta.
"Cedric, dito!" sigaw ni Pipo sa tila naliligaw na si Cedric. Naroon sila tumatakbo sa mahabang pasilyo ng ikalawang palapag.
"Akala ko ba sa com lab? San pupunta yung dalawa?" tanong ni Jade
"Yaan mo sila." Mario
"What?" napatigil sa pagtakbo si Angelou "Iiwanan natin sila?"
"Kaya nilang protektahan ang sarili nila. Bahala ka kung gusto mo silang sundan." Jun
"Ikaw na ngang nagsabi na building A palang naatake. Siguro naman safe pa sa building B?" Chrisy
"Nabiktima na nga sila Jake eh." Napipilitan man ay muling tumakbo si Angelou at sumunod sa mga kaibigang napapalayo na. Sa building C sila papunta.
Paika-ikang naglakad papuntang guard house si Ms. Tanco.
"Oh, Ma'am Tanco! Napano kayo?" tanong ng guardia
"Ay, nabali po kasi yung heels ko kakatakbo." Sagot ng guro
"Eh? Ba't ka ba tumatakbo?" nagtatakang tanong ng guardia kaya nagtaka rin si Ms. Tanco
"Hindi niyo po ba alam? May zombi--" naputol ang sasabihin ng guro nang sumingit ang nakakabatang guardia
"Oho ma'am alam na po namin. Kaya po nandito kami. Inaabangan po namin yung mga pinaorder ni Sir Ravina na mga armas at antidote panlaban sa mga zombies. Nauubusan na raw kasi ng stock yung clinic ng antidote." Si Sir Ravina kasi yung assistant principal na nakatoka sa mga gantong aktibidad.
"Ganon? Makakarating pa ba sila." Ani Ms. Tanco
"Sana. Hindi rin namin alam ang nangyayari sa labas eh." Wika ng matandang guardia
"Kaya po ako nandito para sabihing kailangan na nating i-evacuate yung mga natitirang estudyante. Lalo na yung mga elementary at kinder hangga't malayo pa yung mga zombies." Paliwanag ng guro
"Sige ho, tawagan ko lang yung iba pa para makatulong."
Unang nakapasok sa computer laboratory si Chrisy. Sumunod na rin sina Jade, Mario, Jun, at Angelou.
"Akala ko ba di ka susunod?" nakangising tanong ni Jade
Hindi na lang sumagot si Angelou at ni-lock na lang ang pinto para hindi sila atakihin ng zombies kung meron man
"Hays. Magaaway pa oh. Mag-search na lang kayo." Awat ni Chrisy na umupo na sa tapat ng isang computer at binuksan ito
Nanlulumo namang napaupo sa sahig ang apat sa sinapit ng dalawang kaibigan.
"Guys mahirap din 'to sakin pero kailangan nating magpakatatag." Sabi ni Chrisy na pinipigilang mapahikbi
"Tama. Para sa atin. Kailangan nating makaligtas. At kung sakali mabalikan natin sila Pipo." Tumayo na si Mario at tumabi kay Chrisy para mangalap din ng impormasyon
"Paano?" napasandal na lang sa pader si Jun
Niyakap na lang ni Angelou ang mga binti at nilubog ang ulo sa tuhod at tahimik na humikbi.
Lahat ng classrooms dito sa ikalawang palapag ay naka-lock. Mga madadamot na estudyanteng ayaw din magpapasok. Ultimo CR ay naka-lock. Kaya sina Pipo at Cedric ay nakapasok nagtago sa CR ng mga babae. Nagulat naman sila nang makita ang dalawang babaeng kaklase, sina Ariel at Catherine.
"Buti di niyo ni-lock." Paraan ng pasasalamat ni Pipo
"May inaantay kami eh." Pagdadahilan ni Catherine
"Sino naman?" tanong ni Cedric
"Yung iba pa naming kaibigan." Sagot ni Catherine
"Eh pa'no kung zombie ang nagbukas ng pinto?" halos sabay na tanong nina Pipo't Cedric na kapwa pareho ang tumatakbo si isip
Umiling si Ariel "Hindi yan. Hindi nila kayang gumalaw ng mga bagay. Kahit ang paghawak lang ng doorknob. Ang kaya lang nila ay mambiktima pa ng mga tao."
"Ganun?" sabay nanamang sabi nina Cedric
"So tao lang ang kaya nilang hawakan?" tanong ni Jun kay Chrisy. Nakatayo siya sa likod nito at sinisilip ang mga sinisearch. Ganun din sina Jane at Angelou na ngayon ay unti unti nang tumatahan.
"Yeah, kaya kailangan nating buksan yung pinto para ma-rescue tayo." sabi ni Mario "Nakachat ko si Sir Ravina. Nag-evacuate daw sila tsaka yung mga natitirang estudyante at teacher na buhay pa dun sa third floor ng building B, dun sa auditorium."
"End of the world na naka-online pa rin." Sarkastikong sambit ni Jane at sumilip sa pinto ngunit isang tahimik na pasilyo lamang ang bumungad sakanya "Sana may nagra-round na guards para maligtas yung mga estudyanteng gaya natin na wala sa auditorium."
"Yun daw yung safe zone sa ngayon." Mario
"Sa ngayon pa lang." Angelou
"Grabe tingnan niyo yung city." Nanlulumong sabi ni Chrisy at tiningnan nila ang monitor nito. Makikita yung live broadcast na nangyayari sa buong Luzon. Halos wala nang mga uninfected na tao sa daan na tila ba sinakop na ng mga zombies ang mundo. Kung saan ito galing ay hindi alam.
Napabuntong hininga na lamang si Chrisy at nilipat ang tab sa mga kakayanan ng mga zombie.
Binasa ni Jade ang mga nakasulat "Pag sa leeg sila nakakagat, madaling kakalat ang virus sa katawan mo. Pag sa ibang parte, may time ka pa at hindi ka agad mawawalan ng malay."
"Magpakagat nga ako sa paa." Ani Jun
"Jun, hindi ito maganda biro." Saway ni Jade kaya nag-peace sign na lang si Jun
"Hindi rin sila nakakakita sa dilim pero malakas ang pandinig nila." Basa ni Chrisy sa nakasaad
"Patayin natin yung ilaw." Sabi ni Jun at siya ring gumawa kaya ang ilaw na lang na nagmumula sa dalawang bukas na monitor ang nagbibigay liwanag
"And may antidote?" basa ni Angelou sa nakasulat
"Antidote? Kaya sila umalis para sa antidote? Meron yung school nun?" gulat na tanong ni Pipo sa dalawang babae
"Oo. Kanina pa nga sila eh. Kinakabahan na nga ako para sakanila." Sabi ni Catherine
"May dalawang antidote daw. Isa para sa mga infected na at isa para hindi na mainfect." Pagdadahilan ni Ariel
Ilang sandali pa ang nakarinig sila ng mga kalabog.
"Sila na ata yan." Sambit ni Catherine
Akmang bubuksan na ni Catherine ang pinto nang pigilan siya ni Ariel "Kung sila yan, alam nilang bukas yan."
"Kailangan nating pumunta ng auditorium dahil nagiinject daw sila ng antidote para safe dahil sa viru-- Fudge, ba't biglang nawalan ng internet connection." Reklamo ni Mario
"Hala sakin din." Chrisy "What the--" biglang namatay yung mga monitor kaya binalot sila ng kadiliman
Binuksan naman ni Jun ang mga ilaw na siyang malapit sa switch ngunit "Brownout ata."
Nagdikit dikit ang magkakaibigan at sumilip sa pinto. Isang madilim na pasilyo ang bumungad sa kanila at sa dulo nito ay may pigura ng isang taong paika-ikang maglakad.
"Zombie ba yan?"
Napamura na lang sila Ariel at Pipo nang biglang namatay ang mga ilaw. Napatili naman si Catherine. Buti na lang may mga bintana kaya may source pa rin sila ng liwanag. Ngunit hindi pa rin tumitigil ang kalabog sa pinto.
"Ariel! Catherine! Nandiyan pa ba kayo?"
"Jose? Klein? Louise? Kayo na ba yan?" tanong ni Catherine at tuluyan nang binuksan ang pinto "Asan yung antidote?"
Nagulat ang tatlo sa presensya nila Pipo at Cedric ngunit agad din namang nakabawi.
"Nahuli kami ni Sir Ravina sa clinic." Nanghihinayang sambit ni Jose
"Pero sabi niya kung gusto raw nating makaligtas may safe zone daw. Dun sa auditorium." Paliwanag ni Klein
"Well of course gusto nating makaligtas kaya binalikan namin kayo. So lika na?" sabi ni Louise at nagsimula na silang maglakad
"Oh-uh!"
Nakiramdam ang magkakaibigang Jade, Jun, Angelou, Chrisy at Mario kung infected ba ang taong yun. Kailangan nilang makapunta sa safe zone ng school kesa makulong sa dilim.
"Fudge! Mukha siyang tao pero parang zombie." Pasigaw na bulong ni Jade
"Tawagin kaya natin." Angelou
"Edi naging zombie tayo." Mario
"Madilim naman eh." Jun
"Pero malakas ang pandinig nila." Chrisy
"Edi isara ang pinto." Jade
Napabuntong hininga na lang sila sa pagtatalo.
"Tatawagin ko na ah?" sabi ni Jun na sinangayunan nila
"Pag di sumagot zombie na yan." Mario
"Yoo-hoo! Zombie ka ba?" sigaw ni Jun at dali dali nilang sinara ang pinto
"Teka, may tao ba diyan?" sigaw pabalik nung taong iika ika na napatigil sa paglalakad
Muling sumilip ang magkakaibigan sa pinto ng marinig ito
"Ms. Tanco ikaw ba yan?" tanong ni Angelou nang mabosesan ito kaya lumabas na sila at sinalubong ang guro
"Sus maryosep! Tinakot niyo akong mga bata kayo. Halika dalhin ko kayo dun sa auditorium at yun ang pansamantalang evacuation area natin." Sambit ng guro kaya dali-dali na silang tumakbo "Sandali, antayin niyo ako. Sira yung heels ko."
"Miss naman, hubarin niyo na lang sapatos niyo." Sabi ni Jade "End of the world na naka-heels pa." pabulong pa niyang dagdag kaya siniko siya ni Chrisy
"Papasukin niyo kami!" sigaw nila Cedric nang makarating na sila sa pinto
Muli silang lumingon at nakitang nakapanik na rin ang mga zombing kanina pa sila hinahabol
"Fck! Papatayin niyo ba kami?" sambit ni Louise at kinakalabog na rin ang pinto
Pilit pinupukpok ng mga kalalakihan ang doorknob baka sakaling masira at mabuksan.
"Wag niyong sirain ang pinto! Malilintikan kayo sakin." Sigaw ni Sir Ravina mula sa loob
"Eh ba't ayaw niyo kaming papasukin?" naiiyak na sambit ni Ariel at muling lumingon. Nasa kalagitnaan na ng palapag ang mga zombies. Buti na lang nasa dulo ang pinto ng stadium.
Naluluha na rin si Catherine at ang tanging nagagawa na lang ay magdasal.
"Infected na kayo! Wag niyo na kaming idamay." Muling sigaw ng matandang guro
"Putspa! Anong infected?" reklamo ni Jose
"Ayan malapit nang mabuksan." Sabi ni Pipo at isang hampas na lang ay tuluyan na nga nilang nabuksan ang pinto kaya dali dali silang pumasok
"Anak ng—tingnan niyo ginawa niyo!" galit na sigaw ng guro
Sinara naman ito ni Jose "Nasasara pa yan panot!"
"Anong sabi mo?" galit na sigaw ng guro at akmang pagbubuhatan ito nang kamay ng harangin ito ni Klein "Sige subukan mo! Matapos ng ginawa niyo kanina! Muntik na kaming mamatay. Tsaka may antidote ka na diba? Ikaw kaya sumugod dun."
Inawat na rin sila ng iba pang mga guro at tinawag na ng nars yung mga bagong dating para malapatan na ng lunas.
Natigil sa pagtakbo sina Ms. Tanco nang mapansin ang zombies sa buong third floor sa kabilang building. Mabuti na lang at hindi pa sila nakakapanik at nakakatawid sa kabilang palapag.
"Hala pa'no tayo makakapanik?" natatakot na wika ni Angelou
"Kailangang may magsakripisyo." Nalulungkot na sabi ni Ms. Tanco
"Ano po!?" gulat na tanong ng lahat
"Aish, I really hate injection pero kailangan." Maarteng sambit ni Ariel nang siya na ngayon ang lalapatan ng antidote
"Sure po ba kayong safe yan? Wala bang side effects?" tanong ni Pipo
Nandito ang medical team sa may stage. Nakapalibot ang mga bagong dating sa nurse. Ang tanging nagbibigay liwanag sa buong kwarto ay mula sa mga bintana kaya medyo madilim dito.
"Isang antidote lang ang dapat mabigay sayo. Pag pareho, doon na magkakaroon ng side effects." Paliwanag ng nurse
"Eh diba po yung antizombie hindi na magiging zombie? Kaya hindi na talaga mainjectionan pa ng isa na para sa mga naging zombie." Takang tanong ni Louise
"Ako kasi naging zombie na." sambit ng nurse kaya nagulat sila "Kaya hindi na pwede sakin yung antizombie. Gumana naman sakin kaya masasabi kong effective 'to."
"Edi pwede ka po ulit maging zombie?" tanong ni Cedric kaya alinlangang tumango ang nurse
"Bakit kailangan pang may mag-sacrifice?" tanong ni Jun
"Siya ang tatawag sa atensyon ng mga zombie. Pag wala na ang mga zombie sa daan, makakapunta na tayo sa auditorium." Paliwanag ng guro
Nagkatinginan ang magkakaibigan. Kapwa taliwas sa gusto ng guro ngunit iyon ang tama.
"Guys ako na." pikit matang sabi ni Jade, pinipigilang maluha
"Ano? Hindi. Bakit?" sunod sunod na tanong ni Chrisy na pinipigilan ding maluha
"Hindi. Ako na." Mario
"Hindi. Walang magsasakripisyo." Angelou
"Paano? Edi pare-pareho tayong namatay." Jun
"Tama kaya ako na nga kase." Sabi ni Jade at unti-unti nang lumakad palayo
"Teka." Sabi ni Angelou at akmang pipigilan ang kaibigan ngunit lumingon si Jade
"Guys! Mahal na mahal kayo! Live your life for me! Ms. Tanco ingatan mo yung mga kaibigan ko ah." lumuluha ngunit nakangiting sambit ni Jade at tuluyan nang tumakbo palapit sa mga zombie "Hoy mga zombie! Habulin niyo ako!"
Naluluhang nagtago ang magkakaibigan kasama ang guro sa dilim. Ilang sandali pa matapos tuluyang makababa ng mga zombie ay naghanda na sila para pumanik.
"Guys para kay Jade. Iligtas natin ang sarili natin. Wag natin hayaang masayang ang buhay niya." Naiiyak na sabi ni Angelou kaya niyakap na lang siya ni Chrisy na kapwa luhaan na
Pinunasan na rin ni Ms. Tanco ang pisngi niya na puno na rin pala ng luha bago magsalita "Sige na. Mukhang wala na talaga ang mga zombies."
Nagsimula na ulit silang maglakad. Maingat makalikha ng ingay at sinisigurong wala nang babawas sakanila.
Muling lumingon si Angelou kay Jade na sa ngayon ay nasa kabilang building na. Malayo pa ang mga zombies na papunta sakanya. Nakatingin din pala ito sa kanila.
Kapwa luhaang ngumiti sa isa't isa.
Kahit subukan mang sumunod ni Jade ay wala na siyang madadaanan dahil dead end na. Aantayin na lang makalapit sakanya ang mga zombie.
"Eh kung effective naman pala, ba't di na lang natin gamutin ang lahat ng zombified na estudyante?" tanong ni Klein
"Nak, konti na lang ang stock na antidote dito. Buti nga nakaabot pa kayo eh. Yun din siguro ang dahilan kung bakit ayaw kayo papasukin ni Sir Ravina." Nurse
"Ang lame naman ng reason." Louise
"Edi anong gagawin natin dito? Paano tayo makakalabas? Hahayaan na lang ba tayong maburo dito?" Cedric
Nagkibitbalikat ang nurse "Hindi ko rin alam. Kanina pa rin kami nandito."
Tiningnan na lamang nila ang paligid. May mga students na nawalan ng malay. Marahil sa init dahil sa kawalan ng kuryente. Ang ibang guro naman ay nagdadasal at may hawak pa ang iba na rosaryo. Ang mga kinder students naman ay tila ba walang kaproble-problema at nagagawa pang ngumiti. Mayroon pa ngang naglalaro. Merong nakatulala sa kawalan. Yung iba'y umiiyak. Pare-parehong iaasa na lang ang lahat sa Diyos.
Napasandal si Pipo sa pader. Tinabihan naman ito ng kaibigang si Cedric.
"Kamusta kaya sila?" tanong ni Pipo habang nakatitig sa kawalan
"Sana ligtas sila lahat." Sambit ni Cedric at napabuntong hininga
Nagulat ang lahat nang biglang bumukas ang pinto. Nasira nga pala nila ang lock nito. Nakuha nito ang atensyon ng lahat.
Nang tuluyang bumukas ay iniluwa nito si Ms. Tanco kasama ang apat na estudyante.
Tumakbo palapit sakanila sina Cedric at Pipo at nag-group hug ang magkakaibigan.
"Teka, si Jade?" tanong ni Pipo
Wala siyang nakuhang sagot kundi iyak ng dalawang babaeng kaibigan. Inalalayan na lamang nila ito patungo sa nurse para mabigyan ito ng antidote.
"Buhay ka?" gulat na tanong ni Sir Ravina kay Ms. Tanco
"Parang ayaw mo naman akong makita Sir." sarkastikong sambit ni Ms. Tanco
"Hindi naman sa ganon. Diba ikaw ang kumausap sa mga guards? Asan na sila?" Sir Ravina
"Sinugod kami ng zombie kanina. Pinauna na nila ako. Dala na nila yung mga armas. Binigyan pa ako." Ani Ms. Tanco at nilabas pa ang baril mula sa bulsa nito
"Kaya kailangan na nating mapuksa yung mga zombie." Sir Ravina
"Paano? May mga estudyante pang nakakulong sa mga classrooms sa ibang building?" nagaalalang tanong ni Ms. Tanco
Ang atensyon ng mga tao ay nakatutok sa alitan ng dalawang guro.
"Wala tayong magagawa. Kailangan nating pasabugin ang kalahati ng school." Desididong sabi ni Sir Ravina
"Ano?" gulat at di makapaniwalang sambit ni Ms. Tanco kaparehong reaksyon
Matapos mabigyan ng antidote ay magkakatabing naupo ang magkakaibigan sa isang sulok.
"Anim na lang tayo." Malungkot na wika ni Cedric
Humawak si Jun sa kamay ni Cedric at sinabing "Hindi na tayo mababawasan pa."
Muli ay luhaang nag-group hug ang magkakaibigan.
Dumating na ang ibang guardia sa auditorium dala dala ang bomba, granada, baril at iba pang armas.
"Seryoso ka ba Sir? Papatayin mo kahit yung mga uninfected na maaaring madamay? Meron namang antidote ah." Ms. Tanco
"Ubos na yung antidote. At sa dami nun, paano mo sila mahuhuli at isa-isang lapatan ng lunas. Tanco naman." Sir Ravina
Wala na ring nagawa ang ibang guro dahil si Sir Ravina ang may pinakamataas na posisyon sa kanila.
Suot ang bulletproof vest at may dalang armas, pinangunahan ni Sir Ravina ang mga guardia, iba pang guro't janitor, pati na rin ang ibang highschool students na kapwa halos puro mga kalalakihan.
"Sure ba kayo dito?" nagaalalang tanong ni Angelou
"Iiwan niyo kami?" tanong din ni Chrisy "Kung sumama na lang din kaya kami sainyo?"
Silang dalawa na lang ang natitirang babae sakanila. Ayaw na rin nilang mabawasan pa sila.
"Dito na lang kayo. Mas mabuti na kayo dito." Saway ni Mario habang inayos ang bulletproof vest niya
"Hindi. Tama si Chrisy, sasama kami." Sambit ni Angelou at hinatak si Chrisy para kumuha na rin ng bulletproof vest at mga armas
"Wag na. Maiwan na lang kayo dito." Sabi ni Pipo at sinundan ang dalawa. Sumunod na rin ang iba pa sakanila.
"Nope. Don't underestimate girls' power!" Angelou
"Correct!" sang-ayon ni Chrisy
Wala na silang nagawa nang tawagin na sila ni Sir Ravina. Nauna pang sumunod ang dalawang babae.
"Teka, ba't may babae dito?" sambit ng isang guardia dahilan upang mapalingon si Sir Ravina kina Angelou.
"Mga hija, pumasok kayo." Saway ni Sir Ravina
"Sorry Sir pero lalaban din kami." Angelou
"Para po sa mga kaibigan naming nabiktima rin. We need justice." Chrisy
Tumawa ng nangaasar si Sir Ravina "Mga ineng nairirnig niyo ba ang sinasabi niyo? Pumasok na kayo." At pinagtulakan ang dalawang babae
"Sir wag naman pong ganyan." Awat ni Jun
"Pwede niyo naman silang papasukin nang hindi sila sinasaktan." Sabi ni Mario at pinipigilan din ang matandang guro
"Anak ng—wag niyo akong guluhin. Wag na nga rin kayong sumama." Sir Ravina at nagpaputok ito ng baril
"Tingnan mo ginawa mo sa kaibigan ko!" sigaw ni Pipo nang hindi sinasadyang mabaril si Mario sa binti
"Eh sa ang kukulit niyong mga bata kayo eh." Sir Ravina at nagsimula nang maglakad ulit
"Tutulong lang naman kami ah!" naiiyak na sambit ni Angelou
"At talagang sinusubukan niyo ako ah." Bago pa muling makapagputok ng baril si Sir Ravina ay inagaw ito ni Cedric "Aba't--"
Dahil sa pagaagawan ng dalawa ay nahulog ang granadang nakakabit sa bulletproof vest ng lalaking guro at gumulong ito palapit sa magkakaibigan at natanggal ang pin.
"Sht guys takbo!" sambit ni Jun at tinulungan sina Pipo at Cedric sa pagbuhat kay Mario
Nagkagulo ang lahat at sa isang iglap at nagtatakbuhan na ang lahat palabas.
Magkakasama na ang magkakaibigan nang "Guys si Angelou!" tatakbo na sana pabalik si Chrisy nang higitin siya ni Jun "Maiipit tayo sa tao."
"Ano?" di makapaniwalang sambit ni Chrisy at nagpupumiglas kay Jun
"At tsaka hindi mo alam baka nauna na pala siya satin sa pagtakbo." Mario
"Hindi. Naiwan natin siya. Sigurado ako." Chrisy at tuluyan nang nakabitaw sa hawak ni Jun
Wala na silang nagawa kaya sinundan na lang nila ito pabalik.
Sa gitna ng stampede ay naipit at nadaganan si Angelou ng mga tao.
Namimilipit man sa sakit ay nagpumilit itong gumapang. Ngunit laking gulat nang makita ang granadang umuusok sa tabi niya.
Nakita niyang muling tumatakbo palapit sakanya ang dalawang kaibigan ngunit huli na ang lahat. Biglang sumabog ang granada sa tabi niya.
"Angelou!"
"Angelou!"
"Oy Angelou!"
"Gising na Angelou!"
"Huy!"
Napadilat si Angelou nang may tumapik sakanya. Dahil sa gulat ay agad itong napabalikwas ng bangon.
"Anong nangyari?" tanong niya sa mga kaibigang nakapalibot sakanya "Teka, buhay kayo? Buhay ako? Buhay tayo?"
"Bes, walang tayo." Sabi ni Shy at umupo sa kamang hinihigaan niya. Ngayon niya lang napansing nasa clinic pala sila at may benda siya sa ulo.
"Hindi, zombie ka na diba? Kinagat mo pa nga si Jake." Pagdadahilan ni Angelou na nagtataka parin sa nangyayari
"Eww bes kadiri 'to." Sambit ni Shy dahilan ng tawanan nila
"Ano bang hinithit mo? Kaya ka namin ginising kasi parang binabangungot ka at sigaw nang sigaw ng 'zombie!'" sabi ni Mario na ginaya pa ang boses nito
"Bad dreams? About zombies?" tanong ni Chrisy dahilan ng paglakas ng tawanan nila ngunit nagtataka pa rin si Angelou
"Kids, may iba pang pasyente dito. Papalabasin ko kayo." Saway ng nurse sakanila kaya tumigil na sila sa tawanan
"Teka, teka, ano bang nangyari?" tanong ni Angelou nang mapagtantong panaginip lang ang lahat
"Kanina nung PE natin, kayo ni Claudia," paliwanag ni Jade sabay turo kay Claudia na wala pa ring malay na nakahiga sa kamang sunod sa kaniya "Bigla na lang nahimatay. Siguro raw dahil na-heat stroke kayo sabi ng nurse. Or baka gutom. Kasi naman di kumakain, kala mo naman papayat."
"Uy teka, joke lang. Nakakaiyak ba page-explain ko?" sabi pa ni Jade nang mapansing naluluha si Angelou
"Kasi inaway mo eh." Sambit ni Pipo
"Hindi, wag niyo akong intindihin. Pero--" bigla na lamang niyakap isa isa ni Angelou ang mga kaibigan. Walang pakialam kung nagtataka ito sa mga kilos niya. Basta masaya siyang panaginip lang ang lahat at ligtas sila.
"Teka, malukot yung diyaryo." Sambit ni Jade nang siya na ang niyakap ng dalaga
"Ba't ka ba kasi may diyaryo ka?" tanong ni Cedric
"Eh diba kailangan ng cut-out pictures sa English? Di ako nakapagprint kaya buti na lang nakahingi ako sa library." Nahihiyang sambit ni Jade kaya napakamot na lang ito ng ulo
"Buti na lang wala kaming English ngayon." Natutuwang sabi ni Jun
"Hala oo nga noh? Wala rin akong assignment. Penge nga." Sabi ni Jake ngunit bago pa nito makuha ang diyaryo kay Jade ay Inagaw ito ni Angelou nang may mahagip ang mata
"Gelou naman. Kung wala ka ring assignment hingin mo ng maayos." Naiinis na sambit Jade
Ngunit hindi nagpatinag si Angelou at binasa nang maiigi ang headline na pumukaw sa atensyon niya.
MAG-INGAT SA KUMAKALAT NA ZOMBIE VIRUS, WALA PANG LUNAS
Bago pa man makapagsalita ay isang tili ang umalingawngaw mula sa labas.
"Ano yon?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top