Chapter 19


Jona's Point of View.

Iyak.

Iyak na lang ba talaga ang kaya kong gawin sa buong buhay ko? Si Ajay lang yan pero hindi ko pa magawang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Eto ba yung definition ng 'So Close Yet So Far'? Grabeng impact ang nagagawa. Tagos to the nth level ang sakit sa puso.

Nakatungtong lang ako sa isa sa mga branches ng rambutan tree. Ayoko munang magpakita sa kanila hangga't hindi ko naaayos sarili ko. Di umobra pananakot sa 'kin ni Sam kasi sinabi ko nga na nasaktan ako kaso di ko sinabi kung bakit.

=_________=

"Jona!" Tawag sa akin ng isang boses. I know that voice, kahit hindi ko pa sya nakikita. Alam na alam ko kung kanino ang boses na yun, its deep and big, pero hindi ko sya pinansin.

"Jona!! JONA! Bumaba ka nga muna."

"Ayoko, sino ka ba para sabihan ako ng ganyan-ganyan?" sabi ko pero di pa rin ako nakatingin sa kanya.

I heard him sighed. Ano? Pagod na sya sa 'kin? Bwes, di ko sya papatusin. Magtitigas-tigasan ako hangga't gusto ko at wala syang magagawa dun!

"Jona!! May sasabihin lang ako pwede??"

"Di ako bababa kung di yan importante!"

"Importante to, sobrang importante!!" Mahahalata mo sa kanyang boses ang inis. "Bumaba ka na dito, isa..."

"Bakit ka naiinis? Wala naman akong ginagawa sayo!" di pa rin ako tumitingin sa kanya.

"Dalawa.." nagpatuloy sya sa pagbibilang. "Pag ito umabot ng tatlo, ako na talaga aakyat jan! Hihilain kita pababa!"

Ang sarap nyang inisin. Pero bagay lang yan sa kanya, ang manhid kasi pero napaka pikunin naman pala. Bading!

Di ko pa rin sya tinitigan. Bahala sya sa buhay nya, umakyat sya kung gusto nya. "2 and a half!"

Napabuntong hininga na lang ako. "Oo na, oo na, bababa na ako!" inis kong sabi.

Napakarupok mo naman pala self. Tang1na mo! Mas matigas pa 'tong puno ng rambutan kesa sa'yo e.

Bumaba ako ng dahan-dahan. Kahit na nagtatampo ako sa kanya hindi ko pa rin maiwasang macurious lalo na't importante daw ang kanyang sasabihin. Bumababa lang ako nung bigla akong nadulas sa kahoy. Ang tanga mo talaga Jona, nadulas ka sa algae!!

Pumikit na lang ako at hinintay ang pagbagsak ng aking katawan sa lupa.. pero wala akong narinig na boogsh or blaag or wapak! Wala talaga.

I slowly opened my eyes and I'm still alive in one piece. Kinapa-kapa ko ang aking sarili matapos, oo nga buhay pa ako. Pero paano?? O.o

"Ugh.. a-aray!" Reklamo nya.

Kaya pala matigas na malambot. Sya pala yung naging panangga ko. Tumayo ako agad at nilahad ang aking kamay para matulungan syang tumayo. "O-Okay ka lang? So-Sorry!"

Kawawa talaga mukha nya, parang nasaktan ng sobra. Kasalanan ko pa ito kasi ako tung tatanga-tanga tapos sa kanya pa ako bumagsak. Akala ko kukunin nya ang nilahad kong kamay kaso hinila nya ako pababa kasama nya, then he's smiling foolishly.

Napapalunok laway ako ng one hundred times. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko lalo na't ang lapit-lapit ng mukha nya sa 'kin.

"A-Anong pakulo to?" confident kong tanong.

"Pakulo? Etong gagawin ko ay hindi isang pakulo," he suddenly kissed me.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Papalag ba ko o hindi? Pero di na ako pumalag pa, siguro dahil gusto ko rin 'tong nangyayari. Dahan-dahan rin syang kumawala pagkatapos.

"W-What the-"

"I love you," bulong nya tsaka ngumiti ng nakakaloko.

O///////////////O

Waaa, sabog confetti. Para akong nanalo sa lotto nito, ay hindi. Mas masaya pa do'n.

Nang makabalik ako sa dati, hinampas ko sya sa braso ng mahina. "Binibiro mo ba ako? Wag mo nga 'kong lokohin, sabi mo sa 'kin gusto mo si Samantha."

Yung reaksyon nya parang wala lang. May mali ba sa tanong ko? Tapos bigla na lang syang humahalakhak!

"Oy, kinakausap kita ng matino dito. Wag mo kong dadaanin sa patawa-tawa mo jan." hinahawakan na nga nya ang kanyang tiyan sa kakatawa.

"S-Sensya na. Hahahaha," sabay punas nung luha dahil sa kakatawa.

"Yeah, she knows that. Hahaha, alam mo kasi Jona, alam na ni Sam na dati pa kitang gusto-- ay mahal na kita and she's just helping me para mapaamin ka. Mas nauna pa akong nagkagusto sayo kesa sa ikaw nagkagusto sa 'kin," paliwanag nya

"K-Kasabwat si Sam? Di ko gets."

"Ganito kasi yan. I told her na magpapanggap akong may gusto sa kanya, naghahanap lang naman ako ng tyempo para mainsert ang topic na iyon sayo. Nalungkot ako noong di ka man lang nagreact nung sinabi kong gusto ko si Sam, kaya ang inisip ko wala kang gusto sa 'kin. Isa pa, ang tali-talino mo. Baka yung Tristan nga type mo e at di ako." Bumuntong hininga sya. "Buti na lang magaling na actress si Sam. But she never told me that you love me too. Kanina ko lang din nalaman na gusto mo pala ako. Mukhang di na sya nakapagtimpi kaya sinabi na nya sa'kin na may gusto ka rin pala sa'kin," namumula nyang paliwanag.

Kahit ako nga pulang-pula na dito dahil sa mga sinasabi nya. Napatingin sya sa 'kin bigla. "Um.. Jona, mahal mo ba ako? Kasi ako.. oo, mahal kita!"

Speechless...

Shet, wala akong masabi. Hiling ko na lang na sana lamunin ako ng lupa at kainin ako nitong puno para makapagtago sa hiya. Besides, I am blushing from head to toe. Gosh, ang init nang pisngi ko.

"Oy, Jona, pasuspense ka naman e. Magsalita ka nga!"

"E sa kinakabahan ako e. Ano pa bang sasabihin ko? Napipi ako bigla sa mga paliwanag at pambubuking na ginawa mo!" Ayan, nagsalita na tuloy ako bigla.

"Tss, di mo naman ako sinasagot e. Mahal mo ba ako?" ulit nya.

Di ako nagsalita pero tumango ako sa kanya. I hugged him tight before he even said anything. Wala na bang mas sasaya pa sa naffeel ko ngayon?

"I love you," bulong ko.

"I love you too."

Nagyayakapan lang kami ng biglang sumulpot sila Jessie at Ronier sa likod ko dahilan para manigas ako agad.

Lumabas sila bigla sa damuhan malapit sa puno ng rambutan. "Aissh, ang daming langgam, Ronier!" reklamo ni Jessie pero seryoso sya doon sa kanyang sinabi. Nangangati pa nga mula ulo hanggang paa.

"Ikaw naman kasi, inapakan mo yung linya nila." - Ronier.

"I didn't mean it!"

"A-Anong ginagawa nyo?" diretsong tanong ni Ajay. Di ba sya kinakabahan o nakakafeel ng hiya?

"Itanong mo sa kanya," at tinuro ni Ronier si Jessie.

Kaya yung atensyon namin, andun kay Jessie. Tapos yung itsura nya, painosente na naman. Hahaha, "Um.. ano kasi ---"

"Kayo? Anong ginagawa nyo?" binalik ni Ronier yung tanong sa 'min.

"Hoy ang daya, kami una nagtanong!" reklamo ko.

"Hmmm... sa pagkakaalam ko si Ajay lang naman ata nagtanong e," at ngumiti si Ronier ng nakakaloko sa kin.

Wala akong nagawa kundi ang mamula na lang sa harapan nilang tatlo nung pinisil bigla ni Ajay ilong ko. "Tol, kami na!" sabay akbay sa akin.

Nagulat ako sa kanyang sinabi at tinanggal ang pagkakaakbay nya sa 'kin. "Aha-ahaha- wag kang maniwala jan."

"Ano?? Sabi mo mahal mo rin ako!" - Ajay.

"Oo sinabi ko yun, pero nanligaw ka ba? Manligaw ka muna!" Di ako yung klase ng babae na easy-to-get no. Gusto ko rin naman maexperience ligawan kahit papaano, first boyfriend ko kasi kung sakali man na --- ay ano ba itong iniisip ko? 0////////0

Bumulong sya bigla sa 'kin. "Iniisip mong mag-on na tayo no?" Sabay ngisi.

Siniko ko sya bigla nang di sinasadya. "Tigilan mo ko!"

"S-Sorry!"

"Oy, ano na ba talaga kayo?" paninigurado ni Jessie. Babaeng to, may pagkachismosa rin e.

"Di ko alam may pagkachismosa ka pala Jess," malabnaw kong tugon.

"Ahehehehe" pabebe nyang tawa.

"Hindi... PA!" diniinan nya pa talaga ang word na yun.

Hindi pa? So may plano syang ligawan ako? O////o ????






Jessie's Point of View.

Pinapanood lang namin ang nangyayari dun sa dalawa. Ang tagal namang mag-aminan ng mga 'to. Parang mga bata na naghihintayan.

"Ang pabebe ni Jona," utas ni Ron na nasa gilid ko lang.

"Di nya kasalanan, mahirap magtiwala no kapag ganyang klase ng lalaki ang gusto mo."

Kanina pa kasi sya tinatawag ni Ajay na bumaba kaso ang tigas talaga ng kanyang ulo. Di ko sya masisisi kasi naman, pakipot ang mga babaeng gaya namin.

"Nah, pakipot talaga. Yan ang hirap sa inyong mga babae e. Isang salita lang naming mga lalaki at kapag hindi n'yo yun nagustuhan, wala.. susuyuin na namin kayo agad." - Ronier.

Napatingin ako sa kanya. "Di naman kasi ganun kadali. Ang hirap kasi sa mga lalaki, kapag alam nilang di agad sila papansinin, susukuan na agad. Kailangan rin namin ng lalaking magpapatunay na mahal talaga nila kami no!" protesta ko.

"Tsk. Bakit ba kasi pahihirapan pa kami e may simpleng paraan naman... patawarin nyo kami agad. Ganun lang naman kadali, Diyos nga nagpapatawad, babae pa kaya?"

Ugh. Naiinis na ako sa kanya ha, "Kanino ka ba talaga kampi?"

"Wala akong kinakampihan, pinupunto ko lang yung point ko. Pakipot kasi ang mga babae kahit anong gawing suyo."

"Di lahat ng babae ganun, meron lang talagang masinop sa pagmamahal. Sino ba naman kasi ang di takot masaktan? Sasampalin ko."

"Ssshhh, makinig tayo. Bababa na si Jona."

Di ko namalayan, tsk. Nakikipagbangayan pa kasi ako sa lalaking to! Bumaba nga si Jona ng dahan-dahan mula sa puno kaso... "oh my gosh, Jona!" Nadulas sya, tumayo ako at umambang tutulong kaso pinigilan ako ni Ronier.

"Let them be," seryoso nyang sabi.

Naupo na lang ako ulit at nag- concentrate dun sa dalawa. Hindi ko nga akalain ang nangyari pagkatapos kasi biglang hinalikan ni Ajay si Jona sa lips. FIRST KISS YUN! O//////O at nasaksihan ko mismo.

"K-Kiniss nya," i stuttered.

"O-Oo nga," mukhang sanay ata si Ronier na makakita nang naghahalikan. Di tulad ko na napaka ignorante pagdating sa mga ganito.

Pinaharap ko sya sa 'kin. "Oy, Ron sanay ka ba --- waa. Ang pula-pula mo."

"O-Oo nga e. Bakit nya ba kasi hinalikan?"

-/////////-

Nagshrug lang ako tapos binalik ang aking tingin sa kanila. Naupo ako ng maayos at nagpatuloy sa pakikinig. Si Ronier naman parang inaantok na. Paano ba naman kasi, yung pwesto nya na nakapatong yung kamay sa tuhod while leaning his back on the tree.

Nakatitig lang ako kay Ron. Ang gwapo nya pala sa malapitan. Di ko man lang napapansin, natatakpan kasi ng makapal na bangs yung mukha nya.

May napansin akong langgam sa kanyang kamay! Yung langgam na kulay pula.

Lumapit ako para alisin yun kaso kinagat rin ako sa paa at balikat. "T-Teka, ang kati!"

Nagising sya bigla at napatingin sa 'kin habang nangangati. "What happened to you?"

"Eh kasi.. ang sakit mangagat nang langgam!" Di na ako nakatiis pa at lumabas na kami sa hideout namin.

"Aissh, ang daming langgam, Ronier!" reklamo ko ulit.

"Ikaw kasi. Inapakan mo yung linya nila -,-"

"I didn't mean it!"

Reklamo lang ako ng reklamo nung biglang napatingin sa 'min yung dalawa. Ahahaha, huli na! | (^~^)|

----

- Don't forget to VOTE, LIKE, SHARE & COMMENT -

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top