Chapter 12

Ajay's Point of View.

"Kaya kailangan nating mag general cleaning ngayong araw," pagtatapos ni Jona.

"Psh, ang babaw talaga ng mga babae no? Konting alikabok lang lagnat agad. Sana sinabi nya na allergic sya, hindi yung ang daming paligoy-ligoy," inis nyang sabi.

"Kian, may problema ka ba talaga kay Sam? Tumahimik ka na nga," si Ronier.

Tumahimik rin s'ya agad. Peace at last, tapos biglang pumasok si Sam. Narinig nya kaya ang pinag-uusapan namin?

"Tss, hindi ka naman pinipilit, Patpat!" asik ni Sam.

Hinarap nya si Samantha at diretso ang tingin sa mapupungay nitong mata.

"Sinabi ko bang ayaw ko? Wag kang magsalita ng tapos dyan."

Ahahaha, kung alam ko lang may something sa dalawang 'to.

"So ano? Simulan na natin?" hyper kong tanong. Hindi pa kasi ako nakakapaglinis sa buong buhay ko kaya nakakaexcite lang.

Ikaw kaya ang lumaki sa yaman at luho. Makakapaglinis ka pa ba? Puro inom at pagbabar lang ang ginagawa ko noon e. Kaya pala masyadong boring ang buhay dahil sa paulit-ulit na routine.

"Okay," sabay-sabay nilang sagot.

Tumayo kami isa-isa at nagsimula ng maglinis nung biglang dumating si sir Kye na may dalang panlinis.

"Oh, mag-ggeneral cleaning kayo diba? O ayan, pinadala ni Rj," then we took the brooms and floor wax.

"Thanks, sir." si Jessie.

Kinuha ko yung lampaso, malakas kaya ako. Si Kian sa mop, si Ronier sa floor wax at tambo. Si Jona at Jessie sa walis, at bawal ang alikabok kay Sam kaya naman sya sa bintana.

"Seriously? A window cleaner?" si Sam.

"Ang aga-aga nagtataray ka na naman d'yan. Baka gusto mong magkasakit ulit?" singhal ni Kian.

Inirapan lang sya ni Sam. Magkakatuluyan talaga itong mga 'to, e.

"Jona, pagkatapos kong maglampaso walisan mo agad." utos ko.

"No prob."

"Guys, let's split up. Maliit lang naman etong bahay," utos ni Sama. "Jona and Ajay, doon kayo sa kusina. Ronier and Jessie, sa mga kwarto kayo at tayo Patpat, dun tayo sa sala," dagdag nya.

Ngumiti agad ng nakakaloko si Kian. "Sabi ko na nga ba at may pagnanasa ka sa 'kin e. Akalain mo yun? Ako pa tala-" Sam cut his words off.

"E di wag. Hoy, Ronier. Tayo na lang pala sa sala," agad namang sumunod sa kanya si Ron.

"Hoy! Wag kang magbiro dyan. Biro lang naman yun," protesta ni Kian.

Pero wala na syang nagawa kasi seryoso si Sam sa kanyang sinabi. Kapag si Ms. Maldita na ang kausap mo, wala ng panahon sa biro.

"Oy, halika na nga," hinila nya ako sa braso. Nahahawakan nya tuloy ang muscles ko. Tssk.




Kian's Point of View.

Aish. Nakakainis ang babaeng yun, nakakailang tarayan na ako mula sa kanya ngayong araw ah? Tsk. Nagsimula na kaming maglinis ni Jessie sa kwarto ng boys. Hanggang ngayon nagmamaktol pa rin ako.

"Kainis ang babaeng yun. Nakakailan na sya ah? Para syang- grr. Kainis talaga!" sabi ko habang patuloy sa pagffloor wax. Tapos na kasing magwalis si Jessie.

"Ahahaha. Alam mo, ang sweet mo rin pala. Akala ko manhid ka talaga."

"Ha? What do you mean?"

"I mean, hindi halata but you actually care about her."

"About who?"

She smiled at me. "About Sam. Sya naman ang kaclose mo dito kaya lang aso't-pusa kayo kung mag-away."

Aaahhh. Akala ko sino- "HOY HINDI AH! Nakakainis kasi sya, tsaka sya naman itong may problema sa kagwapuhan ko."

"Ah? Talaga? E ikaw, hindi ka namomroblema sa ganda nya?" halatang nang-aasar si Jessie.

Napatigil ako sa pamumulot ng brief. "Ha? Ba't ko naman yun poproblemahin? Wala kaya syang ganda."

"Will you please stop pretending. Sa lahat ng andito. Ikaw lang ang kayang makipag-patusan kay Sam, nakakatuwa nga kayong tingnan," sabi nya habang patuloy pa rin sa pagwawalis.

Ayoko na. Hindi ko na lang sya sinagot, tutal naman walang patutunguhan ang topic namin. Why are they pushing me to that amazona! Hindi nga siguro yun nagiging sweet kahit for a minute.




Samantha's Point of View.

Achoooo.

Tae. Kanina pa ko hatsing ng hatsing dito. Napaka maalikabok kasi sa sala na 'to, mukhang 30 years di nilinis. Anong silbi ng caretaker na yun? At dahil sa atsing ko, feeling ko tuloy ay pinag-uusapan na ako sa kabilang ibayo nitong sala. Tss.

"Okay ka lang, Sam? Kanina ka pa kasi hatsing ng hatsing dyan."

"Oo. Patuloy mo lang yan, Ron."

Sya ang nagwawalis at ako yung window cleaner. But he's too hesitant to believe what I said.

"Baka kasi naaalikabukan ka na sa pagwawalis ko."

"Okay nga lang diba? Saang parte ng 'Ok' ang di mo gets? Patuloy mo lang yan."

Tumahimik rin sya sa wakas. Silence at last, kaya lang mukhang may nag-aaway sa kusina. Aaayyy, ang ingay naman nilaaaa!

"It looks like they're fighting," pamununa nya.

"Leave them alone. Hindi na natin problema ang problema nila."

"Sabagay. Sya nga pala, Sam can I ask you something?"

"You're already asking. Ano ba yun?" kinuha ko yung vase na kahoy at nilinisan ang ilalim nito.

Ronier moved the sofa, cleaning its underneath.

"Naniniwala ka ba na may taong hindi pa naiinlove sa buong buhay nya? I mean, isn't it lame to have not experienced love?"

I paused for a minute, looks like I know where this topic is going.

"Ewan, bakit mo naman natanong?"

"We heard it on the radio last night. The girl called last night and told fafa Lor na hindi pa sya naiinlove sa buong buhay n'ya."

Uh-oh, parang kami nga yung kagabi. Tss. Bad idea nga talaga ang tumawag sa gano'ng paraan.

"You can't judge every person. E ano naman kung hindi pa sila naiinlove? Di nila kasalanan kung takot silang masaktan. Like they always say, love and pain are bound together," and I'm still cleaning the table.

"I know that but still. Hindi ko lang talaga kasi maiwasang isipin na may mga taong ayaw matutong magmahal."

I glared at him. "Ronier, sa tingin mo ba talaga may lesson ang pagmamahal? Kasi ako, hindi ko alam kung dapat bang matutunan o dapat go with the flow ka na lang. Because you're not the one who will teach your heart to love. It's your heart that will teach you how to love."

Mahaba ba ang sinabi ko? Because his reaction was amusing.

"You don't learn love. Hindi yan subject. It takes time to realize pero worth it pa rin kapag hihintayin mo. Kesa padalos-dalos ka nga di naman pala totoo."

"K-Kelan ka pa naging love guru, Sam?"

"Ha? Napapanuod ko lang sa koreanovela at movies. I told you, I have never been in love."

Based on experience na rin siguro. Sabi kasi nila, mas magaling pa rin mag advice ang mga taong single at walang karanasan.




Jona's Point of View.

Ugh. Kainis! Sarap nyang batukan, tapunan ba naman ako ng uling sa mukha? Ayan tuloy, pati ang damit ko nadumihan na.

At heto sya sa gilid ko. Tawa nang tawa.

"Ikaw kasi. Bakit ba kasi ayaw mong sagutin ang tanong ko? Hindi naman yun mahirap, hindi nga kailangan ng stock knowledge, e. Akala ko ba matalino ka, Jona?"

Inirapan ko sya ng pagkatalas. Ano bang isasagot ko sa tanong na 'Minahal ka na ba? Nagmahal ka na ba?' Parang nasa movie na napanood ko noong nakaraan. Alangan namang sabihin ko na OO, I'm in love with you. Para na rin pala akong umamin kung gano'n.

"Hindi ko nga yan sasagutin. Wala namang kwenta ang tanong mo."

"Ah, ganun? Gusto mo isa pa?" agad syang kumuha ng uling sa balde. "Ano?"

"Oo na! Oo na! Bwisit ka talaga, tsk." Pero kahit bwisit ka, mahal kitang manhid ka.

Inulit nya ang tanong. "Ano na nga? Minahal ka na ba? Nagmahal ka na ba?"

I heaved a sigh before answering his stupid question. "Haaayy! Yes, I have fallen in love-" hindi pa nga ako nakaka complete sentence. Siningitan na nya ako agad.

"Weeehh? Talaga? Kanino naman? Bawal si Louie ha," sabi nya pa.

"Aaiiisshh. Sasagutin ko pa ba ang tanong mo o ikaw na ang sasagot sa sarili mong tanong?"

"Ay, hahaha. Sorry na nga. Sige, continue."

"Thank you. So ganun na nga, nain love na nga ako kaya lang..." I paused for a bit and stared at his eyes. "Hindi ko alam kung gusto nya rin ako."

1. . .

2. . .

3. . .

Tinapik nya ako sa balikat. Wew, halos three seconds na eye-to-eye contact din yun. Godbless me.

"Condolence sa lovelife mo, Jona. Hindi ko alam na ganun pala kabigat ang dinadala mo." A-alam na nya kaya? Ramdam na nya kaya na may gusto ako sa kanya?

"K-Kung ganun-"

"You're experiencing a love problem called unrequited love. Hahahaha!" tumawa sya. Tinatawan nya lang ang kalagayan ko. "Okay lang yan bestfriend," sabay hug sa 'kin.

Uuugghh. Ang manhid-manhid. Bwisit sya. Do I have to say those forbidden words to him? Ang manhid kasi, hindi ko na kaya!





Kian's Point of View.

Nalinis na namin ang buong kwarto ng boys at girls. Whoo, ang unfair naman ata, two rooms kami tapos sila tig-iisa lang? Ang babaeng yun talaga napaka-unfair kahit kailan.

"Ayan, we're done here. Puntahan na natin sila," aya ko kay Jessie na nakaupo lang sa kanilang kama. "Oy, di mo ba ako sasamahan?"

"Ah, wag na muna. Napagod ako, never pa akong naglinis sa buong buhay ko."

"Tamad ka siguro sa inyo kaya ka ganyan," sabi ko.

"Ha? H-hindi naman siguro. Sige na, you should get them," at nahiga sya sa kama.

Tamad nga talaga. Sinisikreto pa e, hindi yan uso dito. Lahat nasasabi at nalalaman. I went to them, lalo na sa babaeng yun. Sya dapat ang maghain ng meryenda dahil kung hindi sisipain ko sya papuntang Mars.

"Hoy-" nagtago agad ako sa may kahoy na pader. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila ah? Naupo muna ako at nakinig.

"Ronier, sa tingin mo ba talaga may lesson ang pagmamahal? Kasi ako, hindi ko alam kung dapat bang matutunan o dapat go with the flow ka na lang. Because you're not the one who will teach your heart to love, it's your heart that will teach you how to love."

Aba, inaadvisan nya ba si Ronier?

"You don't learn love. Hindi yan subject. It takes time to realize pero worth it pa rin kapag hihintayin mo. Kesa padalos-dalos ka nga di naman pala totoo."

"K-Kelan ka pa naging love guru, Sam?"

"Ha? Napapanuod ko lang sa koreanovela at movies. I told you, I have never been in love."

Di pa sya naiinlove? Sinong niloko nya? Psh, bakit sya ganyan kung hindi pa sya naiinlove. Ang sabihin nya, takot lang syang masaktan.

Kagaya ko.

"W-What are you doing?"

Nahuli n'ya ako. "Obvious ba? Syempre, umuupo."

"Aaahh. Akala ko pa naman tumatae ka!"

Tumayo ako agad. Shteng talaga ang babaeng 'to. Walangya!! "Psh, akala mo lang yun. Maraming namamatay sa maling akala."

Nakapameywang sya agad. "Whatever, tapos na ba kayo ha? Baka tinakbuhan mo na naman ang trabaho mo gaya ng palagi mong ginagawa."

"At sino ang nagsabi? Akala mo lang yun pero nagtatrabaho ako no."

"Talaga? Bwes, totoo ang sinasabi ko. Marami kayang namamatay sa maling akala," sabay smirk.

Babaeng itooo. Sya lang talaga ang nakakapagpa-init ng ulo ko, e. Biglang may kumalabog mula sa kusina. Sino ba ang naglilinis dun? Walang iba kundi ang matalinong Jona at ang magaling na Ajay. Tumakbo agad si Ronier at Jessie. Akala ko ba natutulog 'to?

"Oh, bakit di ka pa pumupunta dun?" tinarayan na naman nya ako.

"Ako nga dapat ang magtanong sayo nyan, e. Aaahh, siguro kasi andito pa-" bigla nyang pinakain sa akin ang feather duster at pinagpagan ang napakagwapo kong mukha .

"Ano ka ba. Uubuhin ako nyan!"

She smiled. She fvckin' smiled at me?!

"Edi mas mabuti," she said and went to the kitchen with the rest of the gang.

"Uy, t-teka yung meryenda ko ihanda mo!" sigaw ko.

-x

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top