Chapter 11
Samantha's Point of View.
Gabi na. It's already 7:15 PM at sobrang ginaw na dito sa bahay. Buti at hindi madamot yung elegante at pinahiram ako nitong jacket.
"Lights off!" sabi ko at akmang papatayin ang ilaw kaso...
"Wag muna," alam na alam ko agad kung kanino ang boses na iyon.
"Wag muna mo mukha mo. Good night, guys," sabay off ng ilaw sa sala.
Makikita mo kasi mula dito sa kwarto namin ang kwarto ng boys. Buti may pader sa pagitan kaya hindi mo masyadong marinig ang kanilang pag-uusap. Pumasok agad ako sa kwarto namin. Nagbabasa pa rin ng libro si Jona at sulat naman nang sulat ng lyrics si Jessie. Gusto ko na matulog, pagod ako ngayon. Kagagaling ko lang kaya sa lagnat.
Umakyat ako papunta sa kama. "Good night sa inyo."
"Wag muna," boses yun ni Jessie.
"Bakit?" I asked, clarifying what she said. "Matutulog na ako."
Nagkamot naman sya ng ulo. "May itatanong lang sana kasi ako."
Nagtakip ako ng kumot. "Tanong mo sa matalino."
"Okay. Jona, ano ang feeling kapag may crush ka?" seryoso nyang tanong.
Interesting...
Dahil dun, nagkainterest ako at nakinig. Di ako nakikichismis, ang lalakas kasi ng boses nila kaya natural na marinig ko. Napatigil si Jona sa pagbabasa dahilan para sagutin nya ang katanungan.
"M-Masarap?"
Tanginang sagot yan, Jonaaa. Halatang birhen ka pa nga. Para ka lang kumakain ng cake ha? Masarap.
"Tanong ba iyan? Hm... eto na lang, nainlove ka na ba?" si Jessie.
"Ha? E kasi... Oo, siguro," she stuttered.
Siguro? Psh, kung alam ko lang. OO dapat talaga yan. May gusto kaya sya sa bestfriend nyang manhid.
"Ahh. Anong feeling? Kahit naman hindi ka sigurado masasabi mo ring in love ka, diba?"
"Oo naman, ang sarap sa pakiramdam. P-Para kang nasa cloud nine," sagot nya.
Cloud nine? Sorry, pero never ko pa yung naramdaman sa buong buhay ko.
"Cloud nine? May signs ka ba kung bakit mo nasabi na in love ka nga talaga?"
Mukhang nag-isip ng maigi si Jona. Rinig ko kasi yung 'hmm' nya.
"Meron siguro. Yung gusto mo sya palaging kasam kahit masakit sya sa mata. Gusto mong araw-araw syang makita. At hindi kumpleto ang araw mo pag wala sya. Ganun."
Aba, expert pala itong matalino na 'to. Expected sa isang taong in love. Binaling ni Jessie sa akin ang tanong.
"E ikaw Sam, nain-love ka na ba?"
Walang kwentang topic ang love at isolated ako sa kanyang bagay. Wala akong alam kaya nagpanggap akong tulog kaya lang...
"Oyyyyy, Sam. Answer me naman!" pagpupumilit ni Jessie.
"Wag mo nang pilitin. Hindi naiinlove ang isang gaya nya," si Jona na ang sumagot para sa 'kin.
Agad akong napabangon. Nakakatama ng pride, e.
"Gaya ko na ano? Tss, walang kwenta ang love. No matter how many times you invest your love to someone, ikaw pa rin ang lugi. And for your question Jessie?" nakinig sila pareho habang hinihintay ang sagot ko. "Hindi pa ako naiinlove sa buong buhay ko."
"G-Ganun ba? Sensya na," si Jessie.
Tama nga siguro si Jona. Hindi naiinlove ang mga gaya kong maldita. At bakit ba kasi tanong ng tanong itong si Jessie tungkol dyan? Binaling ko ang titig sa kanya.
"At ayokong mainlove no," pagmamaldita ko. "Teka nga, it feels weird. Bakit mo tinatanong? In love ka ba?"
Nahinto sya sa kanyang pagsusulat.
"Haaa? H-Hindi ah. Ano lang kasi.. parang may ano... nag-slow motion yung nangyari kanina. Kaya akala ko. Um... di bale na nga lang," nagblush pa sya. Aaayy, ang halata nya masyado.
Tinitigan ko si Jona at tinaasan ng kilay. Alam na nya siguro ang ibig kong sabihin.
"Ah, alam mo kasi Jessie depende yan sa mga pangyayari. Ano ba kasi ang tinutukoy mo?"
"Wala. Wala talaga promise," sabay taas ng dalawang kamay.
"Looks like you have surrendered. Kung tama ang hinala namin, ang crush mo ay nasa tatlo," sabi ko.
Ganito lang sya oh : O////////////o
"Ah, alam ko na. I heard about this one on the radio. Bakit hindi natin subukan diba? Hahaha, baka makatulong," kinuha ni Jona ang nag-iisang telepono dito sa bahay.
"At anong gagawin mo dyan? Gabing-gabi na!"
Gusto ko ng matulooog eeeeeh.
"Tatawagan natin si fafa Lor. Let's ask him the questions and he'll give us the answers," sabay kuha ng telepono at dial ng numero.
This is not going to be a great idea.
Kian's Point of View.
Ugh.
Ang iingay nang dalawang 'to. Pinagkakatuwaan nila yung radyo na puro jokes at kacornihan ang sinasabi.
"Hoy, tumahimik nga kayo. Kung ayaw nyong matulog, magpatulog kayo," asik ko sabay takip ng unan.
"Ang KJ mo talaga. Pakinggan mo kasi, nakakatawa kaya, pre," si Ajay.
"Pre?! Kian nga sabi e. Kian."
Ilang ulit ko na kasi syang pinagsasabihan pero hindi sya nakakaintindi. Ang bobo nya talagaaaaa!
Inakbayan ako bigla ni Ronier. "Kian, masaya naman sya kahit papano. Hahahaha."
Magsasalita na sana ako kaso... ayun na nga si Ajay.
"Guys, hoy. Listen, pakinggan nga muna natin si fafa Lor."
Wala akong nagawa. Nakinig na lang ako at naupo sa kama. Hindi naman ito double-deck kaya kanya-kanya kami ng kama.
"At heto ang isa pa nating caller na si... miss, anong pangalan mo?"
Ang tagal namang sumagot. Napakapabebe at rinig pa namin sa linya ang tulakan kung sinong sasagot. Akala ko ba sila yung tumawag?
"Ahahaha, parang sila yung tinawagan ah?" si Ronier.
"Ssssshhh!" sita ni Ajay.
"Aish, ako na nga!" presenta ng isa. Alam naman siguro nila na live 'to no? "Hello, just call me Jam."
"Well, okay. Miss Jam, ano pong atin?" tanong ni fafa Lor.
Dinig na dinig talaga namin yung tulakan nila sa phone. Ano ba naman yan oh.
"Wala akong problema. In behalf of my roommate here, ano daw ang feeling ng in love?" ang taray.
"Parang may kilala akong ganyan," bulong ko.
"Sino namang walang puso ang di nakakaalam sa feeling ng in love? Pusong bato?" si Ajay.
Nag 'sshh' na naman si Ronier sa kanya. "May problema ba tayo, tol?" angas ni Ajay.
"Wala naman. Pakitahimik lang muna pwede?" sungit ni Ronier.
Tumahimik sila pareho at nakinig ulit.
"In love? Hmm.. masaya ka syempre. Inspirado ka sa lahat ng bagay na gawin mo. Kahit di mo kaya, feeling mo kaya mo. At kapag in love ka, you can do everything you haven't done yet. Like they always says, stupidity strikes when you're in love."
"Ah ganun po ba? Tanong ko rin sayo whoever-you-are... " pagtataray nya tapos parang nag-aaway na naman sila sa kabilang linya. May nagsabi pa nga na, 'wag kang magtaray'. "Ugh. Bitawan nyo nga ako, sir, what's the use of being in love?"
Oo nga naman. Ano nga ba? Kahit kailan hindi pa ako naiinlove sa buong buhay ko. Maliban na lang sa mga girlfriends na hindi ko naman talaga sineseryoso.
"Hindi gamit ang love, hija. Mga buhay na kaluluwa ang marunong main-love, may mga tao talaga na hindi nila namamalayan na nahulog na sila sa patibong ng pag-ibig. May mga iba rin na hindi alam kung ano ang tawag dun, kaso, kapag nafeel mo na. Wala ka ng kawala, walang rason kapag in love ka. Mafefeel mo lang yun, pero kung meron kang reason. Aba, iba na yan, crush mo lang ata ang isang tao," sagot nya.
Sa haba-haba ng kanyang sinabi wala akong naintindihan niisa. Amazing!
"Really? How about this, hindi pa ako naiinlove sa buong buhay ko. Paano ko malalaman na yung tao na yun pala ang gusto ko, kung ni minsan hindi ko pa naranasan mainlove?"
Natahimik kaming tatlo at hinintay ang kanyang sagot.
"Bakit hindi ka pa naiinlove, hija? Are you afraid to fall in love?"
"Hindi naman. Wala lang kasi akong oras para dun!"
"There, you have your reason. That's not love, pero paano mo nga ba maiintindihan ang pag-ibig kung di ka pag nagkakagusto? Seryoso ka ba talaga sa sinasabi mo?"
"Of course, never pa akong nainlove."
"Well then, that's it for this evening guys. Wala na po tayong oras at Good night," hindi nya sinagot yung tanong!
Pinatay ni Ajay yung radyo.
"May mga tao pa palang hindi naiinlove? Seryoso ba sila?" si Ronier.
Kahit ako di makapaniwala. Kasi, may mga katulad ko pa din pala kahit papano.
"Hoy, Kian. Kung ikaw tinanong nung caller? What's your answer?" si Ajay.
Siguro kahit si Ajay at Ronier curious sa ganoong tanong at sitwasyon.
"Di ko alam. The only thing I know is that love must not be taken for granted kung ayaw mong makarma ng de oras."
"Sabagay. Makatulog na nga." Ajay shrugged.
Maggood night na sana ako kaso nagtanong bigla si Ronier. "Have you ever been in love?"
Hindi ko alam kung kanino sya nagtatanong. Sa akin ba o kay Ajay.
"Ako ba ang tinatanong mo?" I asked.
"Kayong dalawa, syempre."
Nag-isip rin ako ng isasagot. Hindi ko na pala kailangang isipin, kasi matagal ko nang alam. Pinakinggan ko muna ang sagot ni Ajay, interesting to. Hahahaha.
"Kung ako ang tatanungin? Oo, na in love na ako. Hindi naman natin yun maiiwasan," sabi nya.
Paanong hindi maiiwasan? E hindi pa nga ako naiinlove. Hello? I'm still listening guys.
Tiningnan nya ako. "Ha? Ah.. e kasi, hindi pa talaga ako naiinlove."
Bumangon agad si Ajay mula sa kabaong nya. "Weeeehh? Di nga? Niloloko mo lang ata kami e!"
"Ayyy, ayaw maniwala. Bahala kayo dyan basta nagsasabi ako ng totoo," seryoso kong sabi.
"Weehh? Kahit crush mo si Sam?"
"Ajay naman! Ang ingay—ano? Ako? May gusto sa amazonang yun? In her dreams."
Ako may gusto sa kanya? Nakuu, ano ba yan. Naging red na ba ang moon ha? Violet? Green? Naging pink na ba ang uwak? O naging itim na yung mga dahon ng lanzones? Teka? Baka may zombie apocalypse o end of the world? Grabe naman!
"BAKIT MO NAMAN YUN NASABI? NI WALA NGA YUNG PAGKABABAE SA KATAWAN! MAGUGUSTUHAN KO PA KAYA? Di ko nga sya type no!"
"Ah really? Well, expected na sa taong hindi pa naiinlove minsan. Masasabi mo talaga yan kasi hindi ka pa nakakaramdam ng tunay na pag-ibig." may pa daydream effect pa ang loko.
Tinapunan sya ni Ronier ng unan sa mukha.
"Ahahaha. Bakla ka ba?"
"Hindi ah, pinapakita ko lang sa kanya ang mukha ng isang taong puno ng pagmamahal," at nagdaydream effect na naman.
"Mga loko-loko! Matulog na nga kayo!" Sabi ko sabay talukbong ng kumot.
-x
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top