Chapter 09
Jessie's Point of View.
Time checked, 6:30 AM. I need to wake them up now, at baka magalit na naman yung boys kapag walang pagkain sa hapag agad-agad.
Pinuntahan ko si Samantha sa ibabaw. Nasa taas kasi ang kanyang higaan tapos sa ibaba naman si Jona. Akin lang yung extended na kama na nasa ilalim ng double-deck. "Sam, Sam." I tried to wake her up pero mukhang di ata sya gigising. She even took her blanket back.
Agh. Ang hirap gisingin ng malditang 'to. Si Jona na nga lang. "Jona? Jona, gising na please."
"Ayoko, mamaya na. Yung boys..." tapos nakatulog ulit s'ya. Wala rin, tss. Si Ronier na nga lang at baka makatulong sya.
Pinuntahan ko ang boys room.
*tok tok*
Agad iyong binuksan ni Ronier. Mabuti naman pala at gising na sya ng ganito kaaga. Kaso ang sama ng bedhair nya but it looks good on him.
"Bakit, Jessie?"
"Ah... Eh kasi... ayaw gumising ni Jona at Sam kaya ako na ang tutulong sayo magluto."
Napatingin sya sa kanyang dalawang kasama. "Kaso wala pang panggatong. Kailangan pang gumising nitong dalawa."
Oo nga pala. Yan yung tinakbuhan ni Ajay at Kian kahapon.
"K-Kung ganun, if it's okay with you tutulungan na kita sa paghahanap ng panggatong."
Kahit hindi ako kalakasan, gagawin ko.
"Ah, sige. Mukha ka namang masculado. Teka, mag-ja-jacket lang ako," sabay sara ng pinto.
A-Ang bastos! Masculado ako? Ano ba naman yan! Hindi ako masculado, no. Chubby ako pero hindi malaki ang katawan ko. Karapat-dapat ba yung sabihin sa isang babaeng katulad ko? Lumabas din sya agad matapos mag-jacket. Malamig kasi rito sa cabin kapag umaga until 9AM. Nasanay na rin kami sa lamig at buti nagdala kami ng jacket, maliban kay Sam na nanghihiram lang sa 'kin.
"Tayo na."
Tinitigan ko sya pagkatapos n'yang sabihin iyon. My heart was beating insanely fast. Ang gwapo nya kasi sa jacket nya, bagay sa kanya ang kulay red. But violet ang favorite ko.
"Saan ba ang mga panggatong?"
"Nasa kubo. Help me, okay? Sabihin mo lang kung hindi mo kaya."
Tumango ako. Double meaning ata yung "tayo-na" word. What am I even thinking? Erase thoughts, erase, erase.
Binasag ni Ronier ang katahimikan namin. "What should we do? Mukhang ganun na talaga sila, hindi na sila babait pa." Tinutukoy n'ya siguro ang mission impossible namin.
Tumango ako. "Oo nga, e. Maybe let time managed everything for them."
"Sabagay."
Nang nakarating kami sa kubo, kumuha ako ng dalawang nakatali na kahoy. Mukhang tinalian na ata nila ito. Tapos si Ronier naman kumuha ng SAMPUNG bunch. Waaa, k-kaya nya ba ang ganyan karaming kahoy?
"M-Mabigat ata yan, a."
"Ha? Hm, not really. Ang gaan nga lang."
Lalaki sya kaya malakas. While, me. Wala nga talaga siguro akong silbi. Hindi nga ako marunong magwalis at maghugas. Tinuruan pa ako ni Ajay kahapon, si Jona tinuruan akong magwalis, tapos si Ronier, he taught me how to feed a pig. Ang bigat nung balde kahit dalawang tabo lang ang laman nun. Mas nafefeel ko na ang mga salita ni sir RJ sa akin.
Nang makakuha kami ng sapat na panggatong, bumalik na rin kami agad sa bahay kaso natutulog pa rin ang dalawa- si Sam at Kian. Nagkakape si Jona at Ajay na parehong nagbabasa.
"Good morning," bati ko.
"Good morning rin," si Jona.
"Mornin', kape muna kayo," yaya ni Ajay. Napatingin sya kay Ronier pagkatapos. "Tol, kape ka muna. Sinabi ko na kahapon na ako na yung magbubuhat nyan, diba?"
"Huwag na. Bukas ulit," tawa ni Ron.
"Ako na muna ang magluluto. Mukhang ayaw pang gumising ni Sleeping beauty," natatawang sabi ni Jona.
"Okay, magsisibak muna ako ng kahoy," tumayo si Ajay na may pastretching effect.
Lumabas silang dalawa, kami na lang ni Ron ang naiwan. Tungkol dun sa secret mission namin. Mukhang hindi na yun imposible, pero bakit kailangan pa naming gawin na kami mismo? Wala pa nga kaming ginagawa pero unti-unti nang nagbabago ang apat.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
"Ronier, anong gagawin ko?"
"P-Pakigising si Kian, tulog mantika talaga yun."
Hindi naman kasi yun ang ibig kong sabihin pero di bale na nga lang.
Pinuntahan ko ang boys room. Tulog mantika nga si Kian tapos tulo laway pa. Nakakaturn-off.
"Kian, Kian, wake up!" I pulled his blanket pero hinila n'ya iyon pabalik.
"Tss. Maya na!"
"Gising na ano ba..." pamimilit ko pero ayaw n'ya talaga. Paano ba ito? "UMUULAN NA NG MAGAGANDANG LATINANG BABAE!"
"ASAN!" natataranta n'yang tanong. Sabi na nga ba, e di gising na gising na siya.
"Nasa kusina. Good morning. Tara, tulungan mo kami dun," I pulled Kian. Kahit na lalaki ito, patpatin pa rin kaya keri lang.
Ilang lakaran lang naman ang kusina kaya mabilis din kaming nakaabot.
"Where's, Sam?"
"Ang aga-aga siya agad hinahanap mo. Tulungan mo kaya ako rito?" si Ronier.
Nagmaktol agad si Kian. Bakit n'ya ba hinahanap si Sam?
"Tss, ang unfair. Ayaw nya ba talaga gumising? Bwes, hayaan nyo si lover boy ang gumising sa kanya," presko niyang sabi.
"Oo na, oo na, true love's kiss ang tatalab dun," biro ko.
Bigla ba naman syang namula. Totoo ba 'to? Parang may something na ata ha.
"E-Ewan!" inis siyang lumabas ng kusina.
Ang halata nya masyado. Tsk, tsk. Oo nga pala, I forgot to greet him.
"Ronier, alam kong huli na pero good morning nga pala."
Iniwas nya agad ang kanyang tingin sa 'kin. "Good morning din, Jessie."
Kian's Point of View.
Nagpapa-VIP pa itong babaeng na to akala mo naman kung sinong maganda! Walang katok-katok sa akin. Agad kong binuksan ang pintuan kasi wala namang lock, e.
"Hoy, babaeng tulog mantika! Gumi-" natigil ako sa pagsasalita nang napatingin ako sa kanyang mukha.
Time stopped like it was all in slow motion. Not just me, but also my heart. Bakit ang ganda nyang matulog? She looks like an angel in disguise. Ang itim at ang kapal pala ng kanyang pilikmata. Hindi ko man lang napapansin. Tss, oo na. Para syang walang kasalanan pero kapag tulog lang. Parati nya kasi akong inaaway sa tuwing gising sya. Haay naku, kung hindi nya lang sana ako inaaway baka nainlove na ako sa kanya... at IMPOSIBLE YUN. She's definitely not my type! Bleh.
"What are you doing?" bigla s'yang dumilat. Nagulat ako't nalaglag sa hagdan ng double deck.
Ayun, una pwet. Ang sakit pero pinilit kong tumayo agad para hindi nya makita.
Tinitigan nya lang ako mula sa itaas. "Buti nga sayo, ang sama mo kasi," pagkatapos niyang sabihin iyon ay bumaba siya kaagad.
"Kagigising mo lang pero inaaway mo na ako agad?"
"Sino ba kasing nagsabi sayo na gisingin mo ako? Panira ka ng umaga, e," nilagpasan nya ako tsaka s'ya lumabas.
Wala man lang good morning? Sinundan ko sya at hinila sa pulso paharap sa akin.
"Hoy, batiin mo nga- ayos ka lang?" natigil ako sa pagsasalita nang makita ang nanghihina niyang mukha.
"Um... siguro," sagot niya bago siya nahimatay sa dibdib ko.
-x
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top