Chapter 02

Chapter 02


Maldita's Point of View.


Ugh.

Kainis, I cursed my dad from the bottom of my heart. Paano ba naman kasi? Tsk, di man lang nagpasabi na para pala sa akin yung invitation.

**Flashback

I was pedicuring my toe nails nang biglang may kumatok sa pinto ko.

"Sino iyan?"

"It's me, sweetie."

"Daddy? Come in," napatingin ako sa kanya. "You're too early. How was the business meeting in Philadelphia?"

"It was great, sweetie. We already closed the deal," nakangiti nyang sabi.

Buti naman pala, binalik ko yung tingin ko sa pagcucutics pero hindi pa rin umaalis si daddy.

"May problema po ba?" pagtataka ko.

"Sweetie, since you're already 17 years old and your birthday will be on October. I have something for you," binigay n'ya sa akin yung letter na luma. "Advance happy birthday :)"

I took the letter ftom his hand. So ibig sabihin this is his birthday gift to me? Daddy, kailan ka pa naging ganito ka-cheap?

"D-Dad? You are kidding me right? Summer pa po ngayon, it is still April -,-" and daddy's giving me the wrong present.

"I know. I know, but that invitation is going to be your entrance for tomorrow's trip. More like a camping."

Napatingin ako sa kanya. Ayan tuloy, lumagpas na yung cutics ko.

"D-Daddy? Camping? Okay ka lang ba? May sumapi ba sayo ha? Tell me you are not serious, malamok ang camping!" inis kong untag.

Nang Girl's Scout nga namin parati kong nasusumbatan ang mga kasamahan ko dahil ayaw kong malamukan. Tapos ngayong malaki na ako, ipapatapon niya ako sa malayong lugar upang ma-camping? Maling-mali iyon, daddy!

"I am dead serious. I heard that you are not being a good girl here. Utos ka ng utos though you have legs and hands. Maybe this camp will change you as a person."

"Don't you love me for who I am, Dad?" pag-arte ko na mukhang naiiyak.

Hinawakan nya ang aking pisngi. "Of course I do. Don't get me wrong, sweetie. Kaya lang kasi I promised your mommy that I will raise you as a kind and sweet young woman. Not a spoiled brat and maldita!"

Tss. Sabi na nga ba, si mommy na naman? Asan ba kasi si mommy? Bakit ayaw nyang magpakita sa 'kin? Kinarma na ba sya sa pag-iwan nya sa amin ni dad ha? Psh.

"Fine!" pagsuko ko kahit medyo may inis pa rin sa puso.

present

"*sighed* kainis," sabi ko habang nakatingin sa labas ng limousine.

"Okay lang po ba kayo, Miss?" tanong ni manong Peter, ang driver namin.

"Opo manong, magka-camping na naman po ako, e."

Nagtataka kayo no kung bakit mabait ako sa kanya? E kasi po, mas umaasta ko pang tatay itong si manong kesa kay daddy. Sana nga sya na lang ang tatay ko. Kahit di sya mayaman, ayos lang at least napapansin nya ang presensya ko at hindi siya nagdedesisyun ng padalos-dalos.

"Ganun ba? Teka, baka malamok dun."

May kinuha si manong mula sa kanyang bag nya.

"Heto po, Miss. Mosquito repellant lotion."

Waaaah! Mabuti naman naalala ni manong na galit ako sa lamok.

"T-Thank you po, you're the best tatay ever!" I smiled.

Tumawa lamang siya. Ilang oras din ang lumipas bago kami nakarating sa sinasabing "camp" ni dad. I stepped outside the car and kinuha naman ni manong ang maleta ko.

"Thank you po talaga, manong Pete."

He bowed in front of me. "You are welcome, my princess."

At ganun din ang ginawa ko pero as princess.

"Una na po ako. Mag-ingat kayo ha."

"Opo naman. Babay!"

Kaway pa rin ako ng kaway hanggang sa lumiit na sa paningin ko ang limo. I stared at the sign. The name was obviously carved on a tree.  *Camp Royalty* what the heck, bakit bahay 'to? Office? Hindi bale na nga. Isa pa, ang bigat lang ng bagahe ko ha? Naku naman!

Lumapit ako papunta sa pinto, hila-hila pa rin ang aking maleta, and now I am staring at the door. Grabe ang mga pinto rito, nakakatakot naman titigan. Nakatitig lamang ako sa pintuan ng biglang may nagsalita sa aking likuran.

"Hindi yan bubukas kung tititigan mo lang," sabi ng mama na naka tore jeans. Uso ba yan dito?

"Bakit ang dumi ng pinto niyo?"

"Malinis yan, Miss."

I immediately covered my nose due to the pungent smell that his clothes or whole body carries. He smells like fucking poop.

"Ganito lang yan, oh," ipinakita niya sa akin ang tamang pagkatok.

"Ah okay," matabang kong sambit habang tinutulak ng mahina papasok ang pinto.

"Hoy, Miss," sigaw nito.

Napalingon ako sa ibaba at baka may nahulog akong importanteng gamit kasi tinawag niya ako.

"Salamat ha," sarkastikong sabi ni Manong.

Dapat ba akong magpasalamat? Akala ko kasi obligasyon niyang tulungan ako.

"Um... tsupi ka na run."

Pumasok na rin ako sa loob. Akala ko ako lang mag-isa. May tatlong tao na sa loob, nakaupo at mukhang pamilyar. Maybe isa sila sa mga schoolmates ko. Nakatitig lamang sila sa 'kin. Mukhang umaasa sila na babatiin ko sila isa-isa lalo na iyong mukhang mahiyain na lalaki.

Sorry to disappoint you, but I'm not fond of warm greetings.


Matalino's Point of View.

Kararating ko lang dito sa camp pero sandamakmak na kamalasan na agad ang nangyari sa 'kin kaninang umaga. Unang-una, natapunan ako ng putik dahil sa lalaking naka tore jeans. Second, kinagat ako ng langgam ng katukin ko ang pinto. Sino bang matinong tao ang maglalagay ng langgam sa pinto ha? Tao pa ba yun? Pangatlo, ANDITO si best friend kong bobo. Aaggh, could this day get any worse?

"H-Hello," bati ng mukhang elegante sa 'kin.

"Hello rin."

Apat lang kami na andito ngayon at hindi ko pa nakikilala ang dalawa. Tahimik lang kami sa ginagawa namin nang binasag bigla ni Bobo ang katahimikan naming apat.

"Hoy, bakit ka rin andito? Hindi mo sinabi sa 'kin na mapapadpad ka rin dito," si Bobo.

"Ha? Lahat ba talaga ng bagay kailangan kong ipaalam sayo? Hindi ka naman pulis n'yan no?"

"Nagtatanong lang, e."

Napatingin sya run sa mahiyaing lalaki.

"Tol, what's your name?"

"A-Ako?" tinuro nya pa ang sarili nya gayung wala naman ibang lalaki dito bukod sa kanilang dalawa.

"May nakikita ka bang hindi namin nakikita?" sagot ni Bobo.

"Um... ako si, Ronier. Ronier More Bernardo," medyo nahihiya niyang pakilala.

Napatingin ako kay sa babaeng kasama namin.

"Um... I-I'm Jessie. Jesselyn Padilla," pakilala niya. Mukhang nakuha ang gusto kong sabihin.

Ako na sana iyong magpapakilala kaso sumingit etong si best friend kong bobo.

"The name's Ajay. Aldrich Jay Soberano."

Sinamaan ko sya ng tingin bago ako nagpakilala.

"My name is Marie Jona Gil. Nice to meet you." A formal way to introduce myself.

"Apat lang ba tayo?" tanong ni Jessie.

"Sa pagkakaalam ko sa sinabi ni papa. Anim dapat tayong andito," si Ron.

Ibig sabihin kulang kami ng dalawa. Ang obvious naman e, simple math. Maya-maya may dumating na lalaki. Naka-varsity jacket ng pula, napakaitim pa ng mga pilikmata at ang mismong mga mata niya. I admit, he's handsome and hot. Gwapo rin naman itong dalawa kaso mas angat nga lang sya. Para rin siyang babae dahil sa payat niyang katawan.

Tinignan niya kami isa-isa.

"Am I in the right camp?" he asked looking so cool.

"Nag-iisang camp lang 'to. May problema ka?"

Hindi nya ako sinagot. Sa halip ay nilagay niya ang kanyang bagahe sa gilid.

"The name's Kian Izra Lustre. KI for short." sabay suot ng headset.

Naku naman, makakasama ko ba talaga sila?

"Five down, one to go," bulong ko.

Tahimik lang kami nang marinig namin ang ingay mula sa labas.

"Babaaaaayyyy!!!!"

"Ano yun?" si Jessie.

"Baka siya na ang huli," si Ron.

Hinintay namin siyang pumasok at nakinig ng mabuti.

"Di yan bubukas kung tititigan mo lang," sabi ng isang boses.

"Bakit ang dumi ng pinto?"

"Malinis yan miss. Ganito lang yan oh." tapos may kumatok na.

"Ah okay."

Dahan-dahang naitulak ang pinto papasok, at bumungad sa amin ang isang magandang babae. Ako lang ba 'to or sadyang ang ganda n'ya lang talaga? Ang lakas ng kanyang sex appeal. Nakita ko na ba siya dati? Tinitigan niya lang kami, mukha naman siyang mabait. Akala ko ay magpapakilala ito sa amin kaso naupo lamang sya sa sulok at nagsimulang magbasa ng pocketbook.

Ang snob niya. Magkakasundo ba kaming lahat dito kung may iba-iba kaming pag-uugali?

-x

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top