special part : skian.
Nasa'n na siya? Naaalala mo pa ba noon
Kung pa'no nabuo ang pag-ibig sa tabing-dagat?
- Pag-ibig sa Tabing Dagat by Orange and Lemons
***
Limang taon. Kung ako ang iyong tatanungin sa loob ng nasabing taon, isa lang ang masasabi ko:
Anong nangyari sa'min after ng journey namin ni Mid sa Camp Betweens?
After ng two years and 8 months ng pagiging in a relationship namin ni Midnight sa camp ay kaagad naman akong nag-propose sa kanya using a paper ring. Hindi ko naman afford ang bumili ng mamahaling singsing, basta mapasaya ko ang aking mon bebe, sapat na iyon para sa'kin.
After niyan ay umalis kami to start a new life outside, therefore it's the same atmosphere as it is. Nararamdaman ko na talaga ang tropical na bumabalot sa'ming dalawa — lamig ng atmospera at init ng nararamdaman habang kaming dalawa pa ang magkasama sa iisang bubong.
Alam na ng pamilya ng magkabilang panig ang tungkol sa'ming status by sending them a letter, and so far, parehas kaming tinanggap as their reply. Katunayan nito ay botong-boto sila sa relationship namin, kaya ang naisip ko na lang is sana maging una at huli si Midnight hindi lang sa puso ko, maging ng mga tala sa buwan.
Isang araw...
***
"Ski, pwede ba tayong mag-usap?"
Nilingon ko si Mid habang pinapanood ko ang alon na umaagos papunta sa buhangin. Nandito kami sa beach — ang lugar na kung saan naroon ang mga masasayang alaala, malungkot man o hindi naman kaya ay hindi inaasahang pangyayari sa buong-buhay namin.
"Sure, why not?"
Umupo siya sa tabi ko: sa may mga buhaging nakadikit sa mga suot na swak na swak sa tag-araw. Ilang linggo na lang at malapit na ang kasal namin, at ang mga disenyo't susuotin ay nakahanda at pinaplano na para sa event na tiyak ito'y mananatili sa arkibos ng nakaraan.
Pinagmasdan niya ang tumatakbong alon, kalaban ang buhangin na siyang nagpaalis mula sa kanilang pagpapakita. Dito ay inaalala niya ang parehas na tinig na siyang nagpahilom mula sa sugat ng nakaraan.
"Mula sa agos nitong tubig na ito tuluyan kong naaalala ang Camp Betweens," malumanay niyang banggit.
Napapangiti na lang siya habang iniisip niya ang lugar na iyon — ang kanyang tahanan mula sa kanilang pagtakas sa magulo at komplikadong mundo. Isama niyo pa ang malamig na gobyerno na hindi natin alam kung may magpapatunaw ba sa kanila o hindi na talaga.
Napatulala siya sa alon, inaalala ang mga masasayang alaala kasama ng kanyang mga kaibigan, ang night jam, maski mga liham na palagi kong sinusulatan mula sa base camp patungo sa Room 18.
Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga, naalala ko ang bawat pagpasok at paglabas ko sa base camp with other officers, at ito ang isa sa mga alaala na hinding-hindi ko malilimutan gayong nakaalis kami sa mismong lugar na iyon.
"Oo… I can't believe it's been five years since nanatili tayo sa camp together with Twinklers, it felt so surreal pero parang may tumama sa'kin tuwing naaalala ko ang lugar na iyon."
She agreed the same way as I am. Bawat pagkumpas ng alon ay dinadala ulit kami sa kung saan kami nagsimula, mula sa hindi inaasahang pagkikita hanggang sa muling naibalik ang tamis ng aming pagmamahalan na nabuo maging sa camp.
Pero iba talaga ang pakiramdam kapag mahal mo ang isang tao. Sa tagal niyong pagsasama ay nananalaytay pa rin sa inyo ang tiwala na naibigay niyo sa isa't isa, tinanggap niyo na ang kung anumang nangyari sa inyong nakaraan at higit sa lahat, despite of their flaws inside and outside ay nayayakap niyo pa rin iyon.
Sa kaso namin ni Mid parang feeling ko ang genuine ko pa ring boyfriend — mali. Fiancée. Ang genuine ko sa kanya, 'yung tipong kahit nagkaroon na ng lamat ang relationship namin ay naayos namin siya nang biglaan at basta-basta. Naghilom na ang sugat na dumaloy sa'ming dalawa at ngayon ay maayos na ako…
...kaming dalawa. Hindi na namin ito matitibag kumpara sa inaasahan.
"Mon bebe, may sasabihin sana ako sa'yo. Would you like to hear it?"
"Sige lang, Mid. Walang problema sa'kin. Basta huwag lang Math, a!"
Natawa siya sa binanggit ko bago niya ako hampasin sa'king balikat. She smiled at me, kahit kailan hindi talaga ako magsasawa sa pagpapakita ng kanyang cremang ngipin na nakikita ko kahit sa malapitan.
"Skian… alam kong I'm not a pro at doing this but, thank you. Nagpapasalamat ako dahil simula noong nakilala kita online alam ko sa sarili ko na may intensyon ka pala na kaibiganin mo ako subalit nang lumalim ang ating pagsasama saka ko pala nalaman na pinagdudugtong tayo ng mga tala, na may spark tayo para sa isa't isa.
"Sa loob ng limang taon na pagsasama natin ay napatunayan mo sa'kin kung paano mo niyayakap ang aking nakaraan, kung gaano ako kahalaga sa'yo… lahat. Lahat-lahat. Mahirap kasing i-explain sa'yo lalo na't kasama 'to sa magiging vows ko next week but, ayun.
"Gusto kong sabihin sa'yo at ipagsigawan sa buong mundo kung gaano kita kamahal, kung gaano ako kumakapit at nagtitiwala sa'yo, at higit sa lahat, nagpapasalamat ako kay Bathala dahil binigyan niya ako ng isang lalaki na siyang magtatanggol at mag-aalalay sa'kin. Kahit tumanda man ako, siya pa rin ang aking mon bebe at mon tresor, after all."
Napapangiti na lang ako sa sinabi niya. As she said, I'm so blessed to have her dahil nararamdaman ng puso ko kung gaano siya ka-consistent sa'kin, na kahit abutan man ng dekada ang relationship naming dalawa ay mananatili pa rin siya sa tabi ko.
She'll stay with me not just as a husband, but as her safe haven. Same as other people from Camp Betweens.
"Mon bebe, pinapangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat ng makakaya ko, mapasaya lamang kita at ng magiging anak natin in the future. Hindi man perpekto itong hamon ko pero kahit anong mangyari, kayo pa rin ang aking sandigan upang magpatuloy ako sa laban na ito. Saka…"
Hindi na niya namamalayan na tumutulo na ang luha sa kanyang mga mata. Isang tears of joy, ika nga ng ilan. Aniya, masaya siya dahil nakatagpo siya ng isang binata na kahit masaya o malungkot man ang aking nakaraan, tatanggapin niya pa rin iyon nang buong puso.
Akalain mo iyon, bilyon-bilyong mga tao ang nagkakalat sa iba't ibang lupalop ng mundo, but who would've thought na nang dahil sa internet love, rito pala magsisimula ang istorya ng pag-iibigan naming dalawa?
"Mukhang wala na yata akong sasabihin pa, ano? So, hanggang dito na lang ang message na sana naman ay maintindihan mo. Je t'aime, mon tresor!"
My treasure. Sa pagsabi pa lang niya ng I love you ay tuluyan nang naantig ang puso ko kasabay ng mga luhang rumaragasa sa kanyang mga mata. Agad ko namang inusog ang aking pwesto para siya'y yakapin at nang tumahan na sa kanyang pag-iyak.
"Midnight, my treasure," I called her. "Salamat. Mukhang wala na rin akong ibang sasabihin kasi nasambit mo na lahat ng nais mong isambit mula sa utak mo. Hindi man ako ang iyong pasdong boyfriend pero kaya kitang pasayahin to make your life perfect. Patatawanin kita, sasayawin kita, kakantahan, lahat. Kahit pirmahan ko pa ang librong hawak mo paniguradong sasabog na ang puso mo sa sobrang saya."
Lumingon ako sa kaulapan at pagkatapos ay direkta ko siyang tinitigan sa mata. "Nagpapasalamat ako dahil binigyan ako ng universe ng isang babaeng kukumpleto sa'king matamis na gabi. Lagi kitang aalahanin tuwing alas-dose ng hatinggabi habang pinagmamasdan ko ang mga tala na nagniningning at lumiliwanag sa kaulapan. Itatala ko sa papel ang mga rason kung bakit kita minahal, lalong-lalo na ang mga alaalang nananatili pa rin sa'king arkibos."
Hinahagod ko ang likod niya habang sinabi ko ang bawat mga katagang iyon na lalong nagpaiyak sa kanya. Pinatahan ko naman siya bago ko ulit siniil ng isang matamis na halik.
Isang matamis na halik: ito ay aking babaunin sa mismong araw ng aming kasal.
Natapos man ang kanyang umuulang luha ay nakahiga naman siya sa balikat ko. Tila inaantok na si Mid, pero hanggang sa mga oras na ito ay pinapanood pa niya ang mga tala na kumukunekta sa ilalim ng sumasayaw na katubigan.
Kung tatanungin niyo ulit ako kung sino ba si Midnight sa buhay ko, simple lang. Siya ang bukod tanging binibini na aking iniingatan at pinapahalagahan, ang aking sandigan at sandalan sa lahat ng hamon ng buhay, at ang aking pahinga sa nakakapagod kong mundo.
Pagdugtong-dugtungin man ng tadhana at ang buong universe, kami pa rin talaga ang nakalaan para sa isa't isa. Alam na ni Bathala ang nakatakdang plano sa'ming dalawa at ito'y makakarating sa tamang panahon.
Tamang panahon, para sa tamang tao.
Dahil tulad ng mga tala na kumikinang sa buwan, magliliwanag at maniningning kami para sa panibagong hamon ng aming buhay.
Pangako iyan.
***
Hindi ko na alam kung hanggang saan ba dadalhin ng plot kong 'to. Anyways...
On August 3, 2021, 12:45am, ang Camp Betweens ay tuluyan nang nagsara. Salamat sa inyong pananatili sa inyong destinasyon! See you on our next trip!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top