skian.
"Skian, my friend, kamusta na ang puso mo?" tanong ni Archi sa'kin dalawang oras bago ang forum. Ilang buwan na siyang nandito pero lagi ko siyang kabardagulan at kakwentuhan habang nasa base camp kami. Alam din niya ang tungkol sa'min ni Mid at naiintindihan naman niya iyon, subalit sa side ko, mahirap.
Mahirap lalo pa't hanggang sa mga oras na ito ay siya pa rin ang gumugulo sa isipan ko, pati ang mga traydor na alaala ay bumabalik sa'kin. How am I supposed to forget her when I'm not ready to choose myself?
Yes, I chose to love myself first. To grow myself. Ginawa ko ang lahat just to forget her pero sadya talagang mapaglaro ang tadhana.
Lagi kong tanong sa utak ko noon, when will my heartache last? But then ngayon, iniisip ko kung kami ba talaga ang pinagtagpo para sa isa't isa?
"Heto…" malungkot kong banggit, "kumikirot pa rin. Tinitiis ko pa rin siya kahit sumsasakit na siya nang tuluyan at patuloy pa ring lumalala."
Hanggang sa mga oras na ito ay gusto ko pa ring magpanggap na parang ayos lang ako. Na parang ayos lang sa'kin ang lahat, na wala nang kirot subalit hindi ko magawa. Hindi ko maamin sa sarili ko kung kumplikado ba itong nararamdaman ko o parang iba na.
Hindi ko na alam.
"Mahal mo pa rin ba?"
Tumango ako. Hindi ko pala namamalayan na tumutulo na ang mga luha ko na nagmumula sa'king mga mata. Parehas kaming apektado sa nangyari kaya hindi ko alam kung paano namin ito mareresolba.
Isang taon na kaming hindi nag-uusap, pero sa loob-loob ko pakiramdam ko gusto ko na siyang kausapin. I want to talk to her for one last time — not for once, but everytime. Miss na miss ko kasi ang boses niya, even her hugs and kisses.
"And kung noon na sa cafeteria nagkita and what a coincidence na same school kami, pati ba naman dito sa Camp Betweens paglalapitin talaga kami ng tadhana?"
"Ganoon talaga, Skian," sumabat naman si Shanxx sa listahan. "Kahit matagal na kayong wala, paglalapitin at paglalapitin pa rin kayong dalawa. Kumbaga, sinasabi nila sa'yo na kayo talaga ang para sa isa't isa. Perfect match, ika nga.
"Oo, nariyan pa rin ang sakit. Pero hindi mo pwedeng kalimutan ang mga memories niyong dalawa ng ex-girlfriend mo. Hindi man perfect ang relationship niyo noon, at least nagkakaintindihan kayo at higit sa lahat, may tiwala sa isa't isa."
***
Kakatapos kong bumili ng maiinuman nang si Midnight na ang humagip sa atensyon ko. She leaned at me slightly, subalit umalis siya pagkatapos nito. Sa utak ko ay gustong-gusto ko na siyang kausapin pero pinili ko ang aking sarili na huwag muna.
Pinili kong maging duwag. Sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung haharapin ko pa ba si Midnight o huwag na lang. Kahit may parte pa rin sa'kin na kausapin siya, ni konting kirot, kikimkimin ko na lang iyon.
Tatahimik na lang ako hanggang sa matapos na. Kalimutan ko man siya or hindi, this woman will hold a special place in my heart.
Subalit, bigla kong naalala ang sulat na dapat sana ibibigay ko sa kanya kaya lang natatakot ako na pagtabuyan niya ako pagpasok ng kwarto niya. But then, nagtalo ang puso at isip ko kaya wala akong ibang choice kundi ibigay ko nang direkta sa kanya.
Hinulog ko ang envelope sa butas ng pintuan niya, at walang ka-anu-ano'y tinugon na niya ang akin.
Sana pumunta na siya rito.
"Skian!" Narinig ko ang boses mula sa kalayuan. Agad kong hinanap kung sinong anghel ang nagsalita at mula sa kalayuan, parang linya na kusang kumukonekta sa'ming dalawa nang nahagip ng mga mata ko si Mid.
Ang tangi naming nararamdaman ay ang tahimik na atmospera, mga ibon at tao na humuhuni sa kalangitan at kalupaan, at ang pagpintig ng puso naming dalawa. Sa oras na konektado talaga ng tadhana ang landas namin ay muli kaming paglalapitin ng mga yabag ng nakaraan.
Mga nakaraan na pilit namin tinatahak at hinihila pero nananatili pa rin sa gitna. Ang gitnang to the point na itatago namin iyon o iwawala nang tuluyan.
"Mid, buti nandito ka—"
"Anong ginagawa mo rito? Tsaka, anong ibig sabihin ng sulat na iyon?"
Kinuha ko ang kamay niya, "Sumama ka sa'kin, Midnight. Walang ibang tao ang makakaalam kundi tayong dalawa lang."
Hindi na agad nakapagsalita ay hinatak ko siya patungo sa base camp. Lumayo kaming dalawa sa mga taong nasa buhangin, nakaupo habang ang ilan sa kanila ay nagliliw-aliw including Ate Japs and Ate Krisnah.
Binuksan ko ang pintuan ng nasabing lugar at kaagad akong nakahinga nang maluwag. Sinarado ko ito bago niya ako hinarap.
Inunahan ako ni Midnight, "Skian… it's been a year from the past few weeks since our break up happened and yet I'm still puzzled right now. Tapatin mo nga ako, bakit hindi mo sinabi sa'kin ang dahilan ng panlalamig mo na siyang hudyat upang magkahiwalay tayo?"
Tinikom ko ang bibig ko. Hanggang ngayon bakit inaalala pa rin niya ang nangyari? Ang boses niya ay seryosong-seryoso, na anumang oras ay malapit na siyang magalit buhat ng nangyari sa'min.
"Mid, hindi ito ang tamang oras para mag-usap—"
"Putangina sagutin mo muna ang tanong ko!" She raised her voice, nakakagalit ang tingin niya sa'kin na anumang oras ay papalayasin na niya ako sa harapan niya. Hingal na hingal ito at nag-aantay ng sasabihin na siyang ibabato papunta sa'kin.
"Why the hell did you broke up with me just because of your stupid behavior? Na kaya ka nagkakaganyan ay dahil sa nanlalamig na ang relasyon natin? Sa'kin? Bwisit naman, Shionin!"
Umaagos na ang emosyon na bumabalot sa kanyang mga matang umaapoy sa galit. Kahit gaano man katigas ang puso nito ay nararamdaman ko na palalambutin ko ito pagkatapos.
"Ilang beses na kitang tinatawagan at ilang beses na kitang tine-text. Pero kahit na anong gawin ko, ni pagmamakaawa ang gawin ko sa'yo hindi mo pa rin ito tutugunan kasi nanlalamig ka na talaga. Gusto ko man tunawin ang yelong bumabalot sa katawan mo pero hindi ko magawa dahil wala na tayo… na pinagtagpo talaga tayo pero hindi tinadhana.
"Skian, hindi pa ba sapat? Hindi ba sapat ang sabihan kita na mahal na mahal kita to the point na isambit mo sa'kin na hindi mo ako mahal? Ano ako, baril na kapag tumama ang bala sa'yo wala ka nang maramdaman?"
Lumingon siya sa kawalan. "Wow… just wow. Fuck this shit!"
Nagpakawala siya ng isa pang malutong na mura bago niya hinampas ang monobloc na siyang nagpagulat sa'kin. Naririnig ko ang kanyang paghikbi kasabay ng kirot na namumuo sa puso niya.
Hindi na niya ako nilingon pa. "Sana sinaksak mo na lang ako. Sana patayin mo na lang ako. Sana patayin mo na rin ang putanginang puso na ito katulad na lang ng pagpatay mo sa'kin at sa nararamdaman ko! Ang sakit pa rin sa'kin iyon, tangina!"
Tuluyan nang sinipa ang tin can sa sobrang galit, I don't know why but right now, I can see pain in her eyes — no.
Her emotions. Halata sa kanyang mukha na apektadong-apektado siya dahil sa nangyari kaya mula sa mabibigat kong mga yapak ay lumapit ako sa kanya at agad kong niyakap.
Sabay kaming umiiyak. I can't help but to cry due to some events being so sudden. Iniiwasan ko muna ang hindi magtitigan habang iniisip ang nangyari sa'min isang taon na ang nakalilipas…
"Midnight…" I sniffled, lumalabas na ang bagaheng dala-dala ko simula noong pumasok ako sa Camp Betweens. Kahit mahirap, pinipilit ko pa rin ilabas ang gamit sa loob nito bago pa ito gumaan. Naisip ko, tama talaga.
Tama talaga na mas mabuting aminin ko na lang kaysa naman sa magsabi ako ng kasinungalingang hindi naman niya agad mapapaniwalaan.
"Patawarin mo ako… patawarin mo ako kung sakaling nanlamig na ang relasyon natin, lalo na ako. Sa totoo lang, gulong-gulo na ang isipan ko at hindi ko alam kung desisyon ko ba na hiwalayan kita… Pero alam kong may pagkukulang ako. Si Skian na nagkaroon ng pagkukulang habang silang dalawa pa mismo ng ex-girlfriend niya.
"Magulo ang takbo ng utak ko noon. Katulad mo, nahihirapan din ako. Naging immature gaya ng ilan. Hindi kasi kita kaya na paghintayin ka nang matagal kasi alam ko sa sarili ko na maaagaw mo ako sa iba."
She leaned at me, namumugto ang kanyang mga mata at tila nalulungkot sa sasabihin ko. Kinuwento ko sa kanya kung paano ako nanlamig ang relasyon namin, at iyon ay noong nawalan ako ng gana.
Nawalan na ako ng ganang mag-aral, manood, makipag-usap at makipaghalubilo sa mga tao, lalong-lalo na kay Midnight. Nawalan na ako ng gama sa lahat at hindi ko alam kung maipagpapatuloy ko pa ba itong ginagawa ko ngayon.
Kapag tinatanong ako ng mga kaibigan at pamilya ko pasimple kong sinasabi sa kanila na, "ayos lang ako," kahit ang totoo ay hindi talaga. Maski ako ay hindi naiintindihan kung bakit ako nagkakaganito na siyang sanhi na madalas na pagtatalo namin ng ex-girlfriend ko.
Nang tumagal ay tuluyan nang nanlamig ang pakiramdam ko na hindi ko alam kung may magpapatunaw ba sa ginagalawan ko ngayon. Nakikita ko naman ang mga texts niya na halos i-seen ko na lahat ng mga messages niya, even her motivationals na nagpapagaan sa loob ko.
Lumipas ang ilang linggo ay nagiging kumplikado na ang nangyari. Nag-away kami hanggang sa pinili ko ang isang pinakamahirap na desisyon — ang hiwalayan si Midnight. Noong una, desidido talaga ako na palayain siya dahil gulong-gulo na ako ng mga panahong nilalamon na ako ng lungkot, isa na rito ay kung ipagpapatuloy ko pa ba ang private relationship namin.
Long story short: mula noong tumagal ay nararamdaman ko na lang na mahal ko pa rin siya. Kung kailan nakalimutan ko na agad ang isang bagay saka ko pa siya hahanapin ulit.
Palagi kong hinahanap ang bawat mga ngiti niya, ang bawat mga yakap, halik, amoy, at ang kanyang boses… shit. Para akong nababaliw habang inaalala ko si Midnight.
"Kaya ngayon, ako, si Skian Shionin Stellar, lumuluhod sa harapan mo at nagsasabi ng…" Huminga ako nang malalim bago ako bumulong ang isang salita na mahirap gawin, pero madali itong sabihin.
"Patawad."
***
Patawad kung nasaktan ko kayo sa eksenang ito. Sana maayos pa ang puso niyo. :>
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top