skian.

I woke up this morning para tignan ang message ni Ate Japs na tumunog kani-kanina lamang. I suddenly got up, kinuha ko ang phone ko para tignan kung ano ang mensahe niya sa'kin at exactly 9:34am.


Japs:
Ski, wake up. May bago sa camp.

Japs:
Hello? Are you still awake?

Jusko po. Pinapagising ako ng babaeng 'to, a.

I checked the time, it's already 9:50am. Ang kailangan kong gawin ay maghanda ng makakain para sa bagong bisita kaya kumilos na agad ako at nang makalabas na sa Room 3.

Habang sinusuot ko ang aking tsinelas ay kaagad ko siyang ni-replyan:

Skian Shionin:
I'm on my way, Ate Japs. Sorry if I fell asleep, or overslept, I guess? Napasarap kasi tulog ko, e.

Napasarap tulog mo, Skian? Or is there something else?

Mula sa unang palapag ay pumunta ako sa base camp - which is officer's house - para maghanda ng makakain para sa mga nakatira sa Camp Betweens.

"Skian! Buti nandito ka na pala," ani Krisnah, isa sa mga co-owners ng nasabing lugar. Habang niluluto niya ang sunny side up ay bigla siyang nagsalita while taking off my bag, "Tinext ka ni Ate Japs kanina pero hindi mo sinasagot ang bawat mga sinasabi niya. Napasarap na naman tulog mo, ano?"

"Yup, Ate Krisnah..." Agad kong tinakpan ang kamay ko dahil sa ngayon lang ako humihikab. "Teka. Ano pong meron at may ti-next po sa'kin regarding po roon sa bagong bisita sa camp?"

Nilagay niya ang dalawang itlog sa plato bago niya patayin ang apoy sa kusina. Tinanggal niya ang apron at pagkatapos ay umupo siya sa harapan ko.

"So, regarding doon sa sinabi ni Ate Japs kanina sa'yo, ito-tour mo dapat ang huling bisita sa camp kaya lang tulog ka. Skian, I know it's hard to see her again but she decided to go on touring the new member since hindi mo pa kaya na harapin siya."

To be honest, these two knew my past from a year ago. Kung paano ako nawasak mula sa break-up na nangyari noon and yet even myself felt being complicated due to what happened. But then...

Sinong "siya"? Mula sa tanong na nagparamdam sa utak ko it felt like I'm a clueless person. Wala akong maisip kung sino sa mga ito at isa pa, nakalimutan ko na siya isang taon na ang nakararaan.

But deep inside, I still love her. Hindi ko inaasahan na sa isang ugaling pinaka-inaayawan ko when it comes to relationships ay ganito pala ang kahahantungan ko - naming dal'wa. Yes, I chose to love myself but when the night gets deeper, I can't help but to think of her.

To think of our memories before I got into Camp Betweens.

"Sorry pero tatapatin na kita..." She sounded so seriously, tila nababasa na ng utak ko kung sino ang tinutukoy ko. Huminga siya nang malalim, pagsabi pa lang ng pangalan niya ay para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang marinig ko ito.

Ang pangalan niya - na hanggang ngayon ay naka-ukit pa rin siya sa'king kaluluwa.

"Nandito na si Midnight sa Camp Betweens."

***

Pagkatapos ng pag-uusap naming dalawa ay umupo ako sa beach chair para magpahangin at makapag-isip-isip. Akala ko noong una, pipiliin ko ang sarili ko over her. Akala ko rin na magiging masaya ako, na maggo-grow ako as a person. Subalit noong minention ni Krisnah ang pangalan niya ay bumabalik sa'kin ang 14 months of memories namin together.

Habang dinudungaw ko ang alon ng tubig na humahampas papunta sa buhangin ay hindi ko maiwasan na maalala ang mga ginawa naming dalawa ni Mid mula last year - mali.

2 years ago.

"Mon bébé," tawag ko kay Midnight habang siya'y nagbabasa ng librong fantasy related kasabay ng ulang umiiyak sa kaulapan. She leaned at me, flashing a smile on her face which made me fall deeper than usual kahit suot niya ang green niyang pantulog.

Mula noong sumilay sa kanya ang kanyang manamis-namis na ngiti ay para akong isang langgam na adik na adik at planong susundan niya ang isang matamis na pagkain na siyang nagugustuhan noon pa lang. At ito ang nararamdaman ko magmula noong nagsimula akong maging fan ng mga ngiti niya simula Day 1.

"Yes, mon bébé?" Sa soft voice niya ay tumitindig ang balahibo ko at ang endorphins ko ay unti-unting sumasayaw ng isang tugtuging swak sa panlasa namin. Binitawan niya ang librong naglalaro sa 160+ pages bago niya pa ako nilingon, causing myself to kiss on her left cheek.

"I love you, Midnight."

"Awwww... I love you too, Skian. My mon bébé, as always." She kissed me on my soft, red and plump lips. Alam kong maiksi lang siya pero it felt so surreal...

Shit.

Ngumiti kaming dalawa sa isa't isa, pero hindi niyo ako masisisi. Kalalaki kong tao pero heto, kilig na kilig sa babaeng pinakamamahal ko nang lubos. "Mid, may ibibigay sana ako sa'yo. Please close your eyes."

Ipinikit niya nang tuluyan ang kanyang mga mata, habang ako naman ay kinuha ko ang aking bag na siyang hudyat upang kunin ang red rose na actually... maayos naman ang petals nito. I placed it on my back before I returned, "Open your eyes!"

Dinilat niya ang kanyang mga mata at nagulat sa kanyang nakita. She gasped, hinarap ko sa kanya ang rosas na binili ko bago ito ibigay. I knew she likes it, mula noong nililigawan ko pa lang siya ay once a week ko siya binibilhan nito, pero kapag wala e 'di susulatan ko na lang siya.

Isinulat ko ang mga nangyari lalo na't kapag kasama ko si Midnight, kung ano ang nagustuhan ko sa kanya and yet with just a simple answer, syempre mabubuhay ang adrenaline rush ko sa sobrang kilig na nararamdaman ko ngayon.

"Hindi lang iyan, may pasobra pang isa. Special ka sa'kin e."

Natawa siya sa sinabi ko bago niya ako hampasin sa braso. Oo, para akong ine-endorso ang isang kilalang biscuit brand pero anong magagawa ko, hindi ba? Special siya sa'kin, kaya niya akong protektahan mula sa taong sumisira at nananakit sa boyfriend niya.

Sensitive kasi akong tao. Konting masakit na salita ang ibibigay, tuluyan na akong iiyak. Buti na lang at nahahandle ni Mid ang attitude ko, pati na rin ng trait ko kaya kapag nakikita niya akong nalulungkot, sumasalubong sa'kin ang isang kisspirin at isang yakapsule na siyang nagpapagaan ng loob ko.

I'm so blessed to have her, that's all.

"Anong pasobra ang sinasabi mo?"

Lumapit naman ako sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi. Ang kanyang mga mata ay nagtatanong, sinasabi kung handa na ba ang kanyang mismong kaluluwa sa gagawin namin.

"Don't worry, I don't want to harm you from my actions. My intentions are pure, and so is respect."

Tumango naman siya. Dahan-dahan kong nilapit ang kanyang mukha sa kanya before I kissed her forehead. Next is her nose and lastly, her lips.

It was short but sweet, hindi ko mawari pero alam ko ang limitasyon namin as a student-couple. Pareho namin dinaramdam ang emosyong bumabalot sa'ming dalawa kasabay ng pagdagundong ng mga pusong pinagdugtong at naging isa.

I simply pulled away, leaving Midnight in sweet bliss after we kissed. She left speechless, ang nasa isip niya ay ito raw ang special gift ko para sa kanya.

"I-is that your special gift for me?"

Then, I simply nodded.

Umiiling-iling na lang ako habang pinapanood ko ang sumasayaw na alon sa katubigang bahagi nito. Magpapakamunimuni ako pansamantala sa walang hangganang alon. Kasabay ng pagdala nito sa buhangin ay ang pagbalik sa'kin ng isang bangungot.

Ang bangungot na kahit kailan, ipapaalala sa'kin ang lahat na masasakit na alaalang mayroon kami.

***

Habang pabalik pa lang galing base camp ay bigla kaming nagkabungguan ng isang babaeng... pamilyar sa'kin.

Matangkad, prominent ang kanyang mga mata, matangos ang ilong at katamtaman ang bibig nito. Pero ang dating haba ng buhok niya ay naging maiksi magmula noong huli kaming nagkita isang taon na ang nakararaan.

Nagkatitigan kaming dalawa. Ang titig na iyon ay ibang-iba sa huli naming ginawa bago kami lumisan. At sa muli naming paglapit sa Camp Betweens, isang pangalan ang muli kong sinambit sa'king isipan.

"Midnight?"

***

PS. Mon bebe in France means "my baby" in English.

PPS. Ayos ba ang breakfast na inihain ko sa inyo?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top