midnight.

I don't know what to do. 


Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sagot niya. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang lungkot at pagsisisi na kanyang nadarama habang siya'y lumuluhod sa may mga batong nagkakalat sa buong sulok ng camp.

"Patawad kung naging immature ako nang dahil sa ginagawa ko ngayon. Patawad dahil gulong-gulo na ang utak ko at hindi ko na alam kung ano ang pipiliin kong desisyon sa buhay ko… nating dalawa." 

Agad naman siyang tumayo bago niya hawakan ang dalawa kong kamay, "Midnight, I'm sorry if your heart's being shattered into pieces. Pasensya ka na kasi kahit ako, nagkaroon din ako ng mga pagkukulang sa relasyon natin. Isang taon na ang nakalilipas simula noong hindi ako tumaya kaya heto, baka sakaling hiramin ko ang iyong baraha at nang makapagsugal ulit. 

"Wala akong ibang naisip kundi ikaw lang. Midnight, mahal pa rin kita. Kahit dumungaw ako sa mga tala tuwing alas-dose ng hatinggabi, ikaw pa rin ang aking ninanais na makuha ka ulit mula sa mga bitwin, planeta at maging ng buong universe. Kaya lang mahirap dahil hindi kumukunekta sa'tin ang tadhana."

He fought back the tears as he said, "Pero gaya ng inaasahan, magdudugtong at magdudugtong ang mga tala. Pagdudugtungin pa rin tayo upang maging isa. At ganito ang naramdaman ko mula noong pagtagpuin tayo ng buong sansinukob, dahil ako ang langit na nagsisilbing gabay mo tuwing hatinggabi. Kahit mawala man ako, pagmasdan mo ang buong kalangitan. Isipin mo ako, at ng mga alaala nating nabuo."

Tumango ako. Minsan talaga hindi umaayon sa'tin ang universe regarding sa kung ano ang gusto natin, pero sa paglipas ng panahon ay pagdudugtungin pa rin ito tulad ng mga constellations na nakikita sa langit.

Kaya nabuo ang talang kumukunekta upang magkaisa at magtulungan sa hamon ng ating buhay, pero heto kami. Heto kami ngayon ni Skian.

The stars are slowly connecting to each other, making a picture that suits the sky. Tulad namin na magkahawak kami ng kamay, pati ang puso namin… konektado sa isa't isa. 

"Tsaka, kung dinecode mo 'yung sulat na nakalagay sa cabinet, malamang alam mo na kung ano ang nakasulat doon." 

Agad kong inisip kung ano ang code na binigay niya sa'kin bago ko nahagip ang mata niya. But then, naisip ko kung ano ang meaning ng bawat salitang inilagay sa papel niya.

"I STILL LOVE YOU, MIDNIGHT."

Sandali naming tinititigan ang isa't isa. Hindi pa nagsisimula ang forum ay dumadagundong ang puso naming dalawa. Bumibilis ang bawat nangyayari sa'min, parang nagiging slow motion na ang buong paligid ng base camp. 

"Skian, I knew it," determinado kong sagot, agad kong pinunasan ang aking mga luha pagkatapos kong lumaban. "I still love you, too. Handa ang mga tala na pagkonektahin tayo upang maging isa. At sigurado na ako. Handa kang sumugal sa laban na ito, kasi ako…"

Nilakaran ko nang paunti bago ko siyang bigyan ng mabilis na halik sa labi. "...handa na ako. Itataya ko na ang baraha."

Sinuklian ko siya ng ngiti, direkta niya ako tinitignan habang naglalakad papalapit sa'kin. Hinaplos niya ang aking buhok hanggang sa'king pisngi bago niya ako halikan sa noo.

Ang mga mata namin ay nakakaramdam ng apeksyon sa isa't isa, kung kaya't sinunod niyang halikan ang aking ilong bago niya muna ito pagdikitin. 

He whispered, "Je t'aime, mon bebe." 

Sa isang saglit lang, agad niyang pinagdikit ang mga labi naming dalawa. Noong una ay hindi ko siya agad naramdaman ngunit nang tumagal ay tuluyan nang nanghina ang tuhod ko, causing myself to get deeper within our kisses.

Mula sa Next Level na naririnig namin sa background hanggang Alcohol-Free ay patuloy naming nilalasap ang mga labi namin, parang isang alak na sa unang tikim ay malulunod ka na agad sa lasa nito, at ganito ang naramdaman ko ngayon habang dinadamhin ko ang kanya.

Habang ginagawa namin iyon ay naglalakad kami papunta sa pintuan ng base camp at pagkatapos ay kaagad niya ito isinara. Pagsandal sa pader ay rinig na rinig ko pa rin ang tugtugin, na kahit alcohol-free ako ay agad akong nalalasing dahil sa kanyang ecstasy na aking nalalanghap kapag siya ang kasama ko.

Naaamoy ko pa rin ang natural scent ni Ski sa leeg niya habang ang kamay ko ay gumagala mula sa buhok niya hanggang sa kanyang batok. We pulled away, hingal na hingal at hinahabol ang bawat paghinga namin, then we kissed once again. 

Bahala na kung may makakita man sa'min sa bintana ng base camp, basta ang mahalaga alam ko sa sarili ko na puro ang intensyon niya sa'ming mga babae, and so is respect.

Ngunit sa isang iglap ay kaagad na niya itong binitawan, causing himself to hug me after what happened. 

"Mon bèbè…" he said huskily. Shit… ang rupok ko na ba?

"Nabigla ba kita? Sorry, a."

Humagikhik naman ako, "Ayos lang. Special pa rin sa'kin iyon tulad ng inaasahan. Tsaka, sorry pala sa nangyari kanina, a. Nasasaktan pa rin ako kasi hindi mo magawang maamin-amin sa'kin ang totoo pero ngayon, okay na tayo.

"Okay na tayong dalawa." Napangiti kaming dalawa sa isa't isa bago namin pinagdikit ang mga ilong namin. Naisip ko noon na, paano kung kami talaga ni Skian? We need to grow ourselves in seperate ways. Pero kahit na anong gawin namin, still, pagtatagpuin pa rin kami ng tadhana.

Sila pa rin ang mananaig sa'ming dalawa.

***

"Sorry, we're late!" ani Skian bago kami umupo sa may buhangin na kung saan nasa gitna ang apoy at kami ay nakabilog para pag-usapan ang tungkol sa buhay namin. 

"Saan kayo galing?" Tanong ni El, isa sa mga kasamahan ni Ski sa base camp. "Tsaka, bakit kasama mo si Midnight?"

Ngunit, napapansin niya na pati ang mga kamay naming dalawa ay malapit na naming pagdikitin. Nilingon namin ang isa't isa, pati ng mga nandito sa lugar na ito ay may napapansing kakaiba sa'ming dalawa.

"Teka, huwag mong sabihing—"

"Kami na ulit ni Mid, El," he said as our hands intertwined with each other. "Ngayon lang namin na-realize na kaming dalawa ang tinadhana para sa isa't isa. Na kahit hindi perfect ang relationship naming dalawa, with each other's imperfections niyayakap namin iyon. Sanay na ako sa pagiging weirdo ng aking mon bebe, e." 

"Sana all, mon bebe!" Bulyaw ni Ayeng habang ginugulo niya ang buhok ko. Napapangiti na lang ako habang tinititigan ko kung gaano ka-pogi si Skian with all his might.

Huminga ako nang malalim, hindi niyo yata ako masisisi kung bakit sa simula pa lang, ang ganda ganda talaga ng lalaking 'to. He's a beautiful man with a beautiful heart, after all. Despite his imperfections, as his girlfriend, tinatanggap ko pa rin iyon even his past encounters.

Nang walang ka-anu-ano'y agad ko siyang hinalikan sa pisngi, kasabay ng aking matamis na ngiti na siyang kinaadikan niya mula noong naging kami. 

"Pero matanong lang Mid, bakit mo nagustuhan si Skian?" tanong ni Ate Japs.

"For me…" Agad kong hinahanap ang mga salitang kumukumpas sa isipan ko. Hindi ko alam kung paano ako makakahanap ng salitang babagay sa tanong niya, but for the sake of our relationship, buong puso kong sinagot ang tanong niya.

"For me, kaya ko po nagustuhan si Ski because the way na pinaramdam sa'kin ang mga gestures niya lalo na kapag nagkakausap kami is nakakaramdam ako ng mixed emotions dahil po private ang relationship namin noon. And now, itutuloy po namin ang pagiging pribado namin when it comes to relationships since mapagkakatiwalaan ko naman kayong mga tao, 'di ba?

"Also, para wala na pong lihiman, aaminin po namin ito sa pamilya ko ang totoong estado ng relasyon namin. Bahala na kung ano man po ang sabihin nila sa'min basta po kaya ko pong ipaglaban kung paano kami nasimulan. Itataya po namin ang baraha para sa'ming dalawa."

Sumabat si Shan sa usapan, "Mid, may real score na ba sa inyo ni Skian?" 

Natawa kaming dalawa sa tanong ng lalaking iyon, kahit kailan talaga shiniship pa rin kami ng boyfriend ko at hindi iyon, kasabwat pa niya si Ayeng sa listahan!

"Going there," tipid niyang sagot. Inaakbayan pa rin niya ako which made my cheeks going on crimson. Hinampas ko siya sa balikat na siyang nagpadaing sa kanya.

"Loko ka, mon bebe! Hindi naman masakit!"

"Speaking of, bakit mon bebe ang tawag sa inyong dalawa? And if I'm not mistaken, it's a French endearment, right?" ani Deanara, tumango naman kaming dalawa sa sinabi niya.

"Now tell me, as I said earlier, bakit iyan ang naging tawagan niyo gayong ito talaga ang nagpa-sana all sa mga nandito sa forum?"

Lumingon kaming dalawa habang pinagdudugtong-dugtong ng aming memorya ang aming sasabihin sa tanong niya. Nauna nang sumagot si Ski, aniya, noong nag-eensayo akong mag-aral ng lengguahe nila ay kinakabisado ko ang bawat mga endearments like mon amour, mon bebe, hanggang sa lumapit siya sa'kin.

Agad niyang narinig ang dalawang salitang iyon kung kaya iyan ang pinili niyang endearment para sa'ming dalawa. Dagdag pa niya, "Kapag ikakasal kami ni Midnight, hindi na mon bébé ang tawagan namin kundi mon tresor, which means 'my treasure'. Meaning, hanggang sa pagtanda ko, wala akong ibang hahanapin kundi siya lang." 

"I may not have a fancy car but still, I fancy her." Then, he winked at me which made my heart blush.

Naghiyawan naman ang ilan sa kanila, ang iba ay kinilig at ang iba naman ay kinanta ang theme song naming dalawa na Rose. Kinikilig pa rin ako habang kinakantahan nila kami subalit after the song, nag-suggest si Ate Krisnah na kantahin ulit ni Skian iyon but this time…

...para naman sa'kin. 

Halos kumalabog na ang puso ko sa kilig at ang endorphins ko ay kumawala nang narinig ko ang sinabi niya, sa una nahihiya pa ang binata pero nang kinantyawan siya ng mga tao ay kinuha niya agad ang gitara, sinuot niya ito at pagkatapos ay nagpatugtog siya ng simpleng melody sa kanyang strings.

I see you driving your car
Down to school
Your lips are so fine
And you're looking so cool
I know you've noticed me too
And if I'll be honest with you now
Maybe I'm thinking maybe

Tumataas na ang aking balahibo magmula noong narinig ko ang young, beautiful and equally smooth niyang boses. 'Yung tipong kaya ka niyang haranahin sa pamamagitan ng isang awiting mapapakilig ka na lang sa lyrics nito.

Mula sa pagkumpas ng kanyang gitara hanggang sa pagwagayway ng mga kamay ng mga nandito ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapangiti sa ginawa niya.

If you need a lover
Let me know and let me in
I could treat you better
Steal you roses every day
I might not have a fancy car
But I fancy you
So gimme a chance
If you need a lover baby

***

After ng forum ay magkahawak pa rin kaming dalawa ng kamay habang hinahatid niya ako sa Room 18. Pero bago ako umakyat ay tinawag ako ni Skian.

"Bakit?" 

Agad niya ako sinalubong ng isang maiksi pero matamis na halik galing sa kanya. "Para sa'yo iyan. Sana makatulog ka ng mahimbing," aniya.

"Ikaw rin, Skian." I winked at him bago niya ako yakapin nang mahigpit. 

"I love you, mon bebe."

"Je t'aime… mon bebe." I simply kissed his cheek before I went upstairs. Hindi ko nakita si Skian na kumaway sa'kin pero nagpasalamat naman ako sa kanya afterwards.

Pagpasok ko sa kwarto ay hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi tumili. Kinikilig pa rin ako habang inaalala ko kung paano niya ako kantahan at kung paano niya ako hinalikan—crap.

Agad kong hinawakan ang labi ko as a sign of remembrance. Napahagikhik na lang ako habang iniisip ko ang nangyari sa base camp pero kaagad ko naman itong pinigilan.

Nang humiga na ako sa kama ay agad kong kinuha ang diary at ang aking pluma, at dito sinimulan kong isulat ang mga nangyari simula kanina.

Dear Diary,

That night was an emotional and intense roller coaster ride for me. Mula noong nagkita kami ni Skian kanina naroon pa rin ang galit na kinikimkim ko isang taon ang nakalipas. Bukod dito ay nasa loob-loob ko pa rin ang pagmamahal na kusang nanatili sa'kin kaya lang inuna ko pa rin ang pride ko. Kasi sa'ming dalawa ako pa rin ang mas apektado sa break-up namin. Syempre, first boyfriend ko siya pero bakit hinayaan niya na sukuan ang relationship naming dalawa as a couple?

Magmula noong narinig ko ang side niya, mas lalo akong naiyak. Hindi ko ito inaasahan na magkakaroon ako ng empathy sa ex-boyfriend ko, kasi ganito ang nangyari sa'kin noon before I went here. Pero kung anuman ang nakaraan naming dalawa, sana malagpasan niya na iyon.

Mali.

Sana malagpasan namin iyon. Kakapit pa rin ako sa kanya kahit anong mangyari. At sa mga kasama ko sa Camp Betweens, thank you guys for staying with me… salamat sa bardagulan, sa kasiyahan, sa iyakan, lahat. 

Nagpapasalamat pa rin ako kasi blessing na rin sa'kin ni Bathala na makakilala ako ng mga taong handang aalalay sa'kin sa tuwing bumibigat na ang pakiramdam ko. You guys are the best!

Hindi ko pala namamalayan na dumadagsa na pala ang mga luha ko bungsod na rin sa marami akong alaalang napagsaluhan nila with my stars… dahil sa ilang linggo kong pananatili sa kanila ay naramdaman ko sa kanila kung paano ako naging masaya.

To be honest, hindi ko makukumpleto ang araw ko kung wala sila sa tabi ko, at si Skian. Dahil kung tatanungin niyo ako kung ano ang Camp Betweens, isa lang ang masasagot ko:

It's more than just a camp. It's a family.

Kayo ang naging sandalan ko sa lahat ng oras. Kayo ang nagsisilbing gabay upang magpatuloy sa hamon ko — hamon namin, at higit sa lahat, kayo ang naging dahilan kung bakit itinuturing ko na kayong bilang tahanan ko: my safe haven.

Tulad ng pagkapit ko kay Skian, kakapit ako sa inyo. Kakapit ako para sa inyo dahil isa kayo sa mga kinakapitan ko mula noon hanggang ngayon.

Just like the stars, we'll shine brighter! Pangako iyan.

All the love,
Midnight

PS. Salamat sa pa-Rose, Skian, a! Mahal na mahal talaga kita.

***

Mahal na mahal ko talaga kayo. Sana hindi kayo umiyak. :>

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top