midnight.
Teka.
Sandali.
Hindi ko alam ang gagawin ko nang hapong iyon.
Nananaginip ba ako o ano? Kanina, nagkabungguan kami ng ex ko and yet, nakita ko ang kanyang mata na sumisingkit, pangong ilong at labing numinipis na kahit kailan ay gustong-gusto ko pa rin itong halikan—
ANO BA MIDNIGHT BAKIT KA BA NAGIGING MARUPOK?
Pero kung susumahin, naalala ko na ang kanyang pangalan mula sa signature niyang unat na buhok na may onting bangs. Rian ba 'yun… hindi! Mian? Ian? Kian…
Natatandaan ko na!
"Anong ginagawa ni Skian sa Camp Betweens?" I thought to myself, nakatulala sa kisame at hindi mapakali buhat ng nangyari sa'min sa labas. Hindi ko mawari pero, after all what happened saka pa tumibok itong puso ko sa sobrang saya magmula noong nakita ko siya.
Ano bang epekto nito sa'kin? Stellar syndrome na naman ba ako nito?
Bukod doon ay nakausap ko ang isang babae na papangalanan nating Ayeng. Napaka-bubbly ang boses, gentle and ang sweet pa niya talaga. Parang maayos naman siyang tignan habang kinakausap niya ako and she seemed so fragile… ngunit sa huli ay naging magaan naman siyang kausap.
Lumipas ang mga araw at linggo at tuluyan na akong nananatili sa lugar na iyon, at ito ay nang dahil sa mga bago kong nakikilala sa camp — unang-una rito si Deanara. Matagal na siya sa nasabing lugar, sa katunayan kinuwento niya sa'kin na mabigat ang kanyang pinagdadaanan mula noong una niyang bisita pero habang tumatagal ay nagiging okay naman siya.
Sumunod naman rito ay si Cinna at Shan. Mas nauna sila kina Ayeng at sa'kin ng isang buwan o higit pa pero nang dahil sa funniest attitude nila ay agad nilang nakuha ang kiliti ko. Actually kilala ko naman ang lahat ng nandito sa camp after ng jamming and open forum na kadalasang ginagawa every weekend, pero sa kanilang apat ako mas close.
Well, not for Skian since matagal naman kaming tapos.
Isang araw ay niyayaya ako ng mga kaibigan ko na magswimming sa beach, as usual, pumayag naman ako sa gusto nila. Iyon nga lang, habang lumalangoy kami ay pumasok naman ang ex ko sa eksena, na siyang hudyat upang lumayo muna nang kahit saglit.
Hindi pa ako handa na harapin siya in person. Isa pa, kinikilabutan ako parati kapag nakikita ko ang pagmumukha niya na anumang oras ay malapit ko na siyang balatan nang buhay. Tsaka, may mantra ako, ano?
Na hindi ako magpapakamarupok sa kahit na sino. Hindi ko sasagutin ang mga message or calls niya, ni pagmumukha niya ayaw kong ipaalala sa utak ko ni lingon. Dahil kapag sinuway ko ang rule na iyon, isa lang ang masasabi ko.
Sira na ang dignidad ko.
"Midnight!" Rinig kong tawag ni Cinna mula sa malayuan. Suot ko ang aking maroon sports bra with swim trunks at mukhang napapansin niya ang confident body na meron ako.
Kasi kahit anong anggulo ang tingin ng katawan mo, sexy pa rin tignan. Normal pa rin sa'kin — or sa'yo ang maging mataba or mapayat, even with stretchmarks or anything, as long as iniingatan mo ang iyong templo na hindi mahahawakan ng kahit na sinong tao.
It's precious, after all.
"Napapansin ko na hindi mo pinapansin si Skian, a. Anong meron—"
But I cut her off. "Cinna, please. Don't you dare mention his name dahil ayoko pa rin makita ang pagmumukha niya… kahit ngayon lang. Hindi ako tanga or what, okay?"
Pero bigla niyang inaalala ang nangyari sa'kin last week, "Midnight, kilala kita. Last time nakita ka ni Shan na kilig na kilig habang kumakanta si Skian pero in denial ka pa rin mula noong tinanong ka after the forum."
"E sa ayokong sagutin ang tanong na iyan!"
"Bakit nga, aber?"
"Kasi… kasi…"
Putangina.
Hindi ako nakasagot. Gusto kong kaltukan ang sarili ko dahil hindi ko masabi-sabi sa kanya ang totoo. Na kaya ako kinikilig ay dahil sa magandang huni ng boses ng ex ko na abot hanggang langit ang tinig nito.
Oo, paborito niya ang kantang iyon. Pero lyrics pa lang, bumabanat na kaagad siya. Kanino ba niya ide-dedicate, sa'kin?
"Uyyy, 'di nakasagot si Midnight!"
I rolled my eyes out nang narinig ko ang sinabi ni Cinna. I knew it, tutuksuhin na naman ako ng babaeng iyon saka ako aalis sa pwestong iyon. Hindi ko alam pero bakit ako nakakaramdam ng kakaiba kapag nakikita ko si Skian?
I can't help but to smile, remembering the lyrics that's still puzzling on my mind. It felt so surreal on first hearing but that song still stuck on my memory, up until now.
***
Tatlong araw na ang lumipas nang nakatanggap ako ng sulat mula sa base camp. Mula sa'king pagkakabukas ay kinuha ko ang isang sulat na naglalaman ng isang mensahe:
Midnight,
Pwede ka bang sumama sa'kin ngayon before the forum? May kailangan tayong pag-usapan.
— S.
S? Agad nagproseso sa'kin ang initials ng first name niya. Could it be Shey? Or Shan? Pwede naman si Skian o 'di naman kaya si Shanxx, or si Sun? Lima ang pangalan na nagsisimula sa letter S pero wala ni isa sa kanilang apat ang naglagay ng kanilang pangalan sa handwritten letter nito.
Agad kong inilagay sa third cabinet, pero nagulat ako nang may naglagay ng isa pang papel sa lagayan. Putek, hindi ako naglalagay ng kung anu-ano riyan, a? Ngunit bakit may ganito pa rin?
Kinuha ko ang lagayan nito at kaagad na tumambad sa'kin ang isang code na pakiramdam ko ay may naglagay nito sa papel na ginamit niya.
R HGROO OLEV BLF, NRWMRTSG.
Sandali. Parang alam ko 'to a.
***
Quiet lang kayo kapag alam niyo na 'yung code, okay? As of now, first half muna. Later will be the rest!
PS. Maiksi muna itong update. :>
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top