23
I woke up when I felt no one was already beside me, saan kaya pumunta si Zayn? Hindi naman ako makatayo dahil nakahiga sa kamay ko si Zairah at alam kong magrereklamo ang babaeng iyon kapag umalis ako. Kaya wala na akong ginawa kung hindi matulog na lang ulit.
I felt a kiss on my stomach. I opened my eyes and I saw Zayn there at pag tingin ko kay Zairah ay wala na siya. "She's already outside playing with Evan, nakabihis na rin siya. Kaya ikaw, you go get ready na, love." he said and I nodded before getting my clothes pero bago ako lumabas para mag CR, I shot my glance at him.
"Why were you not here earlier? Saan ka nangaling?" I asked him at medyo nag iba ang itsura niya bago ako halikan sa leeg.
"I went out with Luca to go to the gym here sa hotel." sabi niya sa'kin at tumango tango na lang ako. "Bakit hindi ako yung sinama mo?"
"You? Gym? I doubt you'll last more than 10 minutes in there. You're going to end up flirting with me na lang." he rolled his eyes at hinampas ko naman ng mahina braso niya bago maligo.
I wore a black long sleeve dress that ends above the knee na medyo see through, paired with my black knee boots. Para naman hindi ako out of place dito sa Paris.
"Saan tayo unang pupunta ngayong araw?" tanong ni Yuki habang ako naman ay kumakain ng breakfast from room service.
"Versailles palace and gardens, right?" sagot sa kanya ni Luca at tumango naman kaming lahat.
Habang kumakain ay tumabi sa akin si Zayn kasama ang kanyang anak. May iniabot naman sa akin si Zairah, isang maliit na photo album. At noong binuksan ko ito ay nakita ko ang mukha ko noong naroon pa kami sa Ilocos.
It was a stolen photo of me while we were riding a carriage. May maliit na note pa na nakalagay sa ilalim.
the first date that we both had when
we were still young adults.
you look so beautiful, mahal.
Agad naman ako napangiti bago ilipat ang pahina at ang susunod na litrato naman ay kaming dalawa ni Zayn sa ilalim ng palubog na araw, habang naka lubog sa dagat na may malumanay na alon.
the first time i felt peace in my life
was holding you in between my arms.
i could never ask for more.
Hindi ko alam pero dahan dahan nang tumulo ang mga luha ko. After that photo it was us in Los Angeles close to the Hollywood sign.
i remember us sneaking in to
get closer to this sign.
it was the most romantic thing
i ever experienced with you.
The last photo was me holding the most expensive flower bouquet in the world. Endura Roses.
i saw you looking at these roses
so i thought i buy you this,
because you deserved everything.
Pagkatapos noon ay agad kong niyakap ng mahigpit si Zayn at binigyan naman ng halik si Zairah sa pisngi.
"Naku, Naku! Ganyan ba talaga kapag inlababo at sobrang saya sa pamilya?" tukso ni Yuki at agad ko siyang binato ng disposable na kutsara.
After that we drove off to the Versailles palace. Hindi ko alam kung bakit pero super extra clingy naman ako ngayon kay Zayn. Nakayakap ako sa kanya ngayon at si Zairah naman ay busy magcellphone sa kabilang side ni Zayn.
"Someone's clingy," he said and I just continued using ny phone. Bigla naman ako nagkaroon ng urge na kagatin siya kaya ginawa ko naman 'yon. I saw him open his mouth because of shock pero wala naman lumabas na ingay. Tiniis niya naman 'yon bago ako pitikin sa noo. Hmp!
We arrive at the place at nag ikot ikot naman kami agad. Syempre kada galaw namin ay pinipicturan ang lugar dahil bihira kami makapunta sa ganitong lugar and this may be our last travel kasi alam kong marami pang hahabulin si Zayn sa trabaho.
"Bili muna tayo ng water, love. Uhaw na uhaw na 'ko." I told him at tumango naman siya, tinanong niya naman ang kanyang anak kung gusto ba sumama pero nageenjoy siya na umikot ikot sa loob ng palasyo kaya kami na lang ang umalis.
After drinking water we went back to meet up with them at ang sabi nila ay nasa garden na daw sila.
"Ay buti naman dumating na kayo! Muntikan na tumalon ang anak niyo doon sa fountain, gusto daw magswimming, ugh nakaka-stress." sambit sa amin ni Yuzu at agad naman lumapit si Zayn kay Zairah at binuhat.
"Buti pa sa Daddy maamo, eh si Caitlyn nga ngayon hindi mapasunod ang bata na 'yan eh." Yuki commented and I just chuckled.
"Gusto niyo gawa na kami ng bago para may favorite na sa akin." biro ko and Zayn shot his eyes to me with amusement at ngumisi naman siya. "Anong ngiti 'yan?"
"Beh, gusto ng mister mo ng baby! Gawa na kayo dali, para kapag magkukwento kayo kung paano nagawa si baby number two sasabihin niyo sa Paris!" masiglang sabj ni Azaleah at napa iling na lang ako.
Lumabas na kami ng palasyo pagkatapos ikutin ang kabuoan nito. May malapit na park lang doon kaya nilakad na lang namin 'yon. Maraming mga bata doon at agad naman nakihalubilo si Zairah kasama na din si Evan.
Pero hindi naman sila nagkakaintindihan ng mfa bata dahil kaunti lang ang marunong mag ingles.
Habang nasa park kami ay may nakita kaming motorcycle rental at nagrenta kaming apat. Pero syempre dalawa lang, si Zayn ang nagmaneho ng amin at si Luca naman kay Azaleah. Sina Yuzu at Yuki naman ang naiwan para magbantay sa dalawang bata.
Sinuot ko na ang helmet at 'di ko alam kung saan ako kakapit. "Caitlyn... kumapit ka sa matigas." sambit ni Zayn at agad naman ako nag isip ng kung ano ano pero para asarin siya ay hinawakan ko ang helmet niya.
"Hindi 'yan, yung isang matigas." sabi niya at hinawakan ko naman ang sarili kong helmet. "Yung nasa baba." agad ko naman siya binatukan.
"Aray. Ito kasi!" pinulupot niya ang kamay ko sa bewang niya at nahawakan ko naman yung abs niya. Shet! Ang tigas nga. Aish! No, Caitlyn. Ayusin mo sarili mo.
"Ito naman ang malisyosa mo," he said before driving away. Sinundan naman kami nila Luca, umikot lang kami sa city.
The wind was blowing my hair kahit naka helmet ako, I can also see Zayn's face sa rear mirror. He was enjoying himself, and I've never seen him this happy with what he's doing since we got back together.
At least he's getting the break that he deserves, being an Attorney is no joke.
"Mahal kita," bulong ko sa kanya.
Imbis na sumagot siya sa'kin ay pinabilis niya ng kaunti ang takbo ng motor.
Bumalik naman na kami sa kung saan namin nirentahan ito at bumalik na sa van namin.
"Napitikan ko kayo, tingnan niyo oh!" sabi ni Yuki habang hawak ang DSLR camera ni Zayn. Pinakita sa amin ang mga litrato at napaka ganda ng kuha niya.
We ate our late lunch before we continued with our trip.
Next stop that we're going is at Arc de Triomphe Rooftop para kumuha ulit ng magandang pictures for us to share in our feed.
Umakyat kami doon sa rooftop at tanaw na tanaw namin ang Eiffel Tower rito. Mamaya pa namin plano pumunta doon pero kanina pa ako sabik na pumasok doon. Kaso ang request ni Zayn ay pang huli na namin iyon na pupuntahan.
"Bakit kaya nila tinawag na city of love ang Paris?" tanong ko kay Zayn at ipinikit niya ang mata niya habang humahampas sa mukha niya ang sariwang hangin.
"Bakit mo pinili ang Paris noong pinapili kita ng lugar na pupuntahan natin?" tanong ni Zayn pabalik, kahit nagtataka naman ako ay sumagot ako.
"Because Paris is a romantic place."
"Exactly." he said before he turned to me. "Paris exudes a romantic atmosphere which the tourist truly loves. The French capital also has unique architecture and that is proof that Paris is the most romantic place in the world."
He slowly leaned in to give me a kiss on the lips. Pero mabilis lang 'yon dahil maraming tao at nanonood si Zairah. Lumingon naman ako kay Yuki at nagrerecord siya! Ano 'to balik Ilocos era? Nagrerecord tuwing magkasama kami ni Zayn.
After that we drove off to the bay and waited for our cruise. When it arrived agad naman kami sumakay roon at excited ako! Kaunti lang din ang tao na kasama namin dahil week day may mga pasok ang tao.
Binigyan kami ng wine ng waiter at syempre tinanggap namin 'yon. Pagkatikim ko no'n ay nasarapan ako! "Baby, bili ka ng wine na 'to mamaya for later." nagpacute naman ako sa kanya and he just nodded before giving me a quick peck.
"Mommy, take a picture of me!" Zairah shouted at agad naman ako lumapit sa kanya at pinicturan nga siya. She did different poses before siya tinabihan ni Zayn.
The two most important persons in my life in one frame.
Zayn also took pictures of me at hinubad ko na nga ang coat ko na pinahiram sa akin ni Zayn. Kaya kitang kita na ang pagka see through ng dress ko pero syempre yung bra ko naman matched doon sa dress ko.
"You're so hot, baby. I'm really glad that you're mine." he said while holding the camera and I just smiled. Those compliments never gets old.
After our romantic cruise ride agad naman kaming dumiretso sa Eiffel Tower at may entrance pass na kami doon para umakyat. We plan on having dinner in the Eiffel Tower.
Dati akala ko hollow building lang ang tower na iyon pero may kainan pala 'yon sa unang palapag.
"Reservation for Zayn Domingo."
Agad naman kami hinatid doon sa isang table, we ordered our dinner pero 30-35 minutes pa daw bago iserve ito. Kaya nagpicture picture muna ako nang bigla akong ayain ni Zayn umalis.
"Come with me," he said at kahit naguguluhan ako ay kinuha ko naman ang kanyang kamay at sinundan. We rode another elevator at pagtigil nito ay nasa pinaka tuktok na kami ng Eiffel Tower.
May mga rose petals na nakakalat doon at mga maliliit na kandila. Napuno naman ako ng pagtataka syempre, ano na naman 'tong paandar na ito.
Tumingin ako sa view at agad naman akong nalula at kinabahan, napansin naman iyon ni Zayn kaya hinawakan niya ang aking mga kamay.
"Caitlyn..." he called my name softly. My attention turned to him at medyo kumalma na ako.
"Surprise," he smiled. Agad naman ako ngumiti bago yakapin siya. "Para saan?"
"Wala lang, you deserve to be surprised." He answered me at tumango ako. After a sweet silence nagsalita siya muli.
"Thank you, Caitlyn. For loving a person like me, for choosing to try again with me even if I broke your heart years ago. Thank you for letting me be a part of your life again and Zairah's life too..." he paused for a second and took my hand to give it a kiss.
He also lightly massaged my hand, "You saw my imperfections, and insecurities. I wasn't a good man for you, but you changed me to become a better person for us. I want to grow old with you, love. You mean the world to me and I don't want to lose you again." he leaned in until both of our foreheads were touching at nakahawak ang dawa niyang kamay sa aking magkabilang pisngi.
Unti ko ding naramdaman ang aking mga luhang tumutulo na. "Look at the stars, Caitlyn." he said at tinalikuran ko naman siya. I looked at the stars at maganda nga ito, kinuhanan ko ito ng litrato bago siya ulit lingunin at nagulat na lang ako na nakaluhod na siya sa harapan ko at may hawak na singsing.
He smiled, "I promise you, that this time... I will marry you no matter what happens. I promise you a lifetime of never ending love."
Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Sinungaling talaga 'tong lalaking 'to! Sabi niya wala siyang dala na singsing. Pero ano 'to ngayon? He's proposing to me.
"Caitlyn Nicole Flores, would you share the rest of your life with me? To be officially Mrs. Domingo?" he asked as he reached for my hand waiting for me to say something.
After a few seconds I nodded, "Yes. Of course, yes!" I shouted, ngumiti namans siya bago madaliing isinuot ang singsing sa daliri ko. It fits perfectly and it's gorgeous.
He hugged me, "I love you so fucking much, Caitlyn." he said.
"I love you more, Zayn."
He looked at me and ran his finger on my lower lip. The next thing I knew, his lips already crashed onto mine.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top