Chapter 40- The Realization

           

Cailee's POV

"You mean, he said that he still loves you and you said nothing?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Zoey.
"Cailee, hindi mo na ba siya mahal?"

Huminto ako sa paglalagay ng damit sa luggage ko at tiningnan ko si Zoey.

"Mahal. At alam mo yan Zoey. Hindi ko kinayang makipagdate kahit kanino. Even if I tried, it all comes back to Gab." I replied. Pinagpatuloy ko ang pag-aayos ng gamit kong dadalin papuntang Myanmar.
"Then, ano ang pumipigil sayo?" frustrated na tanong ni Zoey.
Pride... pero hindi ko sinabi sa kanya.
"He needs to prove it to me." I replied instead.

Pumikit si Zoey at tumingin sa kisame. Nagbilang ng hanggang sampu saka nagsalita.
"Cailee, life is too short for your pride. You wasted 7 years already. Seven yearrrrssss....."

I rolled my eyes. "What if he left again? What if may makilala siyang iba at iwan ako? What if magsawa siya?"
"Yang mga what ifs mo may nangyari ba dati? Wala di ba? Nasaktan ka lang din. Huwag ka ngang duwag. Buti ka nga mahal ka ng mahal mo. Kung mahal lang ako ng minahal ko, ang dali sanang ipaglaban." She replied.

"Zoey..."

"Listen Cailee. Given na nasaktan ka dati dahil umalis siya. Okay, mali siya ng hindi siya nag-explain sayo before. Pero Cailee, nasaktan din siya ng lumayo siya sayo. He has a demon to face and he needs to face it alone. He gave you time to grow, time to choose. He became a soldier because that's his way to be worthy for you. Hindi ka madaling abutin Cailee. Kahit hindi kayo matapobre, nakaka-intimidate pa rin ang lumapit sayo." Hindi ako nakakibo sa sinabi ni Zoey.

She is right ofcourse. Ang nakikita ko lang kasi ay ang pain ko. Hindi ko nakita na nasaktan din siya.

"You will regret this Cailee." She poked my arm.

"Of course I will." Napaupo ako sa tabi ni Zoey.
"Chance mo ng sumaya." She pointed out.
"Pagbalik ko, mag-uusap ulit kami." I promised her.
"And?" Tanong ni Zoey. I smiled at her.
"And by that time, magiging boyfriend ko na si Gab. Offcially."
Napabuga ng hininga si Zoey. "Ay Thank God. At least isa man sa atin ay maging masaya."

"Zoey... dadating din ang para sayo." I told her. She rolled her eyes.
"Para siyang pagong, ang kupad nyang dumating." She murmured.

Kasama ko si Trevor na pinadala ng UN para magbigay ng medical service sa mga Rohingya Refugees na nasa border ng Bangladesh at Myanmar. They are immigrants from Bangladesh that went to Myanmar many years ago. They settled in Myanmar land and now the government of Myanmar wants them to go back to their main land. But the problem is, Balangdesh government don't want them to return So naiipit ang mga Rohingya sa pagitan ng dalawang bansa. Nobody wants them and they are stateless.

Marami ng nagkakasakit na mga bata. Walang nagbibigay ng medical service sa kanila so UN asked volunteers at kami ni Trevor ang dalawa sa sampung doctor na pumunta.

The Myanmar government is not happy when we landed. Nakapalibot ang military nila at walang may gustong maghatid sa amin sa border dahil sa tension. The Rohingya are fighting with the government and they are declared rebels. Hinatid kami ng military truck sa border dahil sa pakiusap ng UN. Binalaan nila kami ng ingatan ang mga gamit namin dahil marami ang magnanakaw ng mga ito.

Naglakad kami ng 3 hours pa buhat ng ibaba kami ng mga military sa drop off. Daig pa namin ang pinirito dahil sa sikat ng araw. Bitbit namin ang mga personal naming gamit at ang mga gagamitin namin para sa medical mission.

Pgadating namin sa area ng mga Rohingya, sinalubong kami ng representative ng UN. Mahaba na ang pila ng mga pasyente at wala na kaming oras pa para kumain. Nagpalit lang kami ni Trevor ng damit at nagsimula ng magcheck-up ng mga pasesyente.

Karamihan sa mga bata ay malnourished. Hindi sila nakakaintindi ng English kaya hirap kaming makipag-communicate sa kanila.

Napahinto kami sa ginagawa namin ng merong isang lalaki na hablutin ang kwelyo ni Trevor at tutukan ng patalim sa leeg dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Yun pala, pinapapunta si Trevor sa bahay nila dahil hindi makalakad ang nanay niya papunta dito sa pila.

"I'll go." I volunteered.
Umiling ang leader naming doctor na puti.
"No one will leave our tent." Sagot nito.
"But, someone needs help." Katwiran ko.
"It's too dangerous. There is a reason why we are here outside their camp."
Hindi na ako nakakibo. Tumango ako at umupo. Tumingin ako kay Trevor na nakatiim ang bagang. He was shaken by what happened. They are right, it's too bloody dangerous inside their camp. Three days lang kami dito. Tapos babalik na kami sa Myanmar.

Nagagalit ang mga nakapila kapag merong nagpapahinga sa amin. Hindi pa kami kumakain buhat ng dumating kami. Kahit mag-toilet hindi namin magawa. Nagwawala ang mga tao kapag tumatayo kami.
Parang hindi rin nababawasan ang mga nakapila. Malapit ng gumabi pero hindi pa rin kami nakakapagpahinga.

Hindi ko na kinaya ang pagpipigil ng ihi, tinawag ko ang isang bantay sa amin at hiniling na umupo muna sa table ko para hindi magwala ang mga nakapila. Nagmamadali akong pumunta sa portable toilet. I took my time. Naghilamos at at natetempt akong maligo dahil sa init. Pabaik na ako sa tent namin ng merong magtakip ang bibig ko at hatakin ako papunta sa gilid. Malayo sa mga tao. Nagpupumiglas ako. Ginamit ko ang tinuro ni Tito Kyle pero malakas ang lalaking tumatangay sa akin.

"Cailee, it's me." Bulong ni Gab. Doon pa lang ako huminahon. Tinanggal ni Gab ang kamay niya at hinarap ako.
"Gab?" Nagtatakang tanong ko. He looked tired... Nakahawak siya sa balikat ko na parang ayaw akong pakawalan.
"Ano ginagawa mo dito?" may halong galit na tanong nito.
"We have medical mission." I replied. Umiling siya.
"Kailangan nyong umalis Cailee." Bulong niya sa akin. Luminga-linga siya, pati sa likod.
"Three days kami dito."
Umiling ulit si Gab. "Delikado dito. Kailangan nyong bumalik sa Myanmar. Please makinig ka sa akin.Kailangan nyong umalis."
"Ano nangyayari Gab?"
"Hindi ito ang tamang lugar. Saka magtagalog ka para hindi ka nila maintindihan. Love, delikado dito. Paalis na dapat ako ng matanaw kita. Hindi mo alam kung gaano ako natatakot ng nandito ka."

Tinawag niya akong love?

"Balik tayo sa tent ninyo. Kakausapin ko ang leader nyo. Kailangan nyong umalis ngayong gabi." Sabi nito.
Tumango ako. Hawak ni Gab ang kamay ko ng bumalik kami sa tent. Nagkakaingay sa tent namin ng makabalik kami. Nagagalit ang mga nasa pila ko dahil hindi sila umuusad.
Nakakunot ang noo ni Trevor ng makita si Gab, nagtatanong ang mga mata. Umiling ako kay Trevor.

Sinamahan ko si Gab sa leader namin sa mission para makausap niya ito.

Bumalik ako sa table ko at pinagpatuloy ang panggagamot.

Maya-maya pa, lumapit ang leader namin sa amin. Isa-isa niya kaming binulungan.

"We will leave tonight. Be prepared. Don't reply just nod if you understand." Bulong niya sa akin. Tumango ako at nagpatuloy sa ginagawa ko. Tumabi sa akin si Gab, inabutan ako ng tinapay at tubig at binantayan ako hanggang sa maggabi.

Nang mapagod ang mga tao, kusa silang bumalik sa loob ng camp nila. Nagmamadali kaming nagligpit ng mga gamit namin. Iniwan na namin ang iba pang gamut na hindi na namin kayang bitbitin pa pabalik.

Dahan-dahan kaming naglakad paalis sa tent. Hindi kami pwedeng magbukas ng flash light man lang. Hindi umalis sa tabi ko si Gab. Malapit na kami sa drop off ng may marinig kaming putok ng baril.

"Run." Gab told us. Binitawan niya ang kamay ko at pilit akong pinapatakbo.
"Tumakbo ka na Cailee. Susunod ako." Gumanti ng putok si Gab.
Hinila ako ni Trevor at pilit na sinasakay sa truck.

Hindi ko makita si Gab. Nakadinig kaming mga putok ng baril. Kinalampag ng leader namin ang truck at nagsimula itong umandar.

"Wait... Wait... Gab is still there." I told them.
"He said we need to run." Sagot ng isa sa mga kasama ko.
"No... we will not leave him." I told them.

Pero hindi nila ako pinakinggan. Umandar na ang truck at lumalayo na kami.

"Wait..."Sigaw ni Gab.
Huminto ang truck at sumampa si Gab. Umupo ito sa tabi ko. Naramdaman kong basa ang braso niya.
"May tama ka?" Tanong ko.
"Wala ito. Make it faster." Sigaw ni Gab.
"Get down..." Sigaw ni Gab sa amin. He cover his body to me.

Sunod-sunod pa ang putok ng baril na nadinig namin. Hinahabol nila kami. Papasikat na ang araw ng umayos kami ng upo buhat sa pagkakadapa namin sa sahig ng truck.

At doon ko nakita ang malaking sugat ni Gab sa braso. Basa na ng dugo ang damit niya pati ang damit ko. At maputla na din si Gab. Halos sabay sabay kaming nagbukas ng bag para tingnan kung sino pa ang may mga gamot at gasa na dala. Sinaksakan ni Trevor ng anti-tetano si Gab habang nililinis ko ang sugat niya.
Binigyan ako ng mga anti-biotics ng kasamahan ko.

"Is there any bullet penetrated?" Tanong ng leader namin. Umiling ako.
Binigyan nila ako ng panahi para magclose ang sugat niya. Wala kaming dalang anesthesia.

"This will sting..." I told him. Tumango langsiya.
Sinimulan ko siyang tahiin. I tried to be gentle as much as I can. Nang mataposna ako doon ako naiyak.

"Tahan na Love." Kinabig niya ako payakap sa kanya. He kissed my head andinhale. Nanlalambot akong sumandal sa kanya. Muntik ng mawala na naman si Gab.God, this life is really short.
Tahimik kaming lahat hanggang makarating kami sa pinakamalapit na hotel.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top