CHAPTER TWENTY-TWO (Home Visit)

Everyone needs a house to live in but a supportive family is what builds a home

——————————

Vie's POV

Inis na inis ako habang nagpapalit ng damit.

At galit pa siya sa akin? That man was crazy. Ano ang rason para magalit siya sa akin? Dahil sa panaginip ko? Baliw talaga ang isang iyon. Dahil lang doon magagalit siya? I was willing to give myself to him last night. Saglit akong napahinto nang maalala ang mga ginawa sa akin ni Leon. That was so daring, and I let him did that to me. I blushed when I remembered how he smack my ass. He kissed me 'there'. I allowed him to touch my body. And the worst part, I liked it.

Pero dahil sa kaartehan niya at nagalit siya nang malaman na threesome ang panaginip ko na iyon, nasira ang moment. Well, okay na rin naman na nangyari iyon dahil nagising ako sa pagkaka-engkanto na bumalot sa akin nang mga oras na iyon. Napa-rolyo pa ang mata ko nang maalala ko ang mukha niya kanina. Simangot na simangot pa rin ang mukha at halatang hindi masaya na nakita niya ako at ang boss niya.

Painis ang ginawa kong pagsusuot ng jeans at t-shirt. Sinuklay ko lang ang buhok ko at lumabas ng kuwarto. Wala akong pakialam kahit hindi kami mag-usap ngayon. Gagawin ko na lang ang trabahong ipinapagawa ni Papa. Aalamin ko ang mga ginagawa niya. Kung ano ang plano niya. Iyon lang naman ang silbi ko dito.

Dumeretso ako sa kusina at naabutan ko si Leon na nakatayo sa tapat ng lababo at may hawak na yelo na nakabalot sa maliit na towel. Niyeyelohan ang bandang pisngi niya. Puro putok naman ang mukha niya at pinapagaling na niya. Hindi na kailangang yelohan pa kaya ano itong drama niya ngayon? Inirapan ko lang siya at dumeretso ako sa ref tapos ay binuksan iyon. Hindi ko siya pinapansin kahit alam kong nakatingin siya sa akin.

Kumuha ako ng gatas na nakita ko doon tapos ay kumuha ng baso sa cupboard. Umurong pa siya ng konti para makuha ko ng maayos ang baso. Hindi ko pa rin siya pinapansin. Nagsalin ako ng gatas sa baso at tahimik na uminom doon.

"So, we're not talking now?" Narinig kong sabi niya.

Tinapunan ko siya ng tingin habang umiinom ako ng gatas. Nanatili akong nakatingin sa kanya habang patuloy na umiinom. Nakataas lang ang kilay niya sa akin habang patuloy niyang niyeyelohan ang pisngi niya.

"You're talking to me now?" Balik-tanong ko sa kanya nang matapos akong uminom ng gatas. Kita kong sumimangot ang mukha niya sa akin painis na ibinato ang hawak na yelo sa lababo.

"At sino pa ba ang kakausapin ko dito? Dalawa lang tayo."

Muli kong dinampot ang baso ng gatas para uminom doon pero inagaw niya iyon sa akin at siya ang umubos ng laman tapos ay inilapag sa harap ko ang baso na wala ng laman. Inis ko siyang tiningnan at muli akong nagsalin noon sa baso para uminom.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na umalis kayo ni Mr. Laxamana?"

Tumaas ang kilay ko sa kanya. "At bakit ko kailangan magpaalam sa iyo? Sabi mo I can do whatever I want to do in this house. And he asked for my help kaya tinulungan ko." Akma akong iinom sa baso nang agawin niya iyon at painis na ibinagsak sa mesa.

"Let me get this straight. I don't want you talking to him anymore." Seryosong sabi niya.

Kumunot ang noo ko. "What? What's wrong talking to him? We have business. He was going to donate to the orphanage. For the kids. Is this still about last night? My fucking dream?" Naparolyo ang mata ko sa kanya. "You are really sick."

Halatang nagpigil lang si Leon at masamang tumingin sa akin.

Napahinga na lang ako ng malalim at napailing.

"Look, Leon. I think we better let that slide. What happened last night was just I think spur of the moment. I meant, I was naked, dreamt about something else and you were there, the moment was asking for it and it happened. Can you please relax? Baka atakihin ka na sa puso dahil puro kunsumisyon ang nasa utak mo." Muli ay inirapan ko siya at dinampot ko ang baso para uminom doon na muli na naman niyang pinigilan.

"I don't want you thinking for another man," seryoso niyang sabi habang titig na titig siya sa akin. Napalunok ako dahil sobrang seryoso ng mukha niya. Ito na naman siya. Ito na naman 'yong nakakatakot niyang persona na una kong nakita sa cage.

"I am not," hindi ko alam kung bakit iyon ang naisagot ko. Kasi nakakatakot talaga ang hitsura niya.

"I don't want to always remind you who you are to me. I won, Vie. I fought and I won, and I don't want to share my prize to anyone. I am fucking selfish when it comes to that." Hindi niya inaalis ang tingin niya sa mukha ko.

Hindi ako nakasagot dahil talagang nakakakaba ang hitsura niya. Lumapit siya lalo sa akin kaya napaatras ako. Nagulat ako nang umangat ang kamay dahil akala ko ay sasaktan niya ako. Pero bumaba iyon sa mga labi ko at bahagyang pinahid ng hinlalaki niya ang mga labi ko. Nakita kong napuno iyon ng gatas at habang nakatingin siya sa akin at inilapit niya sa bibig niya ang daliri at sinipsip ang gatas na napunta doon.

Napalunok ako. Hindi dahil sa takot kundi dahil sa ginawa niya. It was goddamn sexy. I could feel the weight of his stare at me while he kept on sucking his finger full of milk from my lips.

"Mas masarap pala 'to kaysa galing sa baso," nakita kong bahagyang umangat ang gilid ng labi niya tapos ay napahinga ng malalim. "Let's go." Sabi niya at nagpauna nang lumakad.

"Let's go? Where?" Taka ko.

"I am going to visit my kids," sagot niya habang patuloy sa paglakad. Dinampot ko ang bag ko nakapatong sa sofa habang nakasunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa sasakyan. Nauna siyang pumasok doon at nanatili akong nakatayo sa may gate at nakatingin sa kanya. Taka siyang tumingin sa akin.

"Isasama mo ako na bisitahin ang mga anak mo?" Paniniguro ko.

"Alangan naman na iwan kita dito? Mamaya kung saan ka na naman magsuot at kung kanino ka na naman sumama. Get in," sabi niya at pinaandar na ang sasakyan.

Sinamaan ko siya ng tingin at padabog na sumakay sa kotse. Wala kaming imikan habang nagmamaneho siya. Hindi ko naman alam ang lugar kung saan kami pupunta at hindi ko kayang bumiyahe nang hindi ko ibubuka ang bibig ko.

"Isasama mo talaga ako na bisitahin ang mga anak mo? Baka awayin ako ng asawa mo." Hindi na ako nakatiis na hindi magsalita.

"I don't have a wife," hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Nanatiling nakatutok sa kalsada ang mga mata niya.

Wala siyang asawa? Paano siya nagkaanak?

"You don't have wife? What happened to her?" Nakuha niya ang curiosity ko doon.

"Gone." Maikling sagot niya.

"Gone? Gone as in she's dead?"

"Gone as in she ran away with another man," napahinga siya ng malalim nang sabihin iyon.

Napa-oh lang ako at hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. Niloko pa siya ng asawa niya? Sa guwapo niyang ito? May babae pang manloloko sa kanya?

"And how is the guy now?" Curious ako sa kung ano ang nangyari sa lalaking sinamahan ng asawa niya. Malamang pinatay na niya.

Kumunot ang noo niya at tinapunan ako ng tingin. "What do you mean?"

"I mean, is he still alive?"

Natawa siya at nagulat ako sa nakita kong reaksyon niya. He laughed for the first time. Kahit simpleng pagtawa lang iyon ay talagang nanibago ako. Marunong pala siyang tumawa.

"Of course, he still alive. Well, I don't know what happened to him. He was the first. Then they separated, there's another man again, and another man. I don't know who it is now because I don't care," ngayon ay seryoso na siya.

"Really? You didn't kill him? Those men that took your wife away from you?" Paniniguro ko.

"Kill them? Why would I do that? Ayaw na niya sa akin, I let her go. That simple. Hindi ko kailangang isiksik ang sarili ko sa taong ayaw sa akin. As long as I have my kids, I'll be fine." Iniliko niya sa isang kanto ang minamanehong sasakyan.

"Wow," iyon na lang ang nasabi ko. Ganito siya katatag? Parang wala talaga sa kanya na iniwan siya ng asawa niya.

"Technically, she's not my wife. Hindi naman kami kasal." Sabi pa niya.

Saglit akong napatitig sa kanya at nanatili siyang nakatingin sa kalsada. Nakita kong pumasok kami sa isang subdivision at mula sa guard house ay lumiko siya sa isang street at huminto sa isang townhouse. Pinatay niya ang makina ng sasakyan at naunang bumaba. Dali-dali akong sumunod sa kanya at pinigilan siya nang makita ko siyang magdo-doorbell.

"Wait." Awat ko.

Taka siyang tumingin sa akin.

"Magpapakita ka sa mga anak mo na ganyan ang hitsura mo? Your face is swollen. Baka ma-trauma ang mga bata."

Saglit na natigilan si Leon at saglit na nag-isip. Mabilis kong kinuha ang bag ko sa loob ng kotse at may kinuha doon at binuksan. Pinisil ko ang tube at pinahid iyon sa daliri ko tapos ay hinawakan ko ang mukha niya.

"What the hell is that?" Umiiwas siya sa ipapahid ko sa mukha niya.

"Concealer. Para hindi mahalata 'yang mga pasa at sugat mo sa mukha. I know kids, Leon. I am always at the orphanage and kids are nosy. They will not stop asking until you tell them what happened to you. Kaya mo bang sabihin sa kanila na nakikipagpatayan ka sa cage kaya basag ang mukha mo?"

Hindi siya nakasagot at nakatitig lang sa akin tapos ay napahinga ng malalim at tumango. Pinahiran ko ang mga pasa at sugat niya sa mukha para magpantay ang kulay noon sa balat niya. Hindi man perfect pero at least ay mababawasan ang mga kulay ube sa mukha niya.

Nakatitig lang siya sa mukha ko habang ginagawa ko iyon. Nakakaasiwa pero hindi ko na lang pinansin.

"Do you always do this?" Tanong niya habang patuloy ako sa pagpahid ng concealer sa mukha niya.

"Alin? Ganito? Kanino ko naman gagawin?"

"Kay Johnny." Dama ko ang inis sa tono niya nang sabihin ang pangalan na iyon.

Napa-rolyo ang mata ko. "At bakit ko naman gagawin kay Johnny 'to? Mas gusto noon na laging basag ang mukha niya dahil pinagmamalaki niya iyon na may pinatay siya sa cage." Bahagya kong diniinan ang pasa niya sa pisngi kaya napaaray siya. Sinadya ko talaga para tumigil na siya ng kakatanong ng kung ano-ano.

"Hindi ka talaga magaling na nurse. Mahilig kang manakit ng pasyente," komento niya.

"Ayan. Tapos na. Hindi ka na mukhang walking dead." Sabi ko at sinipat-sipat ko pa ang mukha niya. Ipinakita ko ang mukha sa salamin ng pressed powder at napataas ang kilay niya habang tinitingnan ang ginawa ko sa mukha niya.

"In fairness. Impressive," nangingiting sabi ni Leon. "Hindi ka lang pala nurse na nananakit. Make-up artist ka din. But this is good. Thank you."

Alam kong nag-init ang mga pisngi ko sa sinabi niyang iyon.

Nag-doorbell si Leon at maya-maya ay nakarinig kami ng pagkakaingay ng mga bata tapos ay boses ng matandang babae na sumasaway sa mga ito. Pagbukas ng gate ay nakita kong agad na nagliwanag ang mukha ni Leon nang makita ang mga ito.

"Daddy!" Magkasabay na sigaw ng dalawang batang babae at agad na yumakap sa kanya.

"How are my princesses?" Nakangiting sabi niya at parehong binuhat ang dalawang batang babae na nakapulupot agad ang mga kamay sa leeg ni Leon.

"I told you he is going to come today," nagmamalaking sabi ng batang babae. Tingin ko ay ito ang panganay.

Napangiti ako at nakatingin lang sa kanila. Kitang-kita ko ang saya sa mukha ni Leon. His face was totally different from the man that I saw inside the cage. From the man that almost killed Johnny last night. From the man that was pissed off because he knew what my dream was. Right now, his face was lit. Happy. Just like the first time that I saw him outside the convenience store with his kids.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng inggit sa mga anak ni Leon. Kahit kailan ay hindi ko ito naramdaman kay Papa. I was always neglected because he was always away. Always thinking of how he could earn more money. And while I was growing up, he was training me to learn his business. To become like him. I never had the chance to be a kid like this. And right now, I knew Leon's kids was lucky to have him as their father.

"Who are you?"

Nagulat ako sa narinig na tanong na iyon at nakita kong ang anak ni Leon ang nagtanong noon. Alam kong nagulat din siya sa doon. Agad na binitiwan ni Leon ang mga anak at sinabihang pumasok sa loob pero hindi naman sinunod ng mga ito.

"Daddy! Who is she?!" Muli ay tanong ng bata. Maya-maya ay may isang may-edad na babae ang lumapit sa amin. Nagtatanong ang tingin na ipinukol sa akin tapos ay kay Leon. Napakunot ang mukha na nakatingin sa mukha niya pero agad na muling bumalik ang atensiyon sa akin.

"'Ma," bati ni Leon sa may-edad na babae. Nagmano siya at humalik sa pisngi nito.

"Bakit ba kayo nandito sa labas? Halika. Pasok." Sabi nito at sinenyasan akong pumasok sa loob.

Shit. What the hell? This was a first. I am going to meet his family?

Deretso kami sa loob ng bahay at sinenyasan akong umupo ni Leon sa sofa na naroon. Pilit akong ngumiti sa dalawang batang nakatingin sa akin tapos ay mga nakangiti at talagang tinititigan ako. Si Leon ay nakikipag-usap sa nanay niya malapit sa kusina.

"'Ma, si Vie. Kaibigan ko," tinapunan niya ako ng tingin.

I rolled my eyes. And we are friends now. Samantalang kanina para niya akong kakainin ng buo sa inis niya sa akin.

Alam kaya ng nanay niya ang pakikipagbugbugan niya sa cage? Alam kong halata naman ng matanda na may bugbog sa mukha si Leon pero parang hindi na ito nagulat.

"Hello po," pilit na pilit akong ngumiti sa matanda. Ngumiti naman ito sa akin pero mabilis din ibinalik ang atensyon kay Leon. Nag-uusap ang dalawa. Mahina kaya hindi ko naririnig. Tapos parang nagtatalo.

"My name is Anna, and this is my sister Elsa." Ngayon ay nasa tabi ko na ang anak ni Leon.

Napangiti ako. Ang cute ng mga anak ni Leon. The innocence on their faces was mesmerizing. Nami-miss ko tuloy ang kapatid kong si Vexie.

"Oh. Just like the Disney Princesses. Does your sister have magic too? Like in the movies? Can she make some snow and the cold never bothered her anyway?" Hindi mawala ang ngiti sa labi ko.

Parehong humagikgik ang dalawang bata. "You're funny." Sabi ni Elsa na nakatitig sa akin.

Natawa din ako habang nakatingin sa kanila. Ganito ako sa orphanage. I knew kids love me because I can blend with them. Because I know how it felt to be abandoned and neglected. And I knew what they needed was some attention that they couldn't get from the people that they love.

"Are you my dad's girlfriend?" Tanong ni Anna.

"What?" Nagulat ako sa tanong ng bata at nakita kong napatingin sa gawi namin si Leon. Mukhang narinig din ang tanong ng anak niya.

"Anna," saway niya at nahihiyang tumingin sa akin. "She's just my friend, and I want you to behave with her. I'll be going for a while and she's going to stay here for a couple of hours."

Kumunot ang noo ko at nagtatanong na tumingin sa kanya. Iiwan niya ako dito? Kasama ng mga anak niya at nanay niya? Nababaliw ba siya?

"Leon?" Pinanlalakihan ko siya ng mata.

"I am going to meet my boss, and this is something confidential. I cannot bring you." Seryosong sagot niya.

"What?" Napangiti ako ng pilit nang makita kong nakatingin sa akin ang nanay niya. "Then let me go with you if you are going to meet Mr. Laxamana. Don't leave me here." Mahinang sabi ko sa kanya.

Sumimangot si Leon nang marinig ang sagot ko. "It will be just for a couple of hours, Vie. You can call me. I have to go." Humalik na siya sa pisngi ng mga anak niya at tumayo na. Lumapit sa nanay niya at humalik din sa pisngi nito tapos ay tinungo ang pinto. Dali-dali ko siyang sinundan.

"Iiwan mo ako dito? I don't know them," hinila ko pa siya nang palabas na siya sa gate.

"They are my kids. She is my mom. They are my family and none is going to hurt you here." Sumimangot ang mukha niya. "Or do want to go home and stay with your father para magkita kayo ni Johnny?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Napahinga siya ng malalim at napailing.

"Look, I don't want to leave you alone in the house. Wala akong tiwala sa puwedeng mangyari sa iyo kapag iniwan kita doon. Ayaw ko din naman na umuwi ka sa inyo dahil baka mapaano ka din. This is I think the best option. Babalik din ako agad." Paliwanag niya. "They are cool kids. Trust me, and they are going to like you."

"Pero, teka lang. P-paano ako dito? You're kids... they don't know me." Kinakabahan talaga ako.

"You'll blend in. Two hours max I'll be back." Dere-deretso nang lumabas si Leon at sumakay sa kotse. Wala na akong nagawa kundi sundan na lang siya ng tingin nang umalis siya.

Nang lumingon ako ay nakita kong nakatayo sa pinto ang nanay ni Leon at ang dalawang anak niya. Alanganin akong ngumiti sa mga ito.

"Halika dito sa loob. Mag-meryenda tayo," nakangiting sabi ng nanay ni Leon.

Hindi ko alam kung bakit mas lalo akong kinabahan doon.

Ganito pala ang feeling ng haharap sa nanay ng isang lalaki.

Pakiramdam ko ay gigisahin ako ng sobra.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top