CHAPTER TWENTY-ONE (Sucker Punch)
Control your ANGER, it is only one letter away from DANGER.
————————
Leon's POV
Threesome.
She dreamt about a fucking threesome.
With me and that damn...
Lalo kong binilisan ang pagtakbo ko. Sige takbo hanggang sa kapusin na ako ng paghinga. Humihingal akong huminto at napapangiwi na hinawakan ang tagiliran ko. Hindi ko dapat ginagawa 'to. Dapat ay nagpapahinga ako para mabilis akong gumaling. But I was here. Running to death so I could calm myself.
It was just a damn dream, and I shouldn't be bothered about that. Hell, it was kinky. Everyone has a dark fantasy that they fantasize occasionally. And I should be flattered that I was there. Vie was fantasizing about me. But what I was pissed about was that old man was there too. It means, she was thinking about him too.
Napahinga ako ng malalim at muling napahawak sa tagiliran ko. Lumakad ako ng dahan-dahan dahil nagsisimula na naman akong mainis. Shit. This whole mess was making me a different person. The person that I turned my back seven years ago. I was Dustin Matias, and Dustin was totally different from Leon Deaver Keastner. For seven years, I managed to be the low key, patient and follower agent Dustin. I was just following orders, and I am good at that. They never knew about the impatient, angry and animal side of Leon. And right now, Leon was taking over Dustin. Leon was angry, and his rage was going to eat me alive.
I slowed down and gathered myself. Calm down. Think about something else.
I got my phone and dialed a number. I knew it was early but, they might be awake already.
"Daddy!"
Napangiti ako nang marinig ko ang boses ni Anna. Parang agad na binuhusan ng malamig na tubig ang inis na nararamdaman ko.
"How's my princess?" Binagalan ko ang paglalakad at tumitingin lang sa paligid.
"We're fine. Elsa is still sleeping. Nana is cooking pancakes." Lalo akong napangiti nang marinig ko siyang humagikgik.
"Can I talk to Nana?"
"Sure, dad." Nawala sa linya ang anak ko tapos ay tinawag ang lola niya. Napabuga ako ng hangin at siguradong kailangan ko nang ihanda ang tainga ko sa sermon ng nanay ko.
"Leon," bungad niya.
"'Ma. Kumusta ho ang mga bata?"
"Ayos naman. Si Elsa tulog pa. Si Anna, ito nagpipilit na tumulong sa akin na gumawa ng pancake."
"Medyo matatagalan pa ho siguro ako dito sa trabaho ko bago ko sila madalaw ulit." Alam ko naman na alam ng nanay ko na kasinungalingan iyon. Alam niyang kapag nasa 'destino' ako, buwanan bago ako makauwi.
"Sanay na ako. Sanay na ang mga anak mo." Matabang na sagot niya tapos ay napahinga ng malalim. "Lumaki na naman halos ang mga anak mo na pasulpot-sulpot ka lang. Pero masaya naman sila dahil talagang bumabawi ka kapag umuuwi ka. Pero hanggang kailan na ganyan, Leon?" Seryosong tanong niya.
"'Ma, alam 'nyo naman ang trabaho ko. Kailangan kong ma-destino kung saan-saan," katwiran ko.
"Nahinto ka nga sa pakikibugbugan nang magka-anak ka, pero iyan naman ang pumalit mong trabaho. Lagi ka namang wala. Sa totoo lang sa tuwing tumutunog ang telepono ko, ang kaba ko abot hanggang langit dahil baka matulad ka lang sa kuya mo," ngayon ay bahagyang nabasag ang boses ng nanay ko.
Napailing ako at napahinga ng malalim. Kung puwede ko lang sabihin kay Mama na nagkita kami ni Brad. Pero alam kong ang kapatid ko lang ang puwedeng magdesisyon kung kailan niya gustong magpakita sa ina namin. Ayokong pangunahan ang desisyon niya.
"Leon, tumatanda na ako. At ayokong masanay ang mga anak mo na lagi kang wala sa tabi nila. Kung ano man ang trabaho mo, baka puwedeng palitan mo na. Pumili ka ng trabaho na makakasama mo ang mga anak mo. 'Yong magagabayan mo sila sa paglaki. Dalawang babae ang mga ito at kailangan nila ang kalinga mo. Iba ang pag-aalaga ng magulang. Iniwan na nga sila ng ina nila tapos pati ba naman ikaw wala pa rin?"
Napakamot ako ng ulo. Ito na nga. Kahit hindi sumisigaw ang nanay ko, ang mga salita niya ay talagang pumipiraso sa pagkatao ko.
"Para din naman sa kanila ang ginagawa ko, 'Ma. Para sa future nila. Maganda ho ang suweldo dito sa trabaho ko at hindi ko basta-basta maiwan." Well, that was true. Malaki ang bayad sa amin sa agency dahil araw-araw walang kasiguraduhan kung uuwi pa kaming buhay. Agents were well compensated even after death during a mission. Sinisiguro ng agency na hindi mapapabayaan ang pamilya ng isang agent kung namatay man ito.
"Bahala ka na. Pero kung makakapag-off ka diyan sa trabaho mo, dalawin mo naman ang mga bata. Miss na miss ka na. Kung saan-saan ako niyayaya. Hindi ko naman makakaya ang dalawang ito," reklamo niya.
Natawa ako. "Magpasama kayo kay Sonny. Alam niya kung saan-saan puwedeng ipasyal ang mga bata. Magta-transfer ako ng panggastos 'nyo mamaya."
"Sige." Saglit na tumahimik si Mama. "Miss na kita, iho." Ngayon ay lumambot na ang tono niya.
Napangiti ako. Parang nakikita ko ang mukha ni Mama tapos ay naaalala ko ang madalas niyang gawin kapag nagkikita kami. Pinipisil ang ilong ko.
"Miss you too, 'Ma. Don't worry, I'll visit you guys one of these days. Tatapusin ko lang itong case ko."
"O siya, sige. Nasusunog na yata ang niluluto ko. Sumisigaw na si Anna. Sige na," kahit may gusto pa akong sabihin ay pinatayan na niya ako ng call.
And it never fails to calm me down. Every time that I was having a rage, my kids, my family was always my calming pill.
Bumalik ako sa bahay. Pagpasok ko ay tahimik pa rin. Tinapunan ko ng tingin ang kuwarto ni Vie. Bumalik na naman ang inis ko sa nalaman ko. Kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko na ginagawa nila ng matandang iyon sa panaginip niya. Jesus Christ. It was just a fucking dream pero bakit ba apektadong-apektado ako? I don't want any other man looking at her. Touching her. Worst, kissing and fucking her. She was mine. She was my prize, and I am the only one who can touch and fuck her.
Saglit akong natigilan. Ano ba ang nangyayari sa akin? Kahit kailan hindi ako naapektuhan ng ganito dahil lang sa babae. Even Kelsey never made me furious like this. Kahit na alam ko noon na may iba na siyang lalaki. Ipinamigay ko nga siya dahil iyon ang gusto niya. But Vie...
Naihilamos ko ang kamay sa mukha ko. Bakit ba ako nagkakaganito sa kanya? Must be the lack of sex. I knew I needed that to cool down. The friction between us was overwhelming and it was getting on my nerves. Napahinga ako ng malalim. Okay. Kakausapin ko lang siya and maybe from there everything will be okay.
"Vie." Kumatok ako sa pinto ng kuwarto niya.
Wala akong sagot na narinig. Kahit puwede ko namang buksan iyon dahil nasira ko naman iyon kagabi ay ayaw ko pa ring basta na lang pumasok. Baka kung ano na naman ang maabutan kong ginagawa niya at baka kung ano na naman ang magawa ko sa kanya.
"Vie. Can I come in? I just need to talk to you."
Wala pa rin akong sagot na narinig. Idinikit ko ang tainga ko sa pinto. Tahimik. Parang walang tao. Doon ko na iyon binuksan at wala nga siya doon. Tiningnan ko sa banyo at wala din siya. Napakunot ang noo ko. Umalis siya?
Nilibot ko ang buong bahay at ako lang mag-isa ang nandito. Tinawagan ko siya. Ang daming beses pero hindi niya sinasagot ang tawag ko.
Maririin na ang pagpindot ko sa telepono ko. Ang daming beses ko nang tumatawag sa kanya pero hindi niya sinasagot. Kung nasa agency lang ako iti-trace ko talaga kung nasaan siya. At saan siya pupunta? Uuwi siya sa tatay niya? Baliw ba siya? Baka magkita pa sila ni Johnny doon.
Lalo na akong nainis. Nagpadala ako ng message sa kanya.
Where the hell are you?
Wala pa ring sagot. Muli ay nag-text ako.
Damn it! Where the fuck are you?
Still, no reply. When I tried to call her again, her phone was cannot be reached anymore. She turned off her fucking phone.
Napahinga ako ng malalim sa tinitimping galit. Talagang sinusubukan ako nang babaeng iyon. Si Ghost ang tinawagan ko.
"Leon," agad na bati niya.
"Did you know that Vie ran away?" Iyon ang sagot ko sa kanya.
Malakas na tumawa si Ghost. "Ran away? No. She's with me. I asked her to accompany me to the orphanage. Nandito kami ngayon. Maaga ako diyan kanina pero wala ka."
Natigilan ako. Si Ghost? Kasama niya si Vie?
"What? Magkasama kayo?" Paniniguro ko.
"Yeah. I got some intel and it's bad. Pauwi na kami diyan. We need to talk." Seryoso na ngayon ang tono niya.
Nagngalit ang bagang ko at kahit nagsasalita siya ay pinatayan ko na siya ng call. Magkasama sila? At nakalimutang sabihin iyon sa akin ni Vie?
Napakuyom ang kamay ko. Magkasama si Vie at si Ghost. Her ultimate crush. The old man that she was fantasizing about. They were all alone. At paano ako nakakasiguro na doon lang sila pumunta?
My rage was getting inside my head. There were so many bad things getting in. Them kissing. Holding each other. Fucking each other. Malakas akong napasigaw.
Nakarinig ako ng sasakyan na pumarada sa labas. Hindi ako tumayo mula sa kinauupuan ko. Nanginginig ang mga kamay kaya marahan kong hinilot-hilot ang mga iyon. Sigurado akong si Ghost na ang dumating at si Vie. Naririnig ko ang mga boses nila. Masaya. Nagtatawanan pa. Lalo na si Vie. Halatang kinikilig sa paraan ng pagtawa niya.
Ang liit ng tingin ko sa kanilang dalawa nang makapasok sila sa loob. Nakita kong nagulat si Vie nang makita ako pero tinaasan lang niya ako ng kilay tapos ay humarap kay Ghost.
"Kung may kailangan ka pa, Mr. Laxamana don't hesitate to call me. I had fun today." Nakangiting sabi niya.
"Thank you too, iha. For today. Of course. I'll give you a call again." Nakangiti din si Ghost.
Putangina. At parang wala ako dito? Naglalandian sila sa harap ko na parang wala ako? Gusto ko nang sugurin si Ghost lalo na nang halikan pa nito sa pisngi ni Vie na halata namang ikinakilig ng babaeng ito. Nakangiti pa si Vie nang pumasok sa kuwarto niya.
"Good morning," nakangiting baling sa akin ni Ghost. "Nag-training ka ba? You should rest. Sariwa pa mga sugat mo."
Hindi ako sumagot. Nakakuyom lang ang mga kamay ko sa tinitimpi kong galit.
"I have bad news." Sabi niya. "Do you want to go outside? Get some fresh air? Mauna ka na. I'll make coffee for us." Sinenyasan akong lumabas ni Ghost at dumeretso siya sa kusina. Ganoon nga ang ginawa ko. Deretso ako sa garden at pabagsak na naupo sa bakal na silyang naroon.
Maya-maya ay dumarating si Ghost na may dalang tray at naroon ang dalawang puswelo. Umuusok pa pareho. Inilapag niya iyon at naupo siya sa harap ko. What's with this old man always acting poised? Kahit naka-rugged outfit ang arte pa rin. Ano 'to? Nagpipilit siyang magmukhang bata para makatisod din siya ng mas batang babae? Nakakabuwisit na. Nakakapikon.
"I was with Ulysses last night when you were beating up Johnny," natawa siya at humigop sa mug ng kape. "Someone called him, and I've heard about adoption. About the hunting game even if there is no schedule for it." Napailing siya. "You know what happens when those hunters adopt kids from his orphanage."
Wala akong maintindihan sa sinasabi ni Ghost. Nakatingin lang ako sa kanya pero talagang nanliliit ang tingin ko sa kanya. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Sa isip ko ay pumapasok na magkasama sila ni Vie at imposibleng wala silang ginawa.
"And I asked Vie to help me. We went to the orphanage, she knew the kids that was adopted, and I got the name who adopted them." Tumaas pa ang kilay niya sa akin. "A famous name."
And I don't fucking care. Ang gusto kong malaman ay kung ano ang ginawa nilang dalawa ni Vie habang bumibiyahe sila pauwi dito.
Maraming sinasabi si Ghost pero talagang nagdidilim ang tingin ko habang nakatingin sa kanya. My hands were shaking. My rage was overtaking me. Until I couldn't control myself anymore.
Without a word, I jumped on to Ghost and punched him straight to his face.
"What the fuck?!" He was shocked with what I did. My mind was blank. It was like I was inside the cage and all I needed to do was to beat down my opponent.
And then I felt something hit my face too. Then, someone grappled me and pinned me to the grass floor.
"Calm down! Shit!"
I could feel a knee at my back while my face was flat on the grass. Hands were holding my arms securely. I couldn't move. I was panting.
"Are you calm?" I knew it was Ghost. He was pinning me down to the ground. "Are you fucking calm, Leon?" His voice was angry. And I never saw him angry. I've heard it was not a good thing if he was angry.
Hindi ako sumagot pero pinilit kong tumango hanggang sa maramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak sa mga kamay ko at nawala ang nakadagan sa likod ko.
"Jesus Christ, Leon? What the fuck?!"
Nang bumangon ako ay nakita kong nakatayo si Ghost at hawak ang bandang pisngi niya. Namamaga iyon gawa ng pagkakasuntok ko.
"What the hell?" Ang sama ng tingin niya sa akin.
Shit. What the fuck did I do? I punched Ghost? 'Tangina. Bubuhayin pa ba ako nito?
Napa-aray pa si Ghost nang bahagya niyang diinan ang pisngi niya tapos ay tumingin sa akin.
"What was that all about? You fucking punched me?" Nagtataka pa rin siya sa nagawa ko.
"I'm sorry. I-I was..." Puwede ko bang sabihin sa kanya na kaya ko siya sinapak ay dahil naiinis ako na magkasama sila ni Vie?
"Fuck," mahinang sabi ni Ghost at halatang disappointed sa ginawa ko. Napapailing siya na naupo sa silyang naroon. Bugbog pa ang mukha ko at masakit pa pero sigurado akong nadagdagan pa ang bugbog noon gawa ng pagkakasuntok din niya.
"Are you okay?" Tanong niya sa akin.
"I'm sorry. There are too many things running inside my head. You know me. Once I fight, I cannot control my rage even outside the cage." Pagsisinungaling ko.
"At ako pinagbuntunan mo? Jesus, Leon. Calm yourself. I am not your enemy." Napabuga siya ng hangin. "If you cannot do this case, I can stop this. I'll let Agent Blue to take over."
"What? No. No. I am good. I am okay." Napabuga ako ng hangin. Damn it. Bakit ba kasi nagawa ko iyon? "Are you going to kill me?"
"Kill you? Why would I kill you? Because you punched me?" Natawa siya. "I know what's going on with you. And I need this too. Matagal-tagal na rin naman akong hindi nakakatikim ng suntok. I felt alive. I might try cage fighting soon. Mukhang magandang pantanggal ng stress and I'll have reason to punch anyone in front of me." Natatawang sabi niya tapos ay tumingin ng makahulugan sa akin at napahinga ng malalim. May dinukot siya sa bulsa niya at inilapag sa mesa. "Do your work. You need to tail this man. Today. The kids that he adopted doesn't have twenty-four hours to live. If you cannot find him, those kids will be in the frontpage tomorrow. Dead." Seryosong sabi niya.
Kinuha ko ang papel at binuklat iyon. Pangalan at address iyon.
"Congressman Tito Mendiola?" Hindi ako maniwala sa pangalan na nabasa ko. Sikat ang congressman na ito na aktibo sa TV at social media na laging tumutulong sa mga mahihirap.
Tumango siya. "He adopted two kids last year. I'll send you what happened to them. Now he adopted two kids again and you need to stop it."
"But are you sure about this? Ghost, he is a congressman. Famous. People love him. Do you think he is involved in the hunting game?"
"You don't know who are involved in the hunting game. I told you, prominent names will come out. Those sick bastards are paying millions just to torture and kill those kids. Don't worry, if you find him just secure him then I'll do the rest. We want this to work quietly. We don't want to rattle the cage yet." Seryosong sabi niya.
Napatango ako at napabuga ng hangin. Tumayo na si Ghost at inayos ang sarili niya. Muli ay hinawakan nito ang namamagang pisngi at napailing.
"Sama mo si Vie. She knows the kids." Sabi pa niya.
"What? No. I can't do that. Hindi ako makaka-focus sa gagawin ko kung kasama ko siya."
"Just like what's happening to you now?" Natawa siya. "Just fuck her, Leon. Kaya ka nagkakaganyan. Jealousy is eating you alive. You think I don't know? You punched me because you're jealous." Naiiling siya. "She's not my type. Too young for me." Lumakad na siya palabas ng gate tapos ay muling huminto. "And I don't think she likes me too. Trust me. She doesn't want me." Kumaway na siya sa akin at sumakay sa kotse niya.
Sinundan ko lang ang sasakyan ni Ghost habang papailis tapos ay mahinang napamura.
Ang gago ko sa part na sinapak ko si Ghost. Mabuti na lang at good mood siya. Dahil kung hindi, para ko na ring hinukay ang libingan ko sa ginawa sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top