CHAPTER TWENTY-NINE (Good Mood)
Change yourself according to own situation and accept them - Rahul Rj
---------------------
GOOD MOOD
Leon's POV
I had the best night last night.
For years after all of I had been through, sleeping beside Vie was the best night of my life.
We had another round of hot sex when we got home. And psex was the best with her. She was giving all to me. She wanted soft. Rough. And I am loving her that she was loud in bed. Screaming my name while I was taking her.
I felt peace. There was nothing but calmness especially when I was watching her sleep. Napangiti pa ako habang tinitingnan pa rin siya. I never thought that it would be her first time last night. That after years of living with her asshole dad, with Johnny and she was being surrounded with different men, she could take care of herself. If I had only knew, I would take her slowly. But seeing her naked, tasting and touching her flesh brought out the animal me. I wanted to claim her. To mark her and to tell the world that she was mine. Not as my prize. But someone that I could have beside me.
Pero agad ding nawala ang ngiti sa labi ko nang maalala ko ang pagkikita namin ni Kelsey. Of all places talagang doon pa. At sasabihin niya sa akin na kukunin niya ang mga anak ko? Ano iyon? Pagkatapos ng maraming taon na basta na lang niyang iniwan, babalikan na lang niya dahil gusto niya lang? Pero hindi ako papayag. Makikipagpatayan ako. Papatay o mamamatay ako bago niya makuha ang anak ko.
Napatingin ako sa telepono kong nagba-vibrate sa bed side table. Agad kong kinuha iyon para hindi makalikha ng ingay. Si Ghost ang tumatawag. Tumayo ako sa kama at nag-suot ng boxer shorts at dahan-dahang lumakad para lumabas ng silid. Para lang makita na naka-upo sa sofa sa sala ang boss ko at nakatingin sa telepono niya.
"How did you get in here?" Taka ko at tiningnan ko pa ang pinto. Sigurado akong nai-lock ko ito kagabi.
Natawa siya sa tanong ko at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Ang ngiti niya ay naging nakakaloko.
"It looks like you already tasted your prize. Congratulations." Natatawa pang sabi nito.
As usual, Ghost was sitting casually on the sofa. He was wearing his usual Armani suit. Naka-balat na sapatos. Malinis na malinis ang hitsura. At ayokong magising si Vie tapos ay makita siya dito. Baka bumalik na naman ang crush ng babaeng iyon sa matandang ito at masapak ko na naman.
"What are you doing here again?" Naihilamos ko ang kamay sa mukha ko at dumeretso ako sa kusina para gumawa ng kape. "Coffee?" Alok ko sa kanya.
"I am good. Well, your door was not locked kaya pumasok na ako. Mukhang busy ka magdamag."
Tiningnan ko lang siya ng masama at ipinagpatuloy ang paggawa ko ng kape.
"I heard Ulysses invited you to his house last night."
Humigop ako sa ginawa kong kape at lumapit sa kanya.
"Yeah. He was recruiting me to change sides. Gusto niya sa kanya na ako lumaban. Anong nangyari kay Johnny?"
"Threatened na kasi. Hindi niya akalain na may makakatalo kay Johnny. Anong sabi mo?"
Nagkibit ako ng balikat. "Siyempre sabi ko hindi. I am not going to fight for someone else. Ginagawa ko ito dahil 'di ba utos mo? At magaling lumusot ang gago na iyon. Sinabi ko kay Vie ang kagaguhan ng tatay niya tungkol sa hunting game. And I was asking him too. Alam mo kung anong ginawa? Dinala ako sa isang sex room. Iyon daw ang hunting game na tinatanong ko. Sex, drugs, orgies. Totoo naman na mayroon. I've seen it with my own eyes. Fucking sick," pakiramdam ko ay naumay ako nang maalala ko ang nakita ko kagabi.
Natawa lang si Ghost at napailing-iling.
"What happened to the congressman? What did you do to him?" Tanong ko pa. Gusto kong malaman kung ano ang ginawa ni Ghost sa congressman na nahuli naman na gustong manakit ng mga bata.
"I think he is going to vacate his post. We just gave him a little dose of his own medicine."
Kumunot ang noo ko. Nakakatakot ang paraan ng pagngiti ni Ghost. Para talaga siyang demonyo na may ginawang kalokohan.
"I cut his tongue. Tutal wala namang silbi. Ayaw umamin kung sino ang contact niya sa pagkuha ng mga bata at kung sino-sino pa ang mga kasama niya sa gawaing iyon. Kahit patayin ko yata hindi talaga magsasalita. So, what's the use of his tongue? I broke all his fingers too. Wala ng silbi ang mga iyon. And skinned him alive. Lower extremities lang naman. Hindi na rin naman niya kasi magagamit ang mga paa niya. I broke his knees too." Kaswal na kaswal ang pagkakasabi niya noon.
Napalunok ako. Iba talagang mag-torture ng tao itong si Ghost. Talagang kapag siya ang gumawa, papangarapin na lang ng taong tino-torture nito ang mamatay na lang.
"You did that? People will talk. At magtatanong kung ano ang nangyari sa kanya."
"We can make anything to look like an accident. Don't worry, he won't talk. Right now, he is coma. I don't know if he can survive. Hindi ka kasi nanonood ng balita."
"Ano na ngayon ang susunod na mangyayari? I have a fight with Johnny two weeks from now."
"Yeah. About that. Are you ready to fight?" Muli siyang ngumiti. "Pero mukhang okay ka na naman. Mukhang magaling ang nurse mo." Tumawa pa siya ng nakakaloko.
"Fuck off." Naupo ako sa harap niya. "This hunting game, sigurado akong si Ulysses lang ang makakasagot dito. Why don't we ask him? I mean, shake him a bit?"
Doon nagseryoso si Ghost at umiling. "No need. Because I am in their organization. I'll have a meeting with him and those who always join the hunting game. Nalaman ko na may ilang member iyon. Sa pagkawala ni Congressman Toti, may isang seat na mababakante. At ako ang uupo doon. Makikilala ko ang mga members. From there, we can plan what we need to do."
Hindi ko maintindihan kung bakit nakaramdam ako ng kaba sa sinabing iyon ni Ghost.
"Do you trust them? I mean, are you sure you are not yet made?" Paniniguro ko.
Ngumiti siya. "At kailan pa ako sumablay? Like my name, I move like it." Tumayo na ito at inayos ang suot na damit. "Mag-training ka. Huwag ka pa ring magpaka-kampante sa magiging laban 'nyo ni Johnny. Siguradong maghahanda ang isang iyon para matalo ka. Matindi ang pagkapahiya na ginawa mo sa kanya." Tinungo n anito ang pinto at muling tumingin sa akin. "About your brother, I don't trust him."
"Si Brad?"
"He knows something about this. About the hunting game. Watch your back." Pagkasabi noon ay dumeretso na palabas si Ghost. Sumilip pa ako at sinundan siya ng tingin. Sumakay ito sa isang naghihintayb na SUV at tuloy-tuloy na umandar paalis doon.
My brother. May alam nga kaya si Brad? Puwedeng mayroon. Puwede ring wala. Mahina akong napamura. This fucking game was really a messed up one. Hindi ko alam kung sino ba talaga ang may pakana ng hunting game na iyon. Napatingin ako sa silid kung saan natutulog si Vie. Pinuntahan ko at himbing pa rin siya. Tingin ko, mukhang ngayon lang din nakatulog ng maayos ang isang ito.
Tumingin ako sa relo. Pasado ala-siyete. And I should be moving for my morning run. Late na ako. Pero ang ginawa ko ay tumawag ako kay Agent Blue. I needed his help to do something.
--------
Ghost's POV
I wanted to kill that congressman. Cut his body piece by piece and threw its parts to the ocean. Siguradong walang ebidensiya. I've done that dozens of times. But I changed my mind. Leaving him in a vegetative state, I am sure those members of that fucking organization that hunts little kids will be shaken.
As long as Leon was doing his part, siguradong hindi mag-iisip ang grupo ni Ulysses Venderbilt na may iba akong pakay. Ang alam lang nila isa akong mayamang negosyante na bored sa buhay at naghahanap ng thrill kaya ako pumupusta sa underground fights. Just like his clients who always patronizing his death matches. Those animals wanted something more. Something thrilling more than watching people killing each other inside the cage. They wanted more gore that was why they resort to that hunting game. Those kids that they prey upon so they could satisfy their sick needs.
I could have asked someone to do this kind of shit. I have lots of mercenaries who work for me and ready to die for me. I have the agency and I knew Phish would love to work for me on this. But this one was something personal. Hindi ko puwedeng basta ipagkatiwala sa kung kanino. I needed to work for this by myself. Dahil isang pagkakamali lang, lahat ng taong involved dito ay puwedeng maglaho dahil nakapagtago na.
Isa pa, a case like this should be worked by someone who had nothing to lose. Someone whose life has no purpose at all. Someone who was ready to die anytime.
And that was me.
Tumunog ang telepono ko at nakita kong si Ulysses ang tumatawag sa akin. Inutusan ko ang driver na igilid muna ang sasakyan at huminto.
"Venderbilt," bungad ko sa kanya.
"Greg. Good morning. I was waiting for you last night." Sagot niya.
Tumawa lang ako. "I was busy."
"Sayang. Hindi mo man lang na-experience ang kakaibang game sa bahay ko. Your fighter was here last night. And I was sure he did enjoy the perks that I was telling him." Tonong nagmamalaki pa si Ulysses.
"Tingin ko mas nag-i-enjoy siya sa anak mo." Sagot ko sa kanya.
Hindi agad nakasagot si Ulysses at napatikhim lang. "Anyway, I called just to tell you that you are invited for a meeting today. You said you wanted to have a seat in our organization. And there is a vacant one."
Napangiti ako. "Vacant? What happened?" Kaswal kong tanong.
"The owner of the seat had an accident. I don't know what really happened. So, you are welcome. I'll text you an address. Papunta na kami ngayon."
"Sure. I'll be there."
"And Greg, we have an initiation before you can be a member of the organization."
"Initiation? Like what?" Taka ko.
Tumawa siya. "You'll see." Wala na akong narinig pa mula kay Ulysses. Pinutol na niya ang usapan namin.
Naghintay pa muna ako na ma-receive ko ang address na ibibigay ni Ulysses. Hindi naman nagtagal at naka-receive ako ng text sa kanya. Address nga. Ipinakita ko iyon sa driver at nag-drive na ito papunta doon.
Isang warehouse ang address na tinungo namin. Mukhang mga bigatin nga ang mga taong nandito. I've seen high end cars parked outside the place. Sinabihan ko ang driver na maghintay. Sigurado naman na hindi ako magtatagal dito. Tinanong pa nga ako kung sigurado daw bang hindi ako magsasama ng bodyguard. Natawa ako. I knew how to take care of myself. I've cheated death so many times. Dito pa ba ako matatakot?
Matindi ang security bago makapasok sa loob ng warehouse. Ulysses texted me a password that I would tell those guarding the entrance. Ipinakita ko sa kanila at kinapkapan ako bago makapasok sa loob. Abandoned warehouse iyon. May naghatid sa akin sa isang silid. Nang makapasok ako ay nandoon na si Ulysses. Ilang mga kilalang tao na agad na nagtatanong ang tingin sa akin nang makita ako. Politicians. Businessmen. May nakita pa akong high-ranking General. These people were the usual patrons of the underground death match. At sigurado ako na sila din ang mga active sa hunting game.
"Greg. Welcome," nakangiting bati sa akin ni Ulysses at agad na lumapit sa akin. Nakipag-kamay pa. Itinuro niya akong maupo sa isang bakanteng silya na naroon na sigurado akong puwesto ng congressman na nilumpo ko.
"We have a new member of our organization. He is a businessman. He is Greg Laxamana," pakilala sa akin ni Ulysses.
Wala naman akong sagot na narinig sa mga taong naroon. Tiningnan lang ako tapos ay tumingin na kay Ulysses.
"We have an outsider, Ulysses? Alam mong labag sa group rules natin iyan," sabi ng isa. Ito ang general na nakilala ako. "We need to be cautious. Hindi tayo puwedeng magkamali dito. One miss, and all of us will be put in hell." Tonong nagpapaalala ito.
Tumawa si Ulysses. "Relax, Rene. He is good. I can vouch for him. And besides, hindi naman siya basta-basta makakapasok sa organization natin kung hindi niya gagawin ang iniation."
Hindi ako kumibo. Nakikiramdam lang ako. Ramdam na ramdam kong inaaral ng mga kasama kong naroon ang bawat kilos ko. They were afraid. They knew they couldn't trust me unless I did what I had to do to enter this sick organization.
"Greg, you are welcome here. But as I have said, you need to do something for us before we can trust you." Nakangiti sa akin si Ulysses.
"Whatever it is I'll do it." Walang emosyong sagot ko.
Sumenyas sa pinto si Ulysses at lumabas ang isang tauhan nito. Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto at dalawang tauhan nito ang may bitbit na isang lalaki na panay ang palag. Nagwawala. May nakatabon ng itim na tela sa ulo nito. Pilit itong pinaupo sa isang silya na naroon at itinali pa. Pilit itong umuungol. Tingin ko ay may nakapasak na kung ano sa bibig ng lalaki kaya hindi ako makasigaw.
"This is Ed Custodio. He used to be a member of this organization. You see, what we do is exclusive for this group. But this asshole became greedy he started to create his own group. Copying everything that this organization have. Making millions of money only for himself." Paliwanag ni Ulysses.
Nakatingin lang ako sa lalaking panay pa rin ang palag kahit nakatali. Patuloy pa rin sa pagtatangkang makasigaw.
"Okay? Ano ngayon ang gagawin sa kanya?" Tanong ko.
Ngumisi si Ulysses at sumenyas sa isang tauhan. Lumapit sa akin ang tauhan nito at may baril na inilapag sa harap ko.
"Kill him. If you do that, our trust for you will be one hundred percent. You will know everything about this organization. What we do. What we have. What we hide." Seryosong sabi ni Ulysses. "We don't tolerate snakes in our group."
Hindi ako kumibo at kinuha ko lang ang baril na ibinigay sa akin. Tiningnan ko kung kumpleto ang bala sa magazine tapos ay tiningnan ko ang lalaking nakatali sa silya. Ikinasa ko ang baril. Lahat ng mga tao doon ay nakatingin sa akin. Hinihintay ang gagawin ko.
"I want to see his face. Remove the gag from his mouth." Sabi ko kay Ulysses.
Tumaas ang kilay nito at sumenyas sa tauhan na gawin ang sinasabi ko. Inalis ang nakatabon sa mukha nito at ang mouth gag. Umiiyak ang lalaki. Kitang-kita ko ang takot sa mukha.
"Ulysses, parang awa mo na. Wala akong ginagawa. Sila ang may gusto na sabihin ko ang ginagawa dito." Umiiyak na sabi nito.
"Totoo ba ang sinasabi ni Ulysses? Did you try to rip off this group?" Tanong ko.
Napalunok ang lalaki at hindi malaman ang sasabihin.
"The money was big. I need it. And people are loving the hunting game that I created. Saka ang mga bata naman na kinukuha ko ay mga batang nasa lansangan. Those kids don't have a life. At para mabawasan na rin ang-"
Malakas na putok ng baril ang umingay sa loob ng silid. Umuusok ang dulo ng hawak kong baril. Umaagos din ang dugo mula sa ulo ng lalaking binaril ko. Nakalungayngay ang ulo at wala ng buhay.
Tumingin ako kay Ulysses at kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Kahit ang ibang mga taong naroon ay hindi makapaniwala sa ginawa ko. I killed that man without second thought. The moment I heard him said that he was preying on street children, that was my cue.
Inayos ko ang nagusot kong damit at umupo sa silyang naroon. Pinapagpag ko pa ang duming nakita ko sa manggas ng suot kong suit. Nang muli akong tumingin sa kanila ay talagang kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha nila.
"Go on. What are we going to discuss today? I want you fill me in about this organization," nakangiti ako sa kanila na parang walang nangyari.
I knew I got in. I knew I got their trust.
And slowly, I will crush this organization to the ground.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top