CHAPTER TWELVE (Prisoner)

If you fail the first time, there's a chance to start again

———————

Vie's POV

            Sa tuwing makakaharap ko ang Greg Laxamana na iyon, hindi ko magawang tumanggi sa mga inuutos niya. Nakakatakot siya. Nakakakaba sa tuwing magsasalita. His voice, his whole persona has full of authority na kahit sino ay hindi puwedeng hindi sumunod. Well, nakakatakot man siya, kapag sinabi niyang walang mangyayaring masama sa akin, naniniwala ako. At hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kahit natatakot ako sa kanya, sinusunod ko pa rin siya because the assurance in his voice was really convincing.

            But the man outside. That Leon. Napapikit ako sa inis nang maalala ang mga sinasabi niya. Bakit niya ako pilit na tinatanong tungkol sa punyetang hunting game na iyon? Ano iyon? I don't have any idea about that. The first time I heard that was when my father said it. Tapos sa kanya. Buwisit na Leon. Dapat talaga hindi ko na lang tinulungan ang isang iyon. Pinabayaan ko na lang siyang mag-pass out sa semento at nilayasan ko na lang siya. Bahala na siyang maubusan ng dugo o ano. 

            Pero saan naman nga ako pupulutin kung gagawin ko iyon? Paano ang mama ko? Ang kapatid ko? My father was holding them hostage. Iyon lang naman ang dahilan kung bakit ako nagtitiyaga na kasama si Papa at sumusunod sa mga gusto niyang mangyari.

            Hunting game. Kids? Leon was talking about kids. Some organization that he thinks I am in. Ang alam ko lang naman na organization na involve si Papa ay ang fight promotion nito. And that promotion doesn't involved kids.

            Napailing ako. Malamang nga nasobrahan ng bugbog ang lalaking iyon kaya nagha-hallucinate siya. Kung ano-ano ang pumapasok sa utak niya.

            Lumapit ako sa pinto at sinubukang pihitin iyon. Makikipag-usap ako kay Greg Laxamana. Tingin ko, mas maayos kausap ang isang iyon kaysa kay Leon. Pero napakunot ang noo ko nang hindi ko mapihit ang doorknob. Ilang beses kong sinubukang pihitin pero ayaw. Naka-lock.

            "Shit." Lalo kong itinodo ang pagpihit pero ayaw talaga. "Shit!" Ngayon ay pinukpok ko na ang pinto. "Open this door!" Pilit kong hinihila ang doorknob sa pagbabakasakaling bubukas iyon.

            Idinikit ko ang tainga ko sa pinto at nakakarinig ako ng pag-uusap. Sigurado akong may tao pa sa labas.

            "Open this door!" Talagang wala akong tigil sa pagpukpok sa pinto. Hindi puwedeng hindi nila ako naririnig. Ano ang mangyayari sa akin dito? Am I going to be a prisoner here? Just like Johnny wanted to do to me.

            But no one opened the door for me. Napagod at nasaktan lang ako sa pagpukpok ng pinto. Parang nanghihinang napaupo ako sa sahig at hindi ko napigil ang pagtulo ng luha ko.

            Ganito na lang ba ako habang-buhay? My father fed and took care of me, but he made me a prisoner. Taking away my mother and my sister so he could have a hold of me. So, he knew I would follow whatever he wanted me to do. He tried to give me to Johnny, fate joked, and it didn't happen. Instead, I am here. With these people I don't even know, and I don't have any idea what they would do to me.

            Pinahid ko ang mga luha ko at tumingin sa paligid. Maayos naman ang silid. Kasi kung may masama silang balak sa akin, they could bring me to a warehouse. Or a place where they could kill me easily. Tumayo ako tinungo ang mga cabinets na naroon. Napapikit-pikit ako dahil napakaraming damit ng mga babae ang naroon. Kumuha ako ng isa. It was a long white dress and it looked beautiful. Ibinalik ko iyon tapos ay inisa-isa pa ang mga damit. Hindi mga mukhang mumurahin ang mga narito. Kung sino man ang may-ari, sigurado akong may taste ang babaeng iyon.

            Hinila ko ang mga drawers at pati ang mga lingerie ay kumpletong naroon. Humugot ako ng isa at nanlaki ang mata ko nang tingnan iyon sa harap ko. The black thong panty was so kinky. Sa mga models ko lang ng Victoria's Secret catalogue nakikita ang mga ganitong klaseng designs. Parang nandidiring binitiwan ko iyon. Hindi nga ako nagsusuot ng ganitong ka-daring na panties dahil wala namang makakakita.

            Muli akong tumingin sa paligid ng silid. Sino ba ang nakatira dito? Saglit akong natigilan. Hindi kaya asawa ni Leon? Definitely he has a wife. He has kids for Christ sake. Pero bakit dito niya ako dadalhin sa bahay nila ng asawa niya?

            Nanlaki ang mata ko nang may maisip akong hindi kanais-nais. Maybe Leon was sick in his head, and he had this fantasy of having sex with two women. Baka iyon ang gagawin niya sa akin. He wanted to have a threesome, him, me and his wife. And that would be his prize.

            Shit. No. No. I cannot do that. Wala pa nga akong experience sa kahit kaninong lalaki tapos threesome agad? Jesus Christ. Sa ganitong pagkakataon ay si Papa ang sinisisi ko. Kasalanan niya talaga kung bakit nandito ako ngayon.

            Ngayon ay lalo lang nabubuhay ang galit ko kay Leon. Akala ko pa naman ay iba siya. Because his face looked like an angel. A gorgeous angel actually. His face showed something any woman desired in their life. Like a handsome prince that would save his woman and would do anything just to make his woman safe. Pero kabaligtaran pala. Leon was an animal just like Johnny.

            At ano pa ba ang aasahan ko? He was a fighter. A killer inside the cage. He could kill without any remorse, and he could get away with it. People are loving him for killing someone, and I knew it gotten inside his head. The fame. The hunger for power. Being the king inside the cage. I've seen that kind of men. I grew up seeing them every day and they can get whatever they want. Whenever they want.

            Wala sa loob na niyakap ko ang sarili ko at namuo na naman ang luha sa mata. Tinungo ko ang banyo na naroon at pumasok. Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Kitang-kita sa mukha ko ang stress at pagod. Iniangat ko ang mga kamay ko at nanginginig ang mga iyon. Now the reality was sinking in. I am a prisoner in this game, and God knows what my end game would be here.

            Mabilis kong pinahid ang mga luha sa mata ko habang nakatingin sa sarili kong repleksyon. Bumuga ako ng hangin. I know I can do. Think, Vie. Think what you can do in this situation. Naalala ko ang sinabi ng Papa ko sa akin.

            I don't trust Mr. Laxamana. And I don't trust his fighter. Help me to learn who they are. I know you can do it well. Pretend to be their ultimate prize. Do whatever you can do to get details about them. Can you do that?

            At ano ang malalaman ko tungkol sa mga taong iyon? Mr. Laxamana was a cold hearted businessman that deals with the devil like my father. And his fighter was just like him. An asshole that doesn't care for anything.

            Pero saglit akong natigilan. Who are these people? Really? Sa totoo lang, nahihiwagaan din ako sa kanila. Kilala ko ang mga taong sumusuporta sa legal and illegal fights ni Papa. Kabisado ko ang mga pangalan ng mga laging pumupusta at nag-uubos ng pera para lang makapanood ng mga patayang fights. But Greg Laxamana's name? Biglang-biglang dumating at mag-o-offer ng bet na alam ng lahat na hindi mahihindian ni Papa. And his fighter. Kahit kailan, hindi ko pa narinig ang pangalan na iyon kahit saang cage match.

            Hindi nga kaya may itinatago sila? Hindi kaya dumating sila para sirain ang promotion ni Papa?

            Narinig kong bumukas ang pinto kaya dali-dali akong lumabas ng banyo. Nakita kong seryosong nakatayo doon si Leon. Maayos na ang hitsura niya. Tingin ko ay nag-shower. Nakabihis na ng t-shirt at maong pants. Pero puno pa rin ng bugbog ang mukha.

            "We've started on the wrong foot." Mahinang sabi niya.      

            Inirapan ko lang siya at nanatili akong nakatayo sa pinto ng banyo.

            "I am sorry if I acted an ass earlier. My head was still a mess. I wasn't thinking straight," seryosong sabi niya at tumingin sa akin.

            Wala sa loob na napahawak ako sa dibdib ko. What was wrong with me? Bakit kumakabog ng todo ang dibdib ko? At alam kong hindi iyon dahil sa takot na narito siya. I should feel terrified that he was here, but looking at his gorgeous face, I can't understand why I was not afraid that he might do something to me.

            He was saying sorry. Ramdam ko ang sincerity sa tono ng pananalita niya.

            "Why am I here? What am I supposed to do here?" Iyon na lang ang naitanong ko.

            And when he looked at me, I felt my knees became weak. It was like the first time our eyes met. It was the same feeling I felt when I first saw him with his kids. Those eyes that can give hope to anyone. A life. A happy future.

            Napa-ehem siya at bahagyang napangiwi nang gumalaw. Automatic na nahawakan niya ang tagiliran niya.

            "Actually, it was my boss' idea. Mr. Laxamana. Sinabi niya sa akin ang nakita niyang kalagayan mo. With your dad and Johnny. He felt you are a prisoner with him. Them. Sunud-sunuran sa kung anong iutos ng tatay mo. Mr. Laxamana loves to help people, and he thinks you needed help. That's why you're here." Seryosong sagot niya.

            Kumunot ang noo ko. "Help? I don't need help."

            Tumaas ang kilay niya at halatang hindi naniniwala sa sinabi ko.

            "Are you sure? Because the last time I remember you are bound to be Johnny's prize and you don't want it."

            Inirapan ko siya. "So, ano ako ngayon dito?"

            Nagkibit siya ng balikat. "Well, you can stay here for the meantime. Let your father think that I got you as my prize." Sumeryoso ang mukha niya. "Mas gusto mo bang si Johnny ang nanalo at sa kanya ka napunta?"

            Napalunok ako sa narinig na iyon tapos ay umiling ako.

            "I am sure if he won, I am his slave right now." Ngumiti ako ng mapakla tapos ay napahinga ako ng malalim. "Hindi ba iyon din ang magiging papel ko dito?"

            "A slave? Here? No. You can go if you want. But where are you going? Home? With your father? FYI. Johnny made it." Ngumiti siya ng mapakla at halatang hindi nagustuhan ang balitang nalaman tungkol sa nakalaban niya. "Nagpapagaling na siya. You know that there will be a rematch between us. If I were you, while waiting for it, why don't you stay here for the meantime? Para isipin ng father mo na sumusunod ka pa rin sa utos niya. At hindi na niya maisip na ipusta ka na naman sa iba." Bahagya siyang naglakad. "Look, Vie. I hate to say this, but your father doesn't think of your welfare. The fact that he gave you to Johnny, he doesn't care about you. He did it once, he can do it again. He can bet you and your freedom to other fighters again. So, what do you choose? Me or those fighters that your father will choose for you?"

            Hindi ako nakasagot. May punto naman siya doon.

            "Pero anong gagawin ko dito? Anong gagawin ko para sa iyo?"

            Umiling lang siya. "Wala. Stay here. Live like a queen here. That's what Mr. Laxamana wants."

            "Mr. Laxamana? The tall guy? Siya ang may gusto nito? Siya ang nag-save sa akin?" Paniniguro ko.

            Napabuga ng hangin si Leon. "You could say that."

            "Is he married?" Napakagat-labi ako nang itanong iyon. What the hell was wrong with me? Bakit ko naitanong iyon? But I wanted to know who Mr. Laxamana was? He was full of mystery, and I love to know more about him. Why did he save me? Maybe he thinks I am special.

            Tumaas ang kilay ni Leon. "Excuse me?" Alam ko naman na narinig niya ang tanong ko pero gusto pa niyang masiguro kung tama ang narinig niya.

            "I said if he is married?" Ulit ko.

            "Widower." Maikling sagot niya.

            Hindi ko maintindihan kung bakit napangiti ako nang sabihin niya iyon. "He's single now?"

            Lalong nangunot ang noo niya sa akin. "He is old. I think same age as your father." Tonong nagpapaalala siya.

            "So? Mr. Laxamana looks nice, and after hearing what he did just to save me, parang nag-iba ang tingin ko sa kanya. Is he single?"

            Sumimangot ang mukha ni Leon. "He has a son."

            "Okay? I don't care about his son. I am asking if he is single." Bakit kami paulit-ulit?

            Natawa nang parang hindi makapaniwala si Leon. Pero halatang asar ang pagtawa niya. "Malabo ba ang mata mo? Hindi mo ba nakita ang hitsura ng lalaking iyon? He is old. Fifty plus. Double your age."

            "So? Wala naman sigurong masama kung malaman kong single siya 'di ba?" Napahinga ako ng malalim. "Anyway, when he visits here again, I would like to personally thank him for what he did for me."

            Hindi ngumingiti si Leon at seryoso lang na nakatingin sa akin tapos ay napailing.

            "If you're ready, we can talk outside. I made coffee." Pagkasabi noon ay tinalikuran na niya ako.

            Natawa ako nang isara niya ang pinto tapos ay napakagat-labi nang maalala si Mr. Laxamana. Nawala na ang kabang nararamdaman ko. Sabi ko na nga ba mabuting tao ang isang iyon. Nakakatakot lang siya pero alam kong deep inside, he cares for everyone. He cares for me.

            And I can't wait to see him again.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top