CHAPTER THIRTY-THREE (Practice)
Never trust your fears they don't know your strength - Athena Singh
Leon's POV
Those days with Vie and the kids were the most special time for me.
Kitang-kita ko ang kasiyahan ng mga bata na kasama nila ang babae. At kita ko naman kay Vie na masaya siya na kasama niya ang bata. Lagi silang may playtime. At ang nakakatuwa pa talagang nakikinig ang mga anak ko sa kanya. Kapag sinabi ni Vie na kailangang kumain, agad na sumusunod ang mga ito. Kapag sinabi na kailangan ng maligo, susunod agad. Kapag sinabing oras ng matulog, agad na magtatakbuhan sa kuwarto niya at sisiksik para doon matulog. It was always like that at pagdating naman ng gabi lilipat naman si Vie sa kuwarto at doon naman siya matutulog.
It was like we were living in this house like a perfect family. At ang nakakatuwa pa, hindi rin ako ginagambala ni Ghost. Isang linggo na siyang hindi tumatawag sa akin para lang magpaalala kung nagti-training ba ako. Wala na rin akong balita tungkol sa hunting game. Kahit ang tatay ni Vie ay hindi kami ginugulo. Hindi tumatawag para kulitin ako na lumipat ng kampo. Everything was okay. Parang ito na ang katiwasayan na hinahanap ko sa buhay ko. Me with my kids and a woman who would love me and my kids too.
Ramdam ko iyon kay Vie. Hindi man namin pinag-uusapan pero ramdam ko na mahal niya ang mga anak ko at ganoon din siya sa akin. Kasal na nga lang ang kulang sa amin at matatawag na kaming mag-asawa. Isang totoong pamilya. Lahat ng ginagawa ng isang mag-asawa ay ginagawa namin. Taking care of the kids, the household, the nightly sex fest that we were having was always a blast. At ipinapanalangin kong hindi na matapos ito.
Tulad ngayong araw. Vie cooked something special for us. The kids requested for spaghetti and fried chicken and she made those. Ako naman ay tinanong niya kung ano ang gusto ko. Wala naman akong maisip. Kasi sa totoo lang, kahit na anong ihain niya para sa amin ay parang laging espesyal. I felt like a king here being taking cared by my queen. No woman made me feel special like this. Lahat ng kailangan ko ay ibinibigay niya at tingin ko wala na akong mahihiling pang iba.
Naabutan ko ang mga anak ko na nakaupo sa harap ng mesa at hinihintay na ilagay ni Vie ang mga pagkain na inihanda niya. Tawanan nang tawanan ang mga ito at sinasaway lang niya. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan silang tatlo. Vie really looked like a hot domesticated wife busy taking care of her children. Naka-clamp ang mahabang buhok. Nakasuot ng t-shirt at shorts tapos ay may apron. Walang kaayos-ayos but still, she looked like the hot vixen that I always wanted to fuck every time I see her.
"I want you to eat this, ha? And you need to finish your food. I don't want to see any left overs. And after this, I am going to allow you to watch your favorite Disney film." Narinig kong sabi niya habang inilapag ang dalawang plato na may laman na spaghetti at chicken sa harap ng mga anak ko.
Sigawan ang dalawang bata at nagsimulang kumain. Nakita kong napatingin sa gawi ko si Vie at nagulat pa siya. Automatic hinawakan niya ang buhok at mukha dahil siguro ay nahihiya siya sa hitsura niya na walang ayos. Ngumiti ako sa kanya at lumapit tapos ay humalik sa pisngi niya.
"You still look hot," bulong ko.
"Lumayo ka sa akin. Amoy pagkain ako. Hindi pa ako naliligo." Itinutulak niya ako palayo sa kanya.
"Ang bango mo kaya. Amoy fried chicken. Ang sarap papakin." Nanunuksong sabi ko.
Kita kong namula ang mukha niya pero napangiti din. Itinulak pa rin niya ako palayo.
"Nandiyan ang mga bata ano ka ba? Behave," pinanlalakihan pa niya ako ng mata.
Natawa na lang ako at lumapit sa dalawang anak ko na busy sa pagkain. Hinalikan ko ang mga ito sa ulo at lumabas ako ng kusina. Pabayaan ko na muna sila dito. Maliligo na muna ako para maging fresh naman ako. The daily training was exhausting. Kailangan kong maghanda sa muling paghaharap namin ni Johnny. Hinubad ko ang suot kong damit at tiningnan ko ang mga papagaling na pasa at sugat na nakuha ko pa noong unang laban namin ni Johnny. Napatiim-bagang ako. Two days na lang at fight na namin. Tonight would be the weigh-in. Tumawag na sa akin si Brad at ibinigay na sa akin ang address kung saan iyon gaganapin. Sa totoo lang ayaw ko na talagang gawin pa ito. Kung puwede na lang mag-back out na. Ghost got what he wanted. He got inside Ulysses organization. From there I was sure he could do all the things he needed to crush them. Parang hindi na ako kailangan pa sa case na ito.
Pumasok ako sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nagbihis na ako at lumabas na. nang tunguhin ko ang dining ay wala na doon ang mga anak ko pati si Vie pero naririnig kong nagkakaingay sa silid niya. Nang sumilip ako doon ay nakita kong pareho ng nasa kama ang dalawa kong anak at nakapuwesto na para manood ng palabas na gusto nilang panoorin. Tumingin sa akin si Vie at nagkibit-balikat tapos pinindot ang play button ng TV. It was a Disney Movie. Frozen. A movie that they already watched more than ten times.
Natawa na lang ako at napailing. Sumenyas ako sa kanya na pupunta sa kusina at tumango siya. Nagsabi na susunod na siya pagkatapos asikasuhin ang mga anak ko.
Nang makarating ako sa kusina at tumingin ako sa mga pagkain na naroon. Wala naman akong gana. Naupo ako sa harap ng mesa at tiningnan ang mga tirang pagkain ng mga bata. Iyon na lang ang naisip kong kainin. Sayang naman kasi. Maya-maya ay naramdaman kong may dumarating na doon.
"Okay na sila. Busy na sa panonood." Natatawang sabi niya. "What are you doing?" Kita ko ang pagtataka sa mukha niya. "Bakit mo kinakain 'yan? Pinaglaruan na 'yan ng mga anak mo." Agad niyang kinuha ang plato na kinakainan ko na puno ng mga tira-tirang pagkain pero pinigilan ko siya.
"Okay lang. This is okay for me. Sit down. Eat with me," sabi ko sa kanya.
"But I cooked something for you. I cooked beef estopado. I know you need protein in your diet dahil sa fight mo," sabi pa niya at akmang aalis sa tabi ko pero pinigilan ko siya.
"Stay here. Rest. Alam kong pagod ka na." nakangiting sabi ko sa kanya.
Parang nahihiya naman na naupo si Vie sa tabi ko at talagang pinapahid niya ang mukha niya at leeg na puno ng pawis.
"Puwedeng maligo muna ako? I smell terrible and I look like a mess."
"You are perfectly fine. I told you. You still look hot. You don't know what's inside my mind right now," titig na titig na sabi ko sa kanya.
Dahil sa totoo lang, after the excruciating training that I had for today, all I wanted to do was to grab her and pinned her on the bed and I would make love to her all day.
Namula ang mukha niya at napangiti. "Kumain ka na nga lang diyan."
"Sana ikaw din puwede kong kainin." Panunukso ko pa.
"Leon!" Saway niya pero lalo lang namula ang mukha niya.
Natawa ako at hinawakan ang kamay niya at marahang pinisil iyon.
"Thank you." Ngayon ay seryoso na akong nakatingin sa kanya.
"For what?" Taka niya.
"For everything. This. For taking care of the kids. Me." Napahinga ako ng malalim.
Ngumiti din si Vie. "I love what I am doing. Sa totoo lang nag-aalala ako. Kasi baka makasanayan ko na at hanap-hanapin ko. Alam ko naman lahat ng ito ay temporary lang." Kahit nakangiti siya ay nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"We can make this permanent if you want."
"Tigilan mo ngang magbiro. This. Everything that is happening around is temporary." Napahinga siya ng malalim. "Tonight is the weigh-in, right? I received a call from Papa."
Napailing ako. "Huwag ka ng sumama. Ako na ang bahala doon."
"Kinakabahan ako." Kahit nakangiti siya ay damang-dama ko doon ang kaba na nararamdaman niya. "Everything is perfect right now. Everything is okay. At mas iyon ang nakakakaba 'di ba?"
Hindi ako sumagot. Totoo naman ang sinasabi niya. Kahit kasi si Kelsey ay hindi na rin nanggugulo. Kahit tawag mula sa pinagmamalaki niyang abogado ay wala akong nare-receive. At alam kong hindi basta-basta maggi-give up ang babaeng iyon.
"Huwag kang mag-isip. Siguro talagang okay na ang lahat. The issue with the orphanage and the kids are taken care of by my boss. Kung inaalala mo ang weigh-in tonight I am sure it's going to be okay too. And Kelsey. She stopped harassing us. She will never get my kids."
Halatang hindi kumbinsido si Vie sa narinig niya.
"Hindi pa rin ako mapakali. Two days from now you're going to fight Johnny. He played dirty the first time and I know he is going to do it again. I don't want to go with him." Ngayon ay naiiyak na siya.
"Hindi na niya magagawa iyon uli. I know how he move. I know how he play. Napag-aralan ko na iyon lahat. Trust me. No one will take you away from me. You're mine." Hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan ko siya sa labi. Gumanti naman siya ng halik sa akin tapos ay idinikit ang noo niya sa noo ko.
"I want to be with you. Ayoko ng umuwi kay Papa. Dito na lang ako." Punong-puno ng pakiusap ang tono niya.
"Then stay here. Stay with me. You're not going anywhere. Kung inaalala mo ang nanay mo at kapatid mo, magagawan natin iyon ng paraan. Hindi man ngayon, I promise gagawan ko iyon ng paraan para magkita kayo uli."
"Thank you." Napapiyok pa siya nang sabihin iyon at muli akong hinalikan.
And this was the best part going home in this house. Her kiss. Her touch. Making love with her will be always the best part of everything.
-----------------
Tulog na sila Vie nang umalis ako sa bahay para tumungo sa weigh-in. Si Agent Blue ang sumundo sa akin at sinabing naroon na daw si Agent Orange na naghihintay sa akin. Sa isang abandoned warehouse uli iyon ginawa. Katulad noong una, punong-puno na naman iyon ng mga parukyano ng death match. Lalo na nga at kami ni Johnny ang sasalang sa weigh-in ngayon.
Pero hindi katulad noong una na lahat ng tao ay naghuhumiyaw sa kasikatan ni Johnny, ngayon ay parang nabaligtad ang lahat. People here were screaming for my name. Nasa holding room pa lang ay naririnig ko na ang sigawan ng mga tao. Nag-ayos ako. Nagsuot ng appropriate na get-up para sa weigh-in at alerto ang dalawang kasama kung sakaling sumugod dito si Johnny. Alam ng lahat ng kung gaano kainit sa akin ang isang iyon.
"Are you good?" Tanong ni Agent Blue.
Tumango lang ako ilang beses na huminga ng malalim. Ayokong mag-isip ng kung ano-ano ngayon. Si Vie lang ang iniisip ko at ang mga anak ko. Gusto ko na lang matapos ito at nang makabalik na sa kanila.
Narinig kong tinawag n amula sa labas ang pangalan ko. Nagtinginan kaming tatlo kaya tumayo na ako lumakad na palabas. Ang lakas ng sigawan ng mga tao nang makita ako. Ang iba nga ay dinudukwang pa ako para lang mahawakan pero agad na tinatabi ng dalawang kasama ko. Sa stage ay naroon na si Johnny at ang mga amuyong niya. Malayo pa lang ay alam ko ng ang sama ng tingin niya sa akin. Tumingin ako sa crowd at hinanap ko si Ghost. Wala. Ano na kaya ang nangyari sa isang iyon? Walang paramdam. Pero ako na rin ang sumagot noon sa sarili ko. Hindi pa ba ako nasanay sa kanya. He could disappear for months without telling anyone where he had been. Kaya nga Ghost ang pangalan niya.
Ang nakita ko sa front row ay si Brad at si Ulysses. Tumango lang sa akin ang kapatid ko pero si Ulysses ay seryosong nakatingin lang. Dumeretso na ako sa make-shift stage na ginawa nila at lalong naghiyawan ang mga tao nang magharap kami ni Johnny.
Nakatingin lang ako sa kanya at ganoon din siya sa akin. Strange, he was not his usual self na maharot. Na magulo at mayabang. Tahimik lang siyang nakatingin sa akin pero kitang-kita ko sa mga mata niya ang nag-aapoy na galit. He was mad at me? Well, I fucking despise him. Kung puwede ko na nga siyang gulpihin dito ngayon ay ginawa ko na.
Sabay kaming pinatungtong sa weighing scale na naroon. Pareho naming ginawa. Agad iyong tiningnan ng attendant na naroon at nang makita ay itinaas nito ang dalawang kamay ay ipinakita sa mga tao ang dalawang thumbs up. Ibig sabihin ay pareho kaming pasok sa timbang ni Johnny.
Inutusan kaming muling magharap. Ngayon ang hitsura ni Johnny ay parang toro na manunuwag. Kulang na lang ay umusok ang ilong nito habang nakatingin sa akin.
"You'll be dead." Mahinang sabi niya.
Ngumisi lang ako sa kanya. "Are you telling that to yourself?" Kalmadong sagot ko.
"Babawiin ko si Vie. Akin lang siya." Sa pagitan ng mga ngipin ay sabi nito.
"Too bad she chose to stay with me." Nang-aasar na rin ang tono ko.
Ngumiti ng nakakaloko si Johnny. A devilish smile that made me lose the composure that I was holding for myself. That was new. That fucking smile was different.
Alam kong mayabang si Johnny. But this time, he showed a different confidence that I had never seen before.
"Huwag kang pakasiguro, Kaestner. Hindi ka laging panalo. I've heard you had fifteen kills inside the cage."
"Ikaw sana ang pang-sixteen kung hindi lang ako pinigilan ni Brandon." Sagot ko.
Muli siyang ngumisi. "I had twelve. And you will be the unlucky thirteen on fight night."
Hindi ako sumagot at tumingin lang sa kanya.
"I am going to kill you." Mahina pero mariing sabi niya bago umalis sa harap ko. Sinundan ko lang siya ng tingin habang lumalakad siya paalis doon. Seryosong-seryoso si Johnny. Hindi man lang nga tumitingin sa mga taong nagsisisigaw ng pangalan niya. Hindi katulad noon na parang lunod na lunod sa pagdi-Diyos ng mga umiidolo sa kanya.
Pero ang totoo, nakaramdam ako ng kaba sa sinabing iyon ni Johnny.
I knew he would do something sinister on fight night. He became creative using push daggers the last time, and I was sure he would try to do it again.
At kailangan kong maging handa doon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top