CHAPTER THIRTY (Surprise Visit)
It's not about how many times you tell someone that you love them, it's about how many times you prove that you do.
---------------------------------------
SURPRISE VISIT
Vie's POV
I woke up feeling sore all over. But last night was the best.
Hindi na muna ako nagmulat ng mata at nakiramdam lang. Ngayon na ako nakaramdam ng hiya. Paano ako haharap nito kay Leon?
I was so wild last night. The second time that we did have sex here in this house was totally wild. I was screaming for his name. I kept on asking him for more. He was rough. He was like an animal devouring me. I was giving everything all to him. I love what he was doing to me. He brought out the beast in me. He fulfilled every dark fantasy that I had last night.
And now was the reality. After the hardcore bliss, what would happen next to us?
Doon na ako nagmulat ng mata at ang una kong tiningnan ay ang tabi ko. Wala si Leon. Tuluyan akong bumangon sa kama at ako nga lang ang nandoon. Pero sa gulo ng kama na kinahigaan ko, halatang-halata doon ang matindihang laban na nangyari kagabi.
Nasaan kaya siya? Umalis ako sa kama at dumeretso sa banyo. Naligo ako at nagbihis. Doon ako lumabas ng kuwarto at naabutan ko si Leon na nakatayo sa kusina at nagkatinginan kami. Shit. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko. Hindi ko talaga alam kung paano haharap sa kanya.
Naisip kong bumalik na lang sa kuwarto pero mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa baywang tapos ay hinalikan ako sa labi.
And just like every time that he was kissing me. It was always a blast.
"How are you?" Malambing na tanong niya sa akin.
"F-fine." Alanganin pa akong ngumiti sa kanya.
Ngumiti din siya sa akin at kitang-kita ko na maaliwalas ang mukha niya. Hindi katulad noong mga nakakaraang araw na lagi siyang mukhang aburido. Mukhang laging papatay ng tao.
"Are you good to go out today?" Hindi pa rin niya inaalis ang pagkakayakap niya sa akin.
Kumunot ang noo ko. "Go out? Aalis tayo?"
"Samahan mo lang ako. May gusto lang akong puntahan." Kumindat pa siya kaya napakagat ako ng labi. Ang guwapo ni Leon. Nakaka-lambot ng tuhod ang paraan ng pagtingin niya sa akin. "Kung hindi ka busy." Sabi pa.
Natawa ako. "Busy? Wala naman akong gagawin kundi dito lang. I mean, I don't know. Wala pa naman inuutos si Papa."
"That's good. Let's go. May oras kasi ang pupuntahan natin. Hindi puwedeng magtagal. Thirty to forty-five minutes max. Iyon lang ang oras na puwedeng magtagal doon."
"Dadalawin mo ba ang mga anak mo?"
Umiling siya. "You'll see. Come on." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na niya palabas ng bahay. Ibang-iba ang aura ngayon ni Leon. Masaya talaga siya. Maganda ang mood. Kahit habang nagmamaneho ay nakangiti pa rin. Hindi naiinis kapag may mga nag-o-overtake na mga motor sa harap niya. Ang kamay na dapat nakahawak sa kambiyo ay nakahawak sa kamay ko.
"Last night. How did you end up in that sex room?"
Kaswal naman ang tanong na iyon ni Leon pero pakiramdam ko ay may malaki akong nagawang kasalanan sa kanya.
"I was pissed. Because of your ex." Nahihiya ako nang sabihin iyon lalo na nang makita kong ngumiti siya ng nakakaloko. "Then I saw Brandon. Just to clear my mind I asked him about the hunting game. And he laughed at me. Then he brought me to that place." Napapikit pa ako nang maalala ko ang mga nakita ko doon. It was so sick. Hindi ko kakayanin na makakita uli ng ganoong mga pangyayari. The rampant use of drugs. The hardcore sex. It was not arousing at all. Sa totoo lang nandidiri ako kagabi doon.
"But do you believe that is the hunting game that your father was telling about?" ngayon ay seryoso na siya.
Tumingin ako sa kanya. "I know my father is not a good man. But I don't think he could kill kids. I am so sorry, Leon. I-I don't think he can do those kinds of things just to get more money."
Napahinga siya ng malalim. "You don't know what people can do just to stay in power and just to have more money. Your father gave you up for Johnny. As a prize. Trust me. He can do anything."
Hindi pa rin ako makapaniwala. We were talking about my father. Alam kong illegal ang ibang ginagawa ng Papa ko but kids. No. He cannot do that. I know that to myself.
"Maybe someone is manipulating my father's team. You know. Baka mayroong gumagamit ng pangalan niya. The promotion is dirty. Underground fights are dirty and you know that. We've seen how it could get dirtier last night. Those drugs. The sex fest. Only bored and rich people could do that kind of shit." Paliwanag ko.
Hindi na lang siya kumibo at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho.
"Why you didn't tell me that Brandon is your brother?"
Napatingin siya sa akin tapos ay napatiim-bagang. Napailing lang at napabuga ng hangin.
"Because it doesn't matter." Maikling sagot niya.
"He is your brother. Paanong it doesn't matter? Ang tagal 'nyong hindi nagkita. Your mother told me-"
"What my mom told you was nothing. She didn't know the truth about what happened to Brad. At ayoko na rin alamin. Consolation na lang na alam kong buhay siya. Pinili niya ang ganitong buhay. Magtrabaho sa tatay mo. Sa underground fights and that's cool to me."
"You hated him?" Paniniguro ko.
Umiling siya. "We drifted apart. Seven years is too long. When people separate for that long there are so many changes. I gave up cage fighting and worked as an agent. Chasing bad guys on my terms." Natawa pa siya. "I could still kill people. But those people who deserve to die. Brad, chose the other side."
Hindi ako nakasagot at napalunok lang. Napa-tikhim ako dahil alanganin ako sa itatanong ko.
"So, your work with Mr. Laxamana. Is it like, a legal thing?"
Tumango siya. "The agency that I work for works with covert operations with the government. We will catch bad guys but you know, the police will get the credit. Kasi hindi naman kami legitimate arm ng government. We do the dirty deeds." Paliwanag pa niya.
Hindi ko pa rin maintindihan ang sinasabi niya pero hindi na ako nagtanong. Ang sigurado ako, Leon was deadly inside the cage. And as an agent like he was telling me, he was deadly too.
Huminto kami sa isang bahay at sumilip pa siya doon. Kinuha niya ang telepono niya at may tinawagan.
"All set?"
Kahit hindi naka-speaker phone ay naririnig ko ang sagot ng kausap niya.
"Ayos na ang dalawang bantay. Pati ang mga CCTV cameras ay nai-ayos na amin. Pero naka-timer ang mga iyon. Thirty minutes, Dustin. That's all you've got. Pagkatapos noon kailangan 'nyo nang umalis."
Ano kaya ang sinasabi ng kausap niya? And who the hell was Dustin? Hindi na sumagot si Leon at pinatay na lang nito ang telepono at ibinulsa. Dumukwang siya at binuksan ang glove compartment ng sasakyan na nasa harapan ko. Nanlaki ang mata ko nang makita kong baril ang kinuha niya. Tiningnan iyon at isinuksok din sa likurang bahagi.
"Leon? Why do you need a gun?" Taka ko.
"Come on. Let's go." Nauna na siyang bumaba at umikot sa sasakyan para buksan ang pinto sa tabi ko. "Please move faster. We only have thirty minutes."
Kahit nagtataka at kinakabahan ay napilitan akong bumaba. Tumingin pa siya sa paligid. At mabilis kaming pumasok sa bahay sa tapat namin. Napakunot ang mata ko. Hindi siya kumatok at tuluyang binuksan ang pinto ng bahay. Nanlaki ang mata ko nang makita ang kabuuan noon.
I knew this place.
Dito nakatira ang Mama ko at si Vexie!
Napaawang ang bibig ko at nanlalaki ang matang tumingin sa kanya.
"Thirty minutes. You have thirty minutes to say hi and talk to your mom and sister. Iyon din ang bisa ng gamot na ibinigay sa dalawang bantay nila dito. Pati na ang timer ng mga CCTV cameras. Hindi na puwedeng lumampas pa doon para hindi makahalata ang Papa mo." Seryosong sabi niya.
Naiiyak akong nakatingin kay Leon. Hindi ko akalain ito. He found the place of my mother and my sister. Hindi ko alam na dito kami pupunta dahil sa tuwing dadalhin ako dito ni Papa ay may takip ang ulo ko para hindi ko malaman ang daan. Aalisin lang kapag nandito na ako sa loob ng bahay. Maraming bantay dito. Marami ding CCTV cameras sa buong paligid para nakikita ni Papa ang ginagawa namin. Mabilis akong tumakbo paakyat sa itaas at kumatok sa silid nila. Nang bumukas iyon ay tuluyan na akong napaiyak nang makita ko si Mama at si Vexie.
"Vivienne! Anong ginagawa mo dito?" Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Mama. Patakbo akong lumapit sa kanya at yumakap ng mahigpit. Paulit-ulit ang tanong niya pero hindi ako sumasagot. Iyak lang ako ng iyak. Si Vexie ay tumakbo palapit sa akin at yumakap din.
"'Ma," tanging sabi ko habang umiiyak na bahagyang lumayo sa kanya.
"Hindi sinabi ng Papa mo na dadalaw ka ngayon. Paano ka nakapunta dito? Alam ba niya na nandito ka?" Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Mama.
Umiling lang ako. "Huwag 'nyong sasabihin na nagpunta ako dito. May kaibigan lang akong tumulong sa akin para mapuntahan ko kayo."
"Kaibigan? Si Johnny ba?" Tumigas ang mukha ni Mama. "Ayoko sa demonyong iyon. Huwag na huwag kang sasama sa lalaking iyon. Sasaktan ka lang niya. Magiging impiyerno ang buhay mo doon. Magiging katulad lang din ang buhay mo sa buhay ko. Lalo lang kitang hindi makikita." Ngayon ay naiiyak na si Mama.
"Hindi si Johnny, 'Ma. My friend is a good person. He saved me from Johnny."
Muli ay niyakap ako ni Mama. "Gusto ko nang umalis dito, Vie. Ayoko na dito. Ilang taon na kaming nakakulong dito ng kapatid mo. Ang Papa mo. Hindi na talaga magbabago iyon."
"Gagawa ko ng paraan, 'Ma. Magkakasama din tayo. Konting tiis na lang." Hindi ko na naman mapigilan na hindi umiyak.
"Shit."
Pareho kaming napatingin ni Mama sa nagsalita sa pinto ng silid. Nakita kong si Leon iyon at seryosong nakatingin sa akin.
"What?" Takang tanong ko.
"We have to go."
"What? You said I have thirty minutes. Wala pa akong limang minuto dito." Protesta ko.
"Johnny is coming here. Tinawagan niya ang isang bantay. I pretended to be that guy. He is coming here. Utos ng Papa mo. We have to go." Matigas na sabi ni Leon.
Napatingin ako kay Mama. Kitang-kita ko sa mukha niya na ayaw pa niya akong umalis doon pero siguradong pare-pareho kaming malilintikan kay Papa kapag naabutan akong nandito.
"Sige na. Bumalik ka na lang uli. Sige na," pagtataboy sa akin ni Mama.
"Pero, 'Ma-"
"Umalis ka na, Vivienne. Alis na." Putol ni Mama sa protesta ko. Muli ay niyakap niya ako at itinulak na ako palayo. Tumingin ako kay Vexie at yumakap ito sa akin.
"Babalik ako. Babalikan ko kayo."
Naramdaman kong hinawakan na ako sa kamay ni Leon at hinila na paalis doon. Mabibilis ang mga hakbang namin at patakbo kaming lumabas ng bahay. Sumakay kami sa kotse at tamang-tama naman na nakita namin na paparating ang isang sasakyan na huminto sa tapat ng bahay nila Mama. Tapos ay bumaba doon si Johnny.
May tinawagan si Leon. May mga ipinapaayos siya sa mga CCTV. Nanatili akong nakatingin kay Johnny nang pumasok ito sa bahay. May dalang mga supot. Siguradong supplies nila Mama dito. Utos siguro ni Papa.
"Sige. Thank you. Kayo na ni Green ang bahala." Sabi pa ni Leon sa kausap at tumingin sa akin. "I apologize for that. Surprise ko sana sa iyo ito para makasama mo kahit sandal ang Mama mo at kapatid mo. You told me you are missing them. Hindi ko naman akalain na darating si Johnny dito." Kitang-kita ko ang paghingi ng paumanhin sa mukha ni Leon.
Namuo ang luha sa mata ko. Ito ang unang beses na may lalaking nagpahalaga sa sinabi ko. Naalala niya iyon? Naalala niya ang sinabi kong miss na miss ko na sila Mama? Naalala niya ang dahilan kung bakit hindi ako makaalis sa poder ni Papa at bihira ko lang makita ang nanay ko at kapatid ko. Mabilis kong pinahid ang mga luha na naglandas sa pisngi ko.
"Thank you. For what you did. This is something for me," muli ay napaiyak ako.
Nakatingin lang siya sa akin at pinahid ang luha ko. "From now on, no one is going to hurt you. I'll take care of you. You will stay with me."
Tumango ako at muling tumingin sa bahay nila Mama. Kung puwede ko lang kuhanin doon paalis sila Mama pero sigurado akong magkakagulo lang at tiyak na matutunton pa rin kami ni Papa. But soon. I knew I could do it. Makakaalis din sila Mama dito at magkakasama-sama kami.
Tumunog ang telepono ni Leon at painis niyang kinuha iyon mula sa bulsa. Napailing na napapatawa nang makita kung sino ang tumatawag.
"Si Mama. I am sure these are the girls. Are you okay to go with me to visit them tomorrow?" Tanong pa niya sa akin.
Ngumiti. "Sure. Miss ko na din ang mga bata. They are so cute."
Sumenyas siya ng sandali sa akin at sinagot ang tawag ng ina. Pero hindi pa nakakapagsalita si Leon ay naririnig ko na ang boses ng nanay niya. Tonong naghihisterikal.
"Calm down, 'Ma. Ano hong nangyayari?" Dama ko ang pag-aalala sa boses ni Leon.
"Nandito si Kelsey. Pilit kinukuha ang mga anak mo. Pumunta ka dito. Ipinagpipilitan niyang siya ang nanay at kailangan na nasa poder niya ang mga bata at wala akong karapatan na alagaan ang mga apo ko."
"What?" Kita kong namula ang mukha ni Leon. "Huwag 'nyong ibigay ang mga anak ko. Papunta na ako diyan." Pagkasabi noon ay ibinato niya ang telepono sa dashboard at mabilis na pinaalis doon ang sasakyan.
At ito na naman ang hitsura niya. Ito na naman ang hitsura niyang nakakakaba.
Hitsurang papatay na naman ng tao ang mukha niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top