CHAPTER THIRTY-SEVEN (Loser)


To survive it is often necessary to fight and to fight, you have to dirty yourself - George Orwell

Vie's POV

Hindi ko kayang magtiis mag-isa dito.

Hindi ko kayang hindi malaman kung ano ang nangyayari kay Leon. Kailangan kong pumunta sa fight niya at malaman kung ano ang nangyayari sa kanya. Napatingin ako sa dalawang anak niya na nanonood ng TV. Hindi ko naman puwedeng basta iwan dito ang mga bata. Pero nag-aalala din ako kay Leon.

Napahinga ako ng malalim at nagbihis. Iba sa madalas kong suot na maganda at sexy na damit sa tuwing nanonood ako ng legal and underground fights, ngayon ang isinuot ko ay jeans, loose shirt at nagsuot pa ako ng hoodie jacket. Inayos ko din ang gamit ng mga bata at sinabi sa kanila na dadalawin namin ang lola nila. Doon ka na muna sila iiwan at pupuntahan ko ang fight ni Leon.

Gulat na gulat sa akin ang nanay ni Leon nang ako at ang mga apo nito ang napagbuksan ng pinto.

"Vie! Aba, at gabing-gabi na kayo ng mga bata. May nangyari ba?" Takang tanong nito sa akin.

Pilit akong ngumiti sa kanya. Alam kong nagtataka din siya sa hitsura ko dahil sa tuwing magkikita naman kami ay hindi ako ganito pumorma. "May emergency lang po kasi sa bahay namin at kailangan kong umuwi. Wala naman ho si Leon kaya walang magtitingin sa mga bata. Dito muna sila."

Sigawan ang dalawang bata at agad na pumasok sa loob ng bahay ng lola.

"Oo naman. Sige. Ako na ang bahala sa mga apo ko."

Tinapunan ko ng tingin ang dalawa na agad na naupo sa sofa at nagbukas ng TV para manood. Tumingin sa akin si Anna at kumaway ako sa kanya at ngumiti.

"I'll be back, okay? You stay here with grandma." Sabi ko sa kanya.

"Sure, Tita Vie. See you later." Nakangiting sabi nito at pati si Elsa ay kumaway din sa akin.

Kahit mabigat sa loob ko na gawin ito ay wala akong magawa. Importanteng malaman ko din kung ano ang nangyayari kay Leon at ano ang nangyayari doon sa underground fight. Kinuha ko ang telepono ko at muling tiningnan ang location na ipinadala sa akin ni Brandon. Doon ako dumeretso. Ilang beses na rin naman nagkaroon ng underground fights sa lugar na iyon kaya kabisado ko na. Ang pasikot-sikot, ang mga secret passages na dinadaanan ng mga natatalong fighter na nakalagay sa body bags. Isang nakakalungkot na katotohanan na pagkatapos magbunyi ng mga nanonood sa fight ay mayroong isang walang buhay na katawan ang inilalabas doon.

Ipinarada ko ang sasakyan ko sa malayo at naglakad patungo sa warehouse. Tinitingnan ko ang mga CCTV cameras, mga security na nakakalat sa paligid. Madali ko naman silang nataguan at walang hirap akong nakapasok sa loob. Wala naman kasing bantay sa lugar na iyon ng warehouse. Sino ba naman ang magtitiyagang magbantay sa daanan ng mga namamatay na fighters? Malayo pa lang ay naririnig ko na ang ingay ng mga nanood. Nakakabingi. Isinaklob ko ang hoodie sa ulo ko para walang makakilala sa akin. Nakapasok ako sa loob at punong-puno ng tao ang nakapalibot sa cage. Mula sa lugar ko ay nakita ko ang mga mayayamang pumupusta sa fights, si Papa, si Brandon. Si Mr. Laxamana. Pero nakita ko ding tumayo si Mr. Laxamana at nagpaalam kay Papa tapos ay umalis. Sa cage ay nakita kong naroon na si Johnny at tahimik lang na naghihintay. Napakunot ang noo ko. Hindi ganito si Johnny. Magmula pa nang mag-umpisa siyang maging fighter ay alam ko na kung gaano kalaki ang kumpiyansa niya sa sarili. Magulo ito. Maingay. Mayabang. Pero ngayon, kalmadong-kalmado lang. Naghihintay nang makakalaban niya.

Nang tawagin ang pangalan ni Leon ay ang lakas ng kaba ng dibdib ko. Napangiti pa ako nang lumakad siya patungo sa cage. Sigawan ang mga tao. Isinisigaw ang pangalan niya. Pigil ang hininga ko nang sila na lang ni Johnny sa loob ng cage. They were staring at each other. Gauging each other's strengths. Testing who would attack first.

I knew Johnny was telling something to Leon. They were talking until Johnny attacked first.

And the fight started. Hindi ko pinapansin ang pagkakaingay ng mga tao. Nakita ko si Papa na tumayo at may kausap sa telepono. Tingin ko ay parang natataranta at mabilis na umalis doon at lumabas. Si Papa? Aalis sa gitna ng fight? That was weird. Kahit kailan hindi umaalis si Papa kapag may fight lalo na at underground fight ito.

Tumingin ako sa cage at nakita kong nagsisimulang magbugbugan doon si Leon at Johnny. Pero alam kong makakaya naman talunin ni Leon ang demonyong iyon. Nagawa niya noong una at sigurado akong magagawa niya uli ngayon. Pasimple akong sumunod kay Papa na palabas doon at alam kong natataranta siya habang may kausap sa telepono.

"Paanong aksidente? Ano ba ang pinagsasasabi mo?" Mataas ang boses ni Papa at kita ko talaga ang pag-aalala sa kanya.

"The car got into an accident?"

Palakad-lakad si Papa habang patuloy sa pakikipag-usap.

"Shit. Are they dead?"

Dead? Sino kaya ang sinasabi niya?

Nagtago ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang general na laging kausap ni Papa. Madalas itong laging nasa opisina niya.

"Everything all right, Ulysses?" Kita ko ang concern sa hitsura nito.

Napahinga ng malalim si Papa at naiiling na ibinulsa nito ang telepono.

"Led, Willy, Rob, Andy and Vic. Naaksidente ang sasakyang sinasakyan nila papunta dito." Mahina pang napamura si Papa at naisabunot ang kamay sa buhok.

I knew those men. Mga kilalang businessmen iyon na laging pumupusta sa underground fights.

Kita kong nanlaki ang mata nito. "What? How?"

Umiling si Papa. "Hindi ko pa alam kung ano ang detalye. But this is fucking strange. First, the orphanage. Now, those members got into an accident. I think someone is targeting the organization, Rene."

"Sinasabi ko na sa iyo. Malaki ang duda ko na si Greg Laxamana ang may kagagawan nito. Siya lang naman ang bagong sali sa atin," galit na sagot nito.

Napailing si Papa. "I don't think it's him. Nakita mo naman ang ginawa niya. He killed Ed in front us. Lahat tayo walang nakagawa ng ganoon sa initiation. Siya lang ang gumawa noon." Napahinga ng malalim si Papa. "How about the Mayor, Rene?"

"Hindi iyon gagawin ni Hanauer. Siya pa nga ang magpo-provide ng kailangan natin para sa hunting game. Ano ang lagay nila? 'Yong mga naaksidente?"

"Wala pa akong detalye. Shit. They paid millions for tonight. Sasakyan ko ang ginamit na pangsundo sa kanila." Kitang-kita ko na talagang nag-aalala si Papa.

Napangisi ang lalaking Rene ang pangalan. "Well, for me it's a good thing. Mas kokonti tayong kasali sa hunting game. Less competition. I don't like those assholes anyway. We can recruit other members to fill their seats." Inakbayan ni Rene si Papa. "Huwag mo nang isipin ang mga iyon ngayon. Everyone is dispensable."

Hunting game. He was talking about that hunting game like it was something else. I remembered what Leon told me about the kids. Naitakip ko ang kamay sa bibig ko. Dad knew about it? About those kids being killed?

"The fight tonight is more important. Johnny got the upper hand. I think something is happening to the other fighter. Bugbog na bugbog na Johnny." Nakangisi pang sabi nito. "Johnny is going to kill that asshole."

Something was happening? Nang marinig ko iyon ay mabilis akong tumakbo pabalik kung saan nagaganap ang fight. Naitakip ko ang kamay sa bibig ko nang makita kong binubugbog ni Johnny si Leon sa gitna ng cage. And Leon was not fighting back. Nakalugmok lang siya sa floor. Oh my God. What the hell was happening? Bakit pumapayag siyang magpabugbog kay Johnny? People were screaming Johnny's name. People were chanting 'KILL HIM.' Nanlaki ang mata ko nang makita kong hinawakan ni Johnny ang leeg ni Leon at inipit sa braso nito. No! That was his signature style. Iyon ang ginagawa nito sa tuwing tatapusin na nito ang fight at papatayin ang kalaban. Mabilis akong tumakbo patungo sa cage at mabilis akong pinigilan ng tao ni Johnny na makapasok doon.

"Leon! Get up! No!" Nagwawala ako para talaga makapasok doon at mapigilan si Johnny sa gagawin niya.

Tumingin sa gawi ko si Johnny at ngumisi pa ng parang demonyo tapos ay lalong hinigpitan ang pagkakaipit ng leeg ni Leon. Nanatiling nakatingin sa akin habang talagang tutuluyan niyang patayin si Leon.

"No! Please. Johnny, don't do it!" Umiiyak na sabi ko. "Leon!" Tingin ko ay hindi na siya humihinga dahil latag na latag na ang katawan niya. Doon ko nakitang pumasok sa loob ng cage si Brandon at mabilis na hinila si Johnny palayo kay Leon.

Galit na galit si Johnny sa ginawa ni Brandon. Pinagmumura si Brandon at sinugod. Ito naman ang binugbog pero lumaban si Brandon. Nagkakagulo ang mga tao. Umakyat na rin ang dalawang kasama ni Leon na nakilala ko na kasama niya noong unang fight. Ang daming tao sa loob ng cage. Tao ni Papa na umaawat sa gulo, mga tao ni Johnny na nakikipagbugbugan din sa dalawang kasama ni Leon. And Leon was just lying there unconscious. Ang mga taong nanonood ay nagkakagulo na talaga. Umaalis sa mga kinauupuan nila at gusto na ring makisali sa gulo na nangyayari sa loob ng cage. Pilit akong kumawala sa humahawak sa akin at mabilis na pumasok sa loob. Wala akong pakialam sa mga nagbubugbugan doon. Si Leon lang ang importante sa akin.

"Leon. Please. Wake up. Wake up," pilit ko siyang ginigising habang tinatapik ko ang mukha niya. Hindi ko iniintindi na nasasaktan na rin ako sa mga nagrarambulan dito sa loob ng cage. Kailangang makaalis dito si Leon. Johnny was going to kill him.

Pero naramdaman kong may humawak sa braso ko at pilit akong hinila paalis doon. Nang tingnan ko iyon ay si Papa ang may gawa. Halos kaladkarin ako makalabas lang ng cage. Hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa opisina niya. Malakas na ibinalibag ni Papa ang pinto.

"What the fuck are you doing? Jesus, Vie. Are you trying to kill yourself in there?!" bulyaw niya.

"Can't you see what's happening? He is going to kill Leon," umiiyak na sabi ko at akmang lalabas doon pero mabilis niya akong pinigilan.

"It's a fucking fight, Vie. Alam mo na laging may namamatay sa underground fight." Galit na sagot ni Papa.

Umiling ako. "No, 'Pa. Not him. No. Let me go back. Let me help him," halos magmakaawa ako kay Papa.

Natitigilan siyang tumingin sa akin tapos ay naihilamos ang kamay sa mukha.

"Putangina, Vivienne. You are supposed to watch that asshole not fall in love with him!" Singhal niya.

Hindi ako nakasagot at napahagulgol na lang ng iyak. Talagang nag-aalala ako kay Leon. Pareho kaming napatingin sa pinto nang bumukas iyon at nakita kong si Johnny ang pumasok. Punong-puno pa ng dugo ang mukha nito at katawan tapos ay nakatingin lang siya sa akin. Sa galit ko ay sinugod ko talaga siya at malakas kong sinuntok sa mukha.

"Demonyo ka! Walanghiya ka!" Galit na galit ako sa kanya at talagang pinagbababayo ko ang katawan niya. Pero hinawakan niya ang leeg ko at marahas akong itinulak sa couch na naroon.

"I won. You're mine." Walang kaemo-emosyong sabi niya.

"Will you stop it, Johnny? Kahit ngayon lang. Tumigil ka na muna. Hindi mo ba nakita kung ano ang nangyari? Nagkagulo na naman. Ano na naman ang mangyayari sa mga pusta ngayong gabi? I am going to lose millions tonight because of that fucking mayhem!" Galit na galit na sabi ni Papa.

Hindi intindi ni Johnny ang sinasabi ni Papa.

"I killed that asshole. Stabbed him with this," itinapon niya ang isang kutsilyo sa mesa ni Papa na punong-puno ng dugo. "I gave the entertainment the people wanted. Now, I want to get my prize." Ngayon ay nakatingin na naman siya sa akin.

Marahang hinilot ni Papa ang ulo at iiling-iling na tumingin kay Johnny.

"For once, tigilan mo na muna si Vie. Kahit ngayon lang. Let me handle this fucking chaos first. Get out." Itinukod ni Papa ang kamay sa mesa at iiling-iling na napahinga ng malalim. Hitsurang malaki talaga ang problemang dinadala.

Lumapit si Johnny kay Papa. "Anong sabi mo?" Walang kaemo-emosyong sabi ni Johnny.

Galit na tumingin si Papa kay Johnny. "I said, get out and leave Vie. Get out!" Itinuro pa ni Papa ng pinto.

Dinampot ni Johnny ang kutsilyong kanina lang ay inihagis niya tapos ay walang sabi-sabing isinaksak kay Papa.

"Papa!" Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanila. Hindi ako makagalaw sa bilis ng pangyayari. Kahit si Papa ay nanlalaki ang matang nakatingin lang kay Johnny dahil maging ito ay hindi handa sa ginawa ng lalaki.

"No one is going to tell me what to do, Venderbilt. I gave you your money, now I am going to get my prize." Mariing sabi ni Johnny at napaigik pa si Papa nang lalong idiin ni Johnny ang kutsilyo sa tagiliran ni Papa tapos ay itinulak habang nanatiling nakasaksak ang kutsilyo doon.

"Oh my God! Papa!" Akma kong lalapitan si Papa pero mabilis akong pinigilan ni Johnny.

"Let's go," hinila niya ako palabas doon. Kinakaladkad para lang mapasunod sa kanya.

"No! Let me go!" Nagwawala ako para lang bitiwan niya at malapitan ko si Papa na nakalugmok sa sahig ng opisina pero malakas akong sinuntok sa sikmura ni Johnny tapos ay sa mukha. Literal na para akong nakakita ng mga estrelya sa paligid at automatic na nanlambot ang mga tuhod ko.

Naramdaman kong binuhat ako ni Johnny at ipinasan sa balikat niya. Walang lakas ang katawan ko. Kaya kahit nang isakay ako ni Johnny sa sasakyan at paandarin niya iyon ay hinang-hina lang ako at walang magawa. Parang wala na siya sa sarili niya habang tahimik na nagmamaneho.

"J-Johnny, y-you don't have to do this." Mahinang sabi ko sa kanya.

"Manahimik ka diyan." Matigas na sagot niya habang nakatutok ang paningin sa kalsada.

Napaiyak lang ako nang maalala ko na sinabi niyang sinaksak niya si Leon tapos ganoon din ang ginawa niya kay Papa. Alam kong bayolenteng tao si Johnny pero hindi ko akalaing magagawa niya iyon. Si Papa ang tumulong sa kanya. Si Papa ang dahilan kung bakit siya naging sikat sa underground fights.

"Please. Ibalik mo ako doon. Kailangan ako ni Papa." Umiiyak na sabi ko.

Natawa lang siya. "Wala na ang Papa mo. Katulad ni Kaestner, siguradong nasa impiyerno na rin iyon. Iniiyakan mo ang tatay mo? Hindi mo alam ang mga katarantaduhang ginagawa niya para lang sa pera? He promised you to me. Akin ka mula pa umpisa. Alam niya iyan. Pero anong ginawa niya? Ibinigay ka niya sa tarantadong Leon na iyon! Pero ngayon, wala na silang magagawa. Sa akin ka na at gagawin ko ang lahat ng dapat na ginawa ko sa iyo noon pa."

Gigil na gigil ang hitsura niya habang nagmamaneho. Hindi ko alam kung saan kami papunta pero huminto ang sasakyan at bumaba siya. Binuksan niya ang pinto sa tabi ko at pahila akong inilabas doon at pakaladkad na dinala at pinilit na ipasok sa isang townhouse.

"Wala nang makakakita sa iyo dito. Akin ka na hangga't nabubuhay ka." Tumatawang sabi niya tapos ay itinulak ako sa couch na naroon.

Baliw na ang tingin ko kay Johnny. Nawala na ang natitirang katinuan niya dahil sa obsession niya sa akin. At hindi ko alam kung makakatakas pa ako dito. Wala na akong tulong na aasahan pa. Habambuhay na akong makukulong dito kasama ang demonyo na ito.

Pareho kaming napatingin ni Johnny sa pinto nang makarinig ng malalakas na pagkatok doon. Sinamaan pa niya ako ng tingin tapos ay tinungo iyon at binuksan. Si Brandon ang nakita kong naroon at agad na pumasok tapos ay sinuntok ng malakas si Johnny.

"Damn you! You think I can't find you? Bakit pati si Mr. Venderbilt?!" Galit na galit na sigaw ni Brandon at talagang nagpapambuno silang dalawa ni Johnny.

"'Tangina mo, ayaw mo pa ba noon? Ikaw na ang magiging may-ari ng kumpanya niya. Pinag-usapan na natin ito. Kapag nawala si Venderbilt at makuha ko si Vie, sa iyo na ang Fighter's Ring. Sa iyo na lahat. Ano ngayon ang ipinagwawala mo?" Malakas ding sinuntok ni Johnny si Brandon.

"What?" Naguguluhan akong nakatingin sa kanya.

Painis na itinulak ni Johnny si Brandon. Kita ko ang galit sa mukha ni Brandon habang nakatingin ng masama sa kaharap.

"You are fucking crazy! Crazy animal!" Sigaw ni Brandon.

Tumingin sa akin si Johnny. "Hindi mo alam 'no? Matagal na kaming nag-usap ni Brandon at iyon ang plano namin. Kapag nawala ang tatay mo, siya na ang papalit. Hindi puwedeng ikaw dahil akin ka na." Tumatawa pang sabi nito .

Napatingin ako kay Brandon at kitang-kita ko ang pagsisisi sa mukha niya habang napapailing.

"I-I am so sorry, Vie. Alam mong mataas ang pangarap ko at gagawin ko ang lahat para maabot iyon. But this is not part of my plan. Leon coming out as a fighter was not part of the plan."

"Wala na rin ang gagong iyon. Nasa impiyerno na." Buong-buo ang kumpiyansang sabi ni Johnny.

Ang sama ng tingin dito ni Brandon.

"Iyon ang akala mo. I may be a bad person, but I am not a bad brother." Pagkasabi noon ay mabilis nitong sinugod si Johnny at sinuntok sa mukha. Muli ay naglaban silang dalawa. I knew Brandon used to be a fighter kaya nakakalaban siya sa mga moves ni Johnny. But Johnny has the upper hand. Mas malaki siya kay Brandon at malakas na napasigaw si Brandon nang sipain siya ni Johnny sa binti.

"Run, Vie! Fucking run!" Malakas na sigaw ni Brandon sa akin habang namimilipit sa sakit na nararamdaman.

Tiningnan ako ng masama ni Johnny at akmang lalapit sa akin pero mabilis itong hinila ni Brandon at sinuntok sa tagiliran. Pilit na kinubabawan si Johnny at pinagsusuntok sa mukha.

"Run!" Malakas niyang sigaw sa akin kaya nagmamadali akong lumabas. Hindi na ako lumingon at mabilis akong sumakay sa kotse na kanina lang ay minamaneho ni Johnny. Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahanap ang susi ng kotse. Suwerte namang nakita ko iyon na nakasaksak pa rin sa ignition ng sasakyan. Nakita kong lumabas si Johnny sa bahay kaya talagang nagmamadali kong ini-start iyon. Patakbo na siyang lumapit sa sasakyan at napasigaw ako nang malakas niyang hampasin ang hood ng kotse. Takot na takot na ako pero wala na akong aasahan na tutulong sa akin. Mamamatay muna ako bago ako makuha ng demonyong ito. Tumayo siya sa harap ng kotse at sinisenyasan akong bumaba. Pero hindi. Hinding-hindi ko gagawin.

Inilagay ko sa reverse ang kotse at pinaatras iyon. Nanatiling nakatayo sa daraanan ko si Johnny at parang wala sa sariling nakatingin lang sa akin. Nang makita kong gumalaw siya at lalapit muli ay inilagay ko sa drive ang kotse at pinaharurot iyon. Sinagasaan ko si Johnny. Ang lakas ng kalabog ng katawan niya sa hood ng sasakyan. Lumikha pa iyon ng malaking crack sa windshield.

Hindi ko nilingon kung anong nangyari sa kanya. Humahagulgol ako habang nagmamaneho paalis doon. Kailangan kong bumalik sa warehouse para malaman ko kung anong nangyari kay Leon at kay Papa.

Pagdating ko doon ay nagkakagulo na ang mga tao. Wala akong pakialam kahit nakaharang sa daan ang kotseng minamaneho ko. Nagmamadali akong bumaba at pilit na pumapasok sa loob pero maraming mga lalaking de-baril ang naroon at inaasikaso ang gulo. Hindi naman sila mga pulis pero nakakatakot ang mga hitsura nila.

"You cannot get inside." Sabi ng isang lalaki sa akin dahil talagang nagpipilit akong pumasok sa loob.

"My father is inside. M-my fiancé is there. I need to go in there." Umiiyak na pakiusap ko.

"I got you." Narinig kong sabi ng kung sino mula sa likod ko. Nang tingnan ko iyon ay nakilala kong si Mr. Laxamana. Kalmadong-kalmado lang ang hitsura niya na para bang walang gulo na nangyayari ngayon dito sa fight.

"S-si Leon." Umiiyak na sabi ko. "Si Papa. Please, help me to see them."

"Calm down. Everything is fine, Vie. It's over." Malumanay na sagot niya at inaalalayan akong makalayo doon. Nakita kong may sinenyasan itong isang lalaki at itinuro ako. Lumapit ang lalaki at nakita kong may hawak itong syringe at hinawakan ang braso ko para itusok iyon sa akin.

Natataranta akong tumingin kay Mr. Laxamana. "What? What is this? No! Let go!" Nagwawala ako para makatakas sa kanila pero ang higpit ng pagkakahawak sa akin ni Mr. Laxamana.

"You need to calm down. You are experiencing shock right now. Trust me, everything is fine." Malumanay pa rin ang boses niya. Naramdaman kong tumusok sa braso ko ang syringe na hawak ng lalaking kasama niya.

Maya-maya lang ay nakaramdam na ako na parang gumagaang ang lahat. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa paligid ko. Para akong nago-groggy.

"S-si Leon..." mahinang sabi ko.

"Don't worry. He's alive."

Iyon ang huling narinig ko bago maging blangko ang lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top