CHAPTER THIRTY-ONE (Custody)
Hate in your heart will only damage your soul.
——————
CUSTODY
Leon's POV
Nanliliit ang tingin ko sa kalsadang dinadaanan namin. Literal na nanginginig ang kamay ko sa galit dahil sa nalaman ko. Fucking Kelsey. Ngayon pa talaga niya naisip na manggulo? Pagkatapos ng napakaraming taon na wala siyang paramdam. Talagang ngayon pa siya sumabay. My daughters were doing okay. We were all doing okay without her. Bigla-bigla siyang susulpot sa bahay kung nasaan ang mga anak ko at pipilitin niyang kunin?
Malayo pa lang ay may nakita na akong kotse na nakaparada sa tapat ng bahay ng nanay ko. Hindi ko na ipinarada ng maayos ang kotse na minamaneho ko. Pagkahinto ay agad akong bumaba at halos liparin ko ang makarating sa loob ng bahay. Hindi ko pansin ang pagtawag sa akin ni Vie na alam kong nakasunod sa akin.
Pagpasok sa loob ay naabutan kong pilit na itinatago ng nanay ko ang dalawang bata na parehong nag-iiyakan. Habang si Kelsey ay pilit na kinukuha naman ang mga ito. Marahas kong hinawakan sa braso si Kelsey at patulak itong inilayo.
"What the fuck? What the fucking fuck are you doing here?" Galit na galit kong baling sa kanya. Nakita ko si Vie na nanlalaki ang mga mata at mabilis na lumapit sa mga anak ko. Tinakpan pa nga ang tainga ng mga ito dahil sa naririnig ng mga bata ang masasamang salita na nasabi ko.
"What the fuck am I doing here? I am just taking what is mine. And those kids are my kids. My daughters. And I am taking them." Nanlalaki ang mata sa akin ni Kelsey at pilit pa rin na hinihila ang mga bata.
Doon na ako napikon at talagang pahila ko siyang inilabas ng bahay kahit nagwawala siya. Wala akong pakialam kahit sa kalsada kami mag-away ng babaeng ito. Sanay na naman ako sa ganitong gawain niya. Hindi lang isang beses kaming nagbabangayan sa kalsada o kahit saan kapag nagseselos siya. What we and Kelsey had was a toxic relationship because of her never-ending jealousy. Kaya nang iwan niya kami ng mga bata, pakiramdam ko ay nakahinga ako ng maluwag.
"They are my kids! Wala kang karapatan na pagbawalan akong makita sila!" Galit na galit na sigaw niya.
"Tinanggal mo na ang karapatan mo na makita sila nang layasan mo sila. Kahit huwag na ako. Sila na lang. Who do you think you are? Storming here and taking my kids? 'Tangina, Kelsey. Ang ayos-ayos ng mga anak ko. Namumuhay kami ng matiwasay na wala ka tapos ngayon manggugulo ka?" Pigil na pigil ko talaga ang sarili ko na masaktan ang babaeng ito.
"Dahil impiyerno ang buhay na ibinigay mo sa akin noon! Akala ko makakaahon ako sa kahirapan kung ikaw ang pakikisamahan ko. Napakaraming lalaki ang may gusto sa akin noon pero ikaw ang pinili ko kahit basag-basag ang mukha mo na uuwi sa akin. Ano ang buhay na ibibigay mo sa mga anak ko kung nakikipagpatayan ka sa loob ng cage? And I thought you quit! Tapos ngayon iyon pa rin ang trabaho mo? Pakikipagbugbugan at pakikipagpatayan pa rin? Hindi mo mabubuhay ng maayos ang mga anak ko dahil sa ganyang trabaho. I have money now. My husband is wealthy and we can give a better future for my daughters. Kaya kukunin ko sila!" Litanya niya at akma na namang papasok sa loob ng bahay pero mabilis ko ring pinigilan. Itinulak ko na talaga siya at napasandal siya sa kotse niya.
"Don't make me hurt you. Please. Not my kids, Kelsey. I am telling you. I am ready to die and kill for them."
Nakita kong napalunok si Kelsey at napuno ng takot ang mukha. Alam niyang kahit kailan ay hindi ako nananakit ng babae, pero sa pagkakataong ito, baka siya pa lang unang babae na talagang masaktan ko.
"I am their mother. I have my right to see them and be a mother to them. Bakit mo pinipigilan iyon? Natatakot ka ba kasi kapag nalaman ng mga anak ko na mas maganda ang buhay na kaya kong ibigay sa kanila, hindi na sila sasama sa iyo? My husband is powerful. Rich. And he can do anything to help me get my kids." Tonong nagbabanta na siya. "Ikaw? Ano ang nagagawa mo? Anong klaseng trabaho ang pagkukunan mo ng pera para ipakain sa mga anak ko? Cage fighting?" Tumawa siya ng nakakaloko. "You are a murderer, Leon. How many kills did you make the past years? Iyan ba ang ipinagmamalaki mo? Iyan ang malalaman ng mga anak mo? Their father is fucking killer."
Naikuyom ko ang mga kamay ko at talagang ang sama ng tingin ko sa kanya pero hindi na ako sumagot.
Napahinga siya ng malalim at nakataas ang kilay na inayos ang sarili. Sumilip ito sa loob ng bahay tapos ay tumingin sa akin.
"Is she playing mother to my kids? That Venderbilt woman? I thought business associate lang kayo. Well, sanay ka naman na nilalaro ang mga associates mo. Ang mga babaeng nakapaligid sa iyon. Even your so-called friend June? I am sure you fuck her too." Her words were full of hate. Pakiramdam ko ay ibinalik lang kami noon na nagsasama kami na lagi kaming nag-aaway.
"Please leave." Pinipilit kong kalmahin ang sarili ko. Ayaw ko na siyang patulan.
"I am not going to leave without my kids! I am taking them!" Muli ay nagsisisigaw na naman ito.
"Wala kang anak dito! Inabandona mo ang mga batang iyon! And even if you are telling me that I am a killer, those kids know how much I love them. How much I cared for them. I didn't abandon them not even once. If they need me, I am always at their side. Ikaw? Ni hindi mo nga nagawang magpalit ng diaper ng anak mo noon. Ako lahat 'di ba? Si Mama. Ikaw? Nasaan ka? Lagi kang nandoon sa mga kabarkada mo. May narinig ka sa akin na reklamo? Wala. Sa totoo lang, mas nakahinga ako ng maluwag nang umalis ka. You don't matter to me anymore. What matters to me are my kids and you cannot take them."
"Huwag mong hintayin na pagalawin ng asawa ko ang connections niya. Dahil sisiguraduhin ko sa iyo na magsisisi ka. Ikaw ang makikiusap sa akin na makita ang mga anak ko. I can make you go away. Worst, I can simply put you to jail because everyone knows that you are a killer." Ngayon ay ngumisi ng parang demonyo sa akin si Kelsey.
Ngumisi din ako sa kanya. Ako pa ba ang tatakutin niya?
"Kahit sino pang makapangyarihang tao ang koneksiyon ng asawa mo, wala akong pakialam. Hindi ako natatakot. I am friends with the devil himself. At sisiguraduhin ko rin sa iyo na magsisisi ka." Seryosong sagot ko.
Hindi na nakasagot si Kelsey at ang sama-sama na lang ng tingin sa akin. Padabog niyang tinungo ang pinto ng kotse niya at binuksan iyon.
"I'll be back, Leon. I am going to take them away from you. They are mine. They are my kids you fucking bastard! Fuck you!" Pagkasabi noon ay sumakay na ito sa sasakyan at pinaandar iyon. Walang sabi-sabing pinaharuruot paalis doon.
Napahinga na lang ako ng malalim at napabuga ng hangin. Shit. Fucking bad. Bakit sumulpot pa ang babaeng iyon at nanggugulo pa? Pumasok ako sa loob ng bahay at nagtatanong ang tingin sa akin ng nanay ko. Wala doon ang mga bata at si Vie.
"Nasa kuwarto sila. Iniakyat muna ni Vie. Iyak ng iyak ang mga bata. Takot na takot. Ano ba ang nangyari?" Damang-dama ko ang pag-aalala sa boses ng nanay ko.
"Huwag 'nyo na lang intindihin. Ako na ang bahala doon." Tinungo ko ang ref at kumuha ng tubig. Pangangapusan yata ako ng hiningi sa galit na nararamdaman.
"Bakit biglang-bigla na sumulpot si Kelsey? At kinukuha ang mga apo ko? Leon, ayoko. Kawawa ang mga bata." Parang maiiyak pa si Mama.
"Hindi niya makukuha ang mga anak ko. Ipinapangako ko iyan. Akyat na muna ako sa itaas."
Hindi ko na hinintay na may sabihin ang nanay ko at dumeretso ako sa kuwarto ng mga anak ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nakita kong naroon nga sila kasama si Vie. May mga nakakalat na toy make-up sa kama at nagkukunwa silang naglalaro na para silang nasa salon. Pumapayag si Vie na kung ano-ano ang make-up na ipahid ng mga bata sa mukha niya. And she was smiling. Laughing while my kids were playfully putting some blush on her cheek. Kulay blue pa nga iyon sa kaliwang pisngi niya at sa kanang pisngi ay green naman na gawa ni Anna. And I could see genuine happiness on her face while playing with my kids.
"Can you become our mom?" Si Elsa ang narinig kong nagtanong noon.
Napakamot ng ulo si Vie at natawa. "It depends. But I don't think your father would like that. You have your own mom."
"I don't like that woman. She looks like a witch." Sabat naman ni Anna.
"Stop saying that. She is your mom. You don't say bad words to your mom." Saway niya kay Anna.
"But she made my Lola cry. And she want to take us away. I don't want to go with her. I want with Lola and Daddy. And with you." Ngumiti pa si Anna kay Vie.
Ngumiti din si Vie at marahang hinaplos ang mukha ng anak ko.
"If only." Mahinang sagot niya tapos ay napatingin sa pinto na kinatatayuan ko. Halatang nataranta si Vie at mabilis na lumayo sa mga anak ko. "Your dad is here." Sabi niya at tumayo na. Mabilis naman na nagtakbuhan paalis sa kama ang dalawang bata at yumakap sa akin.
"Daddy, I don't want to go with that lady." Si Anna iyon.
"I want Tita Vie." Si Elsa naman.
Walang tigil sa kakasalita ang dalawang bata kaya nakita kong natawa na si Vie.
"We will go. You two are going to stay with me for the meantime." Tumingin ako kay Vie at nakita kong nagtatanong ang tingin niya sa akin.
"Is Tita Vie going to stay with us too?" Inosente pang tanong ni Anna.
Muli ay tumingin ako sa kanya. "If she wants to stay, she can stay with us. Do you want to stay with us?" Tanong ko sa kanya.
Hindi siya agad nakasagot. Alam kong matinding desisyon ang gagawin ko ngayon na isama ko ang mga bata sa akin. I was working. I had a job to do and this one was deadly. Pero hindi ko puwedeng ipagsawalang-bahala ang pangyayaring ito. Sigurado akong babalik si Kelsey at baka sa pagkakataong iyon ay tuluyan nang makuha ang mga anak ko.
"Tita Vie, please stay with us? Please? We can play all day. And we can be a happy family!" bulalas pa ni Anna.
"Anna," saway ko sa anak ko. Nang tumingin ako kay Vie ay nakitang kong alanganin siyang ngumiti.
"Please, Tita Vie? Please?" Nagsabay pa sa pagsasalita ang dalawang anak ko.
Tumingin siya sa akin tapos ay napailing na natatawa.
"Of course. We are going to play every day." Sagot ni Vie.
Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng relief sa sinabi niyang iyon. Napakarami ko pang iniintindi sa trabahong ibinigay na ito ni Ghost. But for the welfare of my kids, I would do anything to keep them safe. Lalo na nga at alam ko na hindi titigil si Kelsey na makuha ang mga bata.
Hindi naman ako umaasa na papayag si Vie sa ganito. This was my personal battle at labas na siya dito. Kakausapin ko na lang siya mamaya. I would tell her to go home. I fucked her. Tasted her already. Claimed he as my prize and now I knew everything was over. I couldn't make her stay with me even if I wanted her to stay with me.
She has her own life too.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top