CHAPTER THIRTY-NINE (True Motive)
Nobody wants to show the demons hidden inside them - Unknown
----------------------------------
Kelsey's POV
Iritang-irita na ako sa malakas na pag-iyak ng mga anak ko sa likuran ng kotse. Sa totoo lang kanina pa ako iritable magmula nang manggaling kami sa bahay ng nanay ni Leon. Ang matandang iyon. Kahit kailan talaga masyadong pakialamera. Nakikipag-away pa siya sa akin na hindi niya puwedeng ibigay sa akin ang mga anak ko? Gagang matanda. Mas may karapatan ako kaysa sa kanya dahil ako ang nanay. Kahit tumawag siya ng barangay, pulis at abogado naman ang kasama ko. And I have the legal papers para patunayan na ako ang ina ni Anna at Elsa. Kaya kahit maglupasay siya kanina, lumuha man siya ng dugo at magmakaawa sa akin, wala siyang nagawa nang bitbitin ko ang mga anak ko. I hated that woman anyway. Buwisit sa buhay ko ang nanay na iyon ni Leon. Masyadong pakialamera.
Tinapunan ko ng matatalim ang tingin ang dalawang batang nasa likuran ng kotse. Magkayakap sa backseat ang dalawang bata. Walang tigil ang palahaw. Paulit-ulit ang pagtawag sa daddy nila.
"Shut up." Mahinang sabi ko habang nanatiling nakatutok sa kalsada ang tingin ko.
Hindi huminto ang mga bata. Lalo lang lumakas ang pag-iyak ng mga ito. Salitan pa sa pagsigaw talaga ng daddy at Tita Vie.
Mabilis kong ikinabig pagilid ang kotse at inihinto tapos ay nagsisigaw nang nagsisigaw.
"Shut up! Shut up! Shut the hell up!"
Nakita kong nanlalaki ang mga mata ng mga bata habang nakatingin sa akin at napangiti ako nang makita ko ang takot sa mga mukha nila. Bumaba ako at lumipat ng puwesto. Nang buksan ko ang pinto ng backseat ay talagang nagsiksik ang dalawang bata sa sulok para makalayo sa akin.
"I am you mother. And from now on, you are going to live with me. Not with your grandma, not with your stupid dad and definitely not with that bitch Vie." Nanlilisik ang mga mata ko sa kanila.
Impit na ang pag-iyak ng mga ito habang nakatingin lang sa akin. I had to show my authority over them. Ako ang nanay nila kaya dapat ngayon pa lang malaman na nila kung sino ang masusunod sa amin. Hindi ako katulad ng tatay nila na ini-spoiled ang mga batang ito kaya ganito katitigas ang ulo. Kahit matagal silang nawalay sa akin, alam ko kung paano sila dapat disiplinahin.
"I don't want to hear any sound, okay? I want you two to be quiet here. And when we get home I want you to behave in front of your new dad." Sabi ko pa sa kanila.
"B-but we only have one dad. And it is our Dad. I want our daddy," ngayon ay umiiyak na naman si Anna.
Ang sama ng tingin ko sa kanya at marahas kong hinila tapos ay mariing hinawakan ang mukha nito.
"You will not going to see your daddy again. You will have your new dad so shut up your mouth!" Pinanlakihan ko pa siya ng mata at painis na binitiwan bago muling bumalik sa driver's seat at pinaandar ang sasakyan paalis doon.
Napahinga ako ng malalim at pinilit na lang na hindi intindihin ang mga impit na pag-iyak ng mga bata doon. Kung ako naman ang masusunod ayaw ko naman talaga na kunin pa ang mga batang ito. They were just going to ruin my life. I am happy na wala akong iniintindi kundi ang sarili ko. I've lived my life freely without kids kaya talagang ngayon hindi ko alam kung paano ko ito gagawin.
Pero kailangan kong tiisin ang kakulitan nila. Kailangan kong ipakita na mabuti akong ina. Because my new husband wanted to have kids and we were trying so hard. We spent millions of pesos for IVF, we almost hired someone to get pregnant for me but when Budge learned that I had kids, he wanted me to get them. Bakit pa daw kami nagpapakahirap magkaroon ng sariling anak kung mayroon na daw pala akong anak?
Tingin ko naman ay magiging mabuting ama si Budge sa mga anak ko. Saka siya ang bahalang mag-alaga sa mga ito. Well, he could hire nannies for my kids. Sa dami ng pera niya, hindi niya iindahin kahit daang libo ang gastusin niya buwan-buwan para sa mga batang ito. Huwag niya akong asahan na intindihin ang mga ito.
Tinapunan ko ng tingin sa rearview mirror ang mga bata nang huminto kami sa tapat ng bahay na tinitirhan namin ni Budge. Bumaba ako at tumawag ako ng isa sa security para kuhanin ang dalawang bata. Marahan ko pang hinihilot-hilot ang ulo ko habang naglalakad papasok sa bahay. Hindi ko na iniintindi na nagwawala ang dalawang bata. Tinapunan ko lang ng tingin at nakita kong bitbit ng dalawang security ang mga ito.
Naabutan ko si Budge na nasa sala at may kausap sa telepono. Agad na nagliwanag ang mukha nang makita ako at makitang kasunod ko ang dalawang bata.
"I got the kids. I think we are going to have a hard time taming them. Ang ingay," iritable kong sabi at pabagsak na naupo sa sofa.
Hindi ako pinansin ni Budge at nakangiti lang itong nilapitan ang mga bata. Napataas lang ang kilay ko dahil talagang tingin ko ay natuwa ang asawa ko sa pagdating ng mga anak ko dito. All right. At least I still have another leverage for him na hindi niya ako iiwan. I gave him kids.
"They are so irritating," reklamo ko.
Tumingin sa akin si Budge at ngumiti. Napakunot noo ako dahil hindi ko maintindihan kung bakit nangilabot ako sa nakita kong ngiti niya na iyon. It was something. It was a sinister smile and he was about to do something at first time kong makita sa kanya.
"Don't worry. They will adapt here." Nakangiting sagot niya at muling tumingin sa mga bata. Tinawag nito ang dalawang kasambahay at sinabing linisin ang mga bata at pakainin. "Can we bring the kids to the doctor para ma-check? I want them to be okay. And if there is something wrong with them, we could sue their father para wala na siyang habol sa mga bata."
Kumumpas ako sa hangin. "Whatever. You are going to be their father anyway, gawin mo na ang lahat ng tingin mong makakabuti sa kanila."
Muli ay ngumiti si Budge at tumingin sa mga anak ko.
"I will. They will enjoy here." Nakangiti pa rin siya habang nakatingin sa mga bata.
Tumayo na ako at nagpaalam sa kanya. Dumeretso ako sa kuwarto ko at nag-shower. Nagbabad pa nga ako sa bathtub dahil pakiramdam ko talaga ay pagod na pagod ako dahil sa hirap na makuha ang mga batang iyon. At least natuwa naman si Budge. May hold na ako sa kanya. Malabo na niya akong iwan.
Halos mga thirty-minutes din akong nakababad sa bathtub nang maisipan kong bumangon. Magpapa-schedule ako ng facial para may magawa naman ako ngayong araw. Bahala na ang mga maids na mag-intindi sa mga bata.
Inayos ko ang sarili ko. Nag-make-up. Nagbihis ng maganda para kapag humarap ako kay Budge ay maganda ako. Sa dami ng lalaking dumaan sa akin, siya lang talaga ang alam kong magkakaroon ako ng magandang kinabukasan. I loved Leon, but I realized our love cannot help me to survive in this world. Ambisyosa ako. Gusto kong yumaman at nasiguro ko noon na hindi ko iyon makukuha kay Leon. Masyadong kuntento sa buhay niya ang lalaking iyon. All he cared about was his cage fights. And even if he gave that up, his job took so much of his time. Wala na siyang panahon sa akin. Hindi ko nga alam kung anong klaseng trabaho mayroon siya. Lagi siyang wala. And I had enough. Hindi ako magiging tau-tauhan sa bahay niya na uuwian niya kung kailang niya gusto. Kaya ko siya nilayasan. At kahit na sinong lalaki ang dumating basta alam kong may pera ay pinapatulan ko. Kaya nang makilala ko si Budge na isang businessman at mayor pa, hindi ko na pinakawalan. Pinakasalan pa ako kaya talagang mayabang na ako ngayon.
Tinapunan ko ng tingin ang telepono kong nagri-ring sa kama. Lumapit ako para makita kung sino ang tumatawag. Napairap ako at inilagay sa silent iyon. Si Leon. I thought he was still in coma? Nabalitaan ko kay Budge na ginulpi daw iyon ni Johnny kaya malakas ang loob kong kunin ang mga bata dahil alam kong hindi makakapanggulo ang lalaking iyon. Hindi ko na lang pinansin ang tawag. Bahala siya sa buhay niya. Hinding-hindi niya makukuha ang mga anak ko.
Naayos ko na ang sarili ko nang lumabas ako ng silid. Weird. Bakit sobrang tahimik? Nasaan ba ang asawa ko? Tinungo ko ang silid na ipinaayos ni Budge para sa mga bata. Wala naman ang bata doon.
Bumaba ako at nasilip kong may ilang sasakyan ang nakaparada sa labas. Naroon din si Budge at nakita kong isinakay sa sasakyan si Anna at Elsa. Aalis sila? At saan sila pupunta? Kahit iritable ako sa mga batang iyon, kailangang sabihin sa akin ni Budge kung saan niya dadalhin ang mga anak ko.
Dali-dali akong lumabas at lalong nangunot ang noo ko nang makita ang pamilyar na mukha ng dalawang lalaki. Kilala ko ang mga ito. Nakikita ko ito na laging kausap ni Budge sa tuwing isasama niya sa cage matches na gustong-gusto niya. Nakita ko rin ang mga ito nang imbitahan kami sa party ni Ulysses Venderbilt.
"Budge, where are you taking the kids?"
Halatang nagulat siya nang makita ako doon. Napatingin sa dalawang lalaki na kausap tapos ay agad na lumapit sa akin at umakbay habang iginigiya ako pabalik sa loob ng bahay.
"I am going to bring the kids to the doctor. You know for check-up. Para malaman naman natin kung maayos talaga ang naging lagay ng mga anak mo sa tatay nila. Don't worry. Ako na ang bahala. Ayaw mo naman ng maingay 'di ba?" Nakangiti pa siya sa akin.
Pero bakit hindi ako kumbinsido sa sinasabing ito ni Budge? Muli akong sumilip at nakita kong ang dalawang lalaking kausap niya ang nag-iintindi sa mga bata. Bakit ipinagkakatiwala niya sa ibang tao ang mga anak ko?
"You're going to bring the kids to the doctor pero kasama mo sila? Who are they?" Tanong ko pa.
Halatang nairita na si Budge sa mga tanong ko at pilit na pilit na ang ngiti sa akin.
"Si Rene lang naman iyon at Celso. Alam mo na? Kuwentuhan lang naman. Wala naman kasi silang gagawin kaya naisipang sumama na lang. They like kids too."
Muli ay tumingin ako sa labas. Iba talaga ang pakiramdam ko. Alam kong hindi ako perperktong nanay pero ramdam ko kung mayroong iba sa paligid ko lalo na at involved ang mga anak ko.
"I am going with you." Sabi ko
Doon nawala ang ngiti sa labi ni Budge at seryosong tumingin sa akin.
"Stay here. Ako na bahala sa mga bata." Matigas na sabi nito.
"Budge, they are my kids. I am going with them."
Nagulat ako nang pabigla akong hawakan ng mahigpit ni Budge sa braso at halos kaladkarin ako paakyat pabalik sa kuwarto ko.
"Sinabi kong ako na ang bahala sa mga bata. Manahimik ka dito. Go have fun. Waste my money." Dinukot pa nito ang wallet sa bulsa at kinuha ang ilang ATM cards. "You know my passwords. I-withdraw mo lahat ang pera."
Lalo akong naguluhan sa mga sinasabi niya.
"What the hell are you saying? Ano ba ang nangyayari?" Pilit akong bumitiw sa pagkakahawak niya. "You are not taking my kids anywhere without me."
Nagulat ako nang malakas akong sampalin ni Budge na halos ikabingi ko. Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kanya at gulat na gulat sa ginawa niya. First time niya itong sinaktan ako.
Mariin niyang hinawakan ang pisngi ko.
"I am wasting my money for you. Buhay reyna ka dito kaya kung ano man ang gawin ko, wala kang pakialam. You hated your kids, right? Kaya huwag kang umarte na importante sila sa iyo. Maglalaro lang kami ng mga anak mo. At huwag kang mag-alala. I'll be gentle to them." Ngumiti pa nang parang demonyo sa akin si Budge.
"W-what the hell are you saying? What are you going to do?"
Hindi siya kumibo at ngumiti lang.
"Don't worry. Everything will be fine after this. Your kids will be in a safe place at kahit kailan hinding-hindi ka na nila gagambalain pa."
Hindi ko na napigil ang pagtulo ng luha ko. "You wanted my kids? You are going to hurt them kaya mo ba sila pilit na ipinapakuha sa akin?"
Nagkibit ng balikat si Budge. "This is just for fun."
"For fun? Are you fucking sick? You are talking about my kids! No! You cannot take them!" Doon na ako nagwala at mabilis akong tumakbo para makalabas ng silid para makuha ang mga anak ko pero mabilis akong nahablot ni Budge at ibinalibag ako sa isang sulok ng silid. Mabilis siyang lumapit sa akin at malakas akong pinagsusuntok sa mukha. Sinipa pa ako sa sikmura at pakiramdam ko ay masusuka ako at hindi makahinga.
Namimilipit na ako sa sakit nang tigilan bugbugin ni Budge. Hindi ako makagalaw sa puwesto ko at kahit hilo ay tumingin ako sa kanya. Humihingal pa siya habang nakatingin sa akin.
"Sayang. Favorite pa naman kita. Pero dahil dito sa pag-iinarte mo, mapipilitan na akong alisin ka. I have so many women who can replace you. Kung nanahimik ka na lang 'di sana maayos ka pa." Inayos pa niya ang sarili habang nakatayo sa harap ko. "Pagbalik ko saka na kita haharapin uli. Huwag kang mag-alala. Magsasama-sama din kayo ng anak mo." Napaigik pa ako nang malakas niyang sipain sa sikmura bago tuluyang lumabas.
Naririnig ko pa ang malakas na boses ni Budge na nagmamando sa mga bodyguards niya na i-lock ang kuwarto ko at huwag akong palalabasin. Dahan-dahan akong gumapang at pilit na hinanap ang telepono ko. Nakita kong nakapatong pa rin sa kama at nanginginig ang kamay kong dinampot iyon. Nakita kong mayroong fifteen missed calls si Leon.
Napapaiyak ako sa sakit na nararamdaman ko at natatakot para sa mga anak ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ni Budge sa kanila. Tinawagan ko si Leon at isang ring pa lang ay narinig ko na ang boses niya.
"Putangina ka, Kelsey! Nasaan ang mga anak ko?!" Iyon agad ang bungad sa akin ni Leon.
"L-leon... I-I'm sorry," umiiyak na sabi ko.
"A-ano? Anong sorry? 'Tangina, Kelsey ibalik mo ang mga anak ko. Mapapatay talaga kita kapag may nangyaring masama sa kanila." Ramdam na ramdam ko ang galit sa boses ni Leon.
"B-Budge took them." Napapikit ako sa sobrang guilt na nararamdaman. Kasalanan ko ito lahat.
"What do you mean Budge took them? Where?" Ngayon ay natataranta na siya.
"I-I don't know. I don't know." Napahagulgol na ako. "I thought he like my kids kaya niya pilit ipinapakuha."
"He is going to kill them! Fuck you, Kelsey! Your fucking husband is a child killer." Alam kong nagwawala na si Leon sa kabilang linya. "I swear to God. If something happened to my kids, I will kill you too."
Wala na akong narinig pa kundi busy tone na lang. Umiiyak akong napasandal sa kama at iniisip ang mga bata.
I knew I am not a good mother. Pero hindi ko naman magagawang saktan ang mga anak ko.
If I only knew that behind Budge's smile and sweet persona lies a monster who hurt little children.
And my own children would be harmed all because of me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top