CHAPTER THIRTY-FIVE (Rights)

The enemy wouldn't mess with you if you weren't somebody. Obviously, he sees your potential as a threat to his plan.
- unknown

—————-

Vie's POV

"Where are we going, Tita Vie?"

"Your dad said we are going to visit your grandma," nakangiting sagot ko kay Anna habang inaayos ang suot nitong damit.

"I miss granny." Sagot nito at tinapunan ng tingin ang kapatid na nakaupo sa couch at naglalaro ng hawak na manika. "Where is dad?"

"Dad will meet us there." Nakangiting sagot ko. Sinabihan ko silang maupo sa sofa at hintayin ako dahil ako naman ang mag-aayos. Inuna ko lang silang asikasuhin para kapag natapos ako ay aalis na kami.

Leon didn't go home last night. Nag-message lang sa akin na magkikita sila ng boss niya. Si Mr. Laxamana. At sinabi na naging maayos naman ang weigh-in nila ni Johnny. But other than that, he didn't tell me anything. Hindi nga niya ako tinawagan.

Kahit paano ay nakakaramdam ako ng kaba. Tulad ng sinasabi ko sa kanya, everything that was happening right now looked so perfect. Parang walang problema. At hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit kinakabahan ako ng ganoon. Siguro kasi nasanay ako sa buhay ko na lagi akong nag-aalala dahil sa mga ginagawa ni Papa at sa mga pangha-harass sa akin ni Johnny.

Even my father was quiet too. Hindi niya ako kinukulit nang tungkol sa pag-persuade kay Leon para lumipat sa kampo niya. Ni hindi nga niya ako tinatanong kung ano ang nangyayari sa akin kasama si Leon. Biglang parang wala na siyang pakialam sa akin.

And that was freaking strange. My father needed me in his business and he suddenly he didn't need me now? What was going on? Pero sa totoo lang, mas gusto ko ito. This was the first time I felt peace. Being with Leon and his kids, brought peace in me. I love taking care of them. Playing mother. Playing the good housewife. Napakagat-labi ako nang maalala ko ang mga ginagawa namin ni Leon pagdating ng gabi. That was the best part of this arrangement. Making love with him would always be what I wanted being with him.

We didn't talk about. About us. Basta sinasabi ko sa kanya na gusto ko siyang makasama. That was why I am doing this. I wanted to be perfect for him. For his kids. Para makita niyang kahit hindi ako ang tunay na ina ng mga anak niya, I could be fit for their lives.

Narinig kong tumunog ang telepono ko kaya binilisan kong matapos maligo. Nagtapi lang ako ng tuwalya at tumutulo pa ang tubig mula sa katawan ko nang damputin ang telepono ko. Nakita kong si Brandon ang tumatawag sa akin.

"Hey. What's up?" Inilagay ko sa speaker mode ang telepono para magawa ko ng malaya ang magbihis habang nakikipag-usap sa kanya.

"Did you know what happened?" Dama ko ang pag-aalala sa boses niya.

Kumunot ang noo ko. "Why? Something happened to dad?" biglang binundol ng kaba ang dibdib ko.

"The orphanage. Nasunog kagabi."

Napahinto ako sa ginagawa. "What?" Shit. "The kids? What happened to the kids?" Parang sasabog ang dibdib ko sa lakas ng kabog noon.

"I don't know. They are all missing." Narinig kong mahinang nagmura si Brandon. "Mario and Gibo are dead. Nasama sila sa nasunog na orphanage. Everything was burnt to the groud."

"Oh my God. Oh God." Kilala ko ang dalawang iyon. Sa kanila ako nagbibigay ng cash donations para sa orphanage. "Saan napunta ang mga bata?" Naiiyak na ako sa sobrang pag-aalala.

"I don't know, Vie. Something is not right. I think something is going on. Is Leon there?" Ramdam ko pa rin ang pag-aalala sa boses niya.

"Wala. What happened to the weigh-in?" Baka sakaling may hindi sinasabi sa akin si Leon at alam kong isi-share naman iyon sa akin ni Brandon.

"Nothing. And I am fucking afraid for that."

"What? What do you mean nothing?" Taka ko.

"I think something is going to happen on fight night. I want to talk to Leon. Gusto kong sabihin na mag-withdraw na siya sa fight. Last night was different. That was the first time I saw Johnny like that. Calm. And he is not calm. Alam mo 'yon."

Napalunok ako at pakiramdam ko ay gumapang ang kilabot sa buong katawan ko. Totoo ang sinasabi ni Brandon. Kahit kailan ay hindi naging kalmado si Johnny. Mayabang ang isang iyon. Proud na malaman ng lahat ng tao ang kakayahan niya at matagal nang kasama ni Brandon sa mga fights. Kaya kung may nakikitang kakaiba si Brandon sa mga kilos ni Johnny, siguradong may ibig sabihin iyon.

"You mean, Johnny might do something on fight night? Like what he did the last time?" Medyo pumiyok pa ako nang sabihin iyon.

Napahinga siya ng malalim. "Maybe. I don't know. Sigurado naman ako na magiging maingat si Johnny dahil alam na ni Leon ang mga puwede niyang gawin. Vie, I have something to tell you but you need to promise me that you're not going to tell this to your father."

"What?" Sasabihin na ba niya sa akin ang alam niya tungkol sa hunting game?

"Leon is my brother. At kung ano man ang nangyari sa amin, we fell apart, he is still my brother and I care for him a lot. I know something is going to happen on fight night. I don't want him to die. I don't want him to see being murdered in that fucking cage." Nanginginig ang boses ni Brandon habang sinasabi iyon. Damang-dama ko ang takot niya. Napahinga siya ng malalim. "If you could do something to change Leon's mind, please do it. Make him drop the fight."

"P-pero kapag nag-drop siya ng fight ibig sabihin 'non si Johnny ang..." hindi ko naituloy ang sasabihin ko at naitakip ko ang kamay sa mukha ko.

"Yes. He will win." Mahinang sabi ni Brandon.

Agad na namuo ang luha sa mga mata ko. At kapag nangyari iyon, siguradong babawiin ako ni Johnny.

"Brandon, you know what will happen if Johnny wins. It won't be good for me." Paalala ko sa kanya.

"I know. Pero ano ang gagawin natin? It's you or Leon's life."

Umiling ako. "No. I am sure Leon won't allow it. He will fight at sigurado akong hindi siya matatalo. He knows what to do. He knows how to fight Johnny. Kahit anong pandaraya ang gawin ng isang iyon."

"I hope. But I suggest don't go to that fight. Stay where you are. I don't know what is going on."

"Okay. How's Papa? He is not calling me. He didn't even tell me about the fire in the orphanage."

"Busy as always. I'll see you soon, Vie." Pagkasabi noon ay naputol na ang usapan namin ni Brandon.

Mabilis akong nagbihis at tinungo ang mga bata sa sala. Agad kong inayos ang mga gamit nila at pinasakay ko sa sasakyan. Nagmamadali akong nagmaneho papunta sa bahay nila Leon. Gusto ko na siyang makausap ng personal para malaman ko kung ano ang nangyayari.

Napakasaya ng nanay ni Leon nang dumating kami doon. Halatang-halata ang pagka-miss nito sa mga apo. Pinabayaan ko lang na mag-bonding ang malo-lola. Ako ay busy sa kakatingin ng mga articles tungkol sa nangyaring sunog sa orphanage Sinusubukan ko rin na tawagan si Leon pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Pati si Papa ay ganoon din. Hindi rin sinasagot ang tawag ko.

Napabuga ako ng hangin at naiiling na ihinagis ang telepono ko sa sofa na kainuupuan. Nilingon ko pa ang mga anak ni Leon na ang lalakas ng mga halakhak habang kasama ang lola nila sa kusina.

Nakarinig ako ng pagparada ng sasakyan sa labas ng bahay. Agad akong tumayo at sumilip dahil baka si Leon na iyon. Pero napakunot ang noo ko dahil ibang kotse iyon. Hindi iyon ang sasakyang ginagamit ni Leon. Agad na umangat ang kilay ko nang bumaba si Kelsey sa sasakyan. Shit. Ano na naman ang eskandalong gagawin ng babaeng ito dito?

Agad akong lumabas para salubungin siya. Ayaw kong pumasok pa siya sa loob at doon gumawa ng eksena. Mato-trauma na naman ang mga bata.

Nakataas ang kilay niya sa akin habang tinatanggal ang shades na suot. Seryoso lang akong nakatingin sa kanya at agad ko siyang sinalubong sa gate para hindi na siya makapasok pa sa loob ng bahay.

"Oh. The other woman is here. Leon's mistress." Nang-aasar na sabi niya.

"I am not a mistress. You are not married to him and technically he is single." Malumanay kong sagot.

"All right. Trying hard. That's what you are. You are trying hard to be the mother of my kids. Trying hard to get Leon's attention. Are you done spreading your legs in front of him?" Sabi pa nito.

"What do you want, Kelsey?" Ayaw ko na lang patulan ang ginagawa niya ngayon. Ang gusto ko na lang ay umalis siya para huwag na siyang manggulo pa.

"I want to get my kids."

Umiling ako. "No. Leon won't allow it. And I won't allow it."

Sa narinig ay parang tigreng nagwawala ang hitsura ni Kelsey. Galit na galit siyang lumapit sa akin at ihinanda ko na ang sarili ko kung sasaktan niya ako. Handa ako sa kahit na anong gagawin niya.

"Who the fuck do you think you are? Wala kang karapatan sa mga anak ko. You are just Leon's fuck toy. Get out of my way. I am going take my kids." Hinawakan niya ako sa braso para mapaalis ako pero agad kong pinalis ang kamay niya.

"Umalis ka na, Kelsey." Pinipilit ko pa ring magpakahinahon.

"No! I am not going anywhere unless I get my kids! Ilang araw na akong pabalik-balik dito. Hindi ko alam kung saan 'nyo binitbit ang mga anak ko. At ngayon na nandito na sila hindi ako papayag na hindi ko sila makukuha," ngayon ay pilit na talaga niya akong tinatabig para makapasok sa loob. Doon ko na siya itinulak at napasandal siya sa kotse niya.

Ang talim ng tingin sa akin ni Kelsey. Talagang galit na galit siya sa akin at susugurin na ako. Pero bago pa niya ako masaktan ay may bigla nang humila sa kanya palayo sa akin. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong si Leon iyon.

"What the fuck? Ano na naman ang ginagawa mo dito?" Inis na sabi niya sa babae.

"I am going to get my kids!" Pilit pa rin talaga siyang pumapasok sa loob ng bahay kahit dalawa na kami ni Leon na nakaharang sa kanya.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi mo makukuha ang mga anak ko. Wala kang karapatan sa kanila." Ngayon ay nasa likuran na ako ni Leon at talagang pino-protektahan ako kay Kelsey.

"I am talking to my lawyers and they told me that I have all the right to get my children! Hindi mo sila maipagdadamot sa akin. I am their mother! They need me!" Ang lakas na ng boses ni Kelsey at sigurado akong naririnig na ito ng mga kapitbahay.

"Wala akong pakialam sa mga abogado mo. Umalis ka na." bahagya pang itinulak ni Leon ang dating kinakasama.

"Fuck you! That's an assault! Idedemanda kita! Violence against woman and children!" Sigaw pa nito.

"Oh my God, Kelsey. You are crazy. Umalis ka na lang. Stop making a scene here. Nata-trauma ang mga bata sa iyo." Padaing na sabi ko.

Sa narinig ay mabilis nitong hinila ang buhok ko pero inawat siya ni Leon. Hinawakan na niya ang kamay ni Kelsey at halos kaladkarin para maisapasok sa sasakyan nito. Sinenyasan niya akong pumasok sa loob.

"Next time you come back in here, kakalimutan ko talaga na may pinagsamahan tayo at babae ka. Umalis ka na." mariing sabi ni Leon at malakas na isinara nito ang sasakyan ni Kelsey.

Binuksan nito ang bintana ng sasakyan at nagsisigaw. Tapos ay nagpipindot pa ng busina na lumikha talaga ng ingay. Niri-rev ng matindi ang kotse. Naiiling na lang si Leon habang pinagmamasdan ang pagwawala ng babae.

"I will get my kids. I am telling you, the next time I go here, I will bring them home. And you can never do anything about it. Asshole! You will be begging on my feet!"

Pagkasabi noon ay mabilis na pinaharurot paalis doon ni Kelsey ang sasakyan.

Kapwa kami nakatingin sa papaalis na sasakyan ni Kelsey tapos ay napatingin sa paligid. May ilan ng kapitbahay ang nakatingin sa gawi namin kaya mabilis akong pinapasok ni Leon sa loob.

"Are you okay?" Damang-dama ko ang pag-aalala niya habang tinitingnan ako. "Did she hurt you?"

Umiling lang ako. "Ayaw ko na lang siyang makapasok para hindi na ma-harass ang mga bata."

"Damn it. Hindi ko alam kung kailan hihinto ang babaeng iyon." Naiiling na sagot niya.

"How about you? How are you? Bakit hindi ka umuwi kagabi?"
Napahinga siya ng malalim. "Nakipagkita ako kay Mr. Laxamana. We did something. About-"

"The orphanage." Putol ko sa sinasabi niya. "I heard na nasunog kagabi. The kids. There are kids there," naiiyak na sabi ko at mabilis niya akong niyakap.

"The kids are safe. Don't worry. We got them. Right now, they are staying somewhere safe. They cannot hurt them anymore. There won't be any hunting game. My boss is doing something about it," marahan niyang hinahagod ang likod ko.

Nakahinga ako ng maluwag pero naroon pa rin ang kaba ko nang maalala ko ang sinabi ni Brandon.

"What about the weigh-in? What happened?" Nanatili akong nakasubsob sa dibdib niya nang itanong iyon.

"Everything is fine, Vie. You don't need to worry. Natalo ko na si Johnny, at kaya ko uling gawin iyon as fight night. He cannot get you from me. I won't allow it." Mahinang sagot niya at lalo lang humigpit ang pagkakayakap sa akin.

"W-what if... you withdraw from the fight?"

Naramdaman kong mabilis akong inilayo ni Leon sa kanya at taka siyang nakatingin sa akin.

"Do you hear what you're saying?" balik-tanong niya.

"I know something is going to happen on fight night. We both know that Johnny will do anything just to kill you. You withdraw, then there would be no fight. Right?"

"If I withdraw, he will win. He will get you back. Iyon ba ang gusto mo?"

Sunod-sunod ang iling ko at napapaiyak akong nakatingin sa kanya.

"Hindi ko lang maiwasan na hindi mag-aalala. I am telling you. Everything is okay and I am afraid that."

Muli niya akong niyakap.

"Everything is fine. Don't worry, Vie. I won't lose you. You and the kids. After all of this, we will go far away from here. You won't go back to Johnny or your dad. We will be a family. I promise you that."

Kahit nanggaling na iyon kay Leon ay hindi pa rin mawala ang kaba ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top