CHAPTER THIRTY-EIGHT (Is it Over?)
If you treat every situation as a life and death matter, you'll die a lot of times. - Dean Smith
Leon's POV
"Shit."
Halos mamilipit ako sa sakit nang subukan kong igalaw ang katawan ko. Ang sakit sobra. Ang ulo ko ay parang binibiyak sa sakit din. Pakiramdam ko ay wala pa ako sa huwisyo. Sinubukan kong bumangon pero may mga nakakabit na mga suwero sa braso ko.
"Stay still. You need to rest."
Hinanap ko ang nagsalita at nakita ko si Ghost na nakaupo sa silyang naroon at busy sa pagbabasa ng mga hawak niyang folders.
"What the fuck happened?" Pilit kong iniisip kung ano ang nangyari at ang huling naaalala ko ay nahilo ako sa fight at alam kong babaliin ni Johnny ang leeg ko.
Nanlalaki ang matang napatingin ako kay Ghost na tahimik pa rin na nagbabasa. Naka-dekuwatro pa ito at tulad nang madalas kong makitang hitsura niya, he was wearing his usual Armani suit and leather shoes. Always looking suave even if he was inside a hospital.
Tumingin ako sa paligid ko at sigurado akong ospital nga ito. But... what if this was not true? What if I died and I was in hell then Ghost was the king of this place?
"Did I die and I am in hell? And you are fucking Lucifer?" kinakabahan kong tanong sa kanya.
Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Ghost at tumingin sa akin. 'Tangina, mukhang totoo nga. Mukhang natuluyan nga ako. Shit. Paano na ang mga anak ko? Si Vie. Damn it. Hindi ko man lang napakasalan bago ako namatay.
Tumayo si Ghost at binitiwan ang mga hawak na folder tapos ay lumapit sa akin. Kahit na sa impiyerno nakakatakot pa rin ang isang ito. Ewan. Nakakatakot talaga ang pagiging kalmado niya lagi.
Naramdaman kong tinampal niya ang mukha ko.
"W-what the fu-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil muli niyang tinampal ang pisngi ko. "Shit!" Inis kong pinalis ang kamay niya.
"You felt that? This? Do you feel this?" Ngayon ay malakas na niya akong sinuntok.
"Jesus Christ!" Napa-aray ako habang hawak ko ang panga ko at sinamaan siya ng tingin. "Why? Fuck!"
Nagkibit lang siya ng balikat at parang wala lang ang ginawa niya sa akin at muling bumalik sa kinauupuan niya. "Now you know you're alive." Muli ay binuklat niya ang folder na binabasa.
"W-what happened?" Tanong ko at umayos ako ng upo. Napatingin ako sa kurtina na partition ng silid. Sigurado akong may pasyente ring nakaratay doon na natatabingan lang ng kurtina. Naririnig ko kasi ang pagtunog ng mga aparato na sa ospital lang naman maririnig.
"You were drugged. That happened. Johnny played dirty again," sagot niya at inililipat ang mga pahina ng folder na binabasa niya.
Mahina akong napamura. "I-I remember that he was killing me. He was choking me then I passed out."
Tumango-tango lang siya. "Your brother saved you."
"Brad?" Paniniguro ko.
Ngumiti nang mapakla si Ghost. "Nagkamali ako ng pagkakakilala sa kanya. He is a good man." Napahinga siya ng malalim. "It was a fucking chaos that night. But I took that opportunity to crush down their organization. It's over." Nakangiti na siya ngayon habang nakatingin sa akin.
"What do you mean?"
"No more members of the org. Venderbilt is gone, other members are now hiding, the underground fight is now shut down." Paliwanag niya.
Kumunot ang noo ko. "Did you kill Venderbilt?" Paniniguro ko.
"What? No. Of course not. Anong palagay mo naman sa akin? Mabait kaya ako."
Tumingin ako nang hindi naniniwala kay Ghost. Pero natawa din siya sa sinabi niya at tuluyan nang iniligpit ang mga hawak na folder.
"It was chaos that night. Johnny wanted to kill you but Brandon interfered. They fought, Orange and Blue came to the rescue, Johnny's men tried to fight too, it was a disaster fight night. Even the people watching was trying to get some piece of the action," pagkukuwento pa niya.
Mahina akong napamura.
"But Vie came." Ngumiti pa siya ng nakakaloko sa akin.
Nanlaki ang mata ko. "What? Shit. I left her home with the kids. I told her to stay there to be safe."
"Relax. Huwag masyadong obvious na patay na patay ka sa kanya. She's okay. A little bit shaken because of what happened but she is totally fine." Kalmadong sagot niya. "And your kids are okay. Iniwan niya sa nanay mo. The last time I checked they are still good."
"Where is she?"
"In the other room. Still sedated pero pagising na rin 'yon. There was so much happened to her." Naiiling na sabi ni Ghost at sumeryoso na. "Johnny stabbed her father in front of her. He tried to kidnap her. So much trauma."
Talagang nanggigigil na ako kay Johnny.
"Where the fuck is that asshole? 'Tangina papatayin ko talaga iyon."
Kumumpas sa hangin si Ghost. "Relax. Okay na. Vie took care of it."
"What? What do you mean she took care of it?" Anong sinasabi ni Ghost?
"Your woman is a bad ass chick. Akala ko puro pagpapaganda lang ang alam. Johnny can't fight anymore. He can't bug her anymore too. He is paralyzed from neck down and the prognosis is poor." Sinasabi iyon ni Ghost pero wala akong maramdaman na concern sa boses niya. Parang isang walang kuwentang bagay lang si Johnny na ikinukuwento niya.
Naguguluhan akong nakatingin sa kanya. "What the fuck happened?"
Natawa pa si Ghost. "Sinagasaan ni Vie. But that happened after Brandon saved her." Napailing-iling siya. "Fucking, Brandon. He was the one who saved the night. He saved you, Venderbilt and Vie." Nawala ang ngiti ni Ghost at makahulugang tumingin sa akin. "But it almost cost him his life."
"What do you mean?" Napatitig ako kay Ghost at nanlaki ang mata ko. "Where is Brad?"
Napahinga siya ng malalim. "They did everything to save him." Hinawi niya ang kurtina na nakapagitan sa amin ng pasyenteng naroon at doon ko nakita ang kapatid ko na nakaratay sa kama. Naka-ventilator, bugbog na bugbog ang mukha at pati katawan ay puno rin ng benda.
"B-Brad," napalunok ako at pilit akong bumaba sa kama. Masakit pa rin ang katawan ko pero pilit akong lumapit sa kinahihigaan niya. I tried to touch him pero hindi ko magawang gawin. Bugbog na bugbog siya. "W-what happened?" Baling ko kay Ghost.
"Johnny beat him up. Sa cage. He was stabbed too. Johnny thought it was you pero ihinarang ni Brandon ang sarili niya para mailigtas ka. Then he followed Johnny and he learned that Johnny also stabbed Venderbilt and kidnapped Vie. Sinundan niya hanggang sa napuntahan niya kung saan dinala ni Johnny si Vie. But sadly, Johnny beat him again. Paralyzing him kasi binali ang dalawang binti niya. Sinaksak pa. Brandon sustained four stab wounds. One hit his lung. He was critical when he was found. But don't worry, nalampasan na niya ang crucial stage, 'yon nga lang wala pang kasiguraduhan kung kailan siya magigising." Paliwanag ni Ghost.
Nanatili akong nakatingin sa kapatid ko. Hinawakan ko ang kamay niya at marahang pinisil iyon. He was still the older brother that would protect me from anything. Kahit anong nangyari, he would still choose family over anything.
Naramdaman kong hinawakan ni Ghost ang balikat ko.
"Alam niya ang tungkol sa hunting game. Sadly, he connived with those monsters and he is also responsible for those children that died and suffered." Sabi pa niya.
Tumingin ako kay Ghost. Kinakabahan ako. Was he going to punish my brother too? I knew he would do anything to end all of those who hurt those kids.
"Ghost, I knew Brad didn't have a choice. I-I would do anything you want just spare him. Please don't kill him." Punong-puno ng pakiusap ang boses ko.
Kumunot siya sa akin. "Kill him? Why would I kill him? Ano ka ba? Mamatay tao ba talaga ang tingin mo sa akin? Bakit lahat na lang papatayin ko?" Napakamot pa siya ng ulo. "I am not going kill your brother. He is going to be a witness. Siya ang magdidiin sa mga kasama ni Venderbilt sa organization. Those generals, those businessmen," natawa pa siya. "Pasalamat sila hindi ko pinasunog ang van na sinasakyan nila. Sinaktan ko lang sila ng konti. Every one of them will going to pay."
"What are you going to do? I thought the organization is already gone." Sa totoo lang ako ang kinakabahan sa mga sinasabi niya. Sigurado ako na hindi naman titigil ang isang ito hangga't hindi nagagantihan ang mga iyon. I remembered what he did to Carmela and Torque. Trigger happy kaya ang isang 'to.
Ngumiti lang siya. Pero mas nakakatakot ang ngiti na iyon. Ngiting demonyo talaga. Naka-Armani suit na demonyo.
Tinapik-tapik niya ang balikat ko. "Nothing. Ang mahalaga tapos na ang misyon mo. You can do whatever you want to do now. Go home. Play with your kids. And lastly, marry the girl." Ngayon ay kita ko na ang kasiyahan sa mukha ni Ghost. "And I already talked to Phish. You are being reinstated. With raise."
"W-what? Wait. I can go back to the agency?" Paniniguro ko.
"Phish will welcome you with open arms." Natatawa pang sabi niya. "You did good in this mission, Leon. I couldn't do this without your help. Thank you."
Napangiti ako tapos ay tuluyang napatawa. Napa-aray pa ako dahil sumakit ang tagiliran ko na alam kong nabugbog ni Johnny.
"I need to go to Vie. I need to see her."
"She is staying beside this room. Go. Ako na muna ang bahala sa kapatid mo."
Ngumiti lang ako sa kanya habang bitbit bitbit ang IV stand. Palabas na ako ng silid nang tawagin niya ako.
"Can you please tell her that her mother and sister are safe. She can visit them anytime."
Lalong lumapad ang ngiti ko at tumango lang sa kanya. Tuloy-tuloy na akong lumabas at tinungo ang katabing silid na naroon. Hindi na ako kumatok at tuluyan lang akong pumasok.
Naabutan kong mahimbing na natutulog si Vie sa kama. Lumapit ako sa kanya at napatiim-bagang ako nang makita kong may blackeye siya sa mukha at magang-maga ang pisngi. Sigurado akong kagagawan ito ni Johnny. Namumula na nagba-violate din ang bandang leeg niya. Demonyo talaga ang Johnny na iyon. Kulang pa talaga ang nangyari sa gagong iyon.
Umupo ako sa tabi ng kama ni Vie at kinuha ang kamay niya. Hinalikan ko iyon at hindi binitiwan habang pinagmamasdan ang mukha niya. Napahinga ako ng malalim. Pakiramdam ko ay nakakahinga na ako nang maluwag. Wala ng problema. Wala ng kahit na anong sagabal pa sa amin.
Marahang gumalaw si Vie at nakita kong nagmulat ng mata. Napatitig pa siya sa akin at kumurap-kurap. Sinisiguro kung totoong ako ang nakikita niya.
"L-Leon?"
Ngumiti ako. "Hi. How are you?"
Napaiyak siya at pilit na bumangon. "I thought you're dead. Johnny said he killed you." Umiiyak na sabi niya. Tumayo ako sa kinauupuan ko at yumakap sa kanya. Iyak siya ng iyak at ang higpit-higpit ng yakap sa akin.
"Everything is fine, Vie. You are free. From your father. From Johnny. From everything." Mahinang sabi ko.
"Si Papa. Is he dead?" Basag na basag ang boses niya.
Napailing ako. Kahit na napakasama ni Ulysses kay Vie. Kahit na anong pahirap ang ginawa nito, mahal na mahal pa rin ni Vie ang tatay niya.
"I-I don't know where he is but, I am sure he is okay."
Lalo na siyang napahagulgol. "I saw you. He was beating you up." Marahan siyang lumayo sa akin at hinaplos ang mukha ko. "I don't want to lose you."
"You are not going lose me, Vie. Not ever." Hinaplos ko pa ang mukha niya. "Mr. Laxamana told me that you can visit your mom and your sister anytime you want."
Nagliwanag ang mukha niya at napangiti. "For real?"
Tumango ako at titig na titig sa kanya. "For real. It's over. You are free."
Isinubsob niya ang mukha sa dibdib ko at suminghot-singhot pa.
"H-how about us? W-what will happen to us?" Mahinang tanong niya.
"What will happen? My offer still stands. How do you like my girls calling you Mommy Vie?"
Lalong humigpit ang pagkakayakap sa akin ni Vie. "I like that. I like that so much."
"I love you, Vie. I am not going to lose you."
"I love you too, Leon."
And I got what I needed in my life.
After all the pain, the sufferings I experienced in this, Vie was my ultimate prize. And I knew we will both live happily ever after with my kids after we get out of here.
But that's what I thought.
Dahil biglang bumukas ang pinto ng silid at pumasok doon si Ghost. Kalmado naman siya but I knew something was off.
"What happened?" Nanlaki ang mata ko nang maisip ang kapatid ko. "Si Brad! What happened to Brad?" Mabilis akong lumayo kay Vie. Kailangan kong puntahan ang kapatid ko dahil baka may nangyayaring masama sa dito.
"It's not about Brandon." Seryosong sabi niya.
"What? What the fuck is happening?" Bahagya pang tumaas ang boses ko.
"Your kids. They were taken by Kelsey. Walang nagawa ang nanay mo dahil may kasamang mga pulis at abogado si Kelsey. She got legitimate papers that says she has the full custody of your kids." Malumanay na sabi ni Ghost.
Pakiramdam ko ay nanlamig ang buong katawan ko sa narinig na sinabi niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top