CHAPTER TEN (Prize)
Keep your eyes on the prize, not the obstacles. - Steve Blank
---------------------------------
Vie's POV
Nakakabingi ang sigawan ng mga tao. Nakakalula ang dami ng mga taong narito para manood sa death match. It was the fight between Johnny and his no name opponent.The phantom in this fight.
Panay boo's ang naririnig ko habang naglalakad and lalaki papunta sa cage. What was his name? He was called Leon Deaver Kaestner. Nangingintab ang buong katawan at mukha dahil sa ipinahid na petroleum jelly. Magmula nang mamulat ako sa madugong labanan na ganito alam kong gamit na gamit ang gel na iyon para na rin sa protection ng mga fighters. Dahil sa tindi ng bugbugan sa cage at nakakatulong ang petroleum jelly para ma-minimize ang mga cuts na puwedeng makuha ng mga fighters. But still, every after each fight, their face would be swollen and full of cuts, and the other one would end up dead.
Hindi ko maintindihan kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang tinitingnan ko si Leon na naroon sa loob ng cage. Tahimik lang siya na nakatayo sa isang gilid. Walang unnecessary movements, walang kahit na anong ginagawa. At lalong kumabog ang dibdib ko nang makita ko siyang tumingin sa gawi ko. And those eyes looking at me with full of hatred. Ang bigat ng mga tingin niya sa akin. Why? Was he mad at me? What did I do? Bakit pakiramdam ko ay may ginawa akong hindi maganda sa kanya?
Mabilis kong inalis ang tingin ko sa kanya nang marinig kong tinawag ang pangalan ni Johnny. Nagwawala ang mga tao. Sigawan ng malakas. Lahat ay nagbubunyi sa pagdating niya. Napa-rolyo ang mga mata ko nang parang hayop na nagwawala na nagtatakbo si Johnny. Hindi agad siya dumeretso sa cage. Sa akin siya lumapit at ngumiti ng parang demonyo.
"Nakikita mo ang lalaking iyon sa cage? Ilalabas ng walang buhay iyan mamaya. Papatayin ko siya para sa iyo. Pagkatapos nito, akin ka na." Pagkasabi noon ay bigla niyang hinawakan ang mukha ko at sapilitan niyang hinalikan sa labi. Gusto kong masuka sa ginawa niya kahit katabi ko si Papa kaya malakas ko siyang itinulak. Ang lakas ng tawa ni Johnny tapos ay tinungo na ang cage. Doon pa rin nagwawala ng nagwawala.
Napabuga ako ng hangin nang makita ko sa cage na nagta-tantiyahan ang dalawang lalaking naroon. Gigil na gigil si Johnny samantalang kalmado lang si Leon. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng fighter. Napaka-kalmado. Si Johnny ang unang sumugod at doon na nagsimula ang bunuan na alam kong mauuwi sa patayan sa loob ng cage.
Sanay akong makakita ng ganito na punong-puno ng dugo ang mga fighters sa loob ng cage. Pero hindi ko alam kung bakit parang ako ang nasasaktan sa tuwing tatamaan si Leon. Sa tuwing makikita ko siyang bumabagsak. At sa tuwing makakatama siya kay Johnny, ako ang unang nagbubunyi. Pero hindi ko puwedeng ipakita iyon dahil katabi ko si Papa. Tumingin ako sa paligid. Hinanap ko ang may-edad na lalaking kapustahan ni Papa. Bakit wala siya dito?
Narinig kong lalong lumakas ang sigawan ng mga tao. Nanlaki ang mata ko nang makita kong may hawak na kung ano si Johnny. It was something sharp and I know that was illegal even if this was death match.
"'Pa! May hawak na kutsilyo si Johnny." Baling ko sa kanya.
Hindi naman natinag si Papa. Hindi ito kumibo at nakapako lang ang tingin sa naglalaban sa cage. Balewala sa kanya na nandadaya si Johnny. Napasigaw ako nang makita kong sinaksak ni Johnny sa tagiliran si Leon. Agad na nagkalat ang dugo sa katawan ng lalaki at sa paligid nito.
"Are you going to allow this? 'Pa, you know it's illegal."
"Shup up. This is a death match at walang illegal sa laban na iyan. Fighters can use anything to survive." Malamig na sagot ni Papa.
"What? Pero ikaw ang nag-set ng rules na bawal ang kahit na anong bagay maliban sa mga sarili nila. Now you're breaking it? Why? Because you know Johnny is going to lose."
Sinamaan niya ako ng tingin.
"Itikom mo ang bibig mo. Mananalo si Johnny. Papatayin niya ang lalaking iyan." Muli ay itinuon niya ang tingin sa cage.
Naitakip ko ang kamay sa bibig ko. Leon was badly beaten inside the cage. Even if he got the knife that Johnny was holding, still that animal has more. Ang daya nila. Ang mga kutsilyo ay nakatago sa paligid ng cage. Gusto ko nang maiyak nang makita kong sinaksak sa hita si Leon. Pero hindi pa rin siya sumusuko kahit duguan na siya. Nang muling makakuha ng tiyempo si Johnny, sinugod niya si Leon at sa leeg naman pinuntirya. Bagsak sa lapag si Leon.
"'Pa, he is going to kill him." Napakagat-labi ako dahil alam kong dehado si Leon sa laban na ito.
Natawa lang si Papa at tinapunan ako ng tingin.
"That's the idea, honey. One has to die tonight. And that is not Johnny." Tumatawang ibinalik ni Papa ang tingin sa cage. Nakita kong tumingin sa gawi ko ang lalaki at alam kong nahihirapan na siya.
"Get up." Mahinang sabi ko. He cannot lose in this fight. He cannot die tonight. "Don't lose this fight. Get up." Alam kong hindi naman niya naririnig ang sinasabi ko pero para sa sarili ko ay talagang ipinapanalangin ko na manalo siya.
At lahat kami ay nagulat sa bilis ng mga pangyayari. Biglang nasa lapag na si Johnny at nakaibabaw dito si Leon. He got the upper hand now. Leon was pinning Johnny to the ground using his legs while his hands were beating Johnny's face. He punched his neck so hard that I knew could kill Johnny in an instant. Nawala ang sigawan ng mga tao. Katahimikan ang namayani sa paligid. Nakita kong ikinuyom ni Leon ang kamao niya at bibigyan ng isang malakas na suntok muli ang kalaban. I think this was his last blow. I know that was his signature to finish his opponent.
Tumatakbo na umakyat sa cage si Brandon at inawat si Leon. Agad na pinalayo kay Johnny na sa tingin ko ay naghihingalo na.
"Fight is over. Johnny loses."
Iyon ang anunsiyo ni Brandon. Lahat kami ay nagulat sa sinabi niya. Tumingin ako sa paligid at talagang naguguluhan ang mga tao. Halatang hindi handa sa nangyayari. Unang beses na ganito na may nagpahinto sa death match. At unang beses na may nagpatumba kay Johnny sa loob ng cage.
Nagsimulang magsigawan ang mga tao. Nagbu-boo. Lahat ay disappointed sa nangyayari. Hindi sila kuntento sa nakita nila. They were expecting that someone has to die tonight. Be it Johnny or Leon. They wasted so much money just to see death right before their eyes.
"There will be another fight. A rematch. But now, there won't be death inside the cage. We will let Johnny live until we got our rematch." Sabi pa ni Brandon.
Pumasok sa loob ng cage ang dalawang lalaki at inalalayan si Leon na makatayo at inilabas doon. Nang tumingin sa gawi ko si Leon ay daig ko pa ang binuhusan ng malamig na tubig.
What would happen to me?
Am I going to be his prize now that he won?
And I think that was the cue. My father stood up and held me to my hand. Hinila ako palabas ng silid at dere-deretsong tinungo ang opisina na naroon.
This was the first time that I saw my father frightened after a big death match. Sigurado ako na kinakabahan siya sa puwedeng gawin ng mga nanood kaya dali-dali siyang umalis. Pinabayaan niyang si Brandon ang mag-ayos sa gulong nangyayari doon.
Palakad-lakad si Papa sa loob ng opisina habang walang tigil sa pagtunog ang telepono niya. Ayaw niyang sagutin iyon at naisabunot niya ang kamay sa buhok. Pinipilit pakalmahin ang sarili.
Noon pumasok si Brandon sa loob at hitsurang problemado.
"What the fuck happened?" Agad na bulyaw dito ni Papa.
"Johnny fucked up. That happened," naiiling na sagot nito.
"Shit." Naihilamos ni Papa ang kamay sa mukha. "Is he dead?"
"He could be if I didn't stop the fight. I told you. That fighter is deadly. Hindi kayo nakinig sa akin."
"Who the fuck is that guy? Where did that asshole get him? Shit. What will I do? People are expecting death tonight. What would happen to the hunting game?" Lalo nang naging problemado ang hitsura ni Papa.
Kumunot ang noo ko at nagtatanong ang tingin sa dalawang lalaking nasa harap ko.
"Hunting game, 'Pa? What hunting game?" Taka ko. First time ko itong narinig sa kanya.
Tingin ko ay parang namutla si Papa sa tanong ko.
"Forget what you heard. What you need to do right now is to go home. And stay there."
"It means, hindi na ako mapupunta kay Johnny?" Hindi ko napigil ang sarili ko na hindi matuwa sa nasabi kong iyon. "Natalo siya, 'Pa. I still got my freedom, right?"
Pare-pareho kaming napatingin sa pinto nang may kumatok doon at tuluyang bumukas. Hindi ko maintindihan ang kaba na bumalot sa akin nang makita ko na naman ang lalaking iyon. Bakit ba sa tuwing naroon ang presensiya niya parang nagiging nakakatakot ang paligid? Maayos naman ang hitsura ng lalaking ito. Kalmado pero talagang nakakakaba ang persona niya.
"Mr. Venderbilt," nakangiting bati nito kay Papa tapos ay tumingin kay Brandon at tumango.
Napahinga ng malalim si Papa at masamang tumingin kay Brandon tapos ay pilit na ngumiti at sinalubong ang lalaki.
"Mr. Laxamana," nakipagkamay pa si Papa. "Greg. Greg. Sit down. Hindi kita nakita sa crowd kanina. You didn't watch how your fighter rattle the cage?" Halatang-halata na nagpipilit lang si Papa na magpaka-kaswal habang kausap ang lalaki.
Ngumiti lang ito tiningnan ang couch na nasa gilid. Marahan pa iyong hinimas na parang nililinis bago naupo. Poised na poised na parang hindi puwedeng magkamali.
"Oh, I've seen my fighter. I know he could kill Johnny. Mabuti na lang naihinto agad ni Brandon. Too bad those patrons didn't get the death that they're waiting." Dumekuwatro pa ito at tinatapik-tapik ang armrest ng couch.
Napalunok si Papa at alanganing ngumiti. "W-well, there is always a first time in everything. There would be a rematch. Right, Brandon?" bumaling si Papa sa katabi.
"Yes. When Johnny recovers there would be-"
"If Johnny recovers." Malamig na putol ng lalaki sa sinasabi ni Brandon. Nakakakilabot ang paraan ng pagkakasabi noon ng lalaki habang seryosong nakatingin kay Brandon. "What will happen to the hunting game tonight?" Kay Papa na ito nakatingin ngayon.
Nakita ko ang natatarantang tingin sa akin ni Papa at nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanila. This was the second time that I heard those words. Hunting game. I don't understand. What was about hunting game?
Umiling si Papa. "Natalo si Johnny. There won't be a celebration."
Napatango-tango ang lalaki at ngumiti. "Well, I am sorry to tell this but you can't get half of my company. My fighter fought fair. Unlike Johnny that became creative using his push dagger."
"I didn't know about that. Hindi ko inuutusan ang fighter ko na mandaya. It was all on him. It was Johnny's decision." Matigas na sagot ni Papa.
"Okay. All in all, it was a good fight. I was entertained." Napahinga ito ng malalim at tumayo na tapos ay tumingin sa akin. "Shall we?" Inilahad niya ang kamay sa akin.
Nanlalaki ang mata kong tumingin kay Papa. Ano ang ginagawa ng lalaking ito? Nakita ko rin na natataranta si Papa sa nakikita niya. Agad na lumapit sa akin.
"G-Greg. Ano 'to?" Nagtatakang tanong ni Papa.
Kumunot ang noo ng lalaki at halatang naguguluhan.
"I won, Mr. Venderbilt. And I am here to collect my fighter's prize." Nakataas ang kilay na sagot nito.
"What? No! Wala sa usapan natin 'yon." Protesta ni Papa.
Ngumisi ng nakakaloko si Mr. Laxamana. "Oh, I remember I didn't tell you the prize that I want if I win. Well, I am telling you now. I want the prize that Johnny wants. Her. For my fighter."
"Papa," naiiyak na ako sa kaba habang lumalayo sa lalaki. Demonyo talaga ito. Sigurado talaga ako sa kabila ng maamo at kalmadong persona ng lalaking ito ay nagtatago ang isang demonyo.
"Greg. Mr. Laxamana, we can talk about this. Not her. Not my daughter." Pinipilit tumawa ni Papa pero halatang kinakabahan na rin siya.
"Mukhang magkakaroon tayo ng problema, Mr. Venderbilt. You gave her away as Johnny's prize. Why can't you give her to the rightful winner and that is my fighter. You don't cross me. You don't want to know what I do with people who crosses me." Sa pagkakataong iyon ay malamig pa sa yelo ang boses ng lalaki.
"You can ask something else. Not my daughter, please." Ngayon ay punong-puno na ng pakiusap ang tono ni Papa.
"Kung ipipilit mo ang gusto mo, wala akong magagawa. Pero mapipilitan din akong sabihin sa lahat na hindi ka maayos kapustahan. Hindi ka sumusunod sa pinag-usapan. Your promotion will go down. Your billionaire clients will turn you down. They won't watch and support your expensive death match. Trust me, Mr. Venderbilt I can do that."
Tuluyan nang nahulog ang mga luha ko dahil tingin ko ay wala ng magawa si Papa. Alam kong kung papipiliin siya between sa negosyo niya at ako, mas pipiliin niya ang negosyo niya kung saan siya magkakapera.
Tumingin sa akin si Papa at napahinga ng malalim tapos ay napailing.
"I am sorry, Vie." Tonong talunan si Papa.
"'Pa! I don't even know these people." Umiiyak na sabi ko.
Pinilit magpakatatag ni Papa at tumingin kay Mr. Laxamana.
"A deal is a deal. Your fighter can have her as his prize. But there would be a rematch between him and Johnny. And if Johnny wins, he can have my daughter back." Matigas na rin ang boses ni Papa.
Iyon na naman ang mala-demonyong ngiti ni Mr. Laxamana.
"Deal." Iniabot nito ang kamay kay Papa at nagkamay silang dalawa.
And I don't have a say in this fucking situation? Ako ang involve dito. Ipinapamigay akong parang bagay ng tatay ko.
Muli ay inilahad ni Mr. Laxamana ang kamay niya sa akin. "Let's go, iha."
Umiiyak akong umiling at tumingin sa Papa ko.
"Go, Vie. Now!" Sigaw niya sa akin. "You don't want anything happen to your sister, right? Or your mom?" Tonong nagbabanta na si Papa.
Walang patid ang pagtulo ng luha ko nang tumayo at tumingin kay Mr. Laxamana. Demonyo ang tingin ko sa taong ito.
Isinenyas niyang mauna akong maglakad sa kanya. Nang makarating kami sa pinto ay huminto siya at muling tumingin kay Papa.
"And since I won, I still want to have a seat in your organization. Let me know the details about it. It's nice doing business with you, Mr. Venderbilt. You'll hear from me again soon." Pagkasabi noon ay sabay na kaming naglakad paalis doon.
Walang tigil ang pag-iyak ko habang naglalakad kami patungo sa parking. Huminto kami sa isang sasakyan at pinagbuksan niya ako ng pinto. Isinenyas na sumakay ako doon tapos ay siya ay sumakay sa tabi. Inutusan ang driver na paalisin na iyon doon.
"I am not a bad person, Vivienne. I am a businessman. And as a businessman, I need to get my share. Or my prize," mahinahong sabi nito.
"Are you going to kill me?" Lumayo pa ako sa kanya at pinahid ang mga luha ko.
Napahalakhak siya sa narinig na sinabi ko. "Kill you? Why would I kill you? Do you think I am capable of killing people?"
Muli ko siyang tiningnan at ngayon ay iba na ang aura ng mukha niya. Mukhang hindi naman nga niya kayang pumatay ng tao. Mukha naman siyang mabait.
Napahinga ng malalim si Mr. Laxamana.
"Trust me, Vie. I am saving you here. Just think about what will happen to you if Johnny wins?"
Pakiramdam ko ay nangilabot ako sa nang maisip ko ang senaryong iyon.
Sa isang bahay kami huminto. Ngumiti sa akin si Mr. Laxamana at isinenyas na bumaba na ako.
"For your freedom."
Kumunot ang noo ko. "Freedom?"
"Freedom from your father. For manipulating you." Napatawa ito. "Just get inside the house. The winner is waiting for you."
"A-ano ang gagawin ko? Anong gagawin niya sa akin?" Kinakabahang tanong ko.
Nagkibit siya ng balikat. "That I don't know. It's all about the two of you. Get out of the car." Sa pagkakataong iyon ay matigas na ang boses ng lalaki.
Dali-dali akong bumaba at pagkasara ng pinto ay mabilis na humarurot paalis doon ang sasakyan. Naiwan akong nakatayo sa harap ng bahay mag-isa.
Tumingin ako sa paligid. Puwedeng-puwede akong tumakbo at tumakas. Pero saan ako pupunta? Kanino ako hihingi ng tulong? I am alone in this ordeal. No one was going to help me but myself.
Tumingin ako sa bahay at napahinga ng malalim. Sinubukan kong mag-doorbell pero walang sumasalubong sa akin. Itinulak ko ang pinto at bumukas iyon. Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng bahay.
"Hello?" Dahan-dahan akong naglakad. Pakiramdam ko ay ako lang ang mag-isa dito. Tumingin ako sa paligid at normal na bahay lang naman ito. Kanino kaya ito? Kay Mr. Laxamana kaya o kay Leon?
"Hello?!" Ngayon ay nilakasan ko na ang boses ko.
"I can hear you."
Napapitlag ako nang marinig ko ang boses na iyon. Sa sala nanggagaling kaya doon ako pumunta. Nakita kong may imahe ng lalaki ang nakaupo sa sofa. Nang lapitan ko ay nakita kong nakaupo doon si Leon. Bugbog na bugbog ang buong katawan at mukha. Halatang nagamot na ang mga sugat nito pero first aid lang ito. Tingin ko ay kailangan pa rin nitong ma-ospital at mabigyan ng atensyong medikal.
"I-I was told to go here." Kinakabahang sabi ko. Hindi ko maintindihan ang kilabot na gumapang sa katawan ko habang nakatingin ako sa kanya na seryosong nakatingin lang sa akin. "I don't know why."
A faint smile formed on his lips.
"You don't know? Let me remind you. You are a prize. And to start things of, why don't you tell me about the hunting game?" Mahina pero mariin na sabi ng lalaki.
And that was third time now. Hunting game? I don't know anything about a fucking hunting game.
"A-anong hunting game? Wala akong alam sa sinasabi mo?"
Napa-ungol ang lalaki nang pinilit nitong tumayo at lumapit sa akin. Kahit marami siyang sugat sa katawan at alam kong nanghihina pa ay nakakatakot pa rin siya. Ang laki niyang tao. Para siyang kapre na nasa harapan ko.
"Ayoko ng magtagal ka dito. Just tell me what you know about the fucking hunting game so everything will be over," mahinang sabi niya at napangiwi na hinawakan ang tagiliran. Napatingin ako doon at kitang punong-puno ng dugo ang nakatapal na gauze doon. Pati na ang sugat niya sa bandang leeg ay nagdudugo din.
"You're bleeding," sabi ko sa kanya.
"J-just tell me about the hunt-" hindi na niya naituloy ang sasabihin at para siyang kandilang naupos sa harap ko. Bagsak sa lapag si Leon at walang malay.
Nakatayo lang ako na nakatingin sa kanya. My mind was telling me to run. To escape from this enemy, and I was about to do that when my phone rang. It was my father.
"Vie. Iha. I am so sorry for what happened." Damang-dama ko naman ang pagsisisi sa boses ni Papa.
"You gave me away, 'Pa. To these people I don't even know." Ngayon ay umiiyak na ako.
"I know. I know and it's my fault. But listen to me. That is your chance."
Kumunot ang noo ko. "Chance?"
"I don't trust Mr. Laxamana. And I don't trust his fighter. Help me to learn who they are. I know you can do it well. Pretend to be their ultimate prize. Do whatever you can do to get details about them. Can you do that?"
"'Pa. No. I can't. Baka patayin nila ako." Kinakabahang sabi ko.
"Yes, you can. And they can't kill you. I have a deal with Mr. Laxamana. Habang naghihintay tayo ng paggaling ni Johnny at ng rematch nila ng lalaking iyan, pag-aralan mo ang lahat sa kanila. Then you will report everything to me. Understand?"
Napatingin ako sa lalaking walang malay sa harap ko.
"What is about the hunting game, 'Pa?"
Wala akong sagot na narinig mula kay Papa tapos ay napahinga siya ng malalim.
"Just do what I am asking you to do." Pagkasabi noon ay pinatayan na niya ako ng call.
Napalunok ako at muling napatingin sa lalaking walang malay sa sahig tapos ay sa telepono ko.
No. I am done. I am not going to follow these men.
This was my chance to run away from them, and I am going to do it now.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top