CHAPTER SIXTEEN (Cage Girls)
If animals can behave like animals, shouldn't humans be humans?
————————
Vie's POV
And Mr. Laxamana looked dashing tonight.
Bagay na bagay ang ash gray Armani suit na suot niya. Hindi lahat ng lalaki ay kayang magdala ng ganitong damit. Pero siya, he was perfect. Considering that he was old. Well, not too old. Semi-old. Hot old. Mature. Yeah. That was the right term. Mature guy.
Even the way he smiles. Even if his face showed years of experience, it just added to the mystery that he was showing to people. Ngayon ko lang talaga napagtuunan ng pansin si Mr. Laxamana. Noong una kasi nang makilala ko siya, ang utak ko ay nasa reyalidad na mapupunta ako kay Johnny. Pero nang manalo si Leon at nag-iba ang lahat, saka ko na-appreciate si Mr. Laxamana.
"I think the event is about to start. Let's get inside."
Noon ako napatingin kay Leon. Nang tingnan ko siya ay seryosong-seryoso ang mukha niya at naglakad na palayo sa amin. If Mr. Laxamana looked dashing tonight, hindi magpapahuli si Leon. Kanina ko pa siya nakita sa bahay. Nang makita ko siyang lumabas sa kuwarto niya at nakasuot din ng suit, biglang nag-iba ang tingin ko sa kanya. He was not the animal cage fighter that I watched inside the cage thaf almost killed Johnny. Tonight, he looked like a handsome prince that can swept away any princess on her feet. He stood tall. I think Leon stands around 6'2 with perfect chiseled muscles on his body. I knew that. I've seen his semi-naked body when I nursed his wounds. And he got the perfect physique that I had seen in my life.
"What do you think this event is all about?"
Napatingin ako kay Mr. Laxamana at nakangiti siyang nakatingin sa akin. Napangiti din ako. Shit. Bakit ganito tumingin ang lalaking ito? Nakakatunaw.
"I really don't have any idea. I think my father just wanted to promote Fighter's Ring. It's always like that. Every after underground fights, he would promote the legal fights." Nakangiti kong sagot sa kanya.
"And how are you and Leon?" Tingin ko ay naging pilyo ang ngiti ni Mr. Laxamana sa akin. "He told me something. About you. Your little crush on me."
Ramdam kong nag-init ang pisngi ko at gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko nang mga oras na ito. Damn Leon. Why do he have to tell that I have a crush with Mr. Laxamana?
"M-Mr. Laxamana, I-I think Leon was just disoriented when he told you that. Of course I don't have-"
Naramdaman kong hinawakan ni Mr. Laxamana ang kamay ko habang nakatingin sa akin.
"It's okay, iha. It's normal. I get that all the time. You have a crush on me?" Nakangiting sabi niya. "It's totally okay. Don't be embarrassed."
Napabuga ako ng hangin at napailing. Christ. He was so direct to the point. At parang wala lang sa kanya na para akong ice cream na natutunaw dito dahil sa presensiya niya.
Bumaling ang tingin ko kay Leon na nasa bar area at umiinom mag-isa tapos ay tumingin ako kay Mr. Laxamana na nakangiti sa akin. Gosh. Crush ko si Mr. Laxamana at pagkakataon ko na ngayon na masolo siya, makaharap at makausap pero parang gusto ko rin na lapitan si Leon na mag-isang nasa bar area. He looked like he needed a company. He looked so alone in there. Just by himself sipping his wine, and I don't understand why my heart suddenly felt sad for him.
"Vie. What can you tell me about Leon?"
Napatingin ako kay Mr. Laxamana. "What?"
Kumunot ang noo niya. "About Leon. What can you tell me about him?"
"Well, he is short-tempered. Always cranky. When he got mad, he was like an animal, and I thought he would eat me. When I tried to help him with his wounds he-"
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko kasi malakas na tumawa si Mr. Laxamana. "As a fighter. I was asking what you can say about Leon as a fighter." Halatang pinipigil na niya ang pagtawa niya nang itanong iyon.
"Oh," ramdam kong nag-iinit na naman ang mukha ko sa pagkapahiya kaya pilit na rin akong ngumiti. "He is good. The fact that he beat Johnny, I know he is good."
Nakangiting tumatango-tango lang si Mr. Laxamana. "Would you know when will the next underground fight would be?"
"I don't have any idea." Dahil iyon naman talaga ang totoo. Wala akong alam sa susunod na gagawin ni Papa. "Mr. Laxamana, I have a question. Are you Leon's manager?"
"Manager? Me?" Umiling siya. "No. That boy works alone. He doesn't want managers and staff. He doesn't like the crowd. The fame. What he wanted was to release his anger through cage fights."
Hindi ako nakasagot at muling tumingin sa gawi ni Leon na ngayon ay nakatingin sa dalawang lalaki na nag-uusap hindi malayo dito.
"Matagal na siyang nagta-trabaho sa iyo?"
Ngumiti lang si Mr. Laxamana sa akin at pinisil ang pisngi ko.
"You live with him. You can ask him. And I am sure he is willing to tell you everything." Napahinga siya ng malalim. "About last time. I remember when we went to the orphanage that your promotion is helping, how can I do something like that?" Ngayon ay seryoso na ang mukha ni Mr. Laxamana.
"Something like, you want to help the kids?" Paniniguro ko.
"Yes. I want to share my money to those innocent kids. Mayroon bang ibang mga business associates ang papa mo na tumutulong din sa foundation na iyon? Sa orphanage?" Tanong pa niya.
"Yeah. So many. Actually, marami na ding mga bata ang nabigyan ng bagong buhay. "Yong mga naampon at alam kong nasa maayos na silang pamilya ngayon." Hindi ko mapigil ang mangiti sa tuwing naiisip kong maayos na ang lagay ng mga bata. "Do you want to see the kids that were adopted?" Kinuha ko ang telepono ko sa bag ko at hinanap ang pictures ng mga batang nakuha na sa orphanage at ipinakita kay Mr. Laxamana. "Last month, there are four kids that were adopted. Here are they." Ipinakita ko iyon sa kanya.
Tahimik lang na tiningnan iyon ni Mr. Laxamana. Titig na titig sa mga bata habang bina-browse ang mga pictures.
"Would you know who adopted them?" Tanong pa niya. Strange. Bakit biglang nagbago ang mood ni Mr. Laxamana? Ang sobrang seryoso naman. Pati ang boses. Parang nawala ang pagiging jolly.
Umiling ako. "I don't have an access for that. Si Papa at ang staff ng orphanage ang nakakaalam noon."
Tumingin sa akin si Mr. Laxamana, at hindi ko maintindihan kung bakit bigla talagang nag-iba ang mood niya. Nakakatakot na ang paraan ng tingin niya sa akin tapos maya-maya ay ngumiti. Pero halata sa ngiti na iyon na hindi siya masaya. Halatang pilit tapos ay muling kinuha ang kamay ko at hinalikan.
"Thank you for taking care of the kids, Vivienne. You did well taking care of them." Tumingin siya sa paligid tapos ay binitiwan na ang kamay ko. "I'll talk to your dad. Have fun tonight. You look really lovely." Pagkasabi noon ay tinalikuran na niya ako at dumeretso siya sa harap para mapuntahan si Papa.
Wala sa loob na hinawakan ko ang dibdib ko dahil ang lakas ng kaba noon. Nang tumingin ako sa bar area ay wala na doon si Leon. Nagpalinga-linga ako at hinanap siya. Nasaan kaya ang lalaking iyon?
Lumakad ako papuntang bar area at umorder ng wine. Tumitingin lang ako sa paligid sa pagbabakasakaling makita si Leon pero wala talaga siya doon. Pero maraming mga pamilyar na mukha na madalas kong makita sa fights. Mga malalakas pumusta. I know these people are waiting for the next fight and I don't know when that would be.
"Nakita mo ba ang kasama ni Brandon kanina? Ang cutie niya!"
Napatingin ako sa nagsalita noon at nakita kong dalawang babae na parehong seksing-seksi ang mga damit at parehong umiinom. Nagkakandahaba ang leeg ng mga ito na parang may hinahanap. Nakilala kong si Brandie at si Holly ang naroon. Napairap ako. The famous cage girls during Fighter's Ring fights. Mga pumaparada kada mag-uumpisa ang round ng each fight. Aside from the fights inside the ring, isa din ang mga ito sa highlights ng cage fights. Balita na rin na ang mga ito ang after delight ng mga nananalong fighters sa cage. At ang alam ko pa, naiti-take home din ito ng ibang mga mayayamang patrons when the price is right. Wala na kasi akong pakialam sa mga ganoong negotiations. It was all Brandon's works.
"New fighter ba iyon? Ngayon ko lang kasi siya nakita. Have you seen his face? Black and blue but still he looks so hot." Halos tumirik pa ang mata ni Holly nang sabihin iyon bago uminom sa hawak na baso ng wine. "Pang ang sarap mambugbog sa kama."
Tumaas ang kilay ko at napatigil ako sa gagawin kong pag-inom ng hawak kong wine. Muli ko silang tinapunan ng tingin. Black and blue face? Si Leon ba ang tinutukoy nila? Si Leon lang naman ang mukhang nakipag-basagan ng mukha dito ngayong gabi.
"I think he is negotiating with Brandon. Naku, kapag naging fighter siya sa Fighter's Ring, siguradong matitikman ko na siya." Kinikilig na sabi ni Brandie. "Payag akong magpatali, magpasabunot at magpabugbog sa kanya basta nasa kama kami."
"Excuse me, bago ikaw, ako muna. Lagi ka na lang nauunang tumikim sa mga fighters." Inirapan pa ito ni Holly.
Lalong tumaas ang kilay ko.
Excuse me. Bago kayo, ako muna. Mga ilusyunadang ito.
Naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko sa naisip na iyon. Oh my God. Why would I think about that? With Leon? No.
Shit. Kung ano-ano na tuloy ang pumapasok sa isip ko. Nakita kong kinakawayan ako ni Papa kaya umalis ako doon at lumapit sa kanya. Ayaw ko na rin namang marinig pa ang kaartehan ng mga babaeng iyon.
"You look pretty tonight, iha. It looks like Leon knows how to take care of his prize." Makahulugang sabi ni Papa. Humalik siya sa pisngi ko pero hindi ako tuminag.
"What is this event about, Papa?" Seryosong tanong ko.
Tumingin sa paligid si Papa. "Kailangan nating ibenta ang Fighter's Ring. Good thing people are still loving the game." Sumeryoso ang mukha niya. "And I have to make some adjustments because of what happened last time. Nagrereklamo ang mga patrons sa nangyari sa last underground fight. They couldn't believe of Johnny's loss. Marami ang natalo sa pustahan."
Hindi ako sumagot at tumingin sa bar area. Napakunot ang noo ko. Naroon na si Leon at kasama nito si Brandon. Kausap na ang dalawang babaeng naririnig kong kinikilig lang sa lalaking iyon kanina.
"Have you talked to Leon? What did he say?"
Wala ang atensyon ko sa sinasabi ni Papa. Ang mata ko ay nakapako sa bar area habang parang mga bulateng inasinan ang dalawang babae na nakikipag-usap kay Leon. Ang ganda ng ngiti ni Brandon at si Leon naman ay pangiti-ngiti lang din habang nakikipag-usap sa mga babae.
"Did he say yes?"
Nagtagis ang mga ngipin ko nang makita kong dumikit pa si Holly kay Leon at hinahaplos ang mukha nito. Tinitingnan ang mga sugat at pasa na naroon. Those bitches! Ang lalandi!
"Vie, I am asking if Leon said yes to my offer." Hinawakan pa ni Papa ang mukha ko at iniharap sa kanya.
"What?" Taka ko.
Sumimangot ang mukha niya sa akin.
"Huwag kang tatanga-tanga. Gawin mo ang dapat mong gawin. Kailangang mapunta sa atin si Leon. He could be my next milking cow. And about the orphanage, did Mr. Laxamana talk to you about the kids?"
"Yes. He wanted to give donation for the foundation. He wanted to visit them again."
Tumango-tango si Papa. "Sige. Pagbigyan mo. That old man has some money, and we need to get his money." Tumingin sa likuran ko si Papa at ngumiti tapos ay may kinawayan. "I have to go to Governor Ancheta. He is going to introduce me to Senator Padilla. He could be our next biggest sponsor for the upcoming Fighter's Ring fight." Pagkasabi noon ay iniwan na ako ni Papa.
Napahinga na lang ako ng malalim at muling napatingin sa gawi ng bar area. Napasimangot ako nang makitang dikit na dikit na nag-uusap si Holly at Leon. It seems like he enjoys flirting with those bitches. Well, good for him. Now he could have the good fuck that he desperately needed.
Nagulat ako nang biglang may pumulupot na braso sa baywang ko kaya agad akong napalayo sa gumawa noon. Nakita kong si Johnny ang gumawa noon. Like Leon, his face was also black and blue. May c-collar na nakakabit sa leeg nito pero halatang naka-recover na rin mula sa fight nito.
"I missed you," muli ay ipinulupot niya ang kamay sa baywang ko at akmang hahalikan ako pero mabilis ko siyang itinulak.
Nanlisik ang mata ni Johnny sa akin at marahas akong hinila palapit sa kanya. Mariin na hinawakan ang pisngi ko.
"Pumapalag ka na?" Parang demonyo ang hitsura ni Johnny habang halatang gigil na gigil sa akin. "'Tangina ka, nanalo lang ang demonyong Leon na iyon at napunta ka sa kanya, umarte ka na. Tumapang ka na. Why? Did he fuck you already kaya ganyan ka na umarte?" Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa pisngi ko at lalong inilapit ang katawan sa katawan ko. He was grabbing my ass. Squeezing it. He was letting me feel his hard-on against my thighs and I wanted to vomit.
"Get off me, Johnny." Pilit akong kumakawala sa kanya. Kung noon ay hindi ko magawang lumaban sa ginagawa niya, ngayon ay hindi ko na siya hahayaang bastusin ako ng ganito. I am not his prize anymore.
"Fuck you, Vie. Huwag kang masyadong maarte. Kahit nalawayan ka na ng animal na si Leon, titikman pa rin kita. Magiging akin ka pa rin. I am going to fuck you raw. Fuck you until you cannot walk anymore."
Napapikit ako sa pandidiri nang dilaan niya ang leeg ko paakyat sa pisngi ko.
"Get off!" Malakas ko siyang itinulak at sa pagkakataong iyon ay napalayo na siya sa akin.
And I wanted to cheer that I did that. Pero mali. Hindi ako ang gumawa noon. Someone pulled Johnny away from me, and I don't know why I felt so afraid while looking at the man who did that.
Because standing in front of me was Leon, looking furiously at Johnny with his fists rolled into a ball.
"Move away from her if you still want to live."
Pakiramdam ko ay nanindig ang balahibo ko sa baba ng boses ni Leon. It was more like a growl. He looked like a predator ready to launch to his prey and kill it instantly. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at tumingin ako sa paligid. May ilang mga tao na ang nakatingin sa gawi namin.
Tumawa lang si Johnny at umiiling-iling.
"You think you can beat me again? Naka-suwerte ka lang 'nong nakaraan." Tatawa-tawang sabi nito.
Hindi kumibo si Leon at nanatiling nakatingin lang kay Johnny. At nakakatakot ang tingin na iyon ni Leon. Tingin pa lang ay parang mangangain na ng tao.
"Did you enjoy fucking my prize? It was her first time, right? Did she like it rough? Trust me, she doesn't like to be treated nicely. She wanted to be fucked like an animal. Like she was the lowest of the low. A woman like her should be-"
Hindi na naituloy ni Johnny ang mga sinasabi dahil umigkas na ang kamay ni Leon at dumapo sa mukha nito.
And everything happened so fast.
The next thing I knew, people were encircling us, cheering, yelling while these two men were fighting like animals both wearing their suits.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top