CHAPTER SIX (Weigh-In)

The loneliest moment in someone's life is when they are watching their whole world fall apart, and all they can do is stare blankly. - F. Scott Fitzgerald (The Great Gatsby)

-------------------------------------------------

Vie's POV                 

            "Wear this."

            Tumingin ako kay Papa na pumasok sa kuwarto at may dalang red evening gown. Sa totoo lang napakaganda ng damit na iyon. Halatang mamahalin. Nang pahagis na ibigay iyon sa akin ni Papa ay nakita ko ang tatak. YSL. Kailan pa natutong bumili si Papa ng mga ganitong klaseng damit? Wala itong pakialam pagdating sa pagdadamit ng babae. Although alam naman niyang lagi akong presentable sa lahat ng meetings at gatherings na bitbit niya ako. At kailangan kong maging maganda sa mga pagtitipon na ganoon, ako ang bumibili ng mga damir ko. Pero ngayon ay ibinili niya ako ng damit? Saglit akong nag-isip. Ano ang meron ngayon?

            "Go now. Move. Wear it. We don't want to be late for the weigh-in." Dama ko ang iritasyon sa boses ni Papa habang nakatingin sa cellphone niya at nagpipipindot doon.

            Alam ko naman na wala akong magagawa kundi sumunod sa utos niya. Walang gana kong kinuha ang damit at pumasok sa banyo para magbihis. Ngayon nga pala ang weigh-in. Ngayon makakaharap ni Johnny ang makakalaban niya sa fight next week. Gusto ko na naman maiyak nang maisip iyon. Pakiramdam ko ay nalalapit na ang paghuhukom sa buhay ko kapag nangyari ang fight na iyon. Habang-buhay na akong magiging bilanggo kay Johnny.

            Tiningnan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin habang suot ang pulang evening gown. The dress was really stunning. The strapless gown design complimented my shoulders my long neck. The way the dress fitted on my body showed that I really got nice curves. I should be proud because I looked beautiful in this gown. But instead, I felt worthless. Because I knew, my father wanted me to look pretty tonight was just for a show. To brag everyone that he got a beautiful daughter. The daughter that he gave to the devil Johnny Jones.

            Inalis ko sa pagkakatali ang buhok ko. Pinabayaan ko iyong lumugay. Lalo kong tiningnan ang mukha ko sa salamin. Those sleepless nights already paid off. My skin was so dry. I got bags under my eyes. My color was pale. And my eyes. I don't see any life in there anymore. Being with Johnny was sucking the life out of me. He was draining my energy.

            Napapitlag ako nang makarinig ako ng malakas na katok sa pinto.

            "Move fast. The event is about to start." Boses ni Papa iyon.

            "Give me a minute, 'Pa." Sagot ko sa kanya.

            Dinampot ko ang liquid foundation at ipinahid sa mukha ko. Isinunod ko ang loose powder. Matatakpan naman ng make-up ang walang buhay kong mukha. Sinunod ko ang sinabi ni Papa. I should be beautiful tonight. At least, kahit mapupunta na ako sa impiyerno, maganda pa rin ako.

            Nang lumabas ako sa silid ay saglit akong tiningnan ni Papa. Mula ulo hanggang paa tapos ay napatango-tango siya. Halatang umaayon sa hitsura ko. Sinenyasan niya akong sumunod sa kanya palabas ng silid. Dumeretso kami sa garahe at doon ay naghihintay na ang sasakyang magdadala sa amin sa event ngayong gabi.

            Tahimik lang ako habang nasa biyahe kami. Si Papa ay walang tigil sa pakikipag-usap sa telepono. Tawag tungkol sa legal fights ng Fighter's Ring. Wala namang pakialam si Papa doon. Naririnig kong sinasabihan niya ang assistant niya na ito ang mag-asikaso ng press. Alam kong mas importante sa kanya ang Death Match. There were more rich people that were waiting for that deadly fight.

            Napahinga siya ng malalim nang matapos makipag-usap. Tapos ay mahinang napamura nang muling tumunog ang telepono niya. Halatang iritable na si Papa pero napilitan pa rin siyang sagutin ang telepono niya.

            "Johnny," kahit ang pagngiti ni Papa ay pilit na pilit. Saglit itong tumahimik at tumatango-tango lang. Tinapunan pa ako ng tingin tapos ay muling tumatango-tango. "Yes, she's wearing the dress that you wanted her to wear. Wala naman siyang magagawa doon."

            Naikuyom ko ang kamay ko. Damn, Johnny. Hindi pa kami mag-asawa talagang ginagawa na niya akong tau-tauhan niya.

            "Yes, papunta na kami. Johnny, why don't you just wait there and focus on yourself? Remember, it's the weigh-in tonight. You should be in your best shape. You will meet your opponent. You should be ready. Kahit alam kong kayang-kaya mong patumbahin kung sino man iyon, at least be prepared." Halata sa boses ni Papa na gusto na niyang matapos ang usapan nila.

            Napahinga na lang ako ng malalim at tumingin sa labas ng sasakyan. Napangiti ako nang maalala ko si Mama at Vexie. At least nakita ko sila. Nalaman kong maayos ang kalagayan nila. Ang kapatid ko ang laki na. At the age of six ay marunong ng bumasa at sumulat kahit nga nasa bahay lang siya.

            Kung natatamasa ko ang lahat ng karangyaan sa piling ni Papa, kabaligtaran iyon ng Mama ko at ng kapatid ko. They were like a prisoner inside where they were staying. Guwardiyado ng mga bodyguards ni Papa. Kapag pumupunta nga ako doon, nilalagyan pa ako ng blindfold para hindi ko malaman kung saan ang way. Gustuhin ko man silang iligtas at ialis doon ay hindi ko magawa. Because like them, I was also a prisoner in my father's home.

            Malakas na bumuga ng hangin si Papa at naiiling na ibinulsa ang telepono. Tumingin din siya sa labas ng bintana. Halata sa kanyang nag-aalala siya.

            "You're worried." Puna ko.

            Tinapunan niya ako ng tingin at pilit na ngumiti sa akin tapos ay umiling.

            "No. I am not. Actually, I am excited. Tonight is the weigh-in of the most talked about fight in the underground cage. There are so many personalities invited and they are all going there."

            Hindi ako ngumiti sa kanya.

            "What if Johnny loses in his upcoming fight?" Hindi ko na natiis na hindi itanong iyon.

            Ngayon ay sumama na ang tingin sa akin ni Papa.

            "He will not lose. He is Johnny Jones. Johnny Jones doesn't lose." Buong-buo ang kumpiyansa ni Papa. Napakalaki ng tiwala sa walanghiyang iyon.

            "Just look at the worst that might happen. Something happened and Johnny loses. Anong gagawin mo? There are billions of pesos at stake and my life is on the line. What will happen to me if Johnny loses? Because it would only mean that if he doesn't win, I'll be free."

            Hindi agad nakasagot si Papa. Mukhang kahit siya ay walang plan B kung matatalo si Johnny.

            Bahagyang dumukwang sa akin si Papa.

            "Johnny is not going to lose. He will win his fight and you will be his wife. That's what will happen." Mariing sagot niya. Inayos na niya ang sarili niya dahil malapit na kami sa venue. Napakarami ng sasakyan ang nakaparada sa labas ng abandoned warehouse na iyon.

            Nang huminto ang sasakyan ay agad na bumaba si Papa. Ang driver ang umalalay sa akin pababa tapos ay sabay na kaming pumasok ni Papa sa loob ng warehouse.

            Tulad ng dami ng sasakyan sa labas, ganoon din ang dami ng mga taong naroon. And this was not even the fight itself. Weigh-in pa lang. Maghaharap pa lang ang dalawang maglalaban tapos ganito na kadami ang tao? What happened to being discreet?

            "Ayos na ba ang security? Ang mga buwaya sa station nabigyan ba? Ayaw ko na magkakaroon ng trouble mamaya. The show should be spotless." Si Brandon ang nakita kong kausap ni Papa.

            "Yes, Mr. Vanderbilt. Everything is settled. I promise there will be no technicalities tonight." Damang-dama ko na proud si Brandon para sa mga nagawa niya ngayong gabi. Kitang-kita naman kasi ang success.

            "Have you heard about Johnny's opponent? Nakita mo na? Have you seen him fight?" Tanong pa ni Papa habang naglalakad patungo sa harap. May ilang bakanteng silya doon na para sa mga VIP's.

            "No. Mr. Laxamana doesn't want to give the identity of his fighter. Even tiny detail. Even the name he doesn't want to give it to me. But I am sure, that is no name fighter that he got..." tumawa pa ng nakakaloko si Brandon. "wannabe fighters. I am sure, he will definitely go to hell during the fight night."

            "All right. Make sure everything is ready. I want these people to have a little dose of entertainment that they could get on the fight night." Iyon na lang ang sagot ni Papa at naupo na kami para maghintay na mag-simula ang weigh-in.

            Ilang beses na rin naman akong naka-dalo sa ganito. Sandali lang naman ito. Ipapakilala ang mga fighters, maghaharap. Sisiguruhin na pasok ang bawat timbang sa weight requirement para sa laban na ito. Kahit underground fight, my father still makes sure na kung ano ang proseso sa legal fights, ganoon din ang ginagawa dito. Ang kaibahan nga lang ay ang rules. Because in Death match, there are no rules.

            Nakakaramdam na ako ng pagkainip. Ang tagal magsimula para matapos na. Gusto ko na lang umuwi. Isa-isang nagdadatingan ang mga kilalang personalities na invited ni Papa. Politicians. Billionaires. May mga artista pa. Everyone of these people signed an agreement that they cannot tell everyone about the illegal fights. My father has the means of tracking them down if they didn't follow what was in the agreement.

            Hanggang sa makita ko ang may-edad na lalaking kasama sa meeting namin noong nakaraan. I couldn't forget his cold stare. Pakiramdam ko si kamatayan siya na nag-suot lang ng mamahaling suit at expensive leather shoes tapos biniyayaan ng guwapong mukha. He was old, but definitely he still got the charisma that I knew can make any woman swoon down on his feet.

            "Mr. Venderbilt," nakangiti nitong bati kay Papa. Agad na tumayo ang tatay ko at nakipag-kamay sa lalaki. "Miss Venderbilt," baling niya sa akin.

            Pilit lang akong ngumiti at iniiwas na ang tingin sa kanya. Bahala na sila ni Papa mag-usap. Naupo siya sa tabi ko para makatabi din niya si Papa. Narinig kong Greg ang pangalan ng lalaki at nagkukuwentuhan na silang dalawa tungkol sa mga fighters. Siya nga pala ang nagdala ng fighter na makakalaban ni Johnny.

            Umiikot ang mata ko sa sobrang build-up ni Papa kay Johnny. Ang lalaking Greg naman ang pangalan ay tumatango-tango lang. Pero mukhang sinasakyan lang ang mga sinasabi ni Papa. Hindi man lang kinokontra ang sinasabi ng tatay ko. Hindi man lang sinasabi na magaling ang fighter niya. Hindi ba siya excited na manalo ang fighter niya sa laban na 'to? Half of his businesses were at stake.

            Pare-pareho kaming napatahimik nang marinig namin na nagsalita ang announcer. Ipinapakilala ang mga bigating taong naroon. Ang dami-dami. At naipagpasalamat ko nang natapos na iyon at ipinapakilala na ang fighter na makakalaban ni Johnny.

            "Is your fighter good? Hindi ko yata naririnig na ipinagmamayabang mo siya. Are the patrons will going to have a good entertainment during fight night? Baka naman wala pang five seconds, knocked out na agad ang fighter mo." I could sense a tone of mockery from my father's voice. Pero nang tapunan ko ng tingin ang lalaking Greg ang pangalan, wala akong makikitang pag-aalala sa mukha niya. Poised na poised. Tipong walang iniintindi. Walang kinatatakutan.

            "He's good. That's all I can say. And trust me, you and your patrons will get the memorable entertainment that they always wanted." Nakangiting sagot nito habang nakatingin sa stage.

            "What's the name of your fighter?" Tanong pa ni Papa.

            "Leon Deaver Kaestner!" Waring iyon ang sagot sa tanong ni Papa nang i-announce ng nagbo-voice over ang pangalan ng makakalaban ni Johnny.

            Lahat kami ay napatingin sa pinanggalingan ng lalaking tinawag. Maya-maya ay may lumabas na lalaking naka-black hoodie at black compression shorts. Naka-paa. Walang entrance song. Walang nagchi-cheer na mga tao para dito. Bulungan lang ang mga taong naroon. Kasunod nito ang dalawang lalaki na nakakatakot din ang hitsura. Big, tall guys that stands around six feet. Katulad din ng height ng lalaking tinawag.

            Pumuwesto sa gitna ng stage ang lalaking tinawag. Nakikita kong kinakausap ito ng ilang attendants na naroon. Sinasabihan na hubarin ang hoodie at ginawa naman nito.

            At hindi ko maintindihan ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang makita ko ang lalaking makakalaban ni Johnny.

            Hindi ako puwedeng magkamali. Siya ang nakita ko na may kasamang dalawang bata noong nakaraan. They were eating ice cream. I cannot forget how happy he looked with those little girls. They were a picture of a perfect family.

            And he will fight Johnny?

            Parang gusto kong masuka. Pakiramdam ko ay bumabaliktad ang sikmura ko. Gusto kong maiyak dahil ngayon pa lang ay naiisip ko na ang mga batang kasama niya. Those beautiful girls. The smile on their faces while looking at their dad. Ngayon pa lang ay naiiyak na ako. Because I knew, if this man loses, those kids will become orphans at a young age.

            The man seriously stand in the middle of the stage. He removed his hoodie and the only thing on his body was the compression shorts that he was wearing. I was used to see muscled men in front of me, but this man, his body was like sculpted perfectly. No tattoos on his skin unlike Johnny that has lots of ink on his body. Very different from those fighters that I've seen inside the cage. This man looked so calm. But I knew that kind of calmness was hiding something sinister. No men in their right mind would enter this kind of life especially those with children. But this guy, I knew behind his calm persona, he was hiding something. Something evil that even Johnny couldn't take.

He was just looking down following every order that those men on the stage was instructing him to do. He was instructed to go to the weighing scale, and he did. Then I saw someone held a thumbs up for everyone to see. It meant that he passed the weight limit.

            "That's your fighter?" Paniniguro ni Papa.

            "Yes." Hindi tinapunan ng tingin ni Mr. Laxamana si Papa. Nanatiling nakatingin lang ang may edad na lalaki sa stage at tumatango-tango.

            "He looks good. I think it will be a good fight between him and Johnny." Kita kong nakangiti na si Papa. Alam kong kapag ganito na ang ngiti niya, nasisiguro na niyang successful ang event niya.

            Maya-maya ay tinawag na si Johnny. Napa-rolyo ako ng mata nang tumugtog sa paligid ang walkout song niya. Eminem's 'Till I Collapse. I knew the drill. He would walk slow until he hears people cheering for his name. Then he will run towards the stage and will shout so loud. Like he was the king of this place. So much freaking drama.

            But this time, it was different. Johnny was holding a bunch of flowers. He still ran, but he didn't go to the stage immediately. He went directly to me and gave me the bunch of flowers.

            "The fight is for you, my love. I am going to suck the life out of that son of a bitch next week." Nakangising sabi ni Johnny sa akin tapos ay dumeretso na siya sa stage. Napakayabang na nagtatalon doon. Sumisigaw. Ang sangkaterba niyang assistant ay pinaalis pa ang grupo ng kalaban niya. Pina-puwesto sa isang gilid para nasa kanila ang buong stage. Sumisenyas pa siya sa mga tao na i-cheer at isigaw ang pangalan niya. And people were chanting 'Johnny' and 'Johnny Kills' repeatedly.

            Pakiramdam ko ay gumapang sa buong katawan ko ang takot sa naririnig ko. At gusto kong kausapin na ang lalaking katabi ko at sabihin sa kanya na huwag na niyang palabanin ang fighter niya. Baka hindi niya alam na may mga anak ito at magiging ulila kung mamatay ang fighter sa cage. I cannot bear the thought of those two beautiful children will be orphaned because of this nonsense game. But people were still shouting Johnny's name. I felt people were chanting the name of the devil himself. They were rooting for him to kill an innocent man.

            But when I looked at Johnny's opponent, I felt everything stood still.

            The last time I saw those eyes, I could remember I saw happiness. Life. But right now, there was nothing in it. Just a cold stare to something that he despises.

            And he was looking directly into me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top