CHAPTER SEVENTEEN (Brawl)

It is not enough to conquer, one must learn to seduce.

—————————

Leon's POV

            Nakatingin lang ako sa kamay ko habang dumudugo iyon at nililinis ni Brad. Hindi din naman siya nagsasalita. Tahimik lang siyang isa-isang inaalis ang mga bubog na nakabaon doon. Just like the old times. When I was still his fighter. And every after fight he was the one who's going to attend to my bruises and wounds.

            "What happened to you?" Ako na ang hindi nakatiis na magtanong sa kanya.

            Tinapunan ako ng tingin ni Brad tapos ay natawa at patuloy pa rin sa paglilinis ng mga sugat ko sa kamay. Ngayon ay binubuhusan na niya iyon ng Betadine.

            "I need to survive," maikling sagot niya.

            "You need to survive? After what happened in that shootout. I thought you were dead. Me and mom. Wala kaming balita sa iyo. And you even changed your name." Sagot ko sa kanya.

            Ngayon ay seryoso na siyang tumingin sa akin tapos ay huminga ng malalim.

            "Hell happened at ayokong madamay kayo sa gulo kaya nagtago na lang ako. Lahat ng ipinundar ko sa mga fights na iyon ay nawalang parang bula. I thought I was going to die. Fuck. I can still remember those bullets everywhere. I don't even know who those people were. Hindi ko alam kung paano nila nalaman ang tungkol sa underground fights." Muli siyang tumingin sa akin. Wala naman akong nakikita sa mukha niya na may hinala siyang may alam ako sa shootout na iyon pero nakaramdam pa rin ako ng konsensiya. Alam ko kung gaano kaimportante ang fights na iyon sa kanya. "But I am glad that you are not there." Patuloy niya at ngumiti siya ng mapakla sa akin. "I am so sorry about what happened to Norman."

            Hindi ako sumagot. He didn't see me but I was there when we raided the fight. I was the one who killed his partner that killed my friend.

            "Kailangan kong magtago. Hina-hunting ako ng mga may pusta sa fights. They wanted their money pero anong ibibigay ko? Everything I have was seized. I was in the dark place those years until I met Mr. Venderbilt. He gave me another shot for this life." Paliwanag niya at ngayon ay nilalagyan na niya ng mga ointment ang mga sugat ko sa kamay.

            "Do you trust him?" Tanong ko sa kanya.

            Kumunot ang noo niya. "Who? Mr. Verderbilt. Yes. With all my life. Siya lang ang taong tumulong sa akin para makabalik ako sa ganitong laro. And I gave him his ultimate fighter. Trained the best for him. Johnny." Tumaas ang kilay niya sa akin tapos ay natawa. "That you beat to the ground." Napa-tsk-tsk siya. "You are still the animal, Leon. After all these years. Your fist can still kill anyone." Tumingin siya sa akin tapos ay binabalutan na ng benda ang kamay ko. "How about you? What happened to you?"

             Nagkibit ako ng balikat. "Nothing special." Pagsisinungaling ko. Of course my stint in the agency was special to me but I cannot tell anyone what I did the past years. "I got my girls. Anna and Elsa."

            "Your girls? What about Kelsey? 'Di ba siya ang dahilan kaya mo ginive-up ang pagiging underground fighter."

            "It didn't work out." Iyon na lang ang naisagot ko.

            "For real? Sayang naman. Imagine giving up everything for her tapos mauuwi lang sa wala." Tumingin siya ng makahulugan sa akin. "I told you. That woman was bad news. Walang mabuting maitutulong sa career mo. But I guess you're still in the game. I've seen your moves and it got better. Wala pang nakakatalo kay Johnny, and you beat him like a pulp."

            "Because he is an asshole." Naalala ko na naman ang mga pandarayang ginawa ng lalaking iyon 'nong fight namin kaya nabubuwisit na naman ako. "Your fighter is a cheater. He stabbed me."

            Sumeryoso ang mukha ni Brad. "He did what he had to do to win. You know there are no rules inside the cage in an underground game." Tonong nagpapaalala ito.

            "But knives? Fuck, Brad. You know that's unacceptable. You didn't teach me to fight like that."

            "Fighters are evolving. Games are changing. Patrons wanted more blood. More death." Ngumiti ng mapakla si Brad. "Akala ko nang mapunta ako kay Mr. Venderbilt at mahawakan ang Fighter's Ring, magiging maayos na ang lahat. I am going to handle legal fights. But still here I am. Fixing games for the underground Death Match. People are ruthless, Leon. Especially those people who have money. They can buy everything. People. Happiness. Lives. And we cannot do anything about it. Money and power are everything in this kind of game. No one can say no because it will be your life on the line if you say no." Makahulugang sabi niya.

            "What do you mean? There are more happenings other than the underground fights?" Sigurado ako na may alam din si Brad tungkol sa hunting game pero siguradong hindi niya iyon sasabihin sa akin. Tama si Ghost. May mas matataas na tao ang nasa likod ng kagaguhang iyon.

            Napa-aray ako dahil humigpit ang pagkakatali ni Brad ng benda sa kamay ko.

            "Just keep in your mind that people are brutal." Napapailing siya. "More brutal than your opponents inside the cage. And me, us cannot do anything about it. It's dark. More deadly." Napahinga siya ng malalim tiningnan ang kamay ko. "There. It's good. Sa susunod mag-iingat ka. Your hands are your power kaya hindi puwedeng masira ang mga iyan." Tumayo na si Brad kaya ganoon na din ang ginawa ko. "So, how are you and Vivienne? How is your prize?" Ngumiti ng nakakaloko sa akin ang kapatid ko.

            "She's okay." Iyon na lang ang naisagot ko.

            "What do you mean she's okay? Okay like she's good in bed or okay she's wild in bed?"

            Hindi ko maintindihan kung bakit parang nag-init ang ulo ko sa tanong niya. Ganoon ba talaga ang tingin nila kay Vie? Para talagang gamit lang na puwedeng ipamigay kahit kanino.

            "I didn't touch her." Sagot ko sa kanya.

            Halatang nagulat si Brad sa sagot ko. "What? You didn't what?"

            "I didn't touch her. I don't want." Umiiling pa ako.

            Sinalat niya ang noo ko na parang tinitingnan kung may lagnat ako kaya inis kong pinalis ang kamay niya.

            "Are you fucking sick? Your prize is a beautiful and sexy woman, and you haven't touch her yet? You know that Johnny was going to kill anyone just to have her." Tonong nagpapaalala siya sa akin.

            "Too bad she's with me and I can do anything I want to my prize. And right now, I don't want to touch her."

            "The fuck. That's fucking strange. Ikaw pa? Na nakilala ko na after every fight kailangang may babae sa tabi mo at sa kama mo. Ilang cage girls ang niyayari mo noon? I think everyone. And now, you didn't fuck someone after you won?" Talagang hindi makapaniwala ang kapatid ko sa naririnig na sinabi ko.

            "It's none of your business, Brad." Sabay kaming naglakad para makalabas at muling bumalik sa events hall.

            "Fuck you, Leon. What the fuck is wrong with you? Ganyan ba ang epekto ng fatherhood? Nagiging bobo na sa sex? Let me remind how you were like an animal when you were fighting for me. Women were dying to be in your bed." Nang-aasar ang tono niya sa akin. Dumeretso kami sa loob ng events hall at naglakad kami papunta sa bar area. May kinawayan si Brad na mga babae doon at nang makalapit. "These are the lovely ladies of the cage. Brandie and Holly." Pakilala niya sa akin ng dalawang babae. "Game ang mga iyan. Isang kalabit mo lang sasama sa iyo 'yan lalo pa nga at ikaw ang nakatalo kay Johnny." Bulong niya sa akin.

            Agad na nakangiti ang mga ito sa akin. Ang Holly na ipinakilala sa akin ay agad na lumapit at pumulupot ang kamay sa braso ko.

            "Ang galing-galing mo naman sa cage, Leon. Grabe ang mga moves mo. Imagine natalo mo si Johnny. Wala pang nakakatalo 'don," ngiting-ngiti ang babae habang nakatingin sa akin. I knew she was flirting but my attention was brought at the side of the stage. Hindi ko na nga naintindihan ang ibang mga sinasabi ng babae dahil talagang nakapako ang tingin ko doon.

            Dahil nakita kong magkausap si Johnny at si Vie.

            Agad na kumuyom ang kamay ko nang makita kong dinikitan ni Johnny si Vie. At talagang umiiwas ang babae. Pakiramdam ko ay umakyat ang dugo sa ulo ko nang makita kong hawakan ni Johnny sa mukha si Vie at idikit pa ang katawan dito. Wala sa loob na tinabig ko si Holly palayo sa akin at iniwan sila. Hindi ko intindi ang pagtawag ni Brad sa akin. Ang mga mata ko ay nakatingin lang sa gawi nila Vie. Lalo akong nagngitngit nang dilaan pa ni Johnny ang leeg ni Vie at talagang itinutulak ito ni Vie.

            Halos liparin ko ang lugar nila. At nang makalapit ako ay agad kong hinablot si Johnny palayo kay Vie.

            "Move away from her if you still want to live." Nanliliit ang tingin ko kay Johnny. Talagang para akong toro na manunuwag habang nakatingin sa kanya.

            Wala akong pakialam kung maraming mga tao ang nakatingin sa amin. Hindi niya iyon puwedeng gawin kay Vie. Wala siyang karapatan. He fucking lost the fight. Ako ang may-ari kay Vie.

            Lalo akong nabuwisit nang tumawa si Johnny nang parang demonyo habang umiiling-iling.

            "You think you can beat me again? Naka-suwerte ka lang 'nong nakaraan. You did a fucking cheap shot." Tatawa-tawang sabi niya sa akin. Halatang nagmamalaki sa mga taong ngayon ay nakatingin na sa gawi namin.

            Hindi ako nagsalita. I just wanted him to get lost. Away from me. Away from Vie para wala nang gulong mangyari. The last thing I wanted to happen was to kick his ass again.

            "Did you enjoy fucking my prize? It was her first time, right? Did she like it rough? Trust me, she doesn't like to be treated nicely. She wanted to be fucked like an animal. Like she was the lowest of the low. A woman like her should be-"

            That's it.

Talagang nagdilim na ang paningin ko. And the last thing I knew, I was on top of Johnny and I was beating him again. Punching his face over and over. Even if he was punching me too. He knew where to hit me. He was punching me on my side. He was punching the stab wound that he gave me, and it was too painful. But it was okay. There was pain, and it was okay. I was not seeing anything. It was all blank. It was like my fists had its own mind and it needed to punch something.

I didn't mind the yelling of people around us. It was ear piercing. Shouting my name. Johnny's name. It was like a chant, but I didn't mind. All I wanted to do was to beat this asshole again until he was not breathing at all.

"Jesus Christ, Leon. Stop!"

Hindi ko alam kung sino ang nagsalita noon tapos ay naramdaman kong may humila sa akin palayo kay Johnny.

Humihingal ako habang nakatingin sa kanya. Duguan ang mukha at ang sama ng tingin sa akin. Ang benda sa kamay ko ay punong-puno din ng dugo. Nakakabingi ang sigawan ng mga tao. Pakiramdam ko ay nasa loob ako ng cage at pinapanood habang nakikipagbugbugan sa kalaban ko.

"Fuck you!" Malakas na sigaw ni Johnny sa akin habang pilit siyang tumatayo.

            Akma ko siyang susugurin uli pero pinigilan na ako ni Brad. Pumuwesto ang kapatid ko sa gitna namin ni Johnny.

            "Gentlemen, not here. Settle this inside the cage. On your next fight." Papalit-palit ang tingin ni Brad sa amin ni Johnny.

            "I am going to kill you!" Sigaw pa rin ni Johnny.

       People were screaming. More. More. That was what I heard. They wanted to see me and Johnny fight here. And I think Johnny wanted it too. He was looking at those people. Telling everyone that he was going to kill me this time.

            Napatingin ako kay Vie at nakita ko siyang nakatingin lang sa akin. Inis kong tinabig ang kamay ni Brad na umaawat sa akin at nilapitan si Vie. Hinawakan ko siya sa kamay at pinasunod ko sa akin para makalabas kami sa events hall na iyon. Wala akong pakialam kahit makaladkad na siya. Hindi ko pinakinggan ang mga tumatawag sa akin. Ayaw ko nang magtagal pa doon dahil talagang makakapatay na ako.

            Nanginginig ang buong katawan ko sa galit habang palabas kami ng hall ni Vie. Ang higpit ng hawak ko sa kamay niya. Wala akong pakialam kung masaktan siya. Johnny was hurting her too pero mukhang hindi naman siya nagrereklamo doon.

            "L-Leon, wait. A-aray." Ngayon ay naramdaman kong huminto na siya kaya napahinto na rin ako at napilitan akong lingunin siya. Pilit siyang kumawala sa akin at nang magawa ay marahang hinihilot ang pulsuhan na hawak ko kanina.

            Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Don't tell me you still want to go back there." I said that in between my teeth. Nang tumingin ako sa pinanggalingan namin ay nakita kong may mga taong nakatingin sa gawi namin.

            "You are hurting me." Reklamo niya.

            Napahinga ako ng malalim at napailing. "Kung gusto mong bumalik doon at bastusin ng tarantadong si Johnny, bahala ka. I did my fucking part." Tinalikuran ko na siya at tinawagan ko ang number ng driver na naghatid sa amin kanina. Aalis na ako dito. Hindi ko na kayang magtagal. Isa pa, sumasakit ang tagiliran ko. Hinawakan ko iyon at naramdaman kong may basa akong nakapa. Nang tingnan ko ang kamay ko ay nakita kong may bahid ng dugo. Sigurado akong bumuka ang tahi ng sugat dahil doon ako sinusuntok nang sinusuntok ni Johnny kanina.

            Sa labas na ako naghintay at maya-maya lang ay huminto na sa tapat ko ang limousine na sinakyan namin kanina. Sumakay ako. Pag-upo ko sa loob ay nakita kong sumakay din doon si Vie at tumabi sa akin. Tahimik na isinara ang pinto.

            "What are you doing here?" Inis kong tanong sa kanya.

            "Iiwan mo ako doon mag-isa?" Balik-tanong niya.

            Sinamaan ko siya ng tingin at muli kong hinawakan ang sugat ko.

            "Mukhang gusto mo namang magtagal doon. Nandoon si Johnny. Baka mas gusto mo siyang kasama. Mas gusto mo na hinaharass ka. O kaya ay si Gh-" saglit akong natigilan. Hindi nga pala alam ni Vie ang pangalan na Ghost. "Si Mr. Laxamana. Baka hindi ka pa tapos mag-flirt sa kanya." My tone was full of disgust lalo na nang maalala kung gaano rin sila magkadikit kanina. Nagtatawanan. Nagtitinginan na parang nag-uusap ang mga mata nila ng matandang iyon. Talagang napipikon ako sa nangyari ngayong gabi.

            "What? Do you think I like it? Do you think I like Johnny harassing me like that?" Kita kong nagngalit ang mukha ni Vie. "Sinong babae ang may gusto na binabastos siya?"

            Iniiba ko ang tingin ko. "I don't know. Or with your crush. Baka mas gusto mo din kasama ang crush mo."

            Malakas akong hinampas sa braso ni Vie.

            "You and your fucking big mouth! Bakit sinabi mo kay Mr. Laxamana na may crush ako sa kanya? I don't have a crush on him!"

            Natawa ako ng nakakaloko. "Kaya pala para kang bulate na inaasinan kapag kaharap mo siya. If you want him, go. I don't fucking care." Iritableng sagot ko.

            "Fuck you. You are an asshole," mahinang sabi ni Vie sa akin. She was glaring at me. Her chest was heaving because of her hard breaths because of anger.

            Hindi nakaligtas sa paningin ko ang cleavage niya dahil sa suot niya damit na bahagyang bumaba ang bandang dibdib. Napalunok ako at ibinalik ko ang tingin sa mukha niya. Sinadya kong tingnan siya ng masama. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at kita kong nagulat siya sa ginawa ko.

            "You love to say that words to me, 'no? Fuck you. Fuck me." Tumawa ako ng nakakaloko. "Don't worry. I might try that later. After all, you are my fucking prize. Might as well, I have a taste how precious you are para malaman ko kung bakit nauulol si Johnny sa'yo."

            I said that while looking straight into her eyes and I saw something in there. It was something, and definitely it was not fear. I saw her eyes sparked when she heard what I said. She didn't sass back, but I saw her swallowed hard, and her face was red.

            I was furious. About everything that happened tonight. But definitely, seeing Vie's face without any fear while looking at me, gave me a different feeling.

            Really, I am a fucked up one. I am a fucking animal.

            Because after I beat Johnny and now that Vie was on my side, my prize, I am having a fucking hard on. 

            And I don't know if I can still control myself anymore when we get home.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top