CHAPTER NINE (Fight Night)

There are all these moments you think you won't survive, and then you survived.

————————

Leon's POV

I was thinking it was his face. Johnny's face.

One. Two. Three punches. Kneeing him to his stomach. Another punch to his gut. I was looking at his bloody face and he was asking for mercy. But inside the cage, I have no mercy. Inside the cage, the only thing that was running to my veins was the will to survive and come out alive.

One more punch and I know everything would be over.

"Dustin!"

Humihingal akong napahinto sa ginagawa kong pagsuntok sa kaharap kong punching bag. Hinawakan ko pa iyon para huminto sa paggalaw at nakita kong si Agent Blue ang tumawag sa pangalan ko. May bitbit na kung ano. Nang makalapit sa akin ay iniladlad iyon.

"Your outfit for tonight," nakangisi pa siya sa akin at iniladlad ang compression shorts na gagamitin ko sa fight. "Ipina-personalized pa namin 'to ni Orange. Ganda 'di ba? May pangalan mo." Ibinigay niya iyon sa akin kaya kinuha ko. May nakasulat na Leon sa bandang ibaba noon.

"Salamat." Iyon lang ang sagot ko at iniitsa sa isang gilid ang ibinigay at muli kong hinarap ang punching bag. Sige na naman ako sa suntok doon. Mas lalong nakakagigil dahil sa alam kong mangyayari mamaya. The fucking fixed fight that I needed to lose.

"You're angry." Puna ni Agent Blue.

"I am," malakas kong sinuntok ang punching bag at bahagya pang napaatras si Agent Blue sa ginawa ko sa lakas ng impact noon.

"Bakit kasi kailangan mong ipatalo ang fight na ito?" Kahit siya ay nagtataka doon.

"Ask the fucking ghost," ngayon ay mukha na ni Ghost ang nakikita ko sa harap ng punching bag. Talagang dinudurog ko ng suntok ang punching bag dahil iniisip ko ay mukha ni Ghost ang naroon.

"Pero knowing our asshole bosses? Siguradong may mga plano ang mga iyan na sila lang ang nakakaalam. Sila ang magpa-plano tapos tayo ang ibinabala. Nangangapa tayo sa dilim kung anong mangyayari." Napapailing pa siya.

Totoo naman iyon. Lagi naman kasing ganoon. But what can we do? We were soldiers who were bound to follow every mission and rule that was given to us. And right now, this was my mission. To lose this fight so Ghost could do whatever fucked up action he could do.

"Calm down. Tonight, is fight night, and you need to be prepared. Even if you're bound to lose." Paalala ni Agent Blue.

"And this is how I am being prepared." Napahinga ako ng malalim at huminto na. Inalis ko ang gloves na nasa kamay ko at tinulungan niya akong gawin iyon. Pinabayaan ko na lang habang inaalis niya ang gloves pati na ang telang nakabalot doon. Nang tingnan ko ang mga kamao ko ay namumula na iyon at manhid na. Marahan kong hinilot-hilot iyon at naramdaman kong hinilot-hilot din ni Agent Blue ang likod ko.

Pareho kaming napatingin kay Agent Orange na palapit sa amin. Seryosong-seryoso ang mukha nito ay may hawak na petroleum jelly.

"What's with the serious face?" Puna ni Agent Orange.

Umiling lang siya at lumapit sa akin. Itinuro ang compression shorts na bigay ni Agent Blue.

"Isuot mo na. Ilang minuto na lang at mag-uumpisa na ang fight. Nagkakagulo na ang mga tao sa labas," sagot nito.

Kinuha ko ang shorts at isinuot iyon. Tapos ay binuksan niya ang lalagyan ng petroleum jelly at nagsimulang pahiran ang mukha ko.

"I've heard talks outside." Sabi niya habang ipinapahid ang gel sa akin.

"Talks?" Sabat ni Agent Blue.

"Johnny will play dirty inside the cage."

Natawa ako. Hindi na ako nagulat. "It's always dirty fighting inside the cage." Hindi pa ba ako sanay? This fight has no rules. Everyone can do anything to survive.

Umiling siya. Ngayon ay sa katawan ko na niya ipinapahid ang gel.

"He will use something. A weapon."

Bahagya akong lumayo kay Agent Orange at kumunot ang noo. Kahit si Agent Blue ay nagulat sa narinig.

"Weapon? Sigurado ka?" Paniniguro ko. It was no rules fight inside the cage but definitely, hindi puwedeng gumamit ng kahit anong sandata doon. That was the ultimate rule that any cage match agreed upon. Legal or illegal fights. No weapon of any kind can be used. Only hands and deadly moves can be used to kill the opponent.

"Maraming tao si Johnny. Lahat sila ay kikilos para sa fight na ito. Kahit alam nilang sila ang liyamado. Mukhang mainit si Johnny kay Dustin. Dahil sa nangyari noong nakaraan. At naririnig ko pa, hindi mo daw puwedeng makuha ang premyo niya. Kanya lang daw iyon." Sabi pa ni Agent Orange.

Hindi ako nakasagot. I knew he was talking about the woman. What was so special about that one? Why does Johnny want to get her?

But regardless of what my asshole mentor told me that I needed to lose this fight tonight, I'll give him a better option. I don't care if he was going to kill me after, but I am determined to win this fight.

"Blue. Orange. Out."

Pare-pareho kaming napatingin sa pumasok. Si Ghost iyon at lumalakad palapit sa amin. Seryosong-seryoso ang mukha. After the weigh-in, ngayon na lang ulit kami nagkita. Ilang beses ko siyang sinubukang tawagan pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Kailangan niyang mai-explain sa akin kung bakit naroon sa weigh-in na iyon ang kapatid kong si Brad.

Sumunod naman ang dalawang tinawag niya at tanging kami ang naiwan doon. Dinampot ni Ghost ang lalagyan ng petroleum jelly at siya ang ang nagpatuloy ng ginagawa ni Agent Orange.

"I wanted to punch you," mahinang sabi ko sa kanya. Alam kong alam niya na nagagalit ako.

Tumawa lang si Ghost at pinapahiran ng gel ang mukha ko. "Good. You're mad."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na nandoon si Brad?"

"You mean Brandon Vergara. That's the new name that your brother is using now." Walang anuman na sagot niya.

"And you forgot to tell it to me? He's my fucking brother. I thought he died after what happened seven years ago."

Ghost smirked and shook his head. "Your brother is a coward animal. After what happened seven years ago, ang ginawa niya ay magtago at bumuntot sa mga underground fights. Nasuwertehan na lang niya na napadikit siya kay Ulysses."

Hindi ako kumibo at masama na lang na tumingin sa kanya.

"But I have good news. We have a change of plans."

Kumunot ang noo ko. "Change of plans?"

"You need to win this fight."

Pakiramdam ko ay parang nag-awitan ang mga anghel sa paligid ko.

"You need to get Johnny's prize. The daughter of Ulysses Venderbilt."

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.

"She knew something about the missing kids. She toured me in the orphanage. They get the kids from there."

Mahina akong napamura. I knew there was something about her. I knew behind her pleading eyes, her beautiful face, there was something evil hiding from it.

"You win this fight tonight, there won't be a hunting game. Those kids will be safe until we get who are the people behind those hunting games." Paliwanag niya.

"Bakit hindi na lang hulihin si Ulysses? Kung may ebidensiya ka naman. Make her daughter crack. We can do it. Our agents can do it."

"That's not easy, Leon. There are big people behind Ulysses, and I wanted to get them. Quietly. Ulysses is just a pawn. I want to get the king."

"Dustin, five minutes. The fight is about to start." Boses ni Agent Blue ang narinig namin.

Hinawakan ni Ghost ang mukha ko. "You need to win. Johnny and his team will play dirty, and you need everything you can to win. Understand? Show me what Leon is born to do."

"Dustin, you're up! They are calling your name!" Halata ko ang excitement sa boses ni Agent Blue.

"Go. Fight." Tinapik pa ni Ghost ang balikat ko nang lumakad na ako palabas ng silid.

Bumuga ako ng hangin at naririnig ko na ang sigawan ng mga tao. Well, those were boo's. They were booing me when they heard my name. I could hear people near me talking.

Mamamatay 'yan sa cage.

Kakarnehin 'yan ni Johnny.

Laki ng pusta ko kay Johnny.

They were all rooting for Johnny. Alam na alam ko naman na siya ang paborito dito ng mga tao. Dahil sino ba naman ako. Sino ba si Leon Deaver Kaestner? These people don't know me. They don't know what I am capable to do.

But tonight, I am going to show them who I really am. That I was the animal that they needed to be afraid of. Johnny was just a cub. I am the fucking king of this cage.

Nakakabingi ang hiyawan ng mga tao nang makapasok ako sa cage. Nakatayo lang ako sa isang gilid at hinihintay ang mga susunod na pangyayari. Ini-scan ko ang paligid. Sabi ni Agent Orange, may gagamitin na weapon si Johnny. Sigurado akong kutsilyo iyon kaya ini-scan ng mata ko ang bawat sulok ng cage. They could hide that thing somewhere here.

But my eyes darted to that face in the front row.

Those eyes were looking at me with full off worry. Fear. I knew in her mind she was thinking she would be the prize of Johnny. She was afraid of what would happen to her in his hands.

Wait 'til I get my hands on her. I would definitely crack her until she tells me everything that she knew about the fucking hunting game.

Lalong lumakas ang sigawan ng mga tao nang marinig na tinawag na ang pangalan ni Johnny. Napapailing ako dahil malayo pa lang ay nagsisigaw na ang isang iyon. Parang hayop na nagwawala. Patakbo niyang tinungo ang cage pero hindi agad pumasok. Nilapitan ang anak ni Ulysses. Ang premyong gustong-gusto niya at pilit na hinalikan sa labi ang babae.

Automatic na napakuyom ang kamay ko. I fucking hate this guy.

Ang sama ng tingin sa akin ni Johnny nang makapasok siya sa cage. Tulad ko, nangingintab din ang mukha at katawan niya sa dami ng petroleum jelly na ipinahid doon. Dalawa lang kami sa loob ng cage. Nakatingin sa isa't-isa. Nagpapakiramdaman. Walang pakialam sa lakas ng sigaw ng mga tao sa paligid. Parehong gigil na patayin ang isa't-isa.

Ngumisi ng parang demonyo sa akin si Johnny.

"Gusto mo siya 'no?"

Hindi ako tuminag. Nakatitig lang ako sa kanya.

"Pero hinding-hindi siya magiging sa'yo. Dahil akin lang siya. Ikaw, mamamatay ka dito ngayong gabi. Dudurugin kita." Ramdam na ramdam ko ang galit sa boses niya.

Hindi ako sumagot at ngumisi lang sa kanya. Tingin ko ay iyon ang naka-trigger kaya mabilis niya akong sinugod. Parang toro na sinuwag ako at tumama ang balikat niya sa sikmura ko. Sumadlak ako sa gilid ng cage. Mahigpit siyang nakayakap sa beywang ko para hindi ako makagalaw. Ang mga tuhod ay umiigkas para tamaan ang sikmura ko. Masakit ang bawat pagtuhod na ginagawa ni Johnny. Pero ang siko ko naman ay patuloy na gumagana sa likod niya. Sa bawat pagtuhod na gawin niya ay siya namang pagsiko ko sa likod at tagiliran niya.

Nang makakuha ako ng tiyempo ay mabilis ko siyang itinulak at sinipa sa ulo. Alam kong nahilo si Johnny dahil nawalan siya ng balanse at marahang napahinto. Sinamantala ko ang pagkakataon. Patakbo ko siyang sinugod at tinuhod sa sikmura at nang mapayuko siya ay agad kong tinuhod sa mukha.

Nawala ang malalakas na sigawan ng mga taong naroon. Kitang-kita kasi nila na bumagsak si Johnny. Alam kong hindi sila sanay na makitang nasasaktan ang paborito nilang fighter. Pero hindi ko naman agad tatapusin ang fight na ito. Susulitin ko ang malaking halaga ng pera na inubos nila para makakita ng dalawang taong nagpapatayan.

Kita ko ang dugo na umagos sa ulo ni Johnny. Marahan pa niyang pinahid iyon at tiningnan ang kamay. Napangiti nang makita ang dugo tapos ay tinikman iyon. Ikinalat pa ang dugo sa buong mukha niya na parang gustong-gusto niya iyon. Muli ay sigawan ang mga tao. Muli akong sinugod ni Johnny at sinipa ako pero na-counter-attack ko iyon. Gumanti ako at siniko ko sa mukha si Johnny. Nagulat siya sa ginawa kong iyon at hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na makabawi. Isang malakas na uppercut ang isinunod ko na alam kong iindahin niya.

Bagsak si Johnny.

Muli ay ang malakas na bulong-bulungan sa paligid. Nakatayo lang ako habang nakatingin sa kanya. At dapat ay tinatapos ko na ang laban na ito. I've got the upper hand. Johnny was having a hard time getting up. But no. Not yet. Sa katulad ng isang ito, mas gusto kong maranasan niya ang lahat ng sakit na ipinaramdam niya sa mga fighters na pinatay niya sa cage. At hindi matatapos ang fight na ito na dalawang fighter ang nakatayo sa gitna ng ring.

Nakita kong gumagapang si Johnny patungo sa gilid ng ring. Ikinapit ang kamay sa gilid tapos ay pilit na tumayo. He got a bloody nose and mouth. When he smiled, his teeth were full of blood. He ran towards me and hit my face with his head. 'Tangina, nahilo ako doon. Naramdaman kong sunod-sunod ang suntok na pinakawalan ni Johnny sa katawan ko. Hanggang sa maramdaman kong parang may bumaon sa tagiliran ko.

Fuck.

He fucking stabbed me!

Ang lakas ng tawa ni Johnny at nakita kong kumislap sa kamay niya ang isang maliit na push dagger knife. Automatic na napahawak ako sa tagiliran ako at ramdam ko ang sakit doon. God damn this prick. Demonyo talaga ang animal. Napatingin ako sa gawi nila Agent Blue at alam kong gusto nila akong tulungan pero sumenyas ako sa kanila na kaya ko pa.

"Akala mo mananalo ka dito? This is my fucking cage. My fucking kingdom. You are nothing but a trash. Itatapon kita na bali-bali ang buto mo at hindi ka humihinga." Nakangising sabi ni Johnny.

And I hated his fucking mouth. I am going to rip his tongue from his mouth, and I'll feed it to him. Sinugod ko si Johnny at alam kong handa siya sa pagsipa ko sa kanya. Pero hindi iyon ang ginawa ko. Umakto akong sisipain siya pero ang totoo ay kamao ko ang dadapo sa mukha niya. Alam kong handa siya sa bawat pagtama ng tuhod ko, siko sa katawan niya. Alam kong inaral na niya ang bawat galaw ko. Ang pagkakasunod-sunod ng moves ko dahil iyon ang gusto kong isipin niya. Kaya hindi siya handa sa gagawin kong pagsuntok sa mukha niya.

Pagtama ng kamao ko sa mukha niya ay sinipa ko naman ang dalawang paa niya. Bagsak si Johnny. Agad ko siyang kinubabawan na ginantihan naman niya ng grappling moves niya. Ang agad kong hinawakan ay ang kamay niya at pilit na inagaw ang push dagger na hawak niya. I am not going to die because I was fucking stabbed. There was no honor inside the cage if I die like that. Only a coward like Johnny believes in that kind of trick.

Nang makuha ko ang push dagger knife ay agad kong itinapon iyon palabas ng cage. Wala akong pakialam kung may matamaan man. Patuloy kaming nagbubuno sa lapag ni Johnny. Sinusuntok niya ang tagiliran kong sinaksak niya kanina at napakasakit noon. Punong-puno na ng dugo ang puting sahig ng cage. Pero hindi ako bumibitaw sa kanya. Kaya ko pang tiisin ang sakit.

I tried to grab his neck, but he got me first. I knew he was going to choke me, but my body was slippery because of the petroleum jelly. Pareho lang naman kami. Kaya hirap din kaming hawakan ang isa't-isa. Naghahalo na ang gel at ang dugo sa katawan namin. It was all blood and gore, and people were cheering to that.

Tinitiis ko ang sakit ng saksak sa tagiliran ko. Inipit ko ng mga hita ang katawan ni Johnny pero nagpipilit siyang makawala doon. Pilit na gumagapang papunta muli sa gilid ng cage. Ang kamay ay may inaabot hanggang sa makarinig ako ng parang natanggal na strap ng Velcro. Muli ay may hawak na naman siyang push dagger. Fuck this asshole. What's with him and this fucking push dagger?

Isinaksak niya sa hita ko ang hawak na push dagger kaya automatic na lumuwang ang pakakaipit ng mga hita ko sa katawan niya. Agad siyang kumawala at lumayo sa akin tapos ay nakangisi na naman habang ipinapakita sa akin ang hawak niya. Napailing lang ako. This was the reason why he always wins. He was playing dirty and this god damn people doesn't mind about it.

"Hindi ka pa ba babagsak? Hindi ka pa mamamatay? Binibigyan na kita ng mas mabilis na pagkamatay. 'Yong hindi masyadong masakit. 'Yong madali." Para siyang sumasayaw habang naghahanap ng tiyempo na sugurin ako.

At hinihintay ko ang pagsugod niya. Dahil tatapusin ko na ito ngayon.

Malakas na sumigaw si Johnny at sumugod sa akin.

Mabilis ang kamay ni Johnny. Hindi ko agad naiwasan ang pagsaksak niya sa akin. Tumama iyon sa balikat ko malapit sa leeg. Agad kong naramdaman ang sakit. But adrenalin was rushing in my veins. All I could think about right now was how to survive this carnage. And I am not going to let him kill me. I am not going to give these people the luck to see me dead.

No. Not tonight.

Muli, ang concern ko ay ang makuha ang push dagger knife na nasa kamay ni Johnny. Nang makuha ko iyon ay inihagis ko palayo sa amin. Sige siya ng sipa sa tagiliran ko. Talagang pinupuntirya ang saksak ko doon.

I let him kick me. I let him batter my body. I let him think that he was winning. Everyone think that he was going to win. My body was ready to give up, but if I am going to die, he was going to die too.

At iyon ang pagkakamali ni Johnny. Masyadong mataas ang kumpiyansa niya sa sarili niya. Tingin niya ay mananalo na siya. He gave me a hard kick to my stomach, and I felt I was going to pass out.

Lumayo sa akin si Johnny. Tumayo sa gitna ng cage na nakataas ang dalawang kamay. Tumatawa ng malakas. Ipinapakita sa mga taong naroon na siya ang hari sa loob ng cage. Ako, namimilipit sa sakit at iniinda ko talaga ang saksak sa tagiliran ko at leeg ko. I felt the stab on my neck hit an artery. The bleeding doesn't stop. People were chanting Johnny's name. Shouting to finish me off.

"Get up!"

Napatingin ako sa sumigaw na iyon at boses iyon ni Agent Blue sa gilid ko. Agad itong sinaway ng mga tauhan ni Johnny. Pinalayo sa cage. Nang mapatingin ako sa gawi ng babae ay nakita ko siyang nakatingin sa akin.

Get up.

I read her lips says that. I know she was not telling that to me. She was telling that herself. I know how to read lips and I was sure that was she said.

Don't lose this fight. Get up.

"Masyado ng nagtatagal ang laban na 'to. Naiinip na ako." Nakangising sabi ni Johnny tumingin sa akin. Handa na namang sumugod.

Pinilit kong tumayo at inabangan ang pagsugod niya. Nang gawin niya iyon ay mabilis akong umiwas ng pasugod na siya at bumalandra siya sa gilid ng cage. Mabilis kong sinipa ang dalawang paa niya at bumagsak siya. Pumaibabaw ako sa kanya at sunod-sunod kong pinagsusuntok ang mukha niya. Tapos ay malakas kong sinuntok sa leeg. Nakita kong nanlaki ang mata niya sa ginawa ko. Nangangapos ng paghinga. That was my cue. I gave him another hard punch on the neck until he was wheezing to breathe.

I could see fear in his eyes while he was looking at me gasping for breath. He cannot move his body. I rolled my fist into a ball, and I am going to give the ultimate blow that always end my every fight.

To give the ultimate blow of death to my opponent.

A god damn punch to their heart.

I lifted my hand to finish him off, but I felt someone pulled me off away from Johnny.

"Fight is over. Johnny loses."

Nang tingnan ko ang nagsalita noon ay nakita kong si Brandon ang gumawa. Sigawan ang mga tao. Everybody was booing. They were expecting someone to die. They paid to see someone to die tonight.

"There will be another fight. A rematch. But now, there won't be death inside the cage. We will let Johnny live until we got our rematch." Nakatingin pa rin si Brandon sa akin habang sinasabi iyon at sinisenyasan ang mga tao na tulungan si Johnny na halatang naghihingalo.

Hindi ako sumagot. Napaluhod ako at hinawakan ang leeg kong walang tigil sa pagdudugo. Agad akong nilapitan ni Agent Blue at Agent Orange. Inalalayan na makatayo doon at binitbit palabas ng cage.

Nang tumingin ako sa gawi ng babae ay kita kong nakaawang lang ang bibig niyang nakatingin sa akin. Halatang hindi makapaniwala sa nangyayari.

I won.

I am still the king of the cage.

And I am going to get my fucking prize.

            So, I can crack her until she begs me to let her go.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top