CHAPTER FOUR (His Smile)
Never give up hope. Because your miracle could be right around the corner.
-------------------------------------
Vie's POV
Kahit alam kong suntok sa buwan itong gagawin ko, pipilitin ko pa ring kausapin si Papa. Pipilitin kong ipaintindi sa kanya na hindi ako isang commodity na puwede niyang ipamigay basta-basta. Kahit na nga ganoon ang nararamdaman kong turing niya sa akin. Na dahil isa akong babae, wala akong puwang sa mundong ginagalawan niya. Naroon lang ako, lagi niyang isinasama para attraction sa mga parukyano ng mga fights niya. Napasimangot ako. Those people. Those men who wanted gore and thrill and pretty women beside them. Who in their right mind would bring women in a deadly fight? Gusto nilang makita ng mga partners nila na natutuwa sila sa mga nagbubugbugan na tao sa gitna ng ring? Nagpapatayan para lang sa pera. Para sa fame? Para sa power?
Napahinga ako ng malalim. Makikipagtalo na naman ba ako sa sarili ko? Of course men wanted to feel that they are above women. They wanted to feel that every time their women beside them saw blood and gore, they were there to calm them when they were afraid. Naparolyo ako ng mata. Ilang beses na ba akong nakakita ng ganoon? Mga feeling knight in shining armor kapag nandidiri na sa dugo ang mga partners nila habang nanonood ng fight.
But me. Iba ako sa kanila. I am used to see blood. I am used with the violence. But like what I said to my father, I am not going to get used with the deaths that always happens in their underground fights.
Bakit kasi may underground fights pa? Bakit may illegal pa? Hindi pa ba sila kuntento sa mga nagbubugbugan sa mga legal fights? Kumikita din naman sila ng malaki doon. Bakit kailangan pang mayroong Death Match at bakit kailangan laging may mamamatay sa huli? Ano iyon? Ganoon na ba kawalang kuwenta ang buhay ng tao para sa kanila? Para sa mga taong tumatangkilik sa larong iyon? Hindi ba nila iniisip na may pamilyang iiwan ang mga iyon? I've seen countless of deaths inside that death cage and I can't forget the fear that I saw in those people's eyes when their opponent would give the deadly blow.
They signed up for that. Alam nila na maaari silang mamatay sa game na iyon. Their family will be compensated still kaya hindi mo kailangang makaramdam ng konsensiya.
Just like that. My father always tells me that those killed fighters will still be paid. Pero pera lang ba ang mahalaga?
Napaangat ako sa kinauupuan nang pumasok si Papa. Halatang nagulat siya na maabutan ako sa loob ng opisina niya.
"What are you doing here?" Seryosong tanong niya. Shit. I think wrong timing ako . Mukhang wala siya sa mood. Dumeretso siya sa table niya at naupo sa harap noon.
"'Pa, about what happened yesterday. About Johnny-"
"What about Johnny? The deal is done. If he wins, and I am telling you he will win, you will go with him." Walang anuman na sabi nito.
Nagtagis ang bagang ko tapos ay napalunok.
"I don't want. I don't to go with Johnny. I am not a trophy that he could have if he wins. I am a person, and I have the right to choose for my life."
Tumalim ang tingin sa akin ng tatay ko.
"And when did you have the right to choose for yourself? I own you. I give you your life. Kaya kung ano ang gusto kong gawin mo, iyon ang gagawin mo. And now, Johnny wants you then he can have you." Matigas na sagot niya.
Napapikit-pikit ako para mabasag ang mga luhang namumuo sa mga mata.
"Am I really your daughter? Why are you treating me like this? Like I am a product that you can give to anyone. I have my life, 'Pa. And I don't want to be included to those women that Johnny ruined." Hindi ko na napigil ang sarili ko na hindi mapaiyak.
Wala akong nakitang kahit katiting na simpatya sa mukha ng tatay ko. Tumaas lang ang kilay niya at may mga kinuhang papel at inilatag iyon sa mesa.
"Come here," walang emosyong sabi niya. Hindi agad ako kumilos at tumingin na siya ng masama sa akin. "Get the fuck in here."
Kahit labag sa kalooban ko ay lumapit ako. Tumayo si Papa at nagulat ako nang bigla niyang hablutin ang buhok ko.
"Do you see these bank statements? Deposit slips?" Halos ingudngod niya ang mukha ko sa mga iyon. Wala naman akong maintindihan kundi mga numbers lang. O ayaw ko lang intindihin dahil ang mas iniinda ko ay ang pagkakasabunot niya sa buhok ko. "These are the money that Johnny gave to me. Millions of pesos every fight. Every kill that he did during those fights. Milyon ang kapalit noon. See?" Lalo pa akong inginudngod ni Papa sa mga papel. "At dahil sa umaarte ka ngayon na ayaw mo sa kanya itatapon ko ang mga milyones na puwedeng pumasok sa akin sa tuwing lalaban siya? No. Money is important to me. Important than you. Baka nakakalimutan mo kung bakit kita kinuha. Kung bakit kita pinalaki at binihisan. Do you think it's fatherly love?" Tumawa siya ng nakakaloko. "Of course not. I am a fucking businessman and I saw a potential in you. I know magagamit kita sa darating na panahon. And this is the time. Ikaw ang gusto ni Johnny at ang kapalit he will fight for me forever. It means, more money for me as long as he is alive."
Hindi ako nakasagot at patuloy lang ako sa pag-iyak. Napa-aray ako nang marahas akong bitiwan ni Papa tapos ay inayos ang sarili niya.
"Kaya tumigil ka sa kaartehan mo diyan. Hindi mo ba naiisip na napakasuwerte mo kay Johnny. Mayaman. Hindi ka maghihirap doon." Iniligpit ni Papa ang mga papel na nasa harapan niya tapos ay mabilis na nag-iba ang anyo ng mukha. Lumambot iyon at ngumiti na sa akin. Tumayo siya at lumapit tapos ay marahan pang hinaplos-haplos ang buhok ko. "Vie, isipin mo na para ito sa iyo. For your future. This is a good deal. Johnny is a good catch."
"He could kill me," umiiyak na sabi ko.
Nagkibit-balikat si Papa na hindi man lang nag-alala sa sinabi ko.
"Well, if he does that maybe it will be your fault." Ngumiti siya sa akin at demonyo ang nakikita ko mukha niya. "Okay. Let's have a deal. Let's stop this non-sense conversation. We know this is happening. You and Johnny are going to happen. Baka isipin mo naman masyado akong harsh sa 'yo. You're still my daughter after all." Napahinga siya ng malalim. "I'll let you see your mom and your sister today."
Nanlaki ang mata ko at napahagulgol na ako ng iyak.
"All right. All right. Stop crying. You're messing your make up. You will see your mother and sister, but Johnny will go with you. Ipakilala mo sa nanay mo ang lalaking magiging asawa mo."
"What? 'Pa," tonong nagpo-protesta ako.
"Bahala ka. No Johnny, no meeting your mom."
Napailing ako at napayuko. Mabilis kong pinahid ang luha ko nang may pumasok sa opisina ng tatay ko. Mahina akong napamura nang makilalang si Johnny iyon.
"Johnny, tamang-tama at dumating ka. You're really a mind reader. May lakad kasi si Vie ngayon. She is going to meet her mother, your future mother-in-law, and I want you to go with her. Para bonding 'nyo na rin. I mean, you will be the ultimate power couple in the underground arena." Nakangising aso pa si Papa.
Tumingin sa akin si Johnny at kita ko ang pagkislap ng mata niya nang marinig ang sinabi ng tatay ko. Para siyang asong nauulol habang nakatingin sa akin na kahit anong oras ay puwede akong lapain.
"Go. Out. Now. I have so much to do. Johnny, you take care of my daughter. I'll send you the address." Halatang itinataboy na kami ni Papa. Ayokong umalis doon. Hindi ako gumagalaw pero naramdaman kong hinawakan ako sa braso ni Johnny. Agad kong binawi iyon pero muli niyang hinawakan. Sa pagkakataong ito ay mahigpit na ang pagkakahawak niya. Mariin.
"Let's go." Seryosong sabi niya. Hindi pa rin ako kumilos at doon na niya hinila ang braso ko at halos kaladkarin ako palabas.
And my father didn't do anything. Kahit alam niyang hina-harass na ako ni Johnny. Wala siyang pakialam kundi nakatingin lang sa mga papel na nasa mesa niya.
"Stop touching me," pilit ko ng inagaw kay Johnny ang braso ko pero mariin pa rin niya iyong hinawakan. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang pisngi ko ng mariin.
"Tigilan mong umarte. Huwag kang pumapalag kapag hinahawakan kita. Akin ka." Mariin niyang sabi sa akin.
Hindi ako sumagot at ang sama lang ng tingin ko kay Johnny.
"When I kill my fucking opponent in that fight night, I'll fuck you right away. Right there in that fucking bloody ring. Wala akong pakialam kahit sino ang nandoon. Because you are mine. And I will do anything I want from you. You will give anything I want. You will bow to me. Understand?" Ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin at nandidiri ako sa kanya. Hindi ako sumasagot at nakatingin lang sa kanya.
Siguro ay alam naman niya na hindi ako magsasalita kahit anong gawin niya kaya binitiwan na rin niya ako. Muli ay hinawakan niya ako sa braso at pinipilit niyang maglakad pasabay sa kanya.
"You should be proud. Sa dami ng babae ko, ikaw ang napili ko na makasama. You can't do anything about it even if I know you don't want me." Natawa si Johnny. "Who cares? Akin ka pa rin kahit anong mangyari. At ang tatay mo ay walang gagawin doon. Imagine, he will have half ownership of three big companies two weeks from now. And after that fight, I will take you to a place that no one can see you again. It will be only us. Don't worry. I'll let you talk to your mother and your sister." Sabay pa rin kaming naglalakad patungo sa parking lot.
Nang makalapit kami sa isang sasakyan ay pabalandra akong itinulak doon ni Johnny tapos ay humarap siya sa akin. Hinahaplos-haplos ang mukha ko.
"You are so beautiful." Parang asong nauulol ang hitsura ni Johnny. Pero iniiwas ko ang tingin ko sa kanya. Pumako ang tingin ko sa isang lalaki na palabas sa convenience store sa tapat ng building ni Papa. May kasama itong dalawang batang babae at kitang-kita ko ang kasiyahan sa kanila habang pare-pareho silang kumakain ng ice cream. Inaalalayan ng lalaki ang mga batang kasama niya na sigurado ako ay anak nito.
Pakiramdam ko ay may bumarang kung ano sa lalamunan ko. Nakaramdam ako ng inggit sa lalaking iyon. How I wish I could be like him. I could have my own children that I can enjoy. Kahit wala akong asawa okay lang basta may anak ako. And I will never let my children grow up in a violent life like my father did to me. I will give them the freedom to do whatever they want.
Maraming sinasabing hindi maganda si Johnny sa akin pero hindi ko iyon iniintindi. Ang pansin ko ay nasa mag-aamang naupo sa tapat ng convenience store at patuloy sa pagkain ng ice cream. They were laughing loudly. And when I saw the man laugh then now smiling, I didn't understand why I felt my heart skipped a beat and it was pounding hard inside my my chest.
His smile. His smile lit up everything. His smile was like a promise of never-ending happiness with him. Well, I could see that it was contagious. His daughters were so happy to be around him. Just looking at him, I knew he was a good father. A good man. A man that I wished will be myside. Not this animal that I knew would just ruin me.
"Look the fuck at me. Look at me. Sino ba ang tinitingnan mo?" Muli ay hinawakan ni Johnny ang mga pisngi ko at sinundan niya ng tingin ang tinitingnan ko. Tapos ay bigla siyang natawa. "You like kids? You want kids? Fuck I can give you a dozen kids. Taon-taon kitang bubuntisin. You like that, huh?" Naramdaman kong hinila ako palapit ni Johnny sa kany at pinisil pa ang puwet ko. "Fuck, I want to fuck you right here. I want people to see that I own you. But don't worry. I can wait for two weeks. At siguradong mas masarap kang tikman kapag nanalo na ako at ako pa rin ang tatanghaling pinaka-deadly sa underground death match." Lumayo na siya sa akin. "Get in the fucking car." Umikot na siya at sumakay sa driver's side.
Hindi ako gumalaw at muling tumingin sa gawi ng mag-aama. Hindi ko napigil ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Naiinggit ako sa kanila. Sa masayang buhay na mayroon sila.
"Get inside the fucking car, Vivienne!" Bulyaw ni Johnny sa akin.
Kahit labag sa loob ko ay napilitan akong sumakay sa loob ng kotse. Hindi ko pa man naisasara ang pinto ay pinaharurot na niya iyon paalis. Napayuko na lang ako.
And this was the kind of man that my father settled for me. An animal. Ruthless. A devil.
In my mind I kept on telling myself that this would be over soon. This was just a nightmare and tomorrow everything will be okay. Magagawan ko 'to ng paraan. Hinding-hindi ako puwedeng maging asawa ng hayop na ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top