CHAPTER FORTY-TWO (White Room)
When monster stopped behaving like a monster, did it stop being a monster? Did it become something else?
————————
Leon's POV
Hindi matawaran ang saya sa mukha ng nanay ko nang makita niya ang mga apo niya. Iyak nang iyak habang yakap-yakap ang dalawang bata. Walang tigil sa kakahalik sa mga ito. Paulit-ulit na nagpapasalamat sa Diyos na naibalik ang mga apo niya sa kanya.
Wala ring tigil ang pagtatanong niya sa akin. Kung hindi na daw ba manggugulo si Kelsey. Kung hindi na daw ba kukunin ang mga bata sa amin. Sinabi kong maayos na ang lahat at kahit kailan ay hindng-hindi na manggugulo ang dati kong kinakasama.
Dahil iyon ang pangako sa akin ni Ghost. At kapag nangako ang isang iyon, alam kong tutuparin niya. Wala pang pangako na napako ang boss ko. Kahit imposible ay ginagawa niya.
Ang isa pang ikinasisiya ng nanay ko ay ang pagbabalik ni Brad. Lalo nang umiyak nang umiyak nang pagdating namin sa bahay ay hindi lang ang mga anak ko ang kasama namin. Naka-wheelchair si Brad nang ipasok ko sa bahay na agad na sinalubong ng nanay ko. Napakasaya daw niya at dininig ng Diyos ang lahat ng mga dasal niya. Iyon ay ang maibalik sa mabuting kalagayan ang mga apo niya at ang umuwi si Brad sa kanya. Tatanggapin na nga daw niya kung bangkay na uuwi ang kapatid ko pero ang malaman na buhay pa ito, lalo lang siyang nanalig sa Diyos at wala na siyang mahihiling pa.
Nakatingin lang ako sa mga taong nagkakagulo sa loob ng bahay. Walang tigil ang pagtatawanan ng mga anak ko habang nakikipaglaro kay Vie. Ang nanay ko at si Brad ay nag-uusap. Siguro ay nagpapaliwanag si Brad kung ano ang nangyari bakit ito nawala. Pinabayaan ko na lang. Makita ko lang silang masaya, masaya na rin ako. Lalo pa ngayon na alam kong tapos na ang lahat. Wala nang manggugulo sa amin at tapos na rin ang trabaho ko.
"Ang saya nilang tingnan."
Tumingin ako sa nagsalita sa tabi ko at nakita kong si Vie iyon. Ipinulupot ko ang kamay ko sa baywang niya at lalong inilapit sa akin. Hinalikan ko pa sa ulo at pareho kaming nakatingin sa pamilya ko.
"Everything is fine. Wala nang manggugulo sa atin."
Ngumiti siya. Pero kitang-kita ko na hindi umabot sa mga mata niya ang saya sa ngiti na iyon.
"Malungkot ka pa rin? Okay na naman 'di ba? Nagawan ng paraan ang Fighter's Ring. Tapos na ang imbestigasyon doon at napatunayan na legit naman ang mga fights na ginagawa 'nyo doon. The underground fights are already over. Wala ng mga fighters na lalaban doon. As for the hunting game, alam din natin na hindi na makakapanakit pa ang mga tao na involved doon." Paliwanag ko sa kanya.
Kita kong namuo ang mga luha sa mata ni Vie at pilit na ngumiti sa akin.
"And that involved my father. And I am sure, he got the same fate like those who were killed." Napailing siya at agad na pinahid ang mga luha na tumulo sa pisngi. "I don't know if I am going to thank the people who crushed the underground fights and hunting game. I know my father is not perfect. He did terrible things to people, to my mother and sister. To me. But he is still my father, Leon. Kung may nangyari man sa kanya. Kung pinatay din siya, at least makita ko man lang ang katawan niya. I wanted to give him a proper burial if he is dead."
Lalo kong hinigpitan ang pagkakahapit kay Vie. Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa kanya. Wala akong masabi sa babaeng ito. Sa kabila ng ginawa ng tatay nito sa kanya, lumalabas pa din ang pagiging mabuting anak ni Vie. Napahinga ako ng malalim. I did some digging on my own. I was looking for Ulysses Venderbilt too. Pero kahit si Ghost ay walang maisagot sa akin. Kahit ito ay hindi alam kung ano ang nangyari sa tatay ni Vie.
"Huwag mo na lang munang isipin iyon. Napakarami mong dapat na intindihin. Ang mama mo. Si Vexie. You have all the time to spend with each other. You are all free. And ikaw na ang magiging head ng Fighter's Ring. It would be your call. Wala ng makikialam s aiyo. At sigurado ako na magiging maayos na iyon." Sagot ko sa kanya.
Hindi sumagot si Vie at pareho kaming napatingin kay Brad na pinapagulong ang wheelchair niya palapit sa amin. Agad na nakangiti sa amin ang kapatid ko at kitang-kita ko ang panunukso sa mukha niya.
"So, it's my brother, huh?" Nanunuksong sabi niya.
Napatingin ako kay Vie at nakita kong namula ang mukha nito at marahang lumayo sa akin. Pinabayaan ko na lang. Alam ko naman na hindi pa rin siya sanay sa ganito.
"How are you? How's the leg?" Tanong ko kay Brad.
Tiningnan nito ang binti na nakabalot ng cast at walang anuman na napakibit-balikat.
"I'll be fine. The doctors said that in a few months after therapies I can walk again. That's a good thing." Nakangiting sagot nito pero agad din na nawala ang ngiti sa labi nito nang tumingin kay Vie. "I am so sorry about your father. I am so sorry na hanggang ngayon ay nawawala siya."
Pinilit na ngumiti ni Vie kahit naiiyak. "All I could do is wait for any news. Kung buhay pa ba siya o..." hindi naituloy ni Vie ang sasabihin at napabuga ng hangin sa pagpipigil na mapaiyak. Pilit na pilit itong nagpakita ng pagiging masaya sa harap ni Brad. "I haven't thanked you yet. For what you did. For saving me from Johnny."
Kumumpas sa hangin si Brad na parang walang anuman sa kanya ang narinig.
"I always wanted to beat that asshole. That was my chance. He crossed the line when he hurt your father. Ayaw ko din ng ginagawa niya sa iyo but I can't do anything. Your father is my boss." Paliwanag nito.
"Alam ko naman iyon. Still, thank you." Sagot ni Vie.
"You will be the new CEO of Fighter's Ring. Baka puwede mo pa rin naman akong kunin na empleyado." Natatawang sabi ni Brad. "Cage fight is my life. Legal or illegal."
Tumingin sa akin si Vie at ngumiti tapos ay humarap kay Brad.
"Actually, I can't be the new CEO of Fighter's Ring. I have more important duty to do and I cannot work full time anymore. Would you be okay if you're going to be the new CEO?"
Napakunot ang noo ni Brad at pinipigil ko ang mapangiti. Alam kong napakagandang-balita ito para sa kapatid ko. Totoo naman kasi ang sinabi ni Brad. Cage fight was his life. Nasobrahan lang talaga sa taas ng pangarap ang kapatid ko kaya napunta sa maling mga taong pagkakatiwalaan at pakikisamahan. But this time I knew he learned his lesson. And he had to learn it the hard way.
"What do you mean?" Nagtatakang tanong ni Brad.
"I can't be a CEO, Brad. Mas gusto kong maging full time housewife. Mag-intindi ng mga bata. Nang magiging asawa ko."
Hindi man tumitingin sa akin si Vie pero ang totoo ay nalulunod ang dibdib ko sa mga sinasabi niya. And I wanted her to be my wife.
"And I want you to do is take over Fighter's Ring. Alam kong mas magiging maayos iyon kung ikaw ang mamamalakad. But promise me there will be no underground fights. No rigged fights. Lahat legal. Can you do that?"
Kita kong napapikit-pikit si Brad at hindi mapigil ang ngiti.
"Are you sure, Vivienne? Y-you are going to make me the CEO?" parang hindi pa mag-sink-in ang mga sinasabi ni Vie sa kapatid ko.
Tumango si Vie. "I am sure, Fighter's Ring will be in good hands if you are going to run it."
Napabuga ng hangin si Brad. "Fuck." Mahinang sabi nito. "Thank you." Ngayon ay alam kong naiiyak na ito. "I promise, mas lalong magiging maganda ang Fighter's Ring. Mas marami tayong matutulungang fighters. No illegal fights. I promise that."
Ngumiti lang si Vie at nakipagkamay kay Brad. Nagpaalam si Brad na magpapahinga na muna at kumikirot daw ang binti nito kaya inihatid ko hanggang silid. Naabutan ko si Vie na inaasikaso na naman ang mga anak ko at pinapakain.
"So, you are going to be a fulltime housewife?" pinipigil ko ang ngiti ko habang nakatingin sa kanya.
"If you want," nakakagat-labi pa siyang tumingin sa akin.
"Of course." Napahinga ako ng malalim at umakbay sa kanya. "I want you to be my wife. Today. Tomorrow. Forever."
Kumikislap ang mata ni Vie habang nakatingin sa akin. "I can't wait. I just want to be with you. With the kids. I want to build our own family."
Sasagot na lang ako nang pareho kaming napatingin sa labas ng bahay dahil may kotseng pumarada doon. Napakunot ang noo ko. Alam ko ang sasakyan na iyon. Nang bumukas ang pinto at bumaba si Ghost ay agad kong hinila si Vie at pilit na pinapapasok sa kuwarto ng mga bata.
"What's wrong?" Taka niya.
"My boss is outside." Sagot ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya at sumilip. Agad kong tinakpan ang mata niya at pilit pa rin na pinapapasok.
"Ano ba? Si Mr. Laxamana?" Paniniguro niya.
"Yes. Pasok." Utos ko.
"What? Why? Bakit mo ako papapasukin dito? Hindi ba ako puwedeng humarap sa kanya?" Taka pa rin ni Vie.
"No. Mamaya 'pag nakita mo na naman iyon bumalik pa ang crush mo sa kanya. Diyan ka lang. Huwag kang lalabas. Mag-uusap lang kami." Seryosong sabi ko.
Napaawang ang bibig ni Vie tapos ay napatawa.
"Oh my God. Are you still jealous of him?" Pilit na sumilip si Vie sa labas para makita si Ghost pero muli ay tinakpan ko ang mata niya at hinarangan ko para hindi siya makasilip sa labas. "Jesus, Leon. I just told your brother that I want to be your wife. Tapos pagseselosan mo pa si Mr. Laxamana?"
"Basta. Mahirap na. Matindi ang kamandag ng matandang iyon. Saglit lang ako." Sabi ko sa kanya at bago pa siya makapag-protesta ay pinagsaraduhan ko na siya ng pinto. Dali-dali akong lumabas at sinalubong si Ghost na nasa gate.
"Leon." Nakangiting bati niya sa akin.
"Diyan na lang tayo mag-usap sa kotse mo." Sagot ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya. "Sa kotse? Hindi mo ba ako papasukin? I want to see your kids. May pasalubong ako sa kanila." Binuksan nito ang compartment ng kotse at inilabas ang isang malaking supot na punong-puno ng laruan. "And I want to say hi to Vie too."
Sinamaan ko siya ng tingin at umiling ako. "Ako na ang magbibigay ng mga laruan. Saka natutulog si Vie. Hindi puwedeng maistorbo."
Hindi sumagot si Ghost pero napapatawa at napapailing.
"You're still jealous, Leon." Nang-aasar na sabi niya. "What can I do? Mukhang mas ma-appeal ako sa 'yo."
"Not funny." Asar kong sagot sa kanya.
Napahalakhak na nang tuluyan si Ghost. "Fine. Get in the car. We are going for a ride. Pero ibigay mo muna ang mga laruan sa mga bata."
Inis kong kinuha ang plastic at pumasok sa loob. Ibinilin ko iyon sa nanay ko at sinabing aalis lang ako sandali. Pagbalik ko ay wala na si Ghost at nakasakay na sa kotse. Pagsakay ko doon ay nakita kong si Riel ang nagmamaneho. Si Ghost ay nakaupo sa backseat at nagtitingin na sa telepono niya.
"Driver mo na ba 'to?" Taka ko sabay turo kay Riel.
"No." Sagot niya na nanatiling nakatingin sa hawak na telepono. "Gusto ko lang siyang laging kasama ngayon. Alam mo na. Training."
Napa-ah ako. "Oo nga pala. New recruit."
Ngumiti nang maasim sa akin si Riel pero hindi sumagot. Nagmaneho lang ito at itinutok ang tingin sa kalsada.
"What is this about?" Tanong ko.
Hindi sumagot si Ghost tapos ay may iniabot lang na envelope sa akin.
"What is this?" Taka ko.
"Buksan mo."
Nagtataka man ay binuksan ko ang envelope. Napakunot ang noo ko nang makita ko ang mga papeles na naroon. Pero ang mas nakaagawa ng pansin ko ay ang isang papel na may nakasulat na twenty million pesos at nakalagay doon ang pangalan ng dalawang anak ko. Trust fund para sa mga bata.
"What the hell is this?"
"Daming tanong. Ayaw na lang tanggapin. Grasya 'yan." Sabat ni Riel na nanatiling nakatingin sa kalsada. Hindi ko siya pinansin at kay Ghost ako nakatingin.
"It's for the kids. Their share."
"Share for what? Galing saan? What the fuck did you do again?" Napahinga ako ng malalim. "Sa totoo lang, you took my chance to kill that fucking Mayor. You told me you are going to give me some piece of him. Pero anong ginawa mo? Sinolo mo lahat."
Tumaas ang kilay niya. "Iyon lang ba?" Naiiling na may dinukot siya sa bulsa ng suit jacket na suot at inihagis sa akin. Nanlaki ang mata ko nang makita kung ano ang laman ng ziplock plastic.
"What the fuck?!"
Tatlong darili ang nasa loob ng ziplock. Nagkibit lang ng balikat si Ghost na parang wala lang iyon sa kanya.
"I told you I am going to give you a piece of him. Tatlo na lang ang kinuha ko. Alam ko naman na hindi mo magugustuhan kung sampung daliri niya ang ibibigay ko sa iyo. Well, if you want his head, I can give it to you too. Souvenir."
"Shit." Inis kong ibinalik sa kanya ang ziplock. "You are fucking sick. And you have that all along inside your pocket?"
"Why? Masama ba?" Walang anuman na kinuha niya ang ziplock at tiningnan ang tatlong daliri na naroon. "Ganda ng cut 'no? Courtesy of my cigar cutter." Nakangiti pang sabi niya. Hitsurang proud.
Napapailing na lang ako. My boss was really the devil. Wala man lang akong maramdaman kahit kaunting pagsisisi sa ginawa niya kay Hanauer.
"Did you kill Venderbilt?" Kung nagawa niyang patayin ang lahat ng mga kasama sa hunting game, sigurado ako na kasama doon ang tatay ni Vie. "Because if you did, just tell me where I can find his body. Iyon na lang ang hinihiling ni Vie. She wanted to give her father a proper burial."
Doon sumeryoso si Ghost. "I didn't kill him. I just put him somewhere safe."
"Somewhere safe?" Paniniguro ko.
Napa-uhum lang si Ghost. "Siya nga ang pupuntahan natin. I think it's about time that he goes home to his family."
Hindi ako sumagot. Hindi ako naniniwala na walang ginawa si Ghost sa tatay ni Vie. Kilala ko ang boss. Hindi ito basta-basta nagpapatawad sa mga taong may matitinding ginawa sa ibang tao.
Huminto kami sa isang apartment. Nagtataka akong tumingin sa kanya pero sinenyasan lang niya akong bumaba at ganoon din ang ginawa niya. Inaayos pa ni Ghost ang sarili tapos ay hinintay ako at sabay kaming pumunta. Nakasunod sa amin si Riel na wala pa ring kibo.
Normal na apartment lang naman iyon. Parang wala ngang nakatira kahit na kumpleto ang mga gamit sa loob. Sumunod lang kami kay Ghost nang tunguhin niya ang isang silid. Nang binuksan niya iyon ay napapikit-pikit pa ako dahil sa sobrang liwanag ng buong silid.
Putting-puti ang loob noon. Walang ibang kulay na makikita kundi puti lang. Naroon ang isang kama at nakaupo doon ang isang lalaki na nakatitig lang sa kawalan. Nanlaki ang mata ko nang makilala kung sino iyon.
"Si Ulysses?" Paniniguro ko.
Tumango lang si Ghost at pumasok sa loob. Kami ni Riel ay nanatiling nakatayo lang sa may pinto. Nilapitan ni Ghost si Ulysses at naupo sa harap nito pero parang hindi naman ito nakikita ng tatay ni Vie. Lampasan ang tingin ng lalaki na para bang nasa ibang dimensyon at wala sa sarili.
"What the hell did he do to him?" sa sarili ko lang nasabi iyon. Dahil ibang-iba ang Ulysses na nakikita ko ngayon kumpara sa lalaking nakilala ko noon. Nawala ang authoritative na hitsura ni Ulysses Venderbilt. Ang tingin ko ay parang lalaking wala sarili. Nakita ko pang dumukot ng panyo sa bulsa si Ghost at pinahid ang tumutulong laway ng lalaki.
"White room torture." Mahinang sagot ni Riel.
Tinapunan ko siya ng tingin at nakatingin lang siya kay Ulysses.
"Shit." mahina kong nasabi at napatitig lang sa tatay ni Vie.
That was the worst mental torture that anyone could give to a person. No wonder Ulysses became like this. Ibang klase ang white room torture. Talagang mababaliw ang kahit na sinong tao ang makakaranas nito. Hindi nga sinasaktan pero matindi ang mental torture na mararanasan ng kahit na sino. Lahat kasi ay idi-deprive sa taong pinaparanas ng white room torture. Walang ibang kulay na makikita kundi puti. Walang maririnig na kahit na ano. Pati ang oras, araw ay hindi malalaman. Kung araw pa ba o gabi na. Puro katahimikan ang maririnig. Kahit sa pagkain, walang ibang lasa na matitikman.
"K-kailan pa siya nandito?" tanong ko kay Riel kahit hindi ko siya tinatapunan ng tingin.
"Two weeks. Pinagaling muna siya ni Ghost sa ospital tapos dinala dito." Bahagyang napangiwi si Riel. "This is worse than death. I've seen what happened to him. I mean, Ghost didn't hurt him but he got what he needed about the hunting game. Ulysses confessed everything. Every people that are involved. How much money they got. He cracked."
Mahina akong napamura at nakatingin pa rin ako sa gawi nila habang si Ghost ay nanatiling nakaupo sa harap ni Ulysses na walang sinasabi.
Nakita kong tumayo si Ghost at lumapit sa akin.
"You can bring him home. Don't worry, makaka-recover naman siya." Walang anuman na sabi niya.
"Don't you think this is too much?" Naaawa akong napatingin kay Ulysses na hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa kawalan.
"What he did to those kids, to those fighters, to his family is too much. Hindi ko siya sinaktan. Ibabalik ko pa nga siya sa pamilya niya." walang emosyong sagot ni Ghost.
Napahinga na lang ako ng malalim. Naramdaman kong inakbayan niya ako.
"Hate me all you want but you know what I did is for the better of this society. You're an agent. You've seen different faces of monsters and Ulysses is one of them. Tatay nga lang siya ni Vie kaya hindi ko siya itinulad sa mga kasama niya." Tinapunan niya ng tingin si Ulysses. "He will recover I promise you that. I have doctors who will check for him from time to time. For now, tell Vie that her father is alive." Sinenyasan na niya si Riel na lumabas ng silid.
"What now?" Tanong ko sa kanya habang akma na siyang paalis.
Ngumiti siya sa akin. Ngiti na sa tuwing makikita ko ay nagdudulot ng kilabot sa buong katawan ko.
"You can go back to the agency and enjoy your new life. With your new wife," tumingin siya ng makahulugan sa akin.
Hindi ko napigil ang sarili ko na hindi matawa at naiiling na tumingin sa kanya.
"She is a perfect woman Leon, and you deserve her." tinapik niya ang braso ko. "Hintayin mo na lang ang mga doctor na titingin kay Ulysses tapos ay puwede mo na siyang ihatid pauwi."
Sinundan ko lang siya ng tingin habang paalis sila ni Riel tapos ay tinapunan ko ng tingin si Ulysses na nakatulala pa rin.
Binigyan pa rin ni Ghost ng chance na magbagong-buhay si Ulysses. Pinaranas nga lang ang ganitong klaseng pahirap pero tama naman ang boss ko. Makaka-recover pa rin mula dito si Ulysses. Matindi nga lang ang epekto nito sa mental health niya
Well, this was better for him than being dead.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top