CHAPTER FORTY-THREE (Ultimate Prize)

Ask for what you want in life, take risk, don't be afraid of failure. You will never get what you want if you never try. Just do it. - Unknown

Leon's POV

Ayoko na sanang umattend pa dito. Mas gusto kong sa bahay na lang mag-stay kasama ang mga bata. Pagkatapos ng mga nangyari, hindi mawaglit sa isip ko ang katotohanan na walang kasiguraduhan ang lahat. Sa isang iglap, puwedeng mawala ang mga mahal ko sa buhay. Kaya tama ang kasabihang live life to the fullest. Live like there was no tomorrow. Kung may gustong gawin, gawin na agad. Kung may gustong sabihin, sabihin na. Kung may gustong makuha, pagsumikapan na makuha iyon para walang pagsisisi pagdating ng huli.

The only reason that I am in this press conference for Fighter's Ring was because of Vie. Siya ang nagpatawag nito. Matapos ang mga nangyaring kontrobersiya sa promotion ng tatay niya, kailangan niyang bigyang linaw iyon lahat. Sagutin ang lahat ng tanong ng mga tao para maging malinis muli ang promotion nila.

Nakapuwesto lang ako sa bandang likod. Ayaw kong makita ako ng mga tao dito. Hangga't maaari ayaw ko nang ma-involve pa sa cage fight. I am done from this life. I am done with the violence, with the anger that I was feeling. I already let it out inside the cage. Beating Johnny, was the best part. Well, I am not really done with violence. I am still going back to XM agency. I smiled when I remember the look on Chief Coleman's face when I paid him a visit the other day. Nagagalit pa nga. Ano daw ang ginagawa ko doon? Hindi pa daw ako puwedeng bumalik dahil marami pa akong mga test na dapat gawin. But when I gave him the reinstatement form from Ghost, his smile was priceless. Alam ko din namang na-miss din ako ni Chief Coleman sa agency.

I looked at Vie and I smiled when she was holding the microphone and answering all the questions that was being thrown at her. Wala pa rin siyang kupas pagdating sa ganitong bagay. I knew she was a strong woman. Mahal lang talaga niya ang tatay niya at may leverage ito sa kanya noon kaya pumapayag siyang manipulahin nito. But now that everything was over, the real Vie was standing out. Her strong persona was shrouding the whole room. Her confidence was screaming to everyone. Every word that she has been telling to the people in front of her was like a law that they needed to listen and follow.

Beside Vie was my brother Brad. Dalawa silang salitan na sumasagot sa mga tanong na ibinabato ng mga press people. Napapatango-tango lang ako sa galing nilang mag-explain. Sigurado ako na kung silang dalawa ang hahawak ng Fighter's Ring, talagang magiging maayos na ito.

But Vie said that she didn't want to get involved in this anymore. Pero sa nakikita ko, mukhang mas bagay talaga na siya ang humawak nito.

"With your father being sick, are you going to be the new CEO of Fighter's Ring?"

Napatingin ako sa babaeng reporter na nagtanong noon. Alam kong ang ipinalabas na balita tungkol sa nangyari kay Ulysses ay nagkaroon ito ng stroke. Iyon din naman ang dahilan na sinabi ko kay Vie. Hindi ko masabi na kagagawan ni Ghost kaya parang wala sa sarili ang tatay niya ngayon. Pero tama naman si Ghost. Unti-unti ay nagkakaroon ng improvement ang kalagayan ni Ulysses. Nang huli naming bisitahin ni Vie ang tatay niya ay nagre-respond na ito ng kaunti sa mga bagay sa paligid. Hindi na tulala lang.

Nakita kong napangiti lang si Vie at tumingin sa gawi ko. Tumango lang ako sa kanya at pinaghalukipkip ko pa ang mga kamay ko. Kung magbago man ang isip ni Vie at gustuhin niyang hawakan ang Fighter's Ring ay susuportahan ko siya.

"No." Nakangiting sagot niya.

Nanatili akong nakatingin sa gawi niya at nakatingin din siya sa gawi ko.

"I am done working with Fighter's Ring. I grew up being surrounded by fighters and I've seen fights inside the cage." Lalong lumapad ang ngiti niya at tinapunan ng tingin si Brad. "Brandon here will be the new CEO of Fighter's Ring. He is more competent and I know that the promotion will be in good hands with him."

Umugong ang bulong-bulungan sa buong hall. Dinampot ni Brad ang mic na nasa harap at nagsalita doon.

"Thank you for the opportunity that you gave me, Miss Venderbilt. Rest assured that I'll give all my best to put Fighter's Ring on top again." Sabi niya.

"So, what are your plans now Miss Venderbilt that someone took over your supposed to be position?" Tanong ng isa pang reporter.

Ngumiti siya. "Well, I think I'm going to focus on my personal life. I want my kids to grow up away from the violence the cage that is giving to everyone. Brandon here is the best person for Fighter's Ring."

"What about Leon Kaestner? Are we going to expect a fight for him? A mainstream fight between him and Johnny Jones?"

Nawala ang ngiti ni Vie sa labi at muli ay tumingin sa gawi ko.

"Unfortunately, Leon Kaestner is no longer affiliated with Fighter's Ring. He has other things do and we wish him good luck for his new endeavor. As for Johnny," napailing-iling si Brad. "He cannot go back inside the cage. After suffering a terrible accident, he is paralyzed from neck down and his recovery would take so much time." Si Brad na ang sumagot noon.

Marami pang mga tanong ang mga tao pero nakita kong bumulong si Vie kay Brad at kinuha ang mic.

"All your questions will be answered by the new CEO. Thank you so much."

Iyon ang narinig kong sabi ni Vie at kumaway siya sa mga tao. Tumayo na siya at hindi na pinansin ang mga itinatanong ng mga tao sa kanya. Lumakad naman ako sa lumabas ng hall. Doon ko na lang siya hihintayin para walang mga taong makakakita pa sa akin. Nang lumabas si Vie ay palinga-linga siya. Halatang hinahanap ako. Halatang nakahinga ng maluwag nang makita kong nakangiti sa kanya. Lumapit siya sa akin at agad na humalik sa pisngi ko.

"Thank God," tingin ko ay parang malaking problema ang nawala sa kanya.

"Are you good?" Hinawakan ko siya sa baywang at hinila palapit sa akin habang nakatingin sa mukha niya.

"Yeah. Kasama na kita," nakangiting sagot niya. "I can't wait to go home and see the kids. I miss them already."

"They are missing you too." Bumaba ang mukha ko at hinalikan ko siya sa labi. Pero agad din kaming napahinto nang makarinig kami ng mahinang pag-tikhim. Pareho naming hinanap ni Vie ang gumawa noon at napatiim-bagang ako nang makilala ko sino ang gumawa noon.

"I-I am not here to make any scene. I just heard that there's going to be a presscon here and I thought that you would be here because she is here."

Damang-dama ko ang kaba sa boses ni Kelsey habang sinasabi iyon. Agad kong pinapuwesto si Vie sa likuran ko dahil baka kung ano ang gawin ni Kelsey sa kanya. Pero sa nakikita ko, mukhang wala namang gagawing masama ang dati kong kinakasama. Sa katunayan, ibang-iba ang hitsura ni Kelsey ngayon. Wala ang mayabang na hitsura na nakita ko noon. Nawala ang bangis. Ang hitsura niya ngayon ay takot. Halatang kinakabahan.

"What do you want?" Seryosong tanong ko.

Nakita kong agad na namuo ang luha sa mga mata niya pero pilit na ngumiti sa akin.

"I-I just want to say sorry." Pagkasabi noon ay mabilis na tumulo ang luha nito sa mata. "I am sorry for what I did. I am sorry I put our daughters' life in danger. B-believe me, I didn't know that Budge was going to do that."

Mukhang hindi naman nagda-drama lang si Kelsey nang sabihin iyon. Dama ko naman na bukal sa loob niya ang paghingi ng sorry.

"I know I am a bad person and you will never forgive me because of what I did. I know that I can no longer see my kids. Tanggap ko na naman iyon. But I am miserable, Leon. I am fucking miserable. My husband died and I got all his money. But still, all I felt is emptiness. I felt nothing." Napasubsob na sa mga palad niya si Kelsey at doon humagulgol.

Narinig kong napahinga ng malalim si Vie at nang tingnan ko siya ay kitang-kita ko ang awa niya sa kaharap naming babae.

"I'll leave you two for now. I'll wait for you outside," ngumiti sa akin si Vie at akmang aalis na doon pero pinigilan ko.

"No. Stay here." Saway ko sa kanya pero ngumiti lang siya sa akin.

"I am okay. This is between you two. I'll wait for you." Muli ay ngumiti siya at lumakad na. Nang mapatapat siya sa puwesto ni Vie ay hinawakan pa niya ito sa balikat tapos ay tuloy-tuloy na lumabas.

Seryoso lang akong nakatingin kay Kelsey habang sumisinghot-singhot ito at pinapahid ang luha at sipon sa mukha.

"I am scared. I've met the person who killed Budge and he was scary. He told me that I cannot see my kids anymore. And I understand because I put their lives in danger. But I cannot live like this. It's like there is some target at my back and whatever I do there are eyes following me."

Napahinga ako ng malalim. Ngayon naintindihan ko na kung bakit nagkaroon ng pera si Ghost at ibinigay niya sa mga bata. Siguradong tinakot ng matandang iyon si Kelsey para ibigay ang pera dito. At grabe ang takot na ibinigay ni Ghost sa kanya.

"Hindi ako manggugulo. I am okay like this. I know the girls will be okay and safe with you. I know Vie is going to be a good mother to them. She can give the love that I never gave them." Mabilis na pinahid ni Kelsey ang mga luha. "But I want my life back. That man who killed Budge. He threatened me. He is the devil. Natatakot ako sa kanya. He is going to kill me."

"No one is going to kill you, Kelsey. Just live your life. Find a new life away from them. This is your chance to make things right." Sagot ko sa kanya.

"But my kids. I can never see them again."

"That's the consequence of what you did." Tanging sabi ko.

Sa narinig ay impit na napaiyak si Kelsey pero agad na inayos ang sarili nang may ilang mga tao ang dumaan sa gilid namin. Pinahid niya ang mga luha at pilit na ngumiti sa akin.

"Okay. Okay. I know. I-I will never see them. But promise me, you tell them about me. Kahit alam kong hindi ako mabuting ina. Kahit alam kong napakarami kong pagkukulang at pinabayaan ko sila, please don't let them forget me. They are still my kids. Nagsisisi ako sa nagawa ko. Walang kahit na anong halaga ang makakapantay sa kanila. Akala ko pera lang ang mahalaga sa buhay ko. And now that I have it all, still I felt worthless. Nothing."

"Malalampasan mo din iyan. In time. Forgive yourself." Napahinga ako ng malalim at may dinukot sa likuran kong bulsa. Papel at ballpen iyon at may isinulat ako tapos ay ibinigay ko sa kanya. "This person can help you if you need someone to talk. She is a shrink and right now that's what you need." Numero iyon ng psychiatrist na tumulong sa akin noong nagpapagaling ako dahil sa ginawa sa akin ni Torque.

Nanginginig ang kamay niya na kinuha ang papel at tiningnan iyon tapos ay pilit na ngumiti sa akin at tumango-tango.

"Thank you." Sabi niya at tumingin sa akin at ngumiti ng mapakla. "I am a fool for letting go of you. I am sorry."

"It's all in the past. I am okay. We are all okay. The only thing that connects us are the girls. But right now, what you need to do is find yourself first. Heal."

"Yes." Napabuga pa siya ng hangin at lumakad na palayo sa akin. Tuloy-tuloy na lumabas at sumakay sa naghihintay na sasakyan.

Patakbo din akong lumabas at hinanap ko si Vie. Nakita ko siyang nakatayo sa tabi ng kotse ko at sinusundan ng tingin ang paalis na sasakyan ni Kelsey.

"There you are," bati ko sa kanya nang makalapit ako.

"She got money but all I can see in her eyes is emptiness. Loneliness." Napapailing-iling pa siya. "Money really can't buy happiness."

"Kaya nga okay na akong walang pera basta kasama ka." Nangingiting sabi ko sa kanya at ipinulupot ko ang kamay ko sa baywang niya.

Natatawang tumingin sa akin si Vie at napailing-iling. "Bola."

"Sino ang nagsasabing nambobola ako? Actually, the first time I saw you and I learned that you are Johnny's prize, I told myself that I can never lose. I should win to get you." Titig na titig ako sa mga mata niya habang sinasabi iyo. "Because you are the best prize that I got in my lifetime. No money, no fame can surpass you."

Kita kong namula ang pisngi ni Vie sa sinabi ko.

"So, what now?" tanong niya sa akin.

"What now? What do you want to do? I still have two weeks before I go back to my job."

Sumeryoso ang mukha ni Vie. "Job? Like what? Killing people?"

"No. Agent lang ako pero hindi ako mamamatay tao. I promise I won't kill kung hindi naman kailangan."

"Why don't you go back to cage fighting? I mean this time everything is legal." Sabi pa niya.

Napahinga ako ng malalim at hinawakan ang mukha niya at umiling ako.

"I won't go back inside the cage because I already got you. Besides, being an agent gives me the right to beat and catch bad guys. At least, bugbugin ko man sila may dahilan ako." Hinalikan ko sa labi si Vie tapos ay tumingin ako sa relo ko. "You know what, why don't we go somewhere tonight?"

"Where?" Taka niya.

"I have this friend and he is a mayor and he can officiate a wedding anytime of the day." Walang anuman na sabi ko.

Kita kong naguluhan si Vie sa sinabi ko.

"What? What are you..." napapikit-pikit siya at hindi maituloy ang sasabihin.

"Let's get married tonight. Do you want?" Titig na titig ako sa mukha niya nang sabihin iyon.

Kita kong namuo ang luha sa mga mata ni Vie at ngumiti sa akin tapos ay tumango.

"Yes. Yes!" yumakap siya ng mahigpit sa akin at hindi naman mawala ang ngiti sa labi ko .

The best part of being a cage fighter.

Getting the ultimate prize that I wanted.

To be with her in my lifetime.

- END

Leon and Vie now signing off. Thank you for reading and following their story.

For other updates, physical book releases and merch you can visit FB page Helene Mendoza's Stories.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top