CHAPTER FORTY (Saved)

Trigger warning.

This chapter has some gruesome scenes. If you are easily triggered by that, please skip this chapter.

———————-

It takes a monster to destroy a monster - Unknown

Leon's POV

"Calm down."

Kalmadong-kalmado ang boses ni Ghost habang nakaupo sa backseat at nagtitingin sa telepono niya.

"Calm down? How do you expect me to calm down knowing my kids are in danger?" Singhal ko sa kanya at napabuga ako ng hangin. Kakatapos ko lang kausapin si Kelsey at pagmumurahin. Kung kaharap ko lang ang babaeng iyon baka kung ano talaga ang nagawa ko. Ang gusto ko ngayon ay puntahan ang babaeng iyon at pilipitin ang leeg. Nagsisisi talaga ako at bakit ko ba pinakisamahan ang isang iyon noon. Bakit minahal ko pa at naging ina pa ng mga anak ko.

Natawa pa si Ghost sa nakikitang reaksyon ko kaya gusto ko siyang sapakin ulit. Hindi ba siya nag-aalala? That asshole Budge got my kids. He could be hurting my girls now at hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyari sa kanila.

"Hindi ka ba nag-aalala? Hindi nga natin alam kung nasaan ang mga anak ko?"

"Relax. I got this. Alam ko ang lahat kung saan ginagawa ang hunting game ng mga kasali sa organization ni Ulysses. At ngayon tatlo na lang ang natitirang members noon. The General, the Senator and the Mayor." malumanay pa na sagot niya. "Riel, you got the coordinates?" baling niya sa nagda-drive.

"Alam ko na, Ghost. Malapit na tayo." Sagot nito at tinapunan ako ng tingin tapos ay tumingin sa rearview mirror. "Mga kabado pala ang agents mo." Sabi nito kay Ghost.

Sinamaan ko ng tingin ang lalaking nagmamaneho. "Subukan mong malagay sa panganib ang anak mo tingnan ko kung hindi manginig pati tumbong mo."

Natawa lang ito at hindi na ako pinansin. Itinutok lang ang tingin sa kalsada.

"Leon, just relax. I know what I'm doing. And don't worry. Walang mangyayaring masama sa mga anak mo. I got this. When did I let you down?" Sabi pa ni Ghost.

"I am going to kill that ayor. I am going to tear his body piece by piece." Parang sa sarili ko lang sinasabi iyon.

"I let you have a piece of him don't worry." Sagot pa ni Ghost. Huminto kami at nasilip kong isang subdivision ang pinasok namin. Mahigpit ang security at talagang tinatanong kami kung saan kami pupunta at sino ang pakay. Si Ghost ang nakikipag-usap sa security. Talagang nag-aalala na ako dahil kinailangan pang bumaba ng sasakyan ni Ghost at makipag-usap ng seryoso sa mga ito.

"Do we have a problem?" Kinakabahang tanong ko.

"This subdivision is owned by Senator Corpuz. Mahigpit talaga ang security dito. I already scanned this place. Dito ginagawa ang hunting game ni Senator at minsan ipinapahiram niya ang lugar niya sa mga kasamahan niya sa organization kapag may mga kasama silang bata. Dito dinala ang mga anak mo." Mahinahong sagot ni Riel.

Naikuyom ko lang ang kamay ko at muling sumilip. Sige pa rin sa pakikipag-usap si Ghost tapos maya-maya ay nakita kong nakikipagtawanan na ito sa mga guards at kumakaway pa nang muling bumalik sa sasakyan.

"What happened?" tanong ko. Itinaas na ng guard ang harang na boom para makapasok kami.

"Oh, nothing. I got it covered." Sagot ni Ghost.

"What did you tell them?" tanong ko pa.

"I bought a house here last week kaya hindi nila ako puwedeng hindi papasukin dito. This is the last place that they can do their hunting game since the organization is already gone. Mga talamak na mamamatay-tao lang talaga itong mga naiwan kaya hindi makatiis na hindi maglaro." Sagot nito. "Riel, everything clear?" Baling niya sa nagmamaneho.

Tumango lang si Riel at patuloy na nagmaneho. Huminto kami sa tapat ng isang halatang bagong tayong bahay.

"This is the place?" Sinilip ko pa ang bahay at hitsurang normal na bahay iyon.

"Yes. Don't be deceived by the look of it. Maraming bata na ang pinatay sa bahay na iyan. Those unlucky kids that we didn't able to save." Dama ko ang galit sa tono ni Ghost.

Sabay-sabay kaming bumaba at akma akong susugod sa loob nang pigilan niya ako.

"I want you to stay in the car. I will call you if everything is good."

Kumunot ang noo ko. "What? You cannot expect me to stay here. My kids are inside."

"Trust me. Alam mo naman iyon, Leon. Kapag ang mga mahal na natin sa buhay ang involve sa ganitong sitwasyon, nawawala na tayo sa focus. Hindi ko pababayaan na may mangyaring masama sa mga anak mo. Stay here."

"No! I cannot-"

"Stay the fuck here." Tumaas na ang boses ni Ghost. "Give me ten minutes. Dadalhin ko sa iyo ang mga anak mo nang walang kahit na anong galos."

Napahinga na lang ako ng malalim sa kawalan ng magagawa. Sinundan ko lang ng tingin si Ghost at si Riel nang pumasok ito sa bahay. Mura lang ako nang mura sa galit. Tumunog ang telepono ko at si Vie ang tumatawag sa akin.

"Where are you? Where are the kids?" Nag-aalalang tanong niya.

"I am still here. Waiting." Ang lakas ng kaba ng dibdib ko. Kahit na alam kong hindi naman ako bibiguin ni Ghost, nag-aalala pa rin ako. Tama naman kasi ang sinasabi ng boss ko. Once our loved ones were involved in this kind of situation, we lost our focus. Kahit nakaplano pa iyan. Lalayo pa ba ako? Nangyari na nga iyon kay Ghost. He killed his own wife because of a mission that went awry.

"I am worried. Baka kung ano na ang nangyari sa mga bata." Naiiyak na si Vie.

"Don't worry. I trust those people who will help me to get back our kids. Anna and Elsa will come home with us." Pag-a-assure ko sa kanya.

"Kapag nakaharap ko talaga 'yang dati mong asawa, talagang kakalbuhin ko siya."

Hindi na lang ako nakakibo. Pero maya-maya nga lang ay nakita kong lumalabas si Ghost at karga nito si Elsa at akay naman si Anna. Kahit nagsasalita pa si Vie at pinatayan ko na siya ng call at patakbo ko silang sinalubong.

"Daddy!" Agad na tumakbo palapit sa akin si Anna at ibinaba din ni Ghost si Elsa na tumakbo din palapit sa akin. Naiiyak ako habang niyakap ko ang mga anak ko.

"Are you okay?" Tinitingnan ko sila para masiguro na hindi sila nasaktan. Nakita kong may gasgas sa braso si Anna kaya nagtagis ang bagang ko at tumingin ng masama kay Ghost. Kumumpas siya sa hangin na parang walang anuman ang nakita.

"It's just a scratch. She got that when she was running away from Budge. But she's fine." Bumaling si Ghost kay Anna at lumuhod sa harap ng bata. "Right, Anna? You're fine?"

Anna giggled and nod like there was nothing bad happened to her. Lumapit pa ito kay Ghost at yumakap.

"I am fine, Grandpa." Pinisil pa ang pisngi ni Ghost.

Tumingin ako kay Ghost. I knew he could see the relief on my face. Ang higpit ng hawak ko sa mga bata.

"What about the Mayor? Those a-holes inside?" Tanong ko. Tinakpan ko pa ang tainga ng mga anak ko para hindi marinig ang masamang salita na sinabi ko.

"Don't worry about them. Ako na ang bahala. Go home. And I promise you hinding-hindi na sila makukuha pa ni Kelsey. Ginawan ko na iyon ng paraan."

"I want to see them." Sabi ko. Dahil gusto kong lumpuhin ang tarantadong iyon dahil sa ginawa sa mga anak ko.

"No need. Just go home. Vie is waiting. Your brother is waiting too. Take the car and leave," iniabot niya ang susi sa akin.

Akma akong magpo-protesta pero sinenyasan niya akong tumahimik.

"Go, Leon. The kids are safe and that's the important thing. Kami na ni Riel ang bahala dito."

As usual, wala na naman akong nagawa. Dahil kapag sinabi niya, hindi na iyon puwedeng baliin pa. Pinasakay ko sa sasakyan ang dalawang anak ko at sumakay ako sa driver's side. Tumingin ako kay Ghost at ngumiti siya sa akin.

And that smile again.

His smile that never failed to send chill to my very core. Alam kong sa kabila ng mga ngiting iyon ay may nagbabadyang masamang mangyari kung kanino.

At sa pagkakataong ito, pasasalamatan ko si Ghost kung buburahin na niya si Budge at ang mga kasama nito sa mundo.

Pinaandar ko na paalis doon ang sasakyan. I wanted to kill those assholes but Ghost was right. The important thing was my kids were safe with me and they won't never leave my side.

-----------------

Mayor Budge Hanauer's POV

"I told you I will get kids for us."

Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko habang tinitingnan ko ang dalawang anak ni Kelsey na nakatali sa isang sulok. May mga piring ang mata ng mga ito at may busal sa bibig para hindi namin marinig ang pag-iyak nila. That was what I hate with kids. Their constant whines and loud cries. Mamaya ko gustong marinig iyon kapag tumatakbo na sila at hina-hunting ko.

"Animal ka, Budge. Anak ito ng asawa mo. Paano mo napapayag si Kelsey?" Tanong ni Rene.

"She hated her kids. Kaya lang naman niya kinuha iyan dahil sinabi kong gusto kong bigyan niya ako ng anak. That woman would do anything for my money. She got. She enjoyed living like a queen kaya dapat lang na palitan niya iyon. Besides, I don't need her anyway. Pagkatapos dito, siya naman ang ipapa-dispose ko. Kaya bakit pa tayo magpapakahirap maghanap ng mga bata sa ampunan o sa kung saan kung may makukuha naman tayo. Look at them. They are healthy. Well-fed. Educated. Mas magandang hunting game ito dahil titingnan natin kung makakagawa sila ng paraan na matakasan tayo," tumawa pa ako at muling tinapunan ng tingin ang mga bata.

"Pero hindi ba muna tayo magla-lie low? Wala na ang organization. Authorities found out about the underground fights. Nagtatago na ang ibang mga kasama natin. Si Ulysses hindi mahagilap kung nasaan. We could do this some other time. Puwedeng palamigin na muna natin ang sitwasyon."

Tumingin ako kay Senator Celso at dama ko na kinakabahan siya. Nakita kong iiling-iling lang din si Rene habang inihihilera nito ang iba't-ibang klase ng baril, kutsilyo, crossbow arrow na paborito naming gamitin sa tuwing may hunting game.

Napapailing na natawa ako. "Sinabi ko naman kasi sa iyo, kung dinadaga ang dibdib mo, kami na muna ang bahala dito."

"Pero nakita 'nyo naman ang nangyari sa ibang mga kasama natin. We don't know who is our enemy. Ang tagal na natin sa ganito at hindi tayo nahuhuli pero..." hindi nito naituloy ang sasabihin at napapabuga lang ng hangin.

Lumapit ako dito at hinawakan sa balikat tapos ay iniharap sa akin.

"We've done this dozens of times. Nadamay lang ang organization dahil sa pagkabaliw ni Johnny sa anak ni Ulysses. That bitch is the reason why the organization was crushed. Saka mas gusto ko na ang ganito. Wala tayong masyadong kaagaw sa mga bata. Ngayon pang mahihirapan tayong makakuha ng mga malalaro natin." Sagot ko.

Halatang hindi kumbinsido si Celso sa sinabi ko kaya tinapik-tapik ko ang balikat niya.

"Relax. Loosen yourself up. Kapag nag-umpisa ka nang maghabol sa mga iyan, mawawala na ang kaba mo. Mapapalitan na ng adrenalin rush." Lumapit ako sa mesa kung saan nakalatag ang mga gagamitin namin. Nakangiti kong dinampot ang isang skinning knife. Gamit na gamit ko ang kutsilyong ito. Gustong-gusto kong ginagamit sa mga batang nakukuha ko. Talagang siniguro kong matalas ang isang ito. I can't wait to use this to the eldest kid. I will start to skin her alive from her arms down to her feet. I can't wait to hear her screaming while I am ripping her skin from her body piece by piece.

"Budge, we could- aray!"

Pare-pareho kaming napatingin kay Rene nang bigla nitong hawakan ang leeg na parang may kumagat doon. Nakita kong may kinuha siyang nakadikit sa leeg niya na hitsurang parang dart.

"What the fuck is this?" Parang sa sarili lang iyon sinabi ni Rene tapos maya-maya ay bigla itong nawalan ng malay.

"Shit!"

Si Celso naman ang narinig ko at ganoon din ang nangyari dito. May tumama ding kung ano sa leeg at katulad ni Rene, automatic itong nawalan ng malay.

Those are fucking tranquilizer darts na ginagamit din namin sa hunting game. Agad akong tumingin sa paligid para makita kung saan nanggaling iyon. Napaatras ako at naramdaman kong bumangga ako sa kung ano. Nang lingunin ko iyon ay may nakita akong tao. Pilit kong kinilala at nanlaki ang mata ko nang makilala iyon.

"Greg?" Paano niya nalaman na nandito kami? This man was missing after the botched underground fight. At ang alam ko ay nahuli din ng mga pulis.

"Surprise?" Nakangisi siya sa akin. Napalunok ako kasi nakakakaba ang paraan ng pagngisi niya. "We are going to play."

Pagkasabi niya noon ay may bigla siyang isinaksak sa leeg ko. Sinubukan ko siyang itulak pero ang lakas niya at unti-unti na akong nahihilo. Hanggang sa maramdaman kong nanlambot ang tuhod ko at magdilim ang lahat.

------------------

Malalakas na hiyaw.

Iyon ang nagpagising sa akin. Sinubukan kong gumalaw at naramdaman kong nakatali ako sa isang silya. May mouth gag din ako pero nakikita ko ang nangyayari sa paligid.

Narito pa rin ako sa bahay ni Celso. Nasa mesa pa rin ang mga gagamitin naming gamit sa hunting game. Pero nang tingnan ko ang lugar ng mga bata, wala na ang mga ito. Nakita ko si Celso na nakaupo at nakatali din sa isang silya. Nakalungayngay ang ulo at umaagos ang dugo mula sa ulo nito. Ipinikit-pikit ko ang mata ko at tama ba ang nakikita ko? Part of Celso's head was shaved. Hindi pangkaraniwang ahit dahil patse-patse ang pagkakatanggal ng buhok niya. Napalunok ako nang makitang mabuti kung ano ang hitsura noon. Binalatan ang ulo ni Celso. Tanggal ang parte ng anit na halatang ginawa nang gising siya.

Napatingin ako sa lalaking sumisigaw. Nakilala kong si Rene iyon at nakaupo din at nakatali sa silya. Tanging pantalon lang ang suot ni Rene tapos ay may lalaking nakaupo din sa harap niya. Hawak ang paa ni Rene. Kitang-kita ko ang takot sa mga mata ni Rene habang nakatingin sa lalaki at sa paa niya. May hawak na pliers ang lalaki at nakita kong inilagay sa hinlalaki ng paa ni Rene. Ang lakas ng atungal ni Rene pero walang maisigaw dahil sa mouth gag. Nanlaki ang mata ko nang ipitin ng pliers ang kuko ni Rene at walang sabi-sabi na hinila iyon.

Umiiyak sa sakit si Rene. Sa nakikita ko, halos lahat ng kuko niya sa paa ay tanggal na.

"Kamay naman ang isunod natin," narinig kong sabi ng lalaki.

Humahagulgol ng iyak si Rene. Ako, pilit akong kumakawala sa pagkakatali ko. Who the fuck was this man? Shit. I needed to get out of here.

"Relax. You will have your turn."

Natigilan ako nang marinig ang boses ng nagsalita. Maya-maya ay nasa harap ko na iyon at nakilala kong si Greg. Nakangiti pa siya sa akin at ayos na ayos ang hitsura. Poised na poised na para bang walang nangyayaring kaguluhan dito ngayon.

Pilit akong nagsalita kahit may nakapasak na kung ano sa bibig ko.

"What? You're saying something?" Inilapit pa niya ang tainga sa mukha ko kahit hindi naman niya maiintindihan ang sinasabi ko. Tapos ay muli siyang humarap sa akin. "That's what I thought. You can't say anything." Nakangiti pa rin siya na parang demonyo sa akin tapos ay tiningnan ang lalaking nananakit kay Rene. "Riel, okay na ba siya?"

"What else do you want me to do? You said take off all his nails. I am done with the feet." Walang anuman na sagot ng kausap ni Greg. Para bang kaswal na kaswal lang ang usapan nila na wala silang sinasaktang tao.

"How about the other guy?" Si Celso ang tinutukoy ni Greg.

Napangiwi ang lalaki at tumayo tapos ay tiningnan si Celso. Iniangat ang ulo at tumutulo pa ang dugo mula sa bibig nito.

"He passed out. Can't take the pain from skinning his head." Nagkibit-balikat pa ang lalaki at parang nandidiring binitiwan ang ulo ni Celso na muling lumungayngay.

"Bring that guy in the other room. Finish him there. Then call the cleaners. I'll take care of this one," alam kong ako ang tinutukoy ni Greg sa kausap nito. Hinubad nito ang suot na suit at marahang itinupi tapos ay maayos na inilapag sa mesang naroon. Sinisigurong hindi iyon malulukot.

"Do you know that I have people who can do this shit for me? And if I ask them a favor to do this, they will be thrilled." Sinusundan ko lang ng tingin si Greg habang nagsasalita siya at inaayos naman niya ang sleeves na suot niya. Itinutupi iyon hanggang siko.

Sa totoo lang, ramdam na ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko sa takot. Kalmadong-kalmado ang hitsura ni Greg pero hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda sa akin.

"I don't do this shit anymore. I don't want my hands to get dirty. It's tiring. It's messy. I don't like messy things," natatawa pa siyang tumingin sa akin. Ngayon naman ay ang relo na niya ang tinatanggal niya at marahang inilapag din iyon sa ibabaw ng suit niya tapos ay tiningnan isa-isa ang mga nakalatag na gamit doon. Mga gamit sa hunting game. "But for you, I will attend to you personally. Because you are special." Ngumiti pa siya sa akin at dinampot ang skinning knife na hawak ko lang kanina at tinitingnan pa iyon. Nanlaki ang mata ko dahil idinikit niya iyon sa pisngi ko tapos ay walang sabi-sabing ipinangtanggal sa nakatali sa bibig ko sabay alis ng mouth gag.

Napa-ubo-ubo pa ako dahil sa paghahabol ng hininga. Humihingal akong tumingin kay Greg.

"What the hell is this? Who the hell are you, Greg?" Naiiyak kong tanong sa kanya.

"Me?" Itinuro pa niya ang sarili. "People call me Ghost." Nakangiti pa rin siya sa akin.

Ghost? He told me people calls him Ghost? Ghost can't hurt people. He looked like the devil and I knew he was going to hurt me so bad.

Humila siya ng isang silya at ipinuwesto iyon sa harap ko. Ngayon ay seryoso na lang siyang nakatingin sa akin habang hawak pa rin ang skinning knife. I remember that knife. I always used that every time I was skinning kids alive. Now their screams were coming back inside my head. Taunting me that I would experience the same pain that I did to them.

"I remember months ago when I first encounter a child that was found in a pile of garbage." Napahinga ng malalim si Ghost. "Poor baby. Only eight months old. Skinned alive." Napapiksi ako nang muli ay dumapo sa mukha ko ang hawak niyang kutsilyo at pinagapang iyon sa leeg ko. "Do you know how does it feel? Being skinned alive?" Tanong pa niya sa akin.

Sunod-sunod ang iling ko habang napapalunok sa takot at tinatapunan ng tingin ang kutsilyong hawak niya.

"In old ways, skinning alive is also called Flaying. It is a slow and painful execution by removing portions of skin while the person is conscious but I am sure you already know about that. Because that's your favorite kind of torture. Right?" Muli ay nakangiti pa rin siya sa akin.

Sunod-sunod ang iling ko habang ramdam na ramdam kong pinapapawisan na ako sa takot.

"Let me show you how does it work," sabi pa niya.

Dinampot niya ang mouth gag na inalis niya kanina at ibinalik sa bibig ko. Tapos ay naramdaman kong kumayod sa leeg ko ang matalim na kutsilyong hawak niya. Umaaringking ako sa sakit. Napakahapdi na parang pinupunit ang balat ko habang hinihiwa niya.

"There." Parang proud na proud pa si Greg sa ginawa niya habang tinitingnan ang piraso ng balat ko na hiniwa niya mula sa akin. "But this is still small. Let me get another piece."

Muli ay ganoon ang ginawa niya. Walang hinto. Umiiyak na ako sa sakit dahil walang anuman sa kanya na binabalatan niya ako. Sa dibdib, sa tiyan, sa braso. Sa mukha. Pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng malay dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Nanghihina na ako sa sakit nang tanggalin ni Greg ang mouth gag ko.

"Does it hurt? Parang kagat lang ng langgam 'no?" Nakangiti pang sabi niya habang may pandidiring tiningnan ang mga parte ng balat kong tinanggal niya. Para akong nakahinga nang maluwag nang bitiwan niya ang hawak na skinning knife. It's over. I knew he was done hurting me. Pero nagtaka ako nang may dukutin siya sa bulsa niya.

Tobacco.

Muli ay may dinukot siya sa bulsa at nakita kong cigar cutter iyon. Pinutol ang dulo ng tobacco at sinindihan. Humithit at bumuga ng usok na itinapat sa mukha ko.

"From Cuba." Alam kong ang tobacco ang tinutukoy niya. "You want to try?"

Marahan akong umiling. Pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako sa ginawa niya. Nanunuot sa buong katawan ko ang sakit ng mga sugat na ginawa niya sa akin.

"Good. Because this is I want you to try." Sabi niya at kinuha ang kamay ko at hinawakan ang bawat daliri ko. Kinuha niya ang cigar cutter at sinukat iyon sa hinlalaki ko. Umungol ako nang umungol lalo na nang ipasok niya sa butas ng cigar cutter ang daliri ko. Walang patid ang agos ng luha ko dahil alam ko na ang susunod na gagawin niya.

"Remember the baby that they found in the garbage. Her little fingers were cut one by one. Imagine the pain that she had to endure. Her tiny body in so much pain. Like this."

Pagkasabi noon ay bigla niyang inipit ng cigar cutter ang daliri ko. Sa talim noon ay wala pang ilang segundo ay gumugulong na sa semento ang naputol na hinlalaki ko.

Wala akong magawa. Sigaw ako nang sigaw pero walang lumalabas sa bibig ko dahil sa mouth gag. Patuloy lang ang pagtulo ng luha ko. Napakasakit. Gusto ko na lang na patayin na lang niya ako. Nagpapalag ako ng sobra nang maramdaman kong ang isang daliri ko naman ang ipinasok niya sa cigar cutter at tulad ng nauna, walang pasabi niyang pinutol. Hindi siya humihinto hangga't hindi niya naubos ang mga daliri ko.

Nanginginig na ang buong katawan ko sa tindi ng sakit na nararamdaman. Tiningnan ko ang mga kamay kong nakatali na putol ang lahat ng daliri. Ang mga daliri ko ay nagkalat sa semento. Si Greg ay kaswal lang na humihithit sa tobacco na hawak niya. Walang anuman sa kanya ang ginawa niya sa akin.

Nakarinig kami nang dalawang magkasunod na putok ng baril mula sa kung saan. Sigurado akong si Rene iyon at si Celso. Sigurado akong pinatay na ang mga ito ng kasama niya. And I envy them. They were dead. They won't feel any pain anymore.

Umungol ako nang umungol kaya tinanggal niya ang mouth gag sa bibig ko.

"P-parang awa mo na. P-patayin mo na lang ako," umiiyak na pakiusap ko sa kanya. Hindi ko na kaya ang sakit na ginawa niya sa akin.

"What? Kill you? Bakit ko naman gagawin agad? We are just starting. Ganito ang ginagawa mo sa mga bata 'di ba? Those kids that you promised to give a better future. Those kids that you snatched from their precious life. I am just letting you feel what they felt when you were playing with them during the hunting game."

"I-I am so sorry. I'm sorry." Paulit-ulit kong sabi.

"Sorry? You are sorry?" Tumawa ng nakakaloko si Greg. "Don't say sorry. What's happening to you right now, you earned it. Congratulations."

Lalo lang akong naiyak dahil alam kong may kasunod pa ang pagpapahirap niya sa akin. I would wish a single bullet to my head. I knew he was going to kill me anyway. But I didn't want any more pain. I couldn't take it.

"Barilin mo na lang ako." Pakiusap ko sa kanya.

"Nah." Umiiling na sabi niya at kumumpas pa sa hangin. "That's too easy." Saglit siyang nag-isip. "Oh, I remember. I saw a kid with a crossbow arrow in his chest." Lumapit siya sa mesa at dinampot ang crossbow arrow na naroon. Tiningnan-tingnan tapos ay itinapat sa akin at walang sabi-sabing kinalabit iyon. Napaigik ako nang tumama ang bala noon sa tiyan ko.

"I could easily aim for your heart but that would give you an instant death and I don't want that to happen. No need to worry. You will get there. You will get the death that you are asking from me. I'm going to give it to you. I promise that." Humitihit siya sa tobacco na hawak. "But I still want to give you a slow and painful death so you would know that this is personal for me. So you would feel the agony of those kids that you killed for fun. Before you close your eyes for good, I want you to remember their pleas. Their cries. Their faces begging for mercy." Inis niyang binitiwan ang hawak na tobacco at pumuwesto sa likuran ko.

Napaubo-ubo ako dahil pakiramdam ko ay nalulunod ako. Tumingin ako sa sikmura ko at nakatusok pa din doon ang bala ng crossbow. Umaagos ang dugo. Sa isip ko ay naaalala ko ang mga batang pinatay ko. Ang mga iyak nila. Ang pakiusap na huwag ko silang saktan. Napahagulgol ako ng iyak. Magsisi man ako ngayon, huli na.

Nagulat ako nang biglang may pumulupot sa leeg ko. I was choking and it was painful. Bumabaon sa leeg ko ang matalas na wire na nakapulupot doon.

Wala akong magawa. Nagpapapasag lang ako habang humihigpit nang humihigpit ang pagkakasakal sa akin. Naghahabol na ako ng hininga.

"Don't worry. They won't find your head. Just like the infant that you decapitated." Bulong niya sa akin habang lalong humihigpit ang nakapulupot sa leeg ko.

Those were the last words that I heard from The Ghost before I took my last breath and lost to the darkness that he sent me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top