CHAPTER FIFTEEN (Offer)

Loyalty is a decision, a resolution of the soul

---------------------------------------------------------


Leon's POV

            Alam kong may plano na naman si Ghost.

            At nabubuwisit ako dahil hindi niya sinasabi sa akin.

            Tulad ngayon na biglang may pa-event si Ulysses para sa promotion nito at kailangang naroon daw ako. Bakit kailangang naroon ako? My fight was one time deal kaya naiinis ako na ganito ang nangyayari at mayroon pa akong excess baggage na ngayon ay nasa tabi ko.

            Tinapunan ko ng tingin si Vie na tahimik na nakaupo sa tabi ko at nakatingin sa labas ng bintana. Nakasakay kami sa limousine na dumating sa harap ng bahay kanina. Courtesy of Ghost. Natawa ako. Ibang klase din talaga ang boss ko na iyon. Napakaarte sa lahat ng bagay. No wonder he could get whatever he wanted. Kaya nga kahit ako ay hindi magawang tumanggi sa lahat ng gusto niya. Kung animal ang tingin sa amin sa cage, si Ghost ang pinaka-animal sa lahat ng agents na nakilala ko. Especially when I learned what he did to save his only son. That was one fucked up scene. Every agent in the agency knew about that incident but we didn't know that it was Ghost himself. He used a different name before. A hostage situation that went awry and the shooter had to choose whom to take down. His wife or his son.

            Napapikit ako. Nang malaman ko ngang si Ghost ang involved doon ay talagang nag-iba ang tingin ko sa kanya. I couldn't believe that he could do that. Killing his own wife to save his son. That was so fucked up. Kaya siguro ganoon na lang siya ka-cold. Walang pakiramdam. Walang pakialam kung sinong masaktan o mapatay niya. Dahil kahit sino ay kaya niyang i-give up.

            Kahit pa nga ang pinaka-importante sa kanya.

            Tumunog ang telepono ko. Napailing ako. Speaking of the devil. It was Ghost calling.

            "Papunta na kayo?" Tanong nito.

            "Yes. Ikaw?"

            Napa-hmm siya. "Bahala na kung pupunta ako. I am sure Ulysses will do something that will involves you tonight." Seryosong sabi niya. "Are you with Vie?"

            Kumunot ang noo ko at tinapunan ng tingin ang babae na nanatiling nakatingin sa labas ng sasakyan.

            "Yes. What do you mean it involves me?" Taka ko.

            "You got his attention. Just do whatever he wants. I got a plan."

            Napasimangot ako. "Plan again? Then you're going to left me out in the dark."

            Natawa si Ghost. "Trust me on this. Did I let you down?"

            Hindi ako nakasagot. Well, he never did that. To all of his agents. To all those people that he saved and helped.

            "I know there is something going in that organization. When you won, you shook something. Nasira ang lahat ng plano nila. I told you the underground fights are just the tip of iceberg. Those monsters wanted the hunting game, and they want to do it soon. My guess, Ulysses will make another underground fight even if it's not in the schedule. He needs to pacify those monsters that wanted to have the hunting game."

            Napahinga ako ng malalim at muling tinapunan ng tingin si Vie na ngayon ay nagpipipindot na sa telepono niya. Kapag naiisip ko ang hunting game na iyon, ang gusto kong gawin kay Vie ay i-torture na at paaminin kung ano ang alam niya tungkol doon.

            "All right. Whatever." Iyon na lang ang naisagot ko. Dahil hindi ko naman magagawa ang gusto ko. Dahil hindi iyon ang gustong mangyari ni Ghost. Maghihintay na naman ako kung anong puwedeng mangyari ngayong gabi.

            "Just be cautious. I think Ulysses doesn't trust me. Even your brother. You don't know where his loyalty is. As for Vie, ikaw na ang bahala sa kanya. She is your prize after all." Narinig kong natawa ng mahina si Ghost. "And I thought you're fast. Then you are whining that you haven't fucked anyone yet after your fight when there is someone you can fuck freely around you."

            Kumunot ang noo ko at muli ay napatingin kay Vie. Was he talking about her?

            "What? You're talking about-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko. "Jesus, no!" Napatingin sa akin si Vie dahil napalakas ang boses ko at humalakhak ng malakas si Ghost.

            "Why? What's wrong with her? You can fuck her. Do whatever you want with her. She won't say no. She is trained not to say no. Can you imagine if Johnny won? He will devour that beauty immediately. He will fuck her brains out until she is sore. Until she is begging him to stop." Ghost voice was like the devil that I could hear inside my head. He was good at this. Trying to crack someone's mind. Inside my head, the scenario that Johnny was feasting on Vie's body was playing over and over, and I couldn't understand why there was a sudden rage of anger growing inside my chest.

            "You're sick. Tell me again why I am still following your orders?" Iyon na lang ang nasabi ko.

Lalo siyang natawa. "Because I am the devil that you need to follow. You'll give in soon. Tell me what will happen tonight. Have fun," pagkasabi noon ay busy tone na ang narinig ko.

            Napahinga na lang ako ng malalim at napailing habang ibinulsa ang telepono ko.

            "Sino kausap mo?"

            Tiningnan ko si Vie at nanatili siyang nagpipipindot sa telepono niya pero alam kong naghihintay ng sagot sa akin.  

            "No one." Ako naman ang tumingin sa labas ng bintana.

            "I think it's Mr. Laxamana. Is he going to the event?" Ramdam ko ang excitement sa boses niya.

            Talagang naiirita na ako sa kanya. Talagang lantaran ang ipinapakita niyang pagkagusto kay Ghost.

            Ngumiti si Vie at umayos ng upo. Lumaglag ang isang bahagi ng suot niyang dress at lumitaw ang hita niya. Automatic na lumanding doon ang paningin ko. And she has the smoothest legs that I've seen for a while. Nice shape, smooth skin. Napilitan akong umayos ng upo. Ganito ba ang epekto ng deprived sa sex? Makinis na legs pa lang ang nakita ko naramdaman ko nang nagagalit ang nasa pagitan ng hita ko.

            Umangat pa ang tingin ko sa kabuuan niya. The light-colored dress complimented her fair skin. Bagay na bagay sa kanya ang cut. Napansin ko na rin naman iyon kanina nang sumakay kami dito sa sasakyan pero binalewala ko. But Ghost gave me a ridiculous idea. I am going to fuck Vie? Hell no. Even if she got a nice curvy body. Even if her boobs were trying to get out from this dress. No. I can find someone. I never fucked any woman that was included in my mission.

            Ulol. Si Carmela nga pinapapak mo araw-araw noon. Huwag kang plastic.

            Napangiwi ako sa naisip na iyon. Pero iba si Carmela. That woman was insatiable. Laging uhaw sa sex at kailangan kong gawin iyon para mapaniwala ko siya na sunud-sunuran ako sa lahat ng gusto niya. But Vie? No. Definitely not.

            Sex will change everything, and I knew that. Wala pa nga akong nadadampot na kahit na anong detalye mula sa kanya. Saka siguradong hindi rin naman papayag ito dahil alam na alam kong kay Ghost 'to nababaliw.

            "Do you think I'm pretty tonight? Ghost will like what I look like?" Humarap pa siya sa akin para ipakita ang ayos niya. Tinapunan ko lang siya ng tingin. Inayos pa niya ang mahabang buhok na bumagay sa suot niya ngayong gabi.

            "Just let me know kung ano ang tungkol sa event na ito. Siguradong sinabi naman sa iyo ng tatay mo kung para saan 'to." Malamig kong sagot.

            Doon sumeryoso si Vie. Halatang may gustong sabihin pero napakagat-labi na lang.

            "Do you want to tell me something?" Ngayon ay nakatingin na ako sa kanya.

            She cleared her throat and smiled at me. 'Yong pilit na pilit na ngiti.

            "Well, I was wondering. Matagal ka nang nagwo-work kay Mr. Laxamana? I mean, how is he as a boss?"

            Naparolyo ako ng mata. "Siya na naman? Puwede ba, ayoko ng pag-usapan ang crush mo. Please. I am fucking too old to listen to your puppy love for that old man." Padaing na sagot ko.

            "No. No." Sunod-sunod ang iling ni Vie. "It's not like that. I mean I am asking you how is your relationship with him professionally? Is he your manager in the cage?"

            "I work alone." Maikling sagot ko. "I don't need a manager."

            Napahinga siya ng malalim. "Okay. How about compensation? Does he give you a better compensation after each fight?"

            Tiningnan ko siya. "I am not after for the prize. What is this about, Vie? Why are you asking me those questions?"

            "Nothing. Gusto ko lang naman malaman kung okay ba siyang boss. Kasi, you know you are good inside the cage. You are a good fighter. Imagine beating Johnny that everyone thinks that cannot be beaten. I told you, I work as a PR for my father's promotion, and if you want, I can give you a better exposure to the media. To the-"

            "You want to expose me? Let me remind you, I fight underground. Regular people doesn't need to know who the underground fighters are. You know those fights are illegal." Putol ko sa sinasabi niya.

            "It's a different exposure and it will be for good. Legal. Ang sinasabi ko, ang katulad mong magaling na fighter ay hindi dapat sa underground fights lang. I can talk to my father, and I can tell him to put you in Fighter's Ring legal fights. You will be known everywhere. People will worship you." Sagot niya.

            Hindi ako kumibo. Ito na ba ang sinasabi ni Ghost? Parang alam ko na ang tinutumbok ng usapan naming ito.

            "What are you suggesting?" Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.

            Napabuga ng hangin si Vie at ngumiti sa akin. "I am suggesting that you need a good promotion for your career. As a cage fighter. Legal cage fighter."

            "You are suggesting that I work for your father." Alam kong iyon ang ibig niyang sabihin.

            Napakagat-labi siya. "I think your boss would understand if you wanted to have a better career path. Look, Mr. Laxamana is a businessman, but he doesn't know how to get in charge with your career. A fighter like you, shouldn't stay in underground fights. Well for sure, those patrons are still going to like you to do death matches, but in legal fights, there will be legal promotions, sponsorships are endless. Marketing campaigns. Commercials. You know what I mean? Money will keep on going." Paliwanag pa niya.

            Hindi ako kumibo. In fairness to Vie, she's good at negotiating. She knew how to sell his father's promotion. Ito siguro ang dahilan kung bakit laging kailangang kabuntot ito ni Ulysses Venderbilt. Her father knew her worth.

"Pero alam natin na mas malaki pa rin ang kita sa underground fights. Mas malalaki ang pusta doon." Sagot ko sa kanya.

            "I know. But don't you want to fight legally? You see I know those fighters who fight in underground fights doesn't need money. I grew up around Johnny and I know his kind. He doesn't mind how many millions he was getting. What he wanted was the killings. The pride that he can take away someone's life. The gruesome fights and the reality that he can kill someone and can get away with it that's why he doesn't want to fight for Fighter's Ring." Nanlalaki ang mata ni Vie nang sabihin iyon. "But you. This will be your chance to do something legal. People won't think that you can kill inside the cage. Trust me, this will be a life changer. If, you will let me, us, to handle your career."

            Napahinga ako ng malalim at tumingin sa labas ng bintana. Huminto ang sinasakyan namin sa tapat ng hotel kung saan gagawin ang event ng tatay niya.

            "We're here." Iyon na lang ang sinabi ko at inayos ko ang suot kong suit. Halatang naghihintay ng sagot ko si Vie pero tiningnan ko lang siya. "What?" Tanong ko.

            Kumunot ang noo niya sa akin. "What do you mean what? What's your answer?"

            Napahinga ako ng malalim. "Can I have some time to think about it? I am not used to fight in legal fights."

            Halatang na-disappoint siya sa narinig na sagot ko. Mukhang hindi sanay na mapahindian sa ganitong negotiation.

            "But we can give you better deal." Sabi pa niya.

            "Let's go? I think the event is about to start." Hindi ko inintindi ang sinabi niya at binuksan ko ang pinto para makababa. Inilahad ko ang kamay ko para maalalayan siyang bumaba ng sasakyan. I am still a gentleman to any woman. Nakasimangot siya nang abutin iyon at tuluyang bumaba.

            Sabay kaming pumasok sa loob ng hotel. Maraming tao sa lobby. Ang iba ay nakatingin sa akin. Siguro ay dahil sa hitsura ko. Putok-putok pa ang mukha ko gawa nang nakaraang fight. But I knew I still look good kahit mukha akong nakipagbugbugan sa toro.

            Maya-maya ay nakita kong parang natigilan si Vie. Napatanga sa nakita. Sinundan ko ang tinitingnan niya at napasimangot ako. Nabuwisit. Akala ko ba hindi pupunta ang lalaking ito dito.

            "Leon." Nakangiting bati ni Ghost habang lumalapit sa akin. Yumakap pa at bahagyang tinapik-tapik ang likod ko. "How are you?"

            "Still black and blue. What are you doing here?" Kung kanina ay gusto ko siyang pumunta sa event na ito, ngayon ay nabubuwisit na ako. Lalo na nang makita kong parang pusa na hindi maihi si Vie sa harapan ni Ghost.

            Nagtatakang tumingin siya sa akin. "I am invited here. And aren't you happy that I am here?" Nakangiti na siya tapos ay hinarap si Vie. "Good evening, Miss Venderbilt. You look so lovely tonight." Kinuha pa ni Ghost ang kamay ni Vie at hinalikan iyon.

            Nagtagis ang bagang ko at gusto kong hilahin ang kamay ni Vie sa ginawa ni Ghost. Nakakainis ang inaarte nitong si Vie. Kulang na lang ay himatayin sa harap ng boss ko. Nagba-blush pa.

            "S-same to you, Mr. Laxamana. You look so handsome with your... your..." tingin ko ay nauutal pa ang babaeng ito sa sobrang kaba sa harap ng gurang kong amo.

            And what was so special with Ghost? Guwapo ba ito? He was old. He could pass as my father. Well, one factor that I know women likes about him was how he carries himself. But, other than that? Nothing. 'Di hamak na mas guwapo at mas bata ako dito. Kaya nagtataka ako kung ano ang nagustuhan ni Vie sa matandang 'to.

            "I think the event is about to start. Let's get inside." Tinalikuran ko na sila at nauna na akong pumasok. Agad akong dumampot ng baso sa dumaang waiter na may mga dalang wine glasses at inubos ang laman noon. I needed a drink dahil talagang nabubuwisit ako. Nang tingnan ko si Vie ay naiwan silang dalawa ni Ghost sa may entrance ng events hall at doon nag-uusap.

            No. hindi sila nag-uusap. Naglalandian sila. Iyon ang tamang description sa nakikita ko.

            Vie looked like a thirteen-year-old high school in front of her crush. Smiling ang blushing. While I am seeing Ghost like an old professor who would take advantage of his student.

            "Shit." Inis kong sabi at pinalapit ko ang isang waiter at dumampot ako ng dalawang wine glass at magkasunod na inubos ang laman ng mga iyon. Talagang naiinis ako. Kumakabog ang dibdib ko sa nabubuhay na galit. Naiinis ako sa boss ko at lalong naiinis ako kay Vie. Dumeretso ako sa bar area. Sa totoo lang, nagdidilim ang tingin ko sa buong paligid ng events hall.

            Hindi ko pansin si Ulysses Venderbilt na nasa gitna ng stage at nagsasalita. Napapa-rolyo lang ako ng mata dahil sinasabi lang naman niya ang tungkol sa Fighter's Ring. The legal fights from his promotion. Ipinakilala din ang ibang mga fighters at nakaka-boring. Ayaw ko talaga sa mga ganitong pa-events. Ang daming tao. Ang daming media.

            "When do you think the game would resume?"

            Napatingin ako sa katabi kong nagsalita. Medyo malayo naman sa akin ang may-edad na lalaki na naka-suit at tingin ko ay businessman. Sa harap nito ay isang bote ng Johnny Walker na nangangalahati na. Halatang lasing na.

            "There's still no announcement. Johnny's defeat changed everything. Two million ang ipinusta ko sa fight na iyon tapos natalo lang. Who would expect that someone with no name can beat Johnny?" Napabuga ng hangin ang lalaki na katabi ng nagsalita kanina. "Kating-kati pa naman ako sa excitement sa game. I mean I already chose my prey."

            Napahinto ako sa iniinom kong wine at nakiramdam. I am sure they were talking about the hunting game.

            "Talaga? Ano napili mo?" Ramdam ko ang excitement sa boses ng nagsalita.

            "Twelve years. Young." Tumawa pa ito na halatang proud sa sinabi.

            Fucking bastards. These sick fucking bastards. Naikuyom ko ang mga kamay ko at muling tumingin sa gawi ni Vie. Lalo lang nadagdagan ang galit na nararamdaman ko nang makita kong magkadikit na magkadikit silang dalawa ni Ghost at may ipinapakita pa si Vie sa cellphone niya sa matandang boss ko.

            My hands were shaking in anger. My chest was pounding hard. My head was full of rage, and I needed to release this.

            Hanggang sa makaramdam ako ng sakit sa kamay ko. At nang tingnan ko iyon ay may dugo na. May mga maliliit na bubog na nakabaon sa palad ko at umaagos ang dugo doon.

            I crushed the wine glass that I was holding.

            I was looking at my bleeding hand and I could still remember what the man said. Twelve years. Young. I am sure that was one of the kids. Humihingal akong tumayo para sugurin ang lalaking iyon nang maramdaman kong may umakbay sa akin.

            "Can we talk outside for a while?"

            Nang tumingin ako sa nagsalita ay nakilala kong si Brad iyon. Ang kapatid kong Brandon Vergara na ang pangalan ngayon. Nakangiti siya sa akin at may hawak na dalawang wine glass. Ibinibigay sa akin ang isa. Napakunot pa ang noo niya nang makita ang kamay kong nagdudugo.

            "Jesus Christ, Leon. What happened to your hand?" Kinuha niya ang kamay ko at tiningnan iyon tapos ay sa basag na wine glass sa harap ko. "What the fuck happened?"

            Tinapunan ko ng tingin ang dalawang lalaking nag-uusap malapit sa akin at ngayon ay nakatingin na sila sa gawi ko. Siguradong nakilala na nila ako dahil hindi nila inaalis ang tingin sa akin.

            "Come on. Let's do something about it." Sinenyasan ako ni Brad na tumayo at iyon ang ginawa ko. I can't stay in here anymore. Baka mapatay ko lang ang dalawang lalaking narito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top