CHAPTER EIGHT (Fright)

It's okay to be scared but don't let that fear overpower your mind and control you.

——————————

Vie's POV

            Halata kong natataranta sila Papa sa loob ng opisina niya. Naroon sa loob si Brandon at si Johnny na galit na galit pa rin. Nagbasag pa nga doon at sinaway lang ni Papa.

            "I am going to rip his heart from his chest. Dudurugin ko ang animal na iyon." Halos umusok ang ilong ni Johnny sa galit nang sabihin iyon. Talagang nakakuyom ang mga kamao nito at gigil na gigil na may gustong saktan.

            "Iyon ang makakalaban ni Johnny?" Parang sa sarili lang iyon nasabi ni Brandon tapos ay mahina itong napamura. "Shit. This is fucking shit." Naiiling pang sabi.

            "At bakit shit? Natatakot ka sa ulupong na iyon? Papatayin ko ang gagong iyon. Lahat ng nakaharap ko sa cage ay walang nabuhay at hindi siya ang unang makakaligtas sa bangis ko," galit pa ring sabi ni Johnny.

            Sinamaan lang ito ng tingin ni Brandon. "Shut up for once, Johnny." Iritable na siya ngayon at napapailing.

            Tumayo si Johnny at sinugod si Brandon. Hinawakan nang mariin sa leeg at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa lalaki.

            "What did you say? Did you just say that I shut up? Kung ikaw kaya ang i-shut up ko nang habang-buhay?"

            "Johnny, enough. You are fucking overweight sa weigh-in. Iyon ang dapat mong gawan ng paraan." Mataas na ang boses ni Papa. Nang tumingin ako sa gawi niya ay halatang problemado siya. Ngayon ko lang siya nakita na nag-aalala para sa isang fight. Nakatingin siya kay Johnny at sumisenyas na layuan nito si Brandon. Painis naman ang paraan na binitiwan ni Johnny ang kaharap tapos ay pabagsak na naupo sa tabi nito. "Brandon, what do you know about that Leon Kaestner?"

            Napabuga ng hangin si Brandon at naihilamos ang kamay sa mukha. "Deadly." Napangiwi pa siya at napailing.

            "Deadly my ass. Ako lang ang deadly sa cage." Sabat ni Johnny.

            "Shut up, please. Hindi mo alam kung sino ang makakaharap mo." Halatang iritable na rin si Brandon kay Johnny.

            Muli ay sinamaan ng tingin ni Johnny si Brandon. Pigil na pigil ang sarili na saktan ang katabing lalaki.

            "What do you mean deadly?" Hindi pinansin ni Papa ang pagwawala ni Johnny.

            "I've seen that man fight. He is deadly. Trust me." Seryosong sabi ni Brandon.

            "You mean may talo si Johnny?" Halata sa boses ni Papa na kinakabahan.

            Sa narinig ay biglang tumayo si Johnny at nagbasag na naman. Napapailing na lang ako. This animal was sick in his head. Hindi kayang tumanggap ng katotohanan na may mas magaling sa kanya. Na may kayang pumatay sa kanya.

            Hindi sumagot si Brandon at nag-iisip lang. May dinukot sa bulsa niya si Papa at may tinawagan. Maya-maya ay pilit na ngumiti.

            "Greg. Good day. How are you?" Naupo si Papa sa swivel chair niya at hindi pinapansin si Johnny na hitsurang toro na manunuwag.

            And I rolled my eyes. Nakakasawa na rin na makita na ganito umakto ang lalaking ito. Hindi ko maintindihan kung bakit nakaramdam ako ng lakas ng loob nang makita ko silang ganitong natataranta nang malaman kung sino ang makakalaban ni Johnny. That man must be something. This was the first time that I've seen Brandon shaken like this.

            "Are you ready for the fight?" Halatang may ibang gustong sabihin si Papa sa kausap niya. Sigurado akong ang kausap niya ay ang may-edad na lalaking katabi ko kanina. Nakita kong nakatingin sa gawi ko si Johnny na para akong kakainin ng buo. Inirapan ko lang siya na lalo niyang ikinairita.

            "Well, your fighter must be something. Where did you find him?"

            Sinasabi ko na nga ba. Inaalam lang ni Papa kung sino ang makakalaban ni Johnny. At sigurado ako na gagawa sila ng paraan para magkaroon sila ng upper hand sa makakalaban ni Johnny. At lahat ay gagawin nila.

            Sumimangot ang mukha ni Papa. Halatang hindi nagustuhan ang sagot na narinig sa kausap.

            "Well, I am telling you. Your fighter will be dead on fight night." Nagtagis pa ang bagang ni Papa nang sabihin iyon at tumingin sa akin. "And I'll have control to half of your company." Saglit na natigilan si Papa tapos ay biglang nagliwanag ang mukha. "Iyon ba ang gusto mong mangyari? Just to get in my organization?"

            Tumatango-tango si Papa at ngayon ay nakangiti na.

            "Bakit hindi mo naman sinabi agad na iyon ang plano mo? I could give you a better seat in the organization. Well, we just need to do a background check on you just to be sure na hindi ka pulis. Or member ng kahit na anong puwedeng magpabagsak sa amin."

            Ngayon ay maganda na ang mood ni Papa. Ang ganda-ganda na ng ngiti.

            "I can arrange a meeting. If you want to see how we choose the preys I can give a sneak peek." Sumenyas si Papa kay Johnny na huminto ito sa ginagawang pagwawala at sinenyas na maupo. "I'll give you the schedule. Place and time. Before the fight night." Pagkasabi noon ay ibinato ni Papa ang telepono sa mesa niya at sinamaan ng tingin si Johnny.

            "Will you fucking stop?!" Ngayon ay binulyawan na niya si Johnny. "You will win on fight night that's for sure. You will kill that asshole. You will have my daughter. Ano ang pinagwawala mo diyan?"

            "Gusto ko na siyang patayin ngayon. Gago siya. Ipinahiya niya ako." Gigil na gigil pa rin si Johnny.

            "It's the shots." Naiiling na sabi ni Brandon. "I told you to lessen the use of those shots." Alam ko ang tinutukoy niyang shots. It was the illegal drugs that Johnny was using to enhance his body. He was using illegal performance enhancing drugs all these years. Alam kong ginagamit din iyon ng ibang mga fighters sa legal cage fight. Pero iba si Johnny. Wala na kasing nakaka-control sa kanya at kahit ang in-house physician ay wala ng magawa sa kanya.

            At isa ito sa side effects sa madalas na paggamit ng performance drugs na iyon. Uncontrollable aggressive behavior and deadly rage.

            "Vivienne, how's the kids from the orphanage? Are they being fed on time?" Ngayon ay ako na ang binalingan ni Papa.

            "Yes, Papa." Tanging sagot ko. Naalala ko kailangan ko nga palang puntahan ang mga bata sa orphanage.

            Kahit maraming ginagawang illegal si Papa, isa naman ito sa pambawi niya. Mayroon siyang orphanage na tinutulungan at ako ang personal niyang pinapamahala doon para magbigay ng tulong. Minsan ay may mga pumupunta din doon na mga parokyano ng underground fights ni Papa. Sinasamahan ko sila at ipinapakita ko ang mga bata. Those kids that needed help and those billionaires were choosing kids whom they want to help. Needed new family and we were giving it to them. Last month nga lang apat na bata ang nabigyan ng bagong pamilya. Napangiti ako. I wonder how those kids were right now. Sigurado ako na maayos na ang buhay nila. If only I can visit them and check how was their lives right now. Pero isa iyon sa bilin ni Papa. Ang mga batang nakuha na sa orphanage ay hindi na dapat bisitahin pa para hindi na magulo ang mga buhay nila.

            May kinuha si Papa sa drawer niya at nakita kong check book iyon. Nagpirma doon at lumapit sa akin.

            "Bring this to the orphanage. Check the kids. I want them to be okay before the fight night." Sabi ni Papa sabay abot ng cheke sa akin.     

            Kumunot ang noo ko pero kinuha ko ang cheke. Isa ito sa ipinagtataka ko kay Papa. Every time that there would be an underground fight night, nagbibigay siya ng malaking pera sa orphanage at ilang bata ang biglang magkakaroon ng bagong aampon. Paliwanag naman niya na dahil sa mga underground fights na iyon, nagkakaroon siya ng koneksyon sa mga mayayamang tao na gustong mag-ampon o tumulong sa mga bata.

            Napahinga ako ng malalim at tumayo na. Inayos ko ang sarili ko at lumabas. Pagkasara ko ng pinto ay alam kong bumukas iyon at naramdaman kong may humawak sa batok ko at isinalya ako sa dingding.

            Si Johnny ang gumawa noon at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin.

            "Bakit mo siya tinitingnan kanina? Bakit nakikipagtitigan ka sa kanya?" Mariing ang bawat salitang binibitiwan ni Johnny.

            "What? Ano ba ang pinagsasasabi mo?" Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak ni Johnny sa leeg ko. Nararamdaman kong unti-unting humihigpit iyon kaya hinahawakan ko ang kamay niya para maialis.

            "Nakita kita." Nanlilisik ang matang nakatingin siya sa akin. "Nakatingin ka sa lalaking iyon. Sinasabi ko sa iyo, akin ka lang. Papatayin ko ang lalaking iyon. Akala mo ba na siya ang magliligtas sa iyo? Makikita mo kung paano ko baliin ang katawan niya. Kung paano ko durugin ang bungo niya at pipisain ko ang mga mata niya."

            "Ano ba, Johnny?! Nasasaktan ako," pilit akong umiiwas sa kanya.

            Inilapit niya ang mukha sa mukha ko.

            "Huwag kang mag-ilusyon, Vivienne. Ako lang ang may karapatan sa iyo," lalo niyang inilapit ang mukha sa akin at idinikit niya ang labi sa labi ko. Gusto kong masuka nang maramdaman kong dinilaan niya iyon. Ang kamay niya ay bumaba sa dibdib ko at bahagya pa iyong pinisil. "Akin 'to." Bumaba sa pagitan ng hita ko. "At akin 'to."

            "Fuck off, Johnny!" Sa pagkakataong iyon ay nakakawala na ako sa kanya. Humihingal akong hinawakan ang leeg ko at lumalayo sa kanya.

            Nakakatakot ang hitsura ni Johnny na nakangising nakatingin sa akin habang patakbo akong lumalayo. Lalo kong binilisan ang pagpunta sa elevator at pinagpipindot iyon para lang bumukas agad dahil nakita kong naglalakad na si Johnny palapit sa akin. Naiiyak na ako habang panay ang pindot sa button. Nang bumukas iyon ay mabilis akong pumasok. Agad kong pinindot ang close button dahil nakita kong tumakbo na si Johnny para masundan ako. Wala akong laban sa kanya kapag nakulong na kaming dalawa dito.

            Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyang sumara ang pinto ng elevator. Napapitlag pa ako nang makarinig ako ng malakas na pukpok sa labas ng pinto at napabuga ako ng hangin nang maramdaman kong bumababa na ang lift. Napasandal ako doon at hinahawakan pa rin ang leeg ko. Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at napabuga ng hangin. I can't believe that my father was giving me away to that animal.

            Nang huminto sa basement parking ang lift ay agad akong lumabas. Muli akong tumingin sa paligid dahil baka dito dumeretso si Johnny at sundan na naman ako. Demonyo na ang tingin ko sa kanya kanina. Tingin ko ay nababaliw na dahil alam niyang malakas ang makakalaban niya. The way Brandon said that the man was deadly. I could feel fear from his words. It was like Brandon knew that man. First time na sinabi niya iyon sa harap ni Johnny.

            Medyo madilim sa buong basement parking. Lakad-takbo ang ginawa ko para mapuntahan ang sasakyan ko at mabilis na sumakay doon. Hindi ko maintindihan kung bakit talagang natatakot ako. Nanginginig ang mga kamay ko habang ini-start ko ang kotse. Napatingin ako sa elevator na pinanggalingan ko at nakita kong bumukas iyon. Hindi ko na tiningnan kung sino ang lumabas. Mabilis akong nag-drive paalis doon.

            Nakahinga lang ako ng maluwag nang makalabas ng basement parking at nasa kalsada na ako. Ilang beses akong bumuga ng hangin sa relief na naramdaman ko. Saka lang ako naging kampante habang nagmamaneho.

            And I remember that man. The man that Brandon was fearing right now. What was his name? Leon. Leon Deaver Kaestner. I can't forget his eyes. Those eyes were looking at me. I was sure he was looking at me.

            But why? Does he think that I am like my father? That I like those deadly games?

            What if he won? What if everything turned upside down and he won the fight? What would happen? To me?

           Will I become his trophy too?

            Will he take me as his prize?

            Mariin akong napailing. No. Definitely not. He won't win. He won't win with an animal like Johnny.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top