Caged


Nasa punto ako ng buhay ko kung saan wala na akong maramdaman. Walang sakit, pait, o pagod. Patuloy ang ikot ng mundo ngunit parang nasa ibang dimensyon ang kaluluwa ko. Iyong nagpapatuloy na lamangg ako hindi dahil sa kagustuhan ko ngunit dahil buhay pa rin ako.

Pagod na ako.

Pagod na pagod na ako.

Sawa na akong magmokmok, at umiyak sa sulok.

“Trina!” Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang aking pangalan. Huminto ako at humarap sa babaeng patakbong lumapit sa akin. Kaklase ko siya ngunit hindi ako sigurado sa kaniyang pangalan. “Pinapatawag ka ni Ms. Reyes, nasa opisina siya nito.” Tanging tango alang ang isinagot ko saka siya nilagpasan.

Alam kong dapat ay magpapasalamat ako ngunit hindi ko maibuka ang bibig ko. Hindi ako sanay ng may kausap. Sanay akong mag-isa lamang sa kahit ano mang gawin ko.

Narating ko ang nakabukas na pinto ng opisina ni Ms. Reyes. Mukhang inaabangan niya talaga ang pagdating ko. Abala ito sa harapan sa pagsusulat ng kung ano sa papel. Nang maramdaman ang presemsiya ko ay nag-angat ito ng tingin at ngumiti.

“Mabuti at dumating ka iha. Maupo ka.” Sumunod ako at naupo sa upang nasa tapat niya. “Siguro ay alam mo na kung bakit kita pinatawag?” Hindi ako kumibo at nanatiling tahimik.

I know that my classmates are complaining because I'm too silent. I'm a snob and sa tingin nila mababa ang tingin ko sa kanila.

It is funny how they concluded things without knowing the truth. Hindi ba puwedeng gusto ko na lang mapag-isa? Gusto ko lang may sariling mundo?

“Iha, if you have problems, you know you can tell me right? Are you pressured? O hindi ka pa rin ba nakakapag-adjust sa paligid?” Napakalambing ng boses ni Ms. Reyes. Boses na kailan man hindi ko narinig sa loob ng bahay.

Aasa pa ba ako? Puro expectations lang naman ang ibinabato nila sa akin. Expectations na kapag hindi ko na abot, bulakbol ako. Nagrerebelde. Pang ilang eskwelahan ko na ba ito? Pang-apat? Dahil hindi nila tanggap na panagalawa lang ako sa ranking.

Kaya ko naman iyong gusto nila. Pero hindi ko ginagawa dahil nakakasawa, nakakarindi na ang paulit-ulit na marinig ang mga gusto nila. Dapat ganito. Dapat ganiyan. Huwag ganito. Bawal iyan.

Kung sana pakinggan lang rin nila ako. Sana alamin din nila ang gusto ko. Sana marinig ko rin ang mga salitang, ayos ka lang? Masaya ka ba? Kakayanin mo ba?

Gusto ko lang din maramdamang may nag-aalala sa akin. Pero bakit parang ang hirap kong makamit iyon? Bakit parang hindi ako karapat-dapat matanggap iyon?

Nanatili akong nakayuko, walang balak sumagot sa katanungan ng ginang na masuyong nakatingin ngayon sa akin.

“Katrina,” Nag-angat ako ng tingin nang hindi namalayang nasa harapan ko na ito. Hinawakan nito ang aking mga kamay. “We all suffer from different problems but that doesn't mean we cage ourselves with that iha. Kailangan nating palayain ang sarili natin sa kung ano mang nagkukulong sa atin. Don't let sadness, pressure, and what-ifs' drown you.”

Mapait akong napangiti. “How will I free myself, ma'am?  If, in the first place, I was drowned by all of this? Since the beginning, I was caged by this dilemma. I don't even have a chance to breathe or choose ma'am. It may be easy to say to let ourselves go and be free from all this, but only if we face the same situation. But sadly, we aren't. I am facing the worst and I can't find any way out right now. I am caged with darkness and no light can surpass it.” I tried hard not to cry while saying those. Sinubukan ko naman, ngunit tulad ng sinabi ko. Simula pa lamang nakakulong na ako at hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita ang daan patungo sa kalayaan ko.

Napabuntong hininga ito. She may realize that I am right. Nang wala ba itong sasabihin ay magalang akong nagpaalam.

The world is unfair, and life is unfair, and that's what makes it fair to everyone. Magulo, mahirap maintindihan. But at the end of the day, it's for us to decide. To change the route to be happy or to stay where it hurts.

Right now, I choose where it hurts for this is where I think, I belong. Maybe someday, I hope someday. I will find myself smiling, free, and contented. But right now, I choose to stay in my cage. Whatever happens, wherever it may take me. I'll accept it wholeheartedly.

~Fin~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top