07: Seized by the Daring Fate
THAT WAS THE very last time I saw John—at least in two-months worth of time.
Bukod sa baka pumalya na naman ang pagpasok ko sa kumpanya ni Mr. Callagas, medyo kinabahan din ako na baka kapag na-hire nga ako, mapapadalas ang pagkikita namin ng pamangkin niya. But, oh dear, I was really out of my mind to even think of that. Masyado akong assuming at delusional.
I think he really took our conversation seriously that night. He avoided me. Although hindi ko naman sinabi sa kanyang iwasan ako, ganoon talaga ang nangyayari ngayon. Or maybe, it was just his broken ego acting since I rejected him straight on. Because every time I felt like he was just around, it would turn out he wasn’t. I didn’t know if I was just imagining things or if he was really just keen on distancing himself whenever he felt like I was also around.
Hindi ko alam, baka nag-a-assume na naman ako ng kung ano.
But none of that mattered now since I’ve finally found a fair-paying job and a healthy work environment. Dahil nakita ako ni Mr. Callagas noong araw ng interview ko, mabilis na akong natanggap sa kumpanya. He owned the company so he just had to pull some strings and I was in. Hindi rin naman ako komportable na gamitin na naman ang hindi katanggi-tangging interes niya sa akin, pero masyado na akong desperado para isipin pa ang ganoong kaliit na bagay.
Besides, his interest wasn’t something as obsessive and controlling as what Alexandre Uy had for me. The past two months of me working for his company weren’t that hellish. In fact, those were the most peaceful days of my life since I graduated.
“Purgadong-purgado na ˋko sa Jollibee, KFC, at McDo, Ate,” reklamo ng kapatid kong si Kiyo.
Pinasadahan ko siya ng tingin nang patigilin ko ang kotseng minamaneho dahil sa red light. Pati ang ibang kapatid ko ay nagpahiwatig din ng pag-apruba sa sinabi niya. “Sa’n n’yo pala gustong mananghalian? Kayo ang mag-decide.” Wala na rin naman kasi akong ni isang ideya kung ano ang trip ngayon ng mga kabataan.
“Ako kahit saan kumain basta Instagrammable,” sagot naman ng bunso kong kapatid na si Miya.
“Magtigil ka nga sa Instagrammable mong kaek-ekan, Miya. Magsasayang ka lang ng pera sa pagkain na mas masarap pa ˋyung sunog kong luto,” wika naman ni Tricia.
“Ate Trish, alam mo kasi na ang pictures ang dapat nating priority kapag ganitong bihira lang tayong lahat lumabas. Ano na lang ang ilu-look back natin sa susunod na taon kung sa pangit na lugar din tayo kakain?”
“Kung paglu-look back lang din naman pala ang issue, edi hindi ba mas mabuti kung ˋyung lasa ng pagkain ang maaalala natin hindi ˋyung lugar lang? Asa’n ang sentimental moment do’n?”
Napailing na lang ako nang magsimula na ang dalawag babae kong kapatid na mag-away. Napapabuntonghininga na lang ako dahil imbes na suwayin sila ni Mama, tinatawanan niya pa ang mga kapatid ko. Kung hindi pa sila sinuway ni Alicia at Antonio ay mas iingay pa lalo ang buong kotse.
“Tigil na kayo sa pagtatalo,” sabi ko nang matapos silang pagsabihan ni Alicia. “Kung Instagrammable at masarap na pagkain naman pala ang hanap n’yo, may alam akong bagong bukas na resto sa malapit.”
“Talaga, ˋTe?!” excited na tanong ni Miya.
Pilit akong napangiti nang tinanguan ang kapatid. I know I’ve said before that I would want to take them to that place, but I didn’t plan it to be so soon. Paano, kapag iniisip ko ang lugar kung saan kami unang nag-date ni John, hindi ko maiwasang ma-guilty at magsisi sa parehong pagkakataon. Whenever I was reminded about his mischievous smiles while he was driving and talking to me, and then when all of his enthusiasm faded when I said I’d preferred if we stayed strangers, I couldn’t help but smile bitterly.
Hindi ko naman pinagsisisihan na iyon ang naging desisyon ko. Hindi pa kami parehong handa para pumasok sa relasyon. Hindi ko lang maiwasang isipin ang lahat ng what ifs ko kung pinayagan ko ang sarili kong magpaanod sa malakas niyang alon.
Sinulyapan ko ang pamilya ko habang nagmamaneho. Noong isang araw ay nakuha ko na ang ikalawang suweldo ko kaya’t naisipan kong ilabas ang mga kapatid ko at si Mama. Halos ilang buwan na rin kasi kaming hindi nakakapasyal dahil busy rin ako noon sa trabaho. Ngayon ay mas maluwag na ang schedule ko kaya nakahanap agad ako ng tiyempo para rito. Nagrenta pa nga ako ng sasakyan para hindi na kami mahirapan pang mag-commute.
Sa kabila ng excitement ng mga nakababata kong kapatid, nakita ko sa front-view mirror si Ali na umiirap. Hindi ko na lang masyadong pinansin. Simula noong magkasagutan kami ay hindi na kami ulit nagpansinan. Well, hindi naman na talaga kami nagpapansinan kahit noon pa man. Ang pinagkaiba lang ngayon ay mas lalo pa iyong nadepina. Muntik na nga siyang hindi sumama kung hindi pa pinilit ni Mama.
“Baka naman sa mamahalin mo kaming restaurant ipupunta, ˋnak?” si Mama matapos humupa ang ingay.
Hindi ako nakakontra dahil totoo naman ang hula ni Mama. Maganda nga sa J. Guerrier at pasok na pasok sa gusto ni Miya na Instagrammable, pero mahal ang mga pagkain dahil ang anak lang naman ng presidente ng pinakamaimpluwensyang conglomerate sa Pinas ang nagpakilala niyon sa akin. Sa sobrang sarap ng pagkain, tiyak na maaalala ni Tricia ang lasa kahit ilang dekada pa ang lumipas.
Tumikhim ako. “Okay na po ro’n, Ma. Bihira lang naman tayong umalis nang ganito. ˋTsaka masarap talaga ang pagkain at maganda ang lugar, sayang kung ˋdi n’yo mata-try.”
Hindi na umangal pa si Mama kaya bumalik ang excitement ng mga kapatid ko. Mabilis din naman kaming nakarating sa J. Guerrier dahil magaan lang ang traffic sa parteng ito ng lungsod. Nang maiparke ko na ang kotse ay tumingin ako sa buong lugar. Naalala ko tuloy iyong kalokohan ni John na pagbukas sa pinto ko at paglahad ng kamay. Pati na rin iyong unang pagpasok namin at pagkamangha ko sa lugar.
This was one of the very few places that reminded me of him.
I didn’t know why everything about that man suddenly felt so distant. Ilang beses ko pa lang naman siyang nakakahalubilo pero ganito na kalala ang epekto niya sa akin.
Hinila na ako ng mga kapatid ko papasok at nagpatianod naman ako. They were giggling like little kids. Nang mapansin kong ako na ang nauuna ay lumingon ako para masiguradong lahat sila ay nakasunod.
We were greeted by a familiar waiter. Iyon iyong lalaking mukhang modelo na nagpatahimik sa matandang customer na nag-eeskandalo noon. Iginiya kami niyon sa isang malaking table kung saan kasya ang walong tao. Nang bigyan kami ng menu at pansamantala iyong umalis, doon ko lang narinig ang impit na tili ng mga kapatid kong babae, pati na rin si Antonio.
“Ate, ikaw, ha? Kaya pala gusto mo ditong kumain! May masarap na dessert pala kasi,” ani Miya at bumungisngis.
“Hoy, bata, sa’n mo ˋyan natutunan?” si Kiyo ang sumagot sa kanya.
“Huh? Bakit, Kuya Kiyo? E, itong crepes naman ang tinutukoy ko.”
“Ah, talaga ba, Miya?”
“Oo!” Tumawa si Miya. “Kasi ˋyong poging waiter kanina ang main dish.”
Nag-asaran ang mga kapatid ko kaya biglang umingay sa table namin. Agad silang sinita ni Mama dahil napatingin na sa amin ang ibang kumakain.
Tumawa na lang din ako nang kutusan ni Kiyo si Miya. Ilang sandali pa ay tinawag ko na ulit ang waiter para sabihin ang mga order namin.
This time, I got really curious about the waiter’s name. So I peeped into his name tag while he was writing. I read out his name silently.
Armani.
Hm. Sayang ang itsura, medyo old-fashioned ang pangalan. Well, I’m not one to talk. But at least his name’s not basic unlike John’s.
Sinapo ko ang ulo ko. At bakit ko na naman naisingit ang lalaking iyon?
“Makatitig ka, Ate, ah,” biglang tukso ng mga kapatid ko nang umalis na iyong waiter.
“Hindi naman ako tumitig.”
“Okay lang ˋyan, ˋTe. ˋDi rin kita masisisi. Mas guwapo nga naman ˋyon kaysa kay Kuya Alex,” asar ni Tony.
“Baka ˋyan na talaga ang tinadhana para sa ˋyo, Ate. O kung hindi itinadhana, ipilit natin,” sumabay pa si Tricia.
Tumango-tango si Miya. “ˋWag nang iasa sa tadhana ang ulam kasi magugutom lang tayo niyan. Sunggab na agad sa main dish!”
I massaged my temple. Okay. So I know na tumatanda na rin ako at medyo matagal na rin mula nang maka-bonding ko ang mga batang ito. Pero bakit parang malala na ang mga biro nila para sa edad nila?
“Hoy ikaw, Miya. Grade ten ka pa lang, ba’t may nalalaman ka nang ganyan?” Nanliit ang mga mata ko sa bunsong kapatid.
“Nalalaman na ano, Ate?” pagmamaang-maangan niya at ngumuso pa.
Ngumiwi ako. “Mama, oh.”
Umirap si Miya. “Ikaw na nga hinahanapan ng poging makakatuluyan, sumbungera ka pa, Ate.”
Nagtawanan ang mga kapatid ko nang sumimangot ako. Ako pa talaga ang napagtripan nila ngayong araw matapos ko silang dalhin sa lugar na ˋto?
Umismid ako nang masulyapan sa malayo ang waiter. Nagse-serve na siya ng pagkain sa kabilang table. Nanliit ang mga mata ko. ˋDi hamak naman na mas hot pa rin si John kaysa sa waiter na ˋyon.
Nawala ang kunot ng noo ko nang ma-realize na inisip ko na naman ang lalaking iyon. What the hell was wrong with me? Dati naman, noong mga araw na puno pa ang utak ko ng kahibangan na ginawa namin sa tabing-ilog, mabilis ko lang na isinasantabi ang mga memorya niya. Bakit ngayon . . . kung kailan naman matagal na kaming hindi nagkakausap o nagkikita, saka naman siya gumugulo sa utak ko?
Habang nag-aasaran pa rin ang mga kapatid ko ay in-excuse ko ang sarili ko para pumunta sa washroom. Pero imbes na doon nga talaga pumunta ay lumabas na lang ako para lumanghap ng sariwang hangin.
I couldn’t believe myself for constantly thinking about that man. I would be lying if I said I’ve really shrugged him off of my mind after pushing him away. I haven’t, okay? Like I know that I was (and still am) attracted to him, but do you really need to associate him with literally everything, Felicia Victoria?
I stopped pacing back and forth when I heard someone arguing not so far from me. Now, I wasn’t really someone who was inclined to pry into other people’s businesses, but that very familiar voice made me drop all of my reasoning and principles.
Sinundan ko kung saan nanggagaling ang boses na iyon at dinala ako nito sa likod ng restaurant. Dahil open-space ang paligid ng J. Guerrier at puro damuhan ang matatanaw, hindi naging madali ang itago ang katawan ko sa iilang mga karton na kahon doon. Mas naririnig ko ang mga boses ng dalawang nagtatalo, pero hindi ko makita ang mga itsura nila. Nanatili akong nagtatago habang bumibilis na ang tibok ng puso ko.
“. . . funny. After tossing me away and treating me like a fucking trash, you’ll have the guts to invite me in your fucking wedding, Danielle? Are you for fucking real—”
“Please, John. Akala ko ba naka-move on ka na? Akala ko ba maayos na nating napag-usapan ˋto? Sasayangin mo na lang ba ang ilang taon nating pinagsamahan dahil lang—”
“I won’t go, Danielle. That’s final.”
I slapped my head, now guilty of eavesdropping on them like this. Shit.
“Just because I said I moved on, doesn’t mean I’ll tolerate all of these,” John continued. “Masaya ˋko for you both.” Bitterness was dripping from his tone. “Pero ˋwag mo na sa ˋking ipamukha na hanggang dito na lang ako, Danielle.”
Hindi ko dapat naririnig ang ganito ka-personal na usapan. Pero kahit na ano’ng gawin kong pagkukumbinsi sa sariling umalis na ay talagang nag-ugat na ang mga paa ko sa kinatatayuan. Halos mapamura nga ako nang matabig ko ang kahon sa likod ko at mahulog iyon. Nakakabinging ingay ang ginawa niyon kasabay na ang pagsipol ng malakas na hangin. Lumayo ako roon at agad na niligpit ang kahon na may mga laman palang sibuyas. Ramdam ko ang tingin sa akin ng dalawang taong nag-uusap kaya dumadaloy na ang hiya sa buong katawan ko. Tumikhim ako at mabilis na tumalikod.
“Okay . . .” dinig kong sabi ng babae matapos ang ilang segundong katahimikan.
“Okay?” sarkastikong tanong ni John. “After all that I’ve said, ganyan lang ang sagot mo sa ˋkin?”
“Sa sunod na lang tayo ulit mag-usap.”
“What—”
Mabilis akong nilagpasan ng babae kaya doon ko lang malinaw na natanaw ang mukha niya. Her bronzed skin glowed under the afternoon sun. She had a long, wavy hair and smokey, expressive eyes. Kahit pa ilang segundo lang kaming nagkatinginan, tumatak na sa isipan ko kung ano ang mga emosyong hindi niya maitago sa mga mata niya. She felt regretful and, at the same time, guilty. She even gave me a small smile before leaving me there, dumbfounded and embarrassed for my actions.
Hindi ko nga magawang lingunin si John dahil sa sobrang hiya. Gusto ko na sanang tumakbo para hindi ko na harapin ang bunga ng pakikisawsaw ko, pero nang marinig ko ang mabibigat na yabag ng sapatos niya, hindi na ako makagalaw.
“What are you doing here, Victoria?” tanong niya sa mababa at seryosong tono.
Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang balikat ko. Pinaharap niya ako sa kanya kaya agad kaming nagkatinginan. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko kaya tinanggal ko kaagad ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko. Nanatiling nagkukuwestyon ang itsura niya.
Hindi kaagad ako sumagot. There was something about his angry expression and familiar scent that made my tongue tied tightly. It wasn’t even helping that he looked so dangerously attractive while wearing a white double-breasted coat, a black apron on his waist, and his arms now crossed while holding his toque. I swallowed the lump in my throat and my jaw dropped when I realized something.
But with his expressions, I knew that his position here shouldn’t be my main priority. He asked again after the dead silence, “Narinig mo ba lahat ng pinag-usapan namin?”
I tried my best to answer, “No,” in a shaky voice.
“But you heard us arguing?” Mahina lang akong tumango bilang tugon. “Ano’ng parte do’n ang narinig mo?” tanong niya pa.
“ˋY-yung pagtanggi mong dumalo . . . sa kasal.”
Humugot ng malalim na buntonghininga si John bago lumayo sa akin. Mukhang iritado pa rin siya, pero medyo nawawala na iyon matapos kong sumagot.
“You didn’t hear anything, Victoria,” aniya na parang nagbabanta at tumitig sa akin. “At ˋdi makakarating kay Tito Narciso, o kahit kanino pa man na nakakakilala sa ˋkin, na nagtatrabaho ako dito. You didn’t see anything today, understand?”
Tatalikuran niya na sana ako pero pinigilan ko siya. “Wait, John.” Hinarap niya naman ako saka humalukipkip. “Is she the one . . .” I couldn’t continue my sentence.
I had a glimpse of the feelings he was suppressing as he answered, “Yes.” Umiwas siya ng tingin at tuluyan nang nawala sa paningin ko.
Lito sa mga nangyari, nalaman, at narinig, bumalik ako sa loob na parang lumulutang sa ere. Nakahain na ang mga in-order naming pagkain at panay kuwentuhan ang mga kapatid ko. Samantalang natulala na lang ako hanggang sa matapos ang araw na iyon.
Kinagat ko ang labi ko. It was so bad that I’d already been thinking about John these past few days. Now it was getting worse since all I thought about every damn minute was him and how he looked that day.
That just made my assumptions true. Hindi pa talaga siya nakaka-move on sa babaeng iyon.
▪ ▪ ▪
“GOOD WORK TODAY, Ms. Nervaez.”
Halos mapatalon ako sa gulat nang may biglang magsalita sa gilid ko. Nag-aayos na ako ng gamit para makauwi na, pero natigilan ako. Binalingan ko si Mr. Callagas na malaki ang ngiti sa akin. In-adjust niya ang salamin niya at mas lumawak pa ang ngiti.
“Sir,” awkward kong bati. “Thank you po.”
Tumango siya sa akin at tumawa. “Are you free tonight? I can take you out for dinner, maybe. For working hard for my dear company. If it’s okay with you.”
Pilit kong itinago ang pagiging hindi komportable sa narinig sa matanda. Kinuha ko ang handbag ko at ang cellphone sa desk. “I’m sorry, Mr. Callagas, but I have some important things to do tonight.”
“Oh, it’s fine!” Tumawa siya. “Sa susunod na lang ˋpag ˋdi ka na busy. And, oh, I just remembered.” He started rummaging through his suitcase. “Here. It’s my personal contact number. Just contact me when you’re free, okay?” Kinuha niya ang kamay ko at inilagay roon ang isang card.
Pinangilabutan ang batok ko nang magtagal ang hawak niya sa kamay ko at bahagya pa iyong haplusin. Hinigit ko ang kamay ko pabalik at tatawa-tawang tinanguan ang matanda.
“Thank you, sir. I’ll see to it if I have spare time to join you next time.”
“Don’t worry about it, Ms. Nervaez. Gusto ko lang talagang bigyan ng espesyal na atensyon ang isang hardworking at bagong empleyadong tulad mo.”
Awkward na naman akong tumawa at tumango. “Ah, sige po, sir. Thank you po for your kind words. Pero mauuna na po muna ako. Excuse me.”
Hindi ko na hinayaan pang makapagsalita si Mr. Callagas at kumaripas na kaagad ako ng lakad palabas ng gusali. Medyo kinabahan pa nga ako na baka masyado akong rude sa inakto ko, pero ganoon naman usually ang ganap sa amin ng matandang iyon nitong mga nakaraang araw. Kaya alam kong hindi niya naman ako tatanggalin sa trabaho.
For the next few days, all I was thinking about was John and what had happened at the back of that restaurant. Medyo hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa mga narinig at nalaman. Nakakagulat pa na nagtatrabaho rin pala siya roon . . . at bilang isang chef pa?
Akala ko ba ay ang negosyo ng pamilya niya ang inaatupag niya? He was the only one who will inherit his parent’s assets, after all. And as far as I know, walang negosyong restaurant ang pamilya niya. Kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko’t pumunta na naman sa J. Guerrier. Mag-isa ako roong nag-dine habang para nang mahuhulog ang puso ko sa kaba. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako kinakabahan at nababalisa.
“Are you ready to order, ma’am?”
Napatingin ako sa waiter na nagsalita at bumuntonghininga. Ito iyong guwapong waiter na palaging kumukuha ng order ko mula noong dalhin ako rito ni John.
Sinabi ko sa kanya ang order ko at aalis na sana siya, pero pinigilan ko. “Uh, wait. Can I ask a question?”
Humarap siya sa akin at magalang na tumango. “I will do my best to answer your queries, ma’am.”
“Uh . . .” Nangapa ako ng itatanong. Diretso lang ang tingin sa akin ng waiter habang naghihintay sa tanong ko. “The food here is very delicious. Lagi kong hinahanap-hanap dahil sa unique na timpla. May I know kung sino’ng head cook n’yo rito? Para, you know . . . deserve niya ng recognition . . .” Nagkamot ako ng batok at awkward na ngumiti.
Bahagyang tumaas ang kilay ng waiter pero bumaba rin naman agad. “Our head cook is Chef Nicholas Gracia, ma’am.”
Tumango ako at nagpasalamat sa sagot niya. Agad naman na iyong umalis sa harap ko kaya naiwan akong muli na mag-isa.
Dismayado man sa narinig ay mas lalo pa tuloy akong napaisip. Kung hindi si John ang head chef dito, ano siya? Sous chef? Part-timer lang? Nagtrabaho ba siya rito after naming kumain dito? O dati na siyang nagtatrabaho rito kaya niya naisipang dito ako dalhin noon? Napabuntonghininga ako nang mapagtantong wala talaga akong alam na kahit na ano sa lalaking iyon.
At bakit ngayon ko pa talaga gustong malaman? E, ˋdi ba ako naman ang umayaw na mas kilalanin pa siya?
God knows how many times I’ve dined in that restaurant just to indirectly ask things about him. Nakaka-guilty nga na ang ibang naipon kong pera ay ginamit ko para roon, pero sa huli ay wala rin naman akong nakukuhang impormasyon. Napapaisip na lang tuloy ako kung talaga bang nangyari iyong sa likod ng restaurant o masyado ko lang na-miss iyong lalaki para mag-imagine ng tungkol sa kanya.
“Excuse me?” tawag ko sa isang waitress nang kumain na naman ako roon isang araw.
“Yes, miss? How may I help you?”
“Uh . . . There’s a weird taste in my food. I think it’s . . . spoiled.”
Kinagat ko ang labi ko dahil sa pagsisinungaling. Mukhang naalerto naman ang waitress sa sinabi ko at hindi alam ang gagawin.
“Tikman mo. There’s something weird in here.”
Hindi siya sumunod sa akin kaya hiniwa ko ang karne at tinusok iyon. Inilahad ko sa kanya ang tinidor. Kinuha niya naman iyon at tinikman ang binigay ko.
“Uh . . . I—I don’t think there’s something wrong with your food, miss.”
Nagtaas ako ng kilay. “I’m a regular customer here. Palagi rin ito ang ino-order ko. Do you think I will not notice kung may kakaiba sa lasa ng pagkain ko?”
Oh, dear God. Please forgive me for being such a bitch.
“Uh . . . let me call our manager first to deal with your concern, miss. Excuse me po.”
Huminga ako nang malalim nang umalis na sa harapan ko ang waitress. Nakaka-guilty dahil mukhang baguhan pa lang iyon dito, ˋtapos siya pa ang magdi-deal sa kaartehan ko. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko habang naghihintay. Ilang minuto lang ay bumalik iyon kasama ang manager nila.
“What’s wrong here, ma’am?”
Inilahad ko ang pagkain sa lalaking humarap sa akin bago magsalita. “May kakaibang lasa sa pagkain na s-in-erve n’yo sa ˋkin.”
Nagkatinginan ang manager at ang waitress na parang nag-usap sila via telepathy. Nangunot ang noo ko nang utusan niya ang waitress ng kung anong hindi ko na narinig.
“I’m so sorry for the inconvenience, ma’am. Papalitan na lang namin ang order mo nang bago.”
Magsasalita pa sana ako pero wala nang lumabas sa bibig ko. Fail. Here, I acted so childish because I thought the manager would be John. But I was wrong.
Tiningnan ko na lang iyong manager na pumunta sa service area at pinagalitan ang kung sinuman doon.
Hindi naman nagtagal ay ibinalik nang muli ang pagkain sa table ko. Pero nang makita kung sino ang naghatid niyon sa akin ay halos mabilaukan na ako sa sariling laway.
“Can you tell me what’s wrong with my food, Ms. Nervaez?”
Ang maaliwalas na mukha ni John ang bumati sa akin. Salungat sa ekspresyon niya noong huli kong nakita, ngayon ay walang bahid ng galit o irita o kung ano pa man sa mukha niya.
Ilang minuto lang kaming nagkatitigan bago siya umiling at umambang aalis.
“John,” tawag ko bago pa man siya mawala.
Nakangiti pa rin siya nang harapin ako. “Yes? Do you still have a problem with our food, miss?”
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. “So it wasn’t just my imagination. You’re really working here.”
Bumalik siya sa tabi ko at umupo sa harap ko nang walang pasabi. Suot niya na naman ang parehong uniporme na nakita ko noong nakaraan.
“Yes, I do work here, Victoria. But please don’t tell anyone,” sinsero niyang pakiusap, sobrang salungat noong parang inuutusan niya akong manahimik sa mga nakita at narinig ko.
Napaawang ang labi ko sa mangha. Ngayon pa talaga ako mamamangha na makita ang ganitong side niya. Tumikhim ako para ayusin ang ekspresyon ko sa mukha.
“Uh, do you own this restaurant?”
He arched his brow before he nonchalantly answered, “Yeah.”
He said that so casually that it made me uncomfortable for whatever reason. Mayaman nga talaga ang lalaking ito, sa awra at tono pa lang ng pananalita niya ay halata na. Bakit pa ako magtataka?
“Hey,” tawag niya sa atensyon ko. “I know I’ve been harsh last time . . . no’ng nakita mo kaming nagkakasagutan ni Danielle sa likod, and I am very sorry for that.” tunog nagsisisi talaga siya kaya hindi ko maiwasang mapangiti nang tipid. Bumuntonghininga siya. “Medyo frustrated lang talaga ako kaya gano’n ang inasta ko sa ˋyo—”
Umiling ako. “No. You have the right to be angry. Kasalanan ko naman dahil pumunta talaga ˋko ro’n dahil sa pagka-curious ko.”
Ngumisi siya sa akin. Sa paraan ng pagtingin niya ay parang may tinik na natanggal sa dibdib ko. Hindi ko nga alam na ganoon ang nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw hanggang sa makita ko na naman siya.
He is back.
My John is back.
“Do you know that curiosity kills the cat, Ms. Nervaez?” tanong niya at humalukipkip. “You are a very mischievous kitten, aren’t you? You make me want to punish you.”
“John,” saway ko sa kanya at tinawanan niya naman ako nang mahina.
“I’m just kidding. Bakit ang bilis mo talagang mapikon? You should drink again para ˋdi ka mabilis na nagagalit. I recommend Alfonso.”
Ngumiti ako. “You are as talkative as ever.”
“Hm. Maybe. But didn’t you like this talkative mouth of mine that night, Victoria?”
Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung dapat ba akong magsisi dahil inilapit ko ang sarili ko sa kanya, o magbunyi dahil ganito na naman kami kalapit.
“Anong oras kang matatapos dito?”
“Why ask that so suddenly?”
“Let’s go somewhere else after. I’ll wait for you.”
Kumunot ang noo niya at napatuwid ng upo. Nagtataka niya akong tiningnan, pero sa huli ay tumango rin naman.
“Then, I’ll finish here as soon as I can.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top