01: To Jump or to Not Jump

“JOHN . . .” INANGAT KO ang ulo ko kasabay ng mahinang pagsabunot sa maiikling tikas at medyo basang buhok ng lalaki sa harap ko. Ramdam ko ang bigat ng katawan niya habang unti-unti siyang pumangingibabaw sa akin. Mahina ang mga daing niya na mas lalong nagpapainit sa katawan ko. Dama ko ang gaspang ng palad niya nang marahas niyang damputin ang mga kamay ko’t iangat iyon.

“Victoria,” tawag niya rin sa akin, ngayon ay rinig na ang makamundong pagnanasa sa tono niya. “Turn around.”

My body was getting weak so I couldn’t follow immediately. When he got impatient because of my statuesqueness, he turned me around himself. He wrapped one of his hands around my chest and the other violently pushed the small of my back. I almost lost my balance due to his roughness, so I held onto a big rock to support my weight.

I could feel his thing behind me. Kasabay ng malakas niyang daing ang ungol ko nang tuluyan na siyang makapasok sa akin.

“Victoria!”

Sa pagbanggit niya sa pangalan ko ay siya ring paglabo at pagdilim ng paligid ng mga mata ko. Umikot ang paningin ko kasabay ng pagbalik ng mga alaala ko bago kaming dalawa napunta sa ganitong sitwasyon.

Tunog ng rumaragasang tubig, ihip ng mabining hangin, mumunting tunog na nanggagaling sa mga kulisap, maingay na tunog galing sa pumasadang motorsiklo . . . Sapo ko ang noo ko habang dinudungaw ang ilog sa ilalim ng kinatatayuan ko. Humawak ang kaliwang kamay ko sa sementadong barandilya nang makaramdam ako ng pagkahilo.

“Shit,” mura ko nang bumaliktad ang sikmura ko. Tinakbo ko ang distansya mula sa isang basurahan at doon dumuwal. Umikot ang paningin ko at sumabay pa ang pagpintig ng ugat sa ulo ko. “I swear to God, I will never drink again!”

Nang matapos dumuwal ay sinapo kong muli ang noo ko at umupo sa isang gilid. Dinama ko ang dila ko dahil naroon pa rin ang lasa ng mapait na alak. Tumama ang likod ko sa barandilya, ngunit sa sobrang sakit ng ulo ko ay namanhid na ang ibang parte sa katawan ko.

Napapikit ako nang mariin nang magtama ang mga mata namin ng isang matandang babaeng naglalakad. I swear, I could see judgement in her eyes na para bang alam niya ang lahat sa buhay ko, maging ang kung ano’ng nangyari kanina kaya ako napunta sa ganitong sitwasyon. I couldn’t blame her, though.

Nang humupa ang pagkahilo at sakit ng ulo ay muli akong tumayo. Madilim na ang kapaligiran; ilaw na lamang mula sa street lights at mga kotseng dumaraan ang nagsisilbing liwanag. Nakakapangilabot din ang pakiramdam na dala ng tulay na halatang pinabayaan na ng gobyerno dahil medyo nasa dulo na ito ng bayan; tila naghihintay na lang na gumuho ito at may maaksidente bago pagtuunan ng pansin. Bihira na rin ang mga taong naglalakad dahil huling tingin ko sa orasan ay pasado alas-dose na ng gabi.

Bumalik ang diwa ko at tumitig muli sa ibaba—sa ilog. My heart beat faster as many terrifying thoughts flooded my mind.

What if I jump here? Will I . . . die?

I smirked at my thoughts. Siyempre, malamang, hindi! Hindi naman kalaliman ang tubig ng ilog at tiyak namang hindi kataasan ang tulay na ito para pumatay ng tao. Kung tatalon ako mula rito, parang maliligo lang ako sa isang swimming pool.

Pero . . . paano ko nalamang hindi nga talaga ako mamamatay kapag tumalon ako?

Life was full of uncertainties. I could never be certain unless I tried . . .

Siguro dahil sa natitirang alak sa sistema ko, kasabay na ang mga iniisip ko nitong nakaraang araw, kaya nagawa kong iangat ang sarili ko at umupo sa barandilya. Gumuhit ang ngisi sa labi ko nang umihip sa akin ang hangin na tila ba pinababalik ako sa kinatatayuan ko kanina—na para bang pinipigilan ako sa kung ano mang gagawin ko.

On normal days, I would chicken out just lifting myself up to sit on this handrail. I was such a coward after all. I would never do something that I knew would hurt me in the end.

Maybe it was the alcohol. Maybe it was the endless agony. Maybe I was really, really, really fed up with all the bullshits in my life to have the courage to even do this.

Pero nang isang beses akong napatingin sa ilog sa ilalim habang malakas ang hangin, parang natauhan ako.

I can’t do this.

Humalakhak ako at sinapo ang noo ko. Bumaba ako sa barandilya at mas lumakas pa ang halakhak. Mukha na yata akong tanga rito. Kung may makakita siguro sa akin ngayon, aakalain nilang nababaliw na ako.

Wait . . . hindi pa nga ba ako nababaliw?

Habang tumatawa ako ay bigla kong naramdaman ang isang patak ng tubig sa braso ko. Una kong naisip ay baka umuulan na, pero nang maramdaman ko ang pag-agos ng tubig sa pisngi ko, doon ko napagtantong sa mga mata ko nanggagaling ang tubig.

Pumikit ako nang mariin. I’m a fucking mess.

Huminga ako nang malalim at hinayaan ang sariling lumuha habang dinadamayan ng hangin. Sumandal ako sa barandilya at nagbaba ng tingin sa ilog. Hindi ko na alam kung ano’ng dapat kong gawin ngayon. Dapat na ba akong umuwi o manatili rito hanggang sa mawala ang mga kahibangan sa utak ko?

While I was in the middle of a mental dilemma, I noticed a light coming from the riverside. Pinaalis ko ang luha sa mga mata ko para mas malinaw na tingnan kung ano’ng nangyayari roon. Nang malinaw na makita kung ano ang naroon ay namangha ako.

Someone was starting a campfire!

Hindi ko na namalayan ang sarili ko na naglalakad pababa sa tulay. Mayroong kung ano sa parteng iyon ng lugar na ito na parang humahatak sa akin. Na parang tinatawag ang katawan ko . . . at para bang wala akong karapatan na pigilan ang sarili ko sa paglapit.

“Delikado, Felicia Victoria, babala ko sa sarili, pero patuloy pa rin ako sa pagbaba.

Muntik na nga akong matisod ng maliliit na bato sa daan habang naglalakad. Muntik na rin akong matumba dahil sa pagkaliyo sa apoy na nanggagaling sa may hindi kalayuan. Kung bakit pa ako ngayon nakatayo at patuloy na naglalakad ay lingid na sa kaalaman ko.

Sa likod ng apoy ay natanaw ko ang anyo ng isang tao—isang lalaki, para maging tiyak. Hindi siya sa akin nakatingin at tila hindi rin ramdam ang papalapit kong presensya. Hawak niya ang isang bote na sa tingin ko ay alak at tumutungga roon kada limang segundo.

“Takbo . . . delikado . . .”

Hindi ko pinakinggan ang paulit-ulit na babala ng utak ko, at kung tutuusin ay parang naging senyales pa iyon para mas lumapit ako.

Isang hakbang pa ay may natapakan akong sanga. Hindi man malakas ang ingay niyon, subalit nakuha pa rin nito ang atensyon ng lalaki.

“Sino’ng nandiyan?” His deep and alarmed voice instantly made me shiver.

“Shit.”

“Sino’ng nandiyan?” ulit pa ng lalaki nang hindi ako sumagot.

Naestatwa na ako. Agad akong nagsisi. Ngayon ay napuno na ako ng takot. Kung bakit hindi ko pinakinggan ang sarili ko kanina? Kung bakit hinayaan ko ang sarili kong mapunta sa ganitong sitwasyon?

Nakita kong ibinaba ng lalaki ang hawak na bote at tumayo. Mabagal ang paghakbang niya papunta sa akin. Parang maging siya ay alerto rin at umaasa sa nagbabadyang panganib.

Nang magkaharap na kami ay agad nagtama ang mga mata namin. Dahil nasa likuran niya na ang apoy ay hindi na ngayon naliliwanagan ang mukha niya. Ang kaunting liwanag na lang galing sa buwan ang nagsisilbing ilaw sa pagitan namin. At sa pagkakataong iyon, nakita ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya at pagkatanggal ng kunot sa noo.

“Babae lang pala . . .” bulong niya, pero narinig ko.

Nang tumalikod siya sa akin at naglakad pabalik sa puwesto niya kanina ay parang nabunutan ako ng tinik. Naglakad akong muli papalapit sa kanya kahit pa hindi matanggal ang tambol sa dibdib ko.

“A-ano’ng ginagawa mo dito?”

Nangunot muli ang noo niya at nag-angat ng tingin sa akin. Ngayon ay mas malinaw pa sa sikat ng araw ang mukha niya. Ang mga labi niya ay nasa isang tuwid na linya, ang kulay tsokolate niyang mga mata na sinasalamin ang apoy sa harapan niya ay tila humahagod sa buong pagkatao ko. Kung hindi lang mukhang maamo ang mukha niya ay kanina pa talaga ako tumakbo papaalis.

“Ako ang dapat nagtatanong niyan. Ano’ng ginagawa dito ng isang babaeng tulad mo?” aniya sabay inom ulit sa bote ng alak.

Bakit inulit niya na naman ang salitang babae?

“Ano ngayon kung nandito ang isang babae lang na tulad ko?” mapait kong tanong. Ngayon ay nasa harapan niya na ako.

Nagbaba siya ng tingin sa paa ko at hinagod ng tingin ang binti ko hanggang hita. Dahil nakasuot lang ako ng maiksi at kulay pulang dress, ramdam ko ang pagtagos ng mga mata niya sa manipis na telang suot ko—if that was even possible. Nang tingnan ko siya ay ni hindi man lang siya nahiya sa lantarang ginawa, habang ako naman ay hindi na komportable.

Bumalik ang tingin niya sa mga mata ko. “It’s already dark, miss. Girls shouldn’t go out at this time. Umuwi ka na. It’s too dangerous para sa gaya mo.” Nagkibit siya ng balikat.

Ingglisero rin at tunog mayaman . . .

“Pa’nong naging mapanganib para sa ˋkin?”

“You can be taken advantage of by men—”

“Like you?” putol ko sa kanya.

Nagtaas siya ng kilay sa akin at unti-unting gumuhit ang mapaglarong ngisi sa mga labi. “Yes. Men like me.”

I tilted my head as I felt my cheeks heating with the way he said those words. Nag-iwas siya sa akin ng tingin at naiwan ako roon na mangha sa kanya sa hindi maipaliwanag na dahilan.

“So . . . ulitin ko, ba’t ka pagala-gala dito nang mag-isa?” tanong niya sabay inom sa bote.

I was no longer the master of my own body; after he asked that, I immediately sat on the stone beside him, making him sneer at me. I pursed my lips as I stared at the campfire.

“Pauwi na ˋko galing sa bar, diyan lang sa malapit. Nagpakalasing ako matapos ang date namin ng boyfriend ko—actually, ex-boyfriend. ˋTapos ngayon, naglalakad lang sana ako pauwi. Siguro mga kalahating oras na ˋkong naglalakad dito sa may tulay at paikot-ikot hanggang sa mag-decide akong tumitig sa ilog at makita ka dito.”

He chuckled a bit, like there was something funny in what I said. Bumusangot ako ng mukha dahil doon. “You’re awfully comfortable considering that I just warned you about men like me, huh?”

Napatikom ako ng bibig. Tama nga naman siya. Binalaan niya rin ako na maaari akong mapagsamantalahan dito ng ‘tulad niya’, pero nandito ako ngayon, tumabi pa sa kanya na parang matagal na kaming magkakilala at magkaibigan. Nagagawa ko pang magkuwento?

Swear on all gods, Fel, don’t drink again. Ever.

“You won’t take advantage of me,” I said.

“How sure are you?”

I looked away. “A hundred percent. Hindi ka mukhang gano’ng klaseng tao.”

Tumawa siya. Mukhang natutuwa talaga siya sa mga pinagsasabi ko kahit wala namang nakakatawa. At ako naman dito, namamangha pa rin sa tawa at mga galaw niya, at hindi ko maipaliwanag kung bakit.

“Ah . . . is it because I somehow look like a harmless pup? Don’t be fooled by my facade, woman.”

I was taking his words very seriously, pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit pa ako nananatili rito.

“Hindi mo ba alam na karamihan sa mga mapanlinlang na tao ay nagtatago sa maamong mukha? You’re too trustful. Kung talagang may masama akong balak sa ˋyo, kanina ka pa nakadapa sa batuhan at humihingi ng saklolo sa mga santo,” pananakot niya sabay turo sa tabi namin na may nagpapatong-patong na malalaking bato.

“Kung”—I said confidently as I air-quoted—“meaning, wala kang balak. Meaning, tama ang instinct ko na hindi ka masamang tao. Meaning, ayos lang na umupo ako dito at makipag-usap sa lalaking tulad mo.”

Tumawa siya ulit, at hindi katulad ng kaninang mga tawa niya, iyong ngayon ay sobrang lakas na na parang magigising ang lahat ng natutulog sa lugar na ito.

“Fine then. You win.” Nagtaas siya ng dalawang kamay. “I won’t ask you to leave or anything. Just humor me, woman.”

Habang tumatawa itong lalaki ngayon sa harapan ko ay hindi ko maiwasang tumitig. There was really something about him that would make you drawn. Hindi ko lang masyadong ma-pinpoint. Siguro dahil may itsura rin naman siya? Siguro dahil sa accent niya na tunog pangmayaman? Siguro dahil sa magaspang at tila antok niyang boses—na hindi bumabagay sa maamo niyang mukha? Siguro dahil sa init na nararamdaman ko sa katawan ngayon dahil sa pagkalasing?

Hindi ko alam.

Iisa lang ang natatanging alam ko sa ngayon: hindi magiging maganda ang kahihinatnan ng gabi na ito kung hindi ako aalis agad.

Matapos niyang tumawa ay hinarap niya ako. Pinasadahan ng dila niya ang pang-ibaba niyang labi bago ngumisi sa akin.

“Galing ka sa date, right? With your now ex-boyfriend? You might wanna continue your story. It’s interesting. I’ll listen.”

Dahil sa sinabi niya ay ako naman ang nagtaas ng kilay. I wanted to remain quiet and ignore him for some stupid reason, pero talagang hindi ako sinusunod ng katawan ko’t dinaldal pa siya.

“Tinakbuhan ko ang ex ko kasi nag-propose siya . . . na magpakasal.”

“Oh . . . some love drama.” I saw him stifling a smile. “Please continue.”

Inirapan ko siya. “Ayoko pa munang matali kasi tingin ko hindi pa natutupad ang pangarap ko.”

“At ang pangarap na ˋyon ay . . .?”

“Maging bilyonaryo.”

Pagkatapos kong sabihin iyon ay humalakhak na naman siya. He was really taking me for a joke. On normal days, I would be angry. On normal days, I would have already walked away. But tonight, this stranger in front of me seemed to have given me the comfort that I couldn’t find with anyone else. That was why I couldn’t walk away.

“Hey, I’m laughing alright,” aniya sa gitna ng mga tawa, “but I can actually relate. Pangarap ko din ˋyan! It’s just that, unlike you, I wouldn’t reject a marriage proposal for something you can’t possibly achieve this early. Let’s be realistic, yes?”

“Are you implying that I made the wrong choice?”

“No!” agap niya. “Hindi kita kilala personally, okay? I don’t even know your name. Sinasabi ko lang naman na puwede mo namang tuparin ang pangarap na ˋyan kasama ang boyfriend mo. Hindi rin sa minamaliit kita, pero ilang tao na ba ang naging bilyonaryo sa ganitong edad? Are you planning to stay unmarried till forties?”

Napaawang ang mga labi ko. Kanina ay akala ko ayaw niyang nandito ako, pero mukhang nagkamali yata ako. He was actually talking to me like we were not some strangers who happened to be drunkards by this riverside.

“You’re awfully talkative considering that you just told me earlier to go home.”

Tumawa siya. “I find you and your story rather interesting now, so go on and just answer my question.”

Umirap ako. “Wala akong planong mag-asawa. Hanggang sa mamatay ako.”

He gave me a passing glance, puzzled. Like I just said something unbelievable. Ibinaba niya pa nga ang hawak na bote ng alak upang pagmasdan ako. Doon ay napansin kong humina na ang apoy sa gilid namin, kaya naman kaunting liwanag na lamang ang bumubuhay sa mukha niya.

He snapped a finger before he continued, “What’s your name?”

At bakit bigla-bigla niya na lang itatanong ang pangalan ko?

“Why suddenly ask my name?” I glared at him. “Let’s remain strangers.” Tutal, magiging estranghero pa rin naman kami sa isa’t isa pagkatapos ng gabing ito.

“Come on. It’s easier to have something to refer to with each other. Unless you want me to give you a pet name?”

Very talkative . . .

“Let’s remain strangers.”

“Okay, fine, Alfonso.”

What the heck?! “Did you just call me Alfonso?”

“Why do you look offended? Alfonso’s a great name—especially for someone who reeks of it,” he said, and then he playfully twisted the side of his lips.

Huminga ako nang malalim at nag-iwas ng tingin. Doon ay iniisip ko na kung gaano kawalang-kuwenta itong ginagawa ko rito kasama ang lalaki na ito.

“Tell me yours . . .” mahina kong sabi.

“Hm?”

“Tell me your name first and then I’ll tell you mine.”

Sandali siyang natahimik kaya sinulyapan ko. Bigla ay parang sumeryoso siya. Bigla ay parang lumalim ang iniisip niya.

He was so weird.

But being here with him, I guess I was the same.

“John.”

What an awfully ordinary name.

“John?”

“My name is John.” Uminom siyang muli sa alak. “Now, tell me your name.”

Bumuntonghininga ako. “Victoria.”

“Victoria . . .” he said, like he was expecting more.

I sighed. “Victoria lang.”

“Great. Nice to meet you then, Victoria lang.”

I really didn’t get why I couldn’t seem to get irritated with him. Kahit kanina pa siya sarkastiko at nambabara ay tila hindi iyon tumatalab sa akin.

Umayos siya ng pagkakaupo kaya napagaya ako.

“Victoria, huh? I like that name. Mukhang madaming tinatago . . . at parang sa kahit na anong hamon ng buhay, mapapanalunan mo,” he mindlessly mumbled. I got a little flustered with his pun and subtle compliment, but he then asked a sensitive question so the feeling was short-lived. “So, Victoria . . . Did you love your ex-boyfriend?”

I stiffened. Isang tanong na alam kong lalagpas sa kaibuturan ng pagkatao ko.

Bakit?

Dahil kailanman ay hindi pa iyan sa akin naitanong ng kahit na sino. Malakas ang tama sa akin ng ganyang tanong dahil sa kaloob-looban ko, patago kong hinahangad na may magtanong niyan sa akin. Finally. Dahil alam na alam ko ang sagot. Dahil matagal ko nang gustong ilabas ang sagot na kinikimkim ko noon pa man. Sawang-sawa na akong magpanggap.

“Hindi. Hindi ko siya minahal.”

That shut John up.

Huminga ako nang malalim at nagpatuloy. “Mahirap lang kami, John. Mama ko na lang ang natitirang magulang naming anim na magkakapatid. Ako ang panganay . . . ako ang inaasahang tutulong sa mga kapatid kong makapagtapos kapag nagkaro’n na ˋko ng trabaho. I guess you can call me desperate when I decided to answer the devil’s call: to date my obsessive boss for convenience.”

Pagkatapos kong magkuwento ay tuluyan nang natupok ang apoy. Kasabay pa niyon ang pag-ihip ng hangin at pagdampi nito sa mga dahon ng puno sa paligid, kaya dama ko ang lamig na dala niyon sa balat ko.

Si John naman ay tahimik nang nakikinig sa akin. Hindi ko maintindihan kung kinaaawaan niya ba ako o kung ano pa man dahil hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha niya.

“Hindi ko siya mahal o minahal o mamahalin—ni hindi ko nga siya gusto. Kahit anong pilit ko sa sarili ko. Kahit sino pa nga siguro ay mamamangha kapag sinabi kong umabot kaming dalawa nang tatlong taon kahit hindi ko siya mahal. Pera lang at ang trabaho ko ang rason kung ba’t ako nagtagal sa kanya. Manggagamit ako, ˋno? Pero ano’ng magagawa ko? I just want an easy life for my family. Kahit isugal ko na ang ilang taon sa buhay ko para mairaos kami, gagawin ko.

“Pero ibang usapan na kasi ang pagpapakasal. Hindi ko nga siya gusto ˋtapos papayag pa ˋkong matali? Bukod sa ayokong bumuo ng sarili kong pamilya at magkaanak, ayoko ring makulong sa isang bagay na alam kong gugustuhin ko ring kumawala kalaunan. Ayoko sa gano’n.”

Tumango si John na parang naiintindihan ako. Wala siyang ibang sinabi. Iniabot niya lang sa akin ang hawak kaninang alak at wala sa sarili ko naman iyong tinanggap at ininom.

“It sucks more because I know I fucked up. Really, really bad. Bukas, inaaasahan ko nang agad akong matatanggal sa trabahong ˋdi ko rin naman pinangarap. Ang daming tanong na pumapasok sa utak ko. Pa’no ang pamilya ko? Pa’no ang pag-aaral ng mga kapatid ko? Pa’no ang gastusin namin? Pa’no kami mabubuhay? Paano? Paano? Paano?” Uminom ako sa bote ng alak bago hinarap si John. “Puwede bang sabihin mo sa ˋkin kung paano? John? Please?”

I didn’t even realize that I was already tearing up. Lahat ng kinikimkim ko nitong mga nakaraang taon ay tila sumasabog na parang bomba. Hindi ko na kayang pigilan pa.

Siguro . . . gumagawa lang talaga ako ng rason para bumaba sa tulay at mapunta rito. Siguro . . . gusto ko talagang pumunta rito at maghanap ng mapaglalabasan ng lahat-lahat. Siguro . . . dinala ko ang sarili ko rito upang maghanap ng kakampi.

Dahil buong buhay ko, pakiramdam ko ay kalaban ko ang buong mundo.

Takot tumalon? Hindi. Takot ako sa maiiwan ko rito kung sakaling mawala nga ako.

Takot sa lalaking ito? Hindi. Takot akong habang buhay kong kikimkimin ang lahat ng nasa isipan ko.

Takot ako hindi sa gagawin ko, kundi sa kalalabasan nito.

“Victoria . . .”

Hinawakan ni John ang palapulsuhan ko at inagaw ang hawak na bote. Hinayaan ko lang siyang gawin iyon dahil inabala ko ang sarili ko sa pagtanggal ng mga luha ko.

“I know this isn’t the correct way to respond to you, but . . . I think we’re the same . . . in some ways.”

Hinawakan niya ang kamay ko at tinulungan akong punasan ang mga luha ko. Dahil sa gulat sa ginagawa niya ngayon ay mabilis akong napatahan.

“I may not have experienced what you are now experiencing, but I think we have the same reason why we’re both here: drunk, broken, and probably beyond salvation.”

Tumango ako. Agad kong naintindihan ang sinasabi niya na parang naiintindihan ko rin siya.

“Ikaw? Bakit ka nandito, John?”

Mapait ang ngiting iginawad niya sa akin. “Kasi gusto kong takbuhan ang lahat, Victoria.”

Hinawakan ko ang kamay niya sa pisngi ko.

Tumakbo . . . sana nga ay puwede na lang takbuhan ang lahat.

“All my life, I lived by following rules—conforming, believing that I should be what they told me to be, that I should live to please everyone’s expectations. But it’s suffocating, you know? It’s fucking suffocating. Like—can’t I do what I want to do?”

Patuloy lang ako sa pagtango. It was weird because although we were both barely touching each other’s cores, I could almost quickly understand him . . . and I know he was the same towards me.

“Tulad mo, nagpapakalunod ako ngayon sa alak kasi iniwan ako ng taong tingin ko ang tanging nakakaintindi sa ˋkin. Trinaydor ako ng taong nagparamdam sa ˋkin na puwede kong gawin kung ano’ng gusto ko. But now . . . she’s no longer mine. How am I supposed to be me?”

Pumungay ang mga mata ko at hinaplos ang pisngi niya. “You can be you no matter what, John.”

Tumitig siya sa mga mata ko at ramdam ko ang pagtagos niyon sa kaluluwa ko.

“You can be selfish, Victoria.”

Pareho kaming natahimik.

We could both be whatever we want to be, we could do whatever we want to do . . . And though the consequences might make us happy, those people around us would suffer.

And we both knew that very well.

We both knew that . . .

That was why we were here.

Pareho kaming wala nang sinabi matapos iyon. Hinayaan naming dalawa ang isa’t isa na magpakalunod sa alak habang iniisip kung gaano kaputangina ang mga buhay namin.

Ang malamig na simoy ng hangin ang nagsilbing tagaalo sa sugatan kong nararamdaman. Ang tunog ng rumaragasang tubig ang tila nagpapaalala sa akin kung ano ang dapat kong gawin. Ang mumunting tunog ng mga kulisap ang tila nagsasabing hindi ako nag-iisa.

At itong lalaki sa tabi ko ang tanging rason kung bakit kahit lunod na ako sa alak ay nakakapag-isip pa rin ako nang tama.

It only changed when I glanced at John. He was also looking at me, as if we both knew that any moment now, we might just screw each other—

and we did.

Hindi ko alam kung paano nagsimulang mawala ang mga saplot naming dalawa sa katawan. Hindi ko alam kung sino ang naunang humalik, kung sino ang naunang maghubad, at kung sino ang mas sabik.

Ang tanging alam ko lang sa mga oras na iyon ay ang pagkagusto ko sa mga nangyayari.

Gusto ko ang paghawak ng magaspang niyang kamay sa balat ko. Gusto ko ang paghalik niya sa labi ko. Gusto ko ang tila pagsamba niya sa dibdib ko. Gusto ko ang pagtikim niya sa bawat parte ng katawan ko.

I let him do all of that. He also let me do all the things that we should have probably never done.

A mistake. We both screwed each other.

“Victoria!”

Luminaw at lumiwanag ang buong paligid. Tunog mula sa rumaragasang tubig, ihip ng mabining hangin, mumunting tunog na nanggagaling sa mga kulisap, maingay na tunog galing sa pumasadang motorsiklo . . . lahat iyon ay naging saksi ng pagkakamaling ginawa namin ni John dito sa tabing-ilog.

Pareho kaming hinihingal nang matapos. Bumagsak ang katawan niya sa tabi ko at marahas na hinalikan ang balikat ko. His hot breath on top of my skin made my insides churn. I let my body fall on his right arm. He then whispered, “Die with me, Victoria. Let’s run away from this world together . . .”

But I was far too weak to even respond. With his warmth enveloping my bareness, I soon slept through the memories of that night with him.

Like a torn page in my journal.

Kinabukasan, habang tumatakbo at malinaw na ang pag-iisip, nangako ako sa sarili ko na ibabaon ko sa limot lahat ng nangyari noong gabing iyon. Lahat ay mananatiling nakabaon sa ilalim ng lupa, naghihintay na tangayin ng tubig papunta sa kawalan.

Mas mabuting manatiling ganoon ang lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top