Special Chapter: Blaster
"Ashanti nasa harapan na'ko ng school," sambit ko sa tawag habang hinahanap 'yung payong ko. Tsk, nakakabagot talagang pumasok tuwing June--malamig tapos ulan nang ulan. Buti na lang third week pa pasok namin sa College, marami pang oras mag-slack off, tsaka para rin sa banda. Ang hassle pumasok, tapos minsan may gig. Feeling ko nga hindi na lang muna ako magse-second year, ewan.
Medyo late pa 'yung dismissal nila Ashanti pero inagahan ko na kasi ang lakas din ng ulan. Siguro makikita ko si Cass pagkalabas niya? Gago, ang creepy ko na yata kasi nakabisado ko na 'yung schedule ng uwian niya kahihintay tuwing hapon.
Puppy crush lang naman.
Ang baduy pala pakinggan.
No'ng nahanap ko na 'yung payong, mabilis kong kinuha 'yun at inilagay sa shotgun seat para mabilis na lang kukunin, ang kaso pucha--
"Cass?" Hindi ko alam kung ano ring pumasok sa utak ko at napalabas agad ako ng kotse nang makita ko siya. Mukha siyang tuliro na hindi mo maintindihan ang hilatsa ng mukha... parang wala siya sa sarili habang pinagmamasdan ko siya.
Shit.
May problema ba siya?!
Mabilis akong tumakbo habang tinatawag siyang miss nang makita ko 'yung paparating na sasakyan, pero parang wala talaga siya sa sarili kaya mabilis ko siyang niyakap at itinulak papaalis sa daan.
"Miss?" Tinapik-tapik ko 'yung pisngi niya, pero hindi siya sumasagot. May gasgas din sa ulo niya kaya binuhat ko na lang siya at dali-daling tumawid ng kalsada at ipinasok siya ng kotse. Sinendan ko na lang ng text si Ashanti na may emergency at hintayin na lang niya ako. May malapit namang ospital dito. Nagsuot na lang din ako ng hoodie para walang makakilala sa'kin.
Pagkadala ko sa kaniya sa ospital, umalis na rin agad ako para sunduin si Ashanti. Nakilala pa rin ako no'ng nurse, pero ang sabi ko 'wag nang sabihin kay Cass na ako 'yung nagdala sa kaniya sa ospital. Hindi naman sa nagtatago ako, pero ayaw ko lang malaman muna niya. Gusto kong ako na lang mismo magsabi sa kaniya...
"Sa'n ka pumunta kuya?"
Nagkibit-balikat lang ako, "Emergency lang."
Buti na lang hindi na nagtanong si Ashanti kaya tahimik na lang kaming pareho pauwi. Iba pala sa pakiramdam kapag na-witness mo 'yung near to death experience no'ng tao--parang temporarily nando'n ka rin sa posisyon nila.
"Kuya... you're bleeding."
Napakunot ako ng noo at tinignan ang sarili ko sa salamin. Shit... kaya pala tinatawag din ako no'ng nurse kanina, napansin niya siguro na may dugo rin sa ulo ko. Napailing na lang ako at tinuloy ang pagda-drive. Hindi naman malala 'yung dugo, parang gasgas lang din, pero dumaan na lang din kami sa pharmacy at baka awayin na naman ako ng kapatid ko kung magpapasaway ako. Minsan, hindi ko rin alam kung sinong panganay sa'min, mas pinapagalitan pa yata ako ni Shanti.
I can't blame her though. Sobrang tigas naman talaga ng ulo ko, alam ko 'yun. Ang dami-dami kong ginagagawang kagaguhan nang 'di man lang nag-iisip.
Ang gulo ko raw.
Hindi ko naman 'yun kinakaila.
Alam ko namang hindi na'ko bata, but, I still need a lot of growing up to do.
**
Tangina.
Hindi ko alam kung pa'no kakalmahin 'yung sarili ko no'ng malaman kong kasama si Cassandra sa family dinner nila Zildjian kasama 'yung banda. Pucha, magpinsan pala sila kahit hindi naman magkadugo, biglang hindi ko tuloy alam kung pa'no aasta. Baka tawanan naman nila akong lahat kung biglang ang tahi-tahimik ko, samantalang ako lagi 'yung maingay sa grupo.
Blaster, just keep your cool.
"Tahimik mo?" Nagulat ako nang biglang tumabi si Badjao sa tabi ko, nagkibit-balikat lang ako habang naglalaro sa cellphone. Parang gago naman kasi... si Cass lang naman 'yun! Ano ba alam niya? Ni hindi naman yata ako kilala no'n, except na lang kung nakikinig din siya sa banda namin. Pero, malamang hanggang do'n lang ako--'yung gitarista ng IV Of Spades. Malay ba niya na crush ko siya, parang tanga, ang creepy naman no'n kung bigla-bigla ko na lang sasabihin na crush ko siya.
Malamang 'di rin niya alam kung ako 'yung sumagip sa kaniya o ano... basta bahala na.
Keep your cool na lang.
Kaso ewan, keep your cool, keep you cool pa'ko pero no'ng dumating sila Cass napatitig na lang ako sa kaniya. Hindi ko alam kung pansin nila, pero ang lungkot-lungkot ng mata niya kahit nakangiti... 'yung tipong parang gusto ko siya biglang alagaan na lang kasi masyado na siyang sinasaktan ng mundo.
Saan mo napulot 'yon, Silonga?
Wala na. Olats na.
Kung hindi ko pipigilan sarili ko baka totohanin ko na lang talaga.
Gusto kong tawanan 'yung sarili ko no'ng ipakilala nila si Cass at nagkunwari lang ako na hindi ko kilala. Parang bigla ko tuloy gustong sabihin na "opo kilala ko, crush ko nga e" kaso ang out of the line naman na no'n. Sipain pa'ko ni Badjao dahil sobrang creepy naman na no'n.
Nginitian ko lang siya, kahit kabadong-kabado na talaga ako sa totoo lang. Pakiramdam ko konting maling galaw ko lang mapapansin niya agad. She seemed to recognize me the moment our gazes met, but I shrugged it off--baka gano'n lang talaga siya tumingin. Ayaw ko rin namang umasa na alam niyang ako 'yon.
As long as I know she's safe.
"Ang tahimik bigla, a. Bakit kaya." Tinignan ko lang nang masama si Zild at naglaro na lang ulit sa phone ko. Alam ko namang mapapansin nila... "Crush mo si Cass?"
"Ang daldal mo, alam mo 'yun?"
Zild shrugged, "Hindi ka nag-hindi," sambit niya. "Gusto mo nga. Lakad kita?"
"Utak mo magulo."
Natawa naman siya at inagaw 'yung cellphone ko.
"Alam mo kung gusto mo 'yung tao, 'wag kang matorpe." Ngumiti sa'kin si Zild at binalik 'yung cellphone ko. "Mahirap maunahan, Ter." Tinapik pa niya 'yung balikat ko bago umalis.
Hindi ba... masyadong mabilis? Ayaw ko naman kung masyadong mabilis. Baka pareho rin kaming mabigla...
Pero hindi ko rin alam kung ano'ng pumasok sa isip ko na no'ng pauwi na si Cass mag-isa na lang lumabas sa bibig ko na masaya akong ligtas siya.
Olats.
Strike two.
Ayaw ko nang pigilan sarili ko.
**
Masaya ako.
I really won't deny--sobrang saya ko. I haven't been happy like this, but Cass did bring out the happiness I've been longing for na halos hindi ko na rin maipaliwanag 'yung nararamdaman ko--and it was scaring me already.
I already like her so much, and I already have no plans of stopping unless she says so.
'Yung lungkot sa mga mata niya... gusto ko, kahit man lang panandalian, mapawi ko 'yun. I know I'm really not capable of healing her if she's too broken, but I know I'm in for the long haul--I'll be there for her when she's lost.
I swear sobrang worth it no'ng paghihintay ko sa kaniya... siguro kahit matagal pa, hihintayin ko pa rin siya. Noon pa lang pakiramdam ko siya na talaga... kasi hindi naman ako maghihintay nang ganito katagal kung hindi ko kayang panindigan.
Pero tangina...
Ga'no ba'ko kagago?
Alam ko namang gusto ko siya, pero bakita biglang gusto ko na lang ng preno?
"Tangina, ang bobo mo Blaster." Natawa ako sa sinabi ni Zild at hinayaan na lang siyang suntukin ulit ako. "Ang bobo mo, gumising ka nga!"
Nakayuko lang ako habang umiiyak. Hindi ko alam, sobrang gulo ko. Wala rin akong maidahilan kila Zild kung bakit bigla na lang akong nagpakalayo kay Cass kahit gusto ko naman talaga siya, pero biglang... nawawalan na lang ako ng gana sa lahat.
Total shut off.
I just... tend to push people away when I want to shutdown.
Sobrang toxic. Tangina. Alam kong mali, pero hindi ko alam kung bakit gan'to ako. Walang matinong rason--basta gano'n na lang.
Shit... sobrang sad boy, gago.
No words can really explain how fucked up my head is, at ayoko nang idamay si Cass do'n.
Ang bobo talaga... ang sabi ko gusto ko siyang pasiyahin, pero ako na lang lagi nagiging dahilan kung bakit siya malungkot.
Natural na lang yata sa'kin 'to.
Pero sinusubukan ko namang ayusin kami... sinusubukan ko kahit nalulunod na lang din yata ako, pero mahal ko naman talaga si Cass, e.
Pero bakit biglang may Unique?
Bakit no'ng ayos na ulit ako... biglang may Unique?
Bakit si Unique pa?
Napakuyom ako sa kamao ko habang pinagmamasdang lumabas si Unique mula sa kotse niya at pagbuksan si Cass.
Dapat ako 'yun. Pero, gago ka kasi Blaster. Napaka.
"Huwag mo na ngang tignan, mas nasasaktan ka lang, e." Tinapik ako ni Zild sa likod dahilan para mapa-buntonghininga ako. Napailing na lang ako at sabay na kaming naglakad papasok sa College building.
Hindi ko alam kung bakit ganito na ang nangyayari sa amin ni Cass. Alam kong nagsimula no'ng umiwas ako sa kaniya. Oo aaminin ko, naguluhan ako. Kasi sobrang bilis ng pangyayari kaya sa tingin ko kailangan muna namin ng space. Para makahinga. Para makapag-isip.
Pero, mahal ko talaga siya.
Mahal ko siya, pero 'yung pagiging selfish ko ang naglalayo sa kaniya sa akin. Oo alam kong napaka-selfish ko na pati si Unique pinagseselosan ko, dahilan para masaktan ko rin si Cass.
Ayaw kong masaktan siya pero 'yung galit ko kay Unique tungkol sa pag-alis at ang selos ko tuwing nakikita ko silang magkasama ni Cass naghahalo. Pakiramdam ko sumasabog ako tuwing nakikita ko sila. Pakiramdam ko inaagaw niya sa akin si Cass.
Pero kung may masasaktan man sa amin dito, mas karapatan ni Cass 'yun.
Dahil madamot ako.
"Okay na ba si Cass?" Napa-kibit-balikat lang ako sa tanong ni Zild. Nagpaalam na ako sa kaniya nang makarating na ako sa room ko. Tahimik akong pumasok, buti na lang at wala pang prof.
Pagkaupo ko malapit sa bintana ay agad akong napatingin sa Senior High building. Paano kung hindi siya okay?
I sighed.
Hindi ko na namalayang may prof na palang pumasok. Nalaman ko lang nang bigla akong kalabitin ng kaklase kong hindi ko alam ang pangalan kung Jeffrey ba o Joshua. May pinapasagutan pala sa board.
"Hindi porket sikat ka Mr. Silonga e you can space out in my class lang, ha. Now go answer this question." Hindi ko na lang pinansin ang short lecture ng prof ko at tumayo na lang para sagutan 'yung sinulat niya sa board. Manghang-mangha yata dahil nasagutan ko kahit hindi ako nakinig ng lecture niya. Hindi naman kasi ako pala-aksaya ng oras. Basta't may free time ako nagbabasa ako, o kaya naman pag mahaba pa oras bago mag-gig nagbabasa rin ako.
Pagkatapos no'n ay umupo na'ko, hindi na ulit nakinig. Hindi na rin naman niya ako pinansin.
Pagka-ring ng bell matapos ang ilang subjects na puro space out lang ang ginawa ko ay agad akong lumabas. Ite-text ko pa lang sana si Zild pero naunahan na niya ako para sabihing nando'n na sila sa canteen. Kasama pa pala niya sila Crys na kaibigan ng girlfriend niyang si Shanne.
Ilang beses na kaming tinutukso ni Crys, pero sa ngayon ang alam ko may boyfriend siya, ako naman complicated. Nakakaloko.
"Uy! Honeycrunts!" natatawang sambit ni Crys at tinapik ang katabi niyang upuan. Umupo naman kaagad ako do'n at inakbayan siya. Sanay naman na siya sa akbay ko, pang-walang malisya rin naman tsaka, pareho kaming committed. "Si Cass 'yun 'di ba?" Tinignan ko naman si Crys bago tumingin sa direksyon na tinuturo ng mga mata niya. Agad ko namang nakita si Cass at tinanggal ang pagkaka-akbay kay Crys.
Maybe it's innate in me to think that when you're in a relationship, kahit wala pang kasiguraduhan, it's not good to be touchy to other people.
Sometimes, touch means there's a connection. Whether romantic or not, the message is still there.
Hindi ko na lang pinansin si Cass. Maybe she's okay.
Sana.
"Hey, Cass...suddenly walked out." Pagkasabi no'n ni Shanne ay agad akong tumayo para sundan kung sa'n man siya pumunta. Hindi ko na naabutan sila Rinoa dahil sinundan din yata nila si Cass. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin kaya nilibot ko na lang ang buong grounds ng canteen. Pumunta pa ako sa SHS building, pero wala pa rin. Kahit pagod na pagod na ako ay bumalik ako sa canteen at naabutan na nando'n 'yung barkada ni Cass malapit sa cr.
"S-si Cass?" Nag-aalangan siyang ituro ang cr. Nagtaka naman ako kasi nandito silang lahat sa labas, tapos si Cass nasa loob.
Pero sana hindi ko na lang inalam kung bakit.
Pakiramdam ko unti-unting nabasag ang puso ko nang makita ko sila—Unique at Cass—magkayakap. Si Cass, umiiyak, si Unique hinahaplos ang buhok niya.
Gusto kong humingi ng tawad. Gusto kong bawiin siya kay Unique at sabihing naniniwala ako sa kaniya.
Gusto kong sabihin na ako ang may kasalanan, pero iba pa rin ang lumabas.
Agad akong lumayo sa kanila, tumakbo papunta sa basketball court at doon inilabas lahat. Hindi na ako pumasok sa susunod naming klase para lang pakalmahin ang sarili ko, dahil pakiramdam ko anytime sasabog na lang ako.
Ang sakit-sakit.
Halos hindi na ako makahinga. Sunod-sunod ang luha na tumutulo sa mga mata ko. Gusto kong sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.
Pakiramdam ko naubusan ako.
Ilang minuto rin akong nagpalipas ng sama ng loob sa loob ng gym, hanggang sa naisipan kong maglakad-lakad na lang sa school grounds dahil baka mabaliw lang ako sa loob ng basketball gym.
Napa-buntonghininga na lamang ako habang naglalakad. Napakuyom pa ng kamao.
Alam ko namang kasalanan ko rin ang nangyayari pero bakit iba ang ginagawa ko? Bakit lagi akong pinapangunahan ng galit ko kay Unique? Bakit kailangang pati si Cass idamay ko?
Napahinto na lamang ako at napapikit. Nanginginig ang buong sistema ko nang makita ko si Unique na nakaupo lang sa loob ng canteen, nakikipag-kuwentuhan sa prof nila sa Philosophy. Nakangiti.
Ang daya-daya.
Halos hindi gusto ko na lang sumuko sa pagbabanda noon. Gusto ko na lang tumigil. Pakiramdam ko wala na ring silbi dahil mawawala na rin si Unique.
Pero kahit tinuloy ko masakit pa rin. Nando'n pa rin 'yung pagka-miss. 'Yung galit. 'Yung mga ala-alang nakakapagod nang alalahanin kapag nakikita ko siya.
Napailing na lang ako at umakyat sa building. Saka ko lang na-realize na nasa Senior High School building na pala ako dinala ng mga paa ko.
Pinaglalaruan lang ako ng tadhana.
Gusto ko na sanang bumalik sa building namin pero hindi ako tumigil sa paglalakad. Umakyat pa ako hanggang sa floor nila Cass. Gusto ko nang ayusin ngayon ang lahat.
Eksakto namang pagka-akyat ko ay naabutan ko si Cass, parang wala sa sarili. Magsasalita pa lang sana ako pero unti-unti siyang tumumba, kaya agad akong tumakbo para saluhin siya.
Napangiti ako nang bahagya at kinarga siya nang maayos.
"B-Blaster?" Mas lalong lumawak ang ngiti ko, pero agad na napawi nang may tumulong luha sa mga mata niya. "S-sorry..."
Napa-buntonghininga ako at pinunasan ang pisngi niya bago bumaba ng hagdan, "Don't be, please. Mahal na mahal kita, Cass. I promise I won't hurt you again, and I will save you over and over again kahit maubos ako. Para sa'yo."
**
Maayos na kami--ginagawa ko na lahat para maayos kaming dalawa ni Cass.
Ayoko na ng gulo.
Pero gano'n na lang yata talaga kaming pareho... magulo.
Kasi no'ng maayos na'ko, si Cass naman 'yung gustong sumuko. Naiintindihan ko naman siya. Sobrang gago ko naman kasi talaga kasi biglang nag-relapse na lang ako at shinut off siya sa buhay ko nang walang pasabi--kasalanan ko 'yun at wala na'kong pwedeng irason sa kaniya. Kasi pwede ko rin namang sabihin kung bakit biglaan na lang na gano'n... pero hindi ko ginawa.
Kasalanan ko kung bakit ang gulo namin.
Pero sa sobrang gulo ko ang dami nang nadadamay na tao... nadamay si Crys. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari pero ang alam ko lang biglang umamin si Crys... kasi matagal na palang single si Crys... tapos ewan, puta ang gulo. Pero hindi ko rin kasi maintindihan kung bakit may Unique? Na bakit no'ng biglang wala na'ko... biglang may Unique? Ayaw ko namang isipin ni Cass na pinag-iisipan ko siya nang masama, pero bakit gano'n? Kada hapon pumupunta ako sa kanila... I can give Cass all the space she wants in this world, I just wanted her to hear me.
Gusto ko namang ipaliwanag sa kaniya lahat... pero biglang may Unique.
Tangina, kaibigan ko pa talaga.
Sobrang shit talaga ng mundo.
Kahit ayaw kong sumuko, kung nakikita ko naman siyang masaya sa iba, ano'ng magagawa ko? Gusto ko mang ipagpilitan ang sarili ko... siguro sira na lang talaga kaming pareho.
Ang gulo naming pareho...
Hindi ko alam kung tama pa ba 'to.
"Blaster..." Napalingon ako kay Crys at ngumiti. Gusto ko nang itigil 'to... pero hindi ko alam kung paano--kasi sa sobrang gago ko, ang sabi ko noon, para lang sa media 'yung kay Cass.
Ayaw kong saktan si Crys kasi kaibigan ko naman talaga siya pero... ang hirap-hirap na. Hindi rin naman kami committed pero sobrang mali pa rin.
Wala nang kami... alam naman ni Crys na ayaw ko na. Ramdam niya rin naman... tinapos ko naman na noon. Nagkamali lang ako na pinaramdam ko pa na baka pwede pa ulit.
Pero ayaw ko siyang saktan.
Nagulat na lang ako nang makita kong nagva-vibrate 'yung phone ko. Napatingin ako saglit kay Crys bago nagpaalam na may emergency lang.
Sobrang gago... pero isang tawag lang ni Cass, sa kaniya na naman ako. Umiikot na naman 'yung mundo ko sa kaniya.
Kaya hindi ko na sinayang 'yung mga oras na 'yun... gusto ko nang itama lahat. Kasi siya lang naman talaga 'yung gusto ko kahit ano'ng gawin ko, sa kaniya lang talaga ako bumabagsak.
Pero kahit ano'ng pilit kong ayusin...
Magulo pa rin.
"Crys tama na..."
Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin palapit sa kaniya dahilan para mahalikan ko siya sa pisngi.
"For the last time..."
Hindi ko alam kung ano'ng nagtulak sa'kin, pero napalingon ako sa gilid.
And she was there... walking away with Unique.
Fuck.
I wanted to run after her pero pinigilan din ako ng sarili ko. Seeing her with Unique just made me weak. Hanggang sa hindi ko na rin namalayan na umiiyak na pala ako.
My fault. Again. Paulit-ulit.
Hanggang kailan ko ba sisirain 'to?
Hinila ko papasok ng kotse si Crys at agad na drinive ang kotse pa paalis ng parking lot. Mahigpit ang hawak ko sa steering wheel. Kung mamamatay man ako ngayon, ayos lang. Para naman na kasi akong patay.
Sobrang nakakagago.
Sobrang gago ko.
"Crys, alam mo 'no? Na nando'n siya? Kaya pinilit mo akong halikan ka sa pisngi?" sambit ko at itinigil ang sasakyan sa gilid. Hinayaan ko lang pumatak ang luha mula sa mga mata ko habang nakatingin lang akong diretso sa kalsada. "Sumagot ka... please." Pero binalot pa rin kami ng katahimikan niya. Tanging mga hikbi ko lang ang naririnig sa loob ng sasakyan dahilan para masuntok ko ang manibela.
"Blaster, please... calm down."
"Kalma? Paano ako kakalma, Crys? Mahal na mahal 'yung tao tapos ganito na naman ang nangyari? Alam mo naman 'yun, Crys 'di ba? Mahal ko siya. Kahit kailan hindi kita minahal. Oo nagkamali ako, naging tayo noon dahil hindi ko na alam ang gagawin ko tuwing nakikita kong magkasama si Unique at Cass, sobrang mali no'n Crys. Sobrang mali rin na sinabi ko na babalikan ko si Cass dahil gusto lang ng media. Crys, alam mo, deep inside, mahal ko si Cass. Babalikan ko siya dahil mahal ko siya. Ano ba'ng hindi mo maintindihan do'n?"
"Lahat, Blaster!" sigaw niya. "Lahat, hindi ko maintindihan lahat. Hanggang kailan mo ba ako ituturing na panakip lang? Ha? Na kakailanganin mo lang ako tuwing nasasaktan ka? Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan, ha? Hirap na hirap na ako Blaster, sobrang hirap na hirap na ako. I keep on telling myself na sana hindi na lang ako nagkagusto sa'yo, na sana pinigilan ko na lang 'yung sarili ko, pero ang tanga ko 'di ba? Mahal kita, at sobrang sakit na Blaster. Sobrang unfair. Sobrang daya. Ano? Sa tuwing nasasaktan ka, sa akin ka? Kapag masaya ka sa kaniya ka? Gago ka ba?"
Napapikit ako, "Oo, I admit. Alam ko rin na padalos-dalos lahat ng ginagawa ko, Crys. Pero nagmamakaawa naman ako sa'yo. Ibinigay mo na lang sa'kin 'to, hindi na kita guguluhin, hindi na. Basta palayain mo na lang ako... please lang. Ayaw kitang saktan dahil importante ka rin sa akin--" Sinampal niya ako.
I deserved that.
"Saktan mo na lang ako..."
"Kulang pa iyan sa lahat ng sakit Blaster," sambit niya. "Pero, bakit kahit masakit... hindi ko kaya? Hindi ko kayang makitang nasasaktan ka?" Unti-unti siyang natawa. "Ang daya talaga, 'no? Kung sino pa 'yung laging nando'n, sila 'yung hindi pinipili."
Tinignan ko lang si Crystal. Gustong-gusto ko siyang yakapin. Alam kong sobrang damot ko, at sobrang mali ng ginawa ko sa kan'ya pero wala lang talaga akong maisip na matino ng mga panahon na iyon. Pakiramdam ko naubusan ako ng tamang gagawin, nawala ako sa direksyon.
I was just... a mess.
Everything just messed up. Gulong-gulo ako sa buhay ko sa mga panahong 'yun.
I was wrecked. It felt painful more than ever. Pakiramdam ko paulit-ulit akong pinapatay tuwing nakikita ko silang magkasama.
Humigpit ang hawak ko sa manibela. Mukha kaming tanga ni Crys sa loob ng kotse, pareho kaming umiiyak. Parehong nasasaktan, pero walang magawa.
"You know what... it would probably be better kung palalayain na lang natin ang isa't-isa. Mas mahirap kung pipilitin ko lang ang sarili ko sa'yo. I don't want that." Tumingin sa akin si Crys at pinilit na ngumiti. "God why am I even crying." She chuckled and wiped away her tears.
Ayaw kong nakikitang nasasaktan si Crys, pero kung tungkol na kay Cass—kaya ko nang ipagpalit lahat makita ko lang ulit na masaya siya. Kasama ko.
I can even lose myself for her, God. Not... just lose her.
Pakiramdam ko mababaliw na lang ako.
"Go. Get her. Forget about me, forget about us, forget I existed. Goodbye," she uttered before leaving the car. I didn't go. Hinintay ko munang makakuha siya ng taxi bago ako umalis.
The least I can do for her is to keep her safe.
She's still my best friend, after all.
Agad kong pinaharurot ang kotse ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. I felt like I was just slowly losing myself, and losing her at the same time. It made me felt that I was slowly becoming insane.
I ended up going to a café. Palipas oras lang. Para makapag-isip-isip nang kaunti.
Pagka-order ko ng inumin, naghanap agad ako ng mauupuan. I kept on calling Cassandra, but she keeps on ignoring my calls. Gustong-gusto ko siyang puntahan pero hindi ko alam kung saan.
Sigurado akong magkasama sila ni Unique.
And it pained me more.
Bakit gano'n? Sobrang daya. Gusto ko lang namang maging masaya kami ni Cass, pero bakit pakiramdam ko hinahadlangan kami? Everytime I try to make the both of us, I just keep on making the same mistake. Paulit-ulit. To the point na minsan, gustong-gusto ko na lang siyang pakawalan.
Basta maging masaya lang siya. Kahit hindi na sa piling ko.
Kahit masakit.
Napapikit ako at napayuko, hinayaang tumulo ang luha mula sa mga mata ko.
Mahal na mahal ko siya pero bakit parang hindi kami pwede?
Ang dami ko nang ginawa para sa kaniya, pero bakit at the end of the day parang hindi pa rin ako?
Siguro nga. Sa sobrang bilis ng pangyayari, sobrang bilis ding mawawala.
Natawa ako at pinunasan na lang ang luha mula sa mga mata ko. Inubos ko na 'yung binili ko at lumabas na ng café. Agad akong sumakay sa kotse at pinaandar. Nanlalabo na ang mga mata ko.
Ang saya sigurong mamatay ngayon.
Binilisan ko ang kotse ko, wala nang pakialam kung beating the red light. Gusto ko na lang mawala ngayong oras na'to. Bawat segundo kasi, pakiramdam ko pinapatay lang ako. Buhay ako, pero parang wala na akong rason para mabuhay.
Nakakapagod din pala.
You make others happy but you can't even smile genuinely.
Itinigil ko ang kotse. Napahigpit ang hawak sa manibela at napayuko. Hinayaan ko na lang ang sarili ko na umiyak nang umiyak.
Hindi pwedeng susuko na lang ako. Hindi pa ako pwedeng mamatay dahil nandiyan pa naman siya.
Napangiti ako nang bahagya.
Hindi kita isusuko. Lalaban ako.
I can't lose you, Cass. Not now. Not ever.
**
"Fucking hell, Blaster. Ayusin mo nga sarili mo." Natawa ako nang maramdaman kong sipain ako ni Zild sa couch. "May gig mamaya."
"Alam ko."
"Isasama ko si Cass." Mabilis akong napabangon nang marinig ko 'yung pangalan niya. I can't give up another chance to fix us. I really, really want to fix us and start all over again kasi hindi ko na talaga kakayanin kung mawawala pa siya.
But I won't force it on her... I just... I just really wanted to fix everything. Hindi ko lang talagang kayang sumuko sa ngayon.
Hindi ko alam sumuko.
Hindi ko siya isusuko.
That even though I didn't like seeing Unique around, I followed her to his concert. I just wanted to know how she was doing--kung ayos lang siya. Sinabi ko naman sa kaniya kanina na hindi ko kayang mawala siya, pero naiintindihan ko naman talaga kung ayaw niya na.
But I don't have the guts to call it an endgame.
There's no endgame if it's not her.
But then--almost like deja vu--for the second time around I saved her.
"Baliw ka na ba?!" Hindi ko na napigilang mapasigaw nang makarating kami sa gilid. Buti na lang huminto rin 'yung driver kaya humingi na lang din ako ng pasensya. I was crying so bad that I couldn't see her clearly, but her eyes gave away all the sadness I've been making her feel.
I know... I don't deserve her.
I'm willing to let go if it's for the best... but I can't just stop right there.
"Blaster..." bulong niya. "Bitiw na. Bitiwan mo na ako. Tama na, tapusin na natin 'to, pareho lang nating pinapalala 'yung sitwasyon."
"Cass, hindi ko kaya." Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap mula sa likod niya hanggang sa naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang mga kamay ko at tinanggal iyon, bago siya humarap sa'kin at pinagdikit ang mga noo namin.
Pareho lang kaming umiiyak.
Hanggang sa magsalita siya.
"Bitiw na."
Hindi ko kaya.
Kaya kahit sobrang tanga na, sinundan ko pa rin siya pauwi.
"Tama na, Blaster. Bitiw na."
Natawa na lang ako.
"Ang sakit pala isipin no'n. Meron akong mahal na hindi sa akin... hindi na sa akin."
Napayuko na lang ako.
"I'm sorry, Blaster."
Siguro hanggang do'n na lang talaga... lalo na no'ng hinatid namin siya sa airport papuntang London at malaman kong kasama rin si Unique.
Tama na, Ter.
Masyado mo nang sinaktan si Cass.
Magpalaya ka na.
**
Sila na.
Limang buwan lang, pero sila na.
For the love of God, I wasn't even angry. No'ng malaman ko 'yun, siguro nagalit ako saglit... kasi bakit si Unique pa?
Pero kung masaya siya kay Unique, bakit hindi?
I'm such a kid... I don't know how to grow up that we ended up growing apart.
It was my fault--alam naman nilang lahat 'yun. Hindi ko naman tinatanggi.
But even then... I couldn't just give up on someone whom I've always loved... na kahit sobrang bullshit no'ng ginawa ko, kahit sabi ko magpapakalayo-layo na talaga ako, I still ended up messaging her.
It was probably the most stupid thing to do.
But even then if she's happy...
Then I'll be happy, too.
Unique Salonga: Mahal ka pa rin niya.
Na Brain Wash: Sinasabi mo?
Unique Salonga: Ter, hindi ako bobo. Alam ko. Ramdam ko. Ako 'yung tanginang tanga rito, hahaha.
Unique Salonga: Pero mahal ko si Cass, e.
Unique Salonga: Ayaw kong ako 'yung maunang bumitiw kasi sobrang shit naman no'n.
Unique Salonga: Hinihintay ko lang siya na sabihin sa'kin.
Unique Salonga: And then I'll just have to suck it up.
Unique Salonga: Ako naman 'yung may gusto nito e.
Unique Salonga: Kasi hindi naman ako pinili ni Cass kasi mahal niya ako, alam ko 'yun.
Pinili niya ako kasi pinilit ko.
Kaya kung gusto mong lumaban, okay lang.
Alagaan mo lang.
**
Fucking hell.
"I cheated on her? When?" Hindi ko alam kung saan kumukuha ng kwento si Crystal. It was wrong when we got together partially... we didn't even last a couple of months. She's been spreading news every now and then, hindi ko rin maintindihan kung bakit. Alam ko namang nagkamali ako sa kaniya noon... I'll always be sorry for my entire life with what I did to her but that was five years ago.
I never even talked to her again. I was patiently waiting for Cassandra to come back, and even within those years--I had no one.
It's as if she knows Cass is coming back that suddenly she wanted to reiterate a new story just for her apology to be validated.
"Just let her be. She'll soon realize shit," Zild uttered, humoring me. Napa-buntonghininga na lang ako at uminom sa kape ko.
"What if she tells it to Cass?"
Zild shrugged, "I can back up, bro."
Napangiti naman ako.
Hindi ko alam kung ano'ng ginawa ni Unique para mapapayag si Cass na gawin 'yung project nang hindi nalalaman na siya 'yung magiging Director. It was probably fucked up for me to ask Unique to do this project, pero sabi naman niya cool lang siya--it's been five years, and he has already moved on with his life.
Lahat sila naka-move on na.
Ako pa lang talaga 'yung hindi.
I spent five years waiting for her. And if that five years turn to nothing, then I'll gladly accept my defeat.
But, I can't just give up without putting a fight.
"Sigurado ka na talaga rito?" natatawang sabi ni Unique nang mapanood ko 'yung clips. Napangiti naman ako at tumango.
"Sigurado," sambit ko. Hindi ko alam kung paano bibigyan ng ideya si Cass na umuwi ng Pinas--it was the only way I could think of--to give her an indie project. Alam ko naman kung gaano niya kamahal ang paggawa ng film.
We just had to make excuses for her to not completely understand the story I wanted to depict.
It was ours. It wasn't really some fairytale shit, it was just... our story.
"Nag-usap na kayo ni Crys?"
Umiling ako.
"Ayusin mo muna 'yung kay Crystal," sambit niya at ngumiti.
I knew Unique was right, I didn't have any time to waste kaya tinawagan ko rin si Crystal.
It was... probably the first time in 5 years that I saw her again.
"You've heard?"
I sighed, "Yes," I said. "I'm not blaming you for anything... Alam ko nagkamali talaga ako noon."
Crys smiled, "Buti alam mo," sambit niya, "I told Cass about what they've been telling you, but I think it... wouldn't work."
"You wanted to save her from me, huh?"
She chuckled, "As much as I want, maybe I can't just stop her from coming back to you," she said. "Tell me when's the wedding or whatever, I'll explain to her what I said about the cheating and shit." She stood up.
I nodded.
"Crys."
"Hm?"
I smiled, "Thank you," I uttered. "For loving me, too."
She shrugged, "You weren't hard to love Blaster, at first. You made yourself hard to love," she said. "Promise me you won't screw this up again?"
I nodded.
"I promise."
I won't.
Never again.
Because... how often is it for you to meet your soulmate, by chance?
Probably a lot Math would say it's one over a trillion.
But I met her--and I'll never... never let her go now.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top