Chapter Three

Nginitian lang ako ni Blaster at bumalik sa pagkakatingin sa cellphone niya, siguro may pinapanood o may kausap. In either way, pakiramdam ko nalungkot ako pero binalewala ko na lang iyon. Si Zild naman, sobrang accommodating. Pati sila ate Faith at Francine. Pakiramdam ko tuloy, welcome na welcome ako sa pamilya nila.

Nagkuwentuhan lang kami nila Zild at ate Faith, habang si Francine naman ginugulo si Blaster kaya natatawa kami kapag tinitignan namin sila. Ilang saglit pa ay dumating na rin sila Unique at kuya Badjao. 

"Unique! Jao!" pagtawag ni Zild sa kanilang dalawa. Agad naman silang lumapit sa'min. "Si Cass pala, anak ni tita," sambit nito. Nakipag-shake hands naman sa'kin sila kuya Jao at Unique. Unti-unti, I felt at ease. Hindi na grabe 'yung kaba na nararamdaman ko dahil pakiramdam ko nakahanap ako ng bagong mga kaibigan. It felt so good being close to the band. 

It felt like home. 

Ilang minuto pa ang lumipas bago kami tinawag nila mama dahil nakahanda na raw lahat ng pagkain. Ni-lead naman ni Tito Franklin ang prayer bago kami kumain, pagkatapos ng prayer ay nagsiupo na kami. Si mama at si Blaster ang katabi ko. Medyo naiilang ako dahil may kung ano akong nararamdaman when Blaster's around, there's something I can't really explain, and I doubt that Blaster could not feel the uneasiness that I was feeling.

Nagkuwentuhan lang 'yung mga matatanda habang tahimik kaming kumain ng dinner. Pagkatapos kumain ay dumiretso ulit kami nila Zild kasama 'yung tatlo sa living room. Sila Francine at ate Faith nagpunta sa kuwarto nila, 'yung mga kapatid naman ni Blaster hindi nakasama sa dinner dahil may pinuntahan.

Habang nag-uusap kami nila Zild ay bigla kong naisip na mag-videocall sa mga kaibigan ko. "Uy, okay lang mag-videochat ako sa friends ko?" Natawa naman si Zild.

"Why not? Fans sila ng IV OF SPADES?" 

I smiled, "Super! Ako lang 'yung baguhan sa kanilang lahat," I said honestly. Agad ko namang binuksan 'yung Messenger ko at nag-videocall. Buti online silang lahat, at buti na lang din malakas ang signal ng WiFi nila Zild.

"Guys!" I exclaimed. Lumayo muna ako nang kaunti kila Zild para hindi sila makita. Natawa naman sila. "May papakita ako." Lumapit na ako kila Zild at isa-isang tinapat sa mukha nila 'yung phone ko dahilan para matawa silang apat. Halos masira 'yung audio ng phone ko dahil sa lakas ng tilian nilang lahat. Pinahawak ko naman kila Zild 'yung phone ko para makausap nila 'yung mga kaibigan ko at umupo naman ako sa tabi ni Blaster. 

"Ang tahimik mo, a," natatawang sambit ko. Hindi naman sa nagfe-feeling close, but I needed to get rid of the tension or awkward atmosphere between the both of us. Natawa naman siya sa sinabi ko. 

"Hindi naman," sagot nito at pinatay ang phone niya. "Wala lang siguro sa mood."

Napatango naman ako. Pinanood ko na lang sila Zild habang nakikipag-usap sa mga kaibigan ko at napangiti. I don't know what I did sa past life ko, pero I thank my past life for giving me this kind of blessing. Nagulat naman ako nang biglang lumapit kaunti sa'min si Zild at itinutok sa'ming dalawa ni Blaster 'yung camera ng phone ko. Bigla tuloy akong nailang. Kitang-kita pa rin kasi kami sa camera kanina, baka sabihin naman ng mga kaibigan ko hinaharot ko na si Blaster.

Siyempre... slight lang.

Natawa na lang ako nang palihim sa naisip ko dahil hindi naman si Blaster ang unang na-crush-an ko sa IV OF SPADES. I just find it weird kung ipu-push through ko ang pagka-crush kay Zild dahil kamag-anak siya ni mama. Pero, what's wrong with that naman? Paghanga lang naman, not some kind of incest thing. Kahit naman siguro hindi kami magkadugo ni Zild ay parte pa rin ako ng pamilya ni mama, which means I can have the family connection that they have. 

Ewan, ang gulo lang pag gano'n.

The call ended after an hour. Sobrang ingay nila sa groupchat namin kaya natatawa na lang kaming lima. I let the four of them talk with my friends. Natawa pa'ko no'ng mag-send sila ng video nilang apat na nagwa-wacky face. 

Baka bukas makalawa, ang dami nang nagpapa-add sa groupchat namin. Okay lang naman din kasi kila Zild na i-post 'yung videos.

Just some random fandom fact. 

"Your friends are kind," Zild uttered, napangiti naman ako. 

"They are," I said. "May gig kayo this coming Saturday right? Pupunta kaming lahat, and to also kinda fix things with one of my friends, well... something came up kaya may ganito." Tinuro ko naman 'yung gasa sa ulo ko at ngumiti.

Napakunot naman ng noo si kuya Jao, "Ano nangyari diyan?"

I chuckled, "Let's just say I'm such an idiot for almost killing myself dahil nahuli ko 'yung best friend ko at 'yung ex ko."

"Bobo naman nila," Unique commented. "No offense, sabi nga nila, pero Cass kabaliwan 'yung nakita mo. Tapos papatawarin mo lang?"

Natawa ako, "Kasalanan ko rin naman," I said. "Sinagot ko agad 'yung ex ko, knowing na may possibility na dina-divert niya lang sa'kin 'yung feelings niya for my best friend. So, my best friend's kind of... a victim here."

Natawa naman si Unique, "Loko. Mali pa rin maging unfaithful. Kung niligawan ka no'ng ex mo dapat pinapanindigan niya, hindi 'yung nanggagago lang dahil nasasaktan ego." 

I sighed, "Hindi ko rin naman siya masisisi," sambit ko habang nakatingin sa mga daliri ko. "Tsaka, ayaw ko rin naman masira 'yung friendship namin dahil lang sa nangyari."

Nabigla naman ako nang biglang tapikin ni Zild ang balikat ko, "Ang bait mo masyado, baka iyan ang maging weakness mo," sambit ni Zild. "Hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan mong salbahin ang friendship ninyo, pero it's always up to you to decide. Mas mahihirapan ka na nga lang magtiwala sa bestfriend mo."

Tumango ako, "Alam ko naman," I said. "Hindi ko man maibalik 'yung closeness namin noon, at least, maramdaman man lang niya na okay kami, na no hard feelings. Napangiti naman sila sa sinabi ko. Saglit pa kaming nagkuwentuhan bago ako tinawag ni mama kasama si Ashton. 

"Tawagan mo 'ko pag nando'n na kayo sa venue. Agahan ninyo ha," Zild said. Tumango naman ako at ngumiti. Nagpaalam na'ko sa kanilang lahat, pero bago ako makalabas ng bahay nila Zild ay nagulat ako nang biglang may tumawag sa'kin.

Pagkalingon ko ay hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko. 

Blaster was there, smiling.

"Cass," he called out. Tumango naman ako dahil wala akong masabi. Hindi ko rin matanong kung bakit dahil baka magkamali lang din ako ng sasabihin. Lumapit naman siya sa'kin at hinawakan ang ulo ko, siniguradong hindi natamaan 'yung parte na may gasa.

"I'm glad you're safe." 




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top