Chapter Thirty Three

I wasn't really sure if everyone was clapping their hands when Blaster stood up and hugged me tight. Parang tibok lang ng puso ko ang naririnig ko the whole time. It just felt surreal. If this was even a dream, I would never want to wake up again.

After their gig, pinapasok kami kaagad ng guards nila sa isang room. Meron pa raw kasi silang meet and greet kaya hindi pa kami pwedeng umalis, kasi itong si Blaster kating-kati na yata ipaalam kay mama. Natatawa na lang ako.

Umupo lang ako sa may gilid habang nagpapapasok sila ng mga nag-avail ng VVIP. Nagulat ako no'ng may ibang lumapit sa akin at nagpa-picture, napatingin pa ako kay Blaster tapos tinawanan lang ako. Pumayag na lang akong makipag-picture. Pakiramdam ko tuloy pati ako nakipag-meet and greet sa mga fans nila. Tapos, kapag may mga fans na walang kasama para mag-picture sa kanila, ako agad 'yung nagvo-volunteer. Natatawa nga ako kapag nagpapaalam pa sila sa akin kung pwede siyang i-hug, kahit naman hindi okay lang sa akin.

No'ng natapos na lahat ng nakipag-meet and greet, lumapit kaagad sa akin si Blaster kaya tumayo ako. Natawa na lang ako no'ng niyakap niya ako kaagad. Siguro, mukha na kaming ewan.

"Daming yumakap sa'yo, a," biro ko at pinisil ang pisngi niya. Nag-make face lang siya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko saka pinisil.

"Cute mo," sabi niya at bumuntonghininga. "Ba't ang swerte ko?"

Natawa ako, "Baka mas swerte ako." Nagulat naman ako nang biglang may umubo, kaya agad akong lumayo kay Blaster. Natawa naman silang lahat na nasa loob ng room.

"Bawal po PDA rito," sabi ni Zild at lumapit sa'min.

"Inggit ka lang," natatawang sambit ni Blaster at mahinang sinuntok ang braso ni Zild. Napangiti naman ako habang pinagmamasdan silang magbiruan.

I just can't help but to wonder kung ano 'yung sinasabi ni Zild. I mean, sure I will really trust Blaster, but, what was he talking about me not knowing what will happen next?

Nakakakaba na ewan.

No'ng pinayagan na kaming lumabas, lumapit kaagad sa akin si Zild habang nag-uusap pa sila Badjao at Blaster, "Okay ka na?"

Ngumiti ako, "Oo naman," sambit ko. "Ano pala, ano 'yung sinasabing mong I should just trust Blaster?"

Ngumiti si Zild at ginulo ang buhok ko dahilan para suntukin ko 'yung braso niya, "Tagal-tagal kong inayos 'tong buhok ko, guguluhin mo lang."

Natawa siya, "Medyo may ginawa lang kalokohan si Blaster. Mabigat? Siguro. Pero, alam mo namang mahal na mahal ka no'n. He won't leave you anymore, kahit ano'ng mangyari. So, trust him, okay?"

Mas lalong grumabe ang kaba ko. "Is it about Crys?" mahina kong sambit. Hindi na nagsalita si Zild at ngumiti na lang ulit dahil lumapit na sa amin sila Blaster at Badjao. Mabilis na inakbayan ako ni Blaster.

"Oy, akin 'to." Pinalo ko naman si Blaster.

"May Shanne na 'yan, loko," natatawang sambit ko. Nagtawanan naman kaming lahat habang naglalakad papunta sa parking lot. Napatingin lang ako kay Blaster.

Still, I can't help but to feel nervous. 'Di hamak naman na maganda si Crys, mas maganda pa nga sa akin. Nurse na rin, samantalang ako, hindi ko pa alam kung ga-graduate pa ba ako dahil puro ako cutting the past few weeks, pati nga ngayon.

Pakiramdam ko wala na akong future. Hindi na nga rin ako makahanap ng rason kung bakit ako nagustuhan ni Blaster. Hindi ko rin naman pwedeng idahilan na mayaman naman ang family ko, kasi kahit naman gano'n, kung wala rin akong alam sa buhay at wala akong kayang mapatunayan for myself, ang useless lang din.

Pagkapasok namin sa kotse tahimik lang kaming dalawa ni Blaster. Suddenly, it felt gloomy. Nakahawak lang ang kamay niya sa steering wheel pero hindi pa niya inii-start ang engine. Napatingin ako sa kaniya, unti-unting humigpit ang hawak niya do'n.

Hanggang sa nagulat na lang ako nang hilahin niya ako papalapit sa kaniya—hanggang sa naglapat ang mga labi namin.

It was just a split-second pero pakiramdam ko sobrang tagal. Nang magkahiwalay ang mga labi namin nanlalaki pa rin ang mga mata ko. Naibalik lang ako sa wisyo ko no'ng pinitik niya ang noo ko.

"I love you," he said and smiled. "Always. Always you."

Then it came to me. Instead of feeling happy, I felt scared for the both of us. Even more.

Bakit kung kailan nagsisimula kami at saka biglang may ganito? Are we really not to suppose to have a happy ending that we've always been wanting?

I sighed and cupped both of his cheeks, "Tell me. What's happening?"

He smiled, "Nothing, okay? Just trust me. Everything's going to be fine."

I nodded.

But I'm pretty sure, the both of us knows it wasn't because I understand. I just wanted this conversation to be done.

It just hurts.

Sobrang daya talaga. Sobrang unfair. Kung kailan masaya na at saka biglang bumabagsak. Kung kailan okay na, at saka naman biglang lulungkot.

Sobrang unfair talaga.

The whole ride, binalot lang kami ng katahimikan. Mas lalo lang sumakit. Pagkarating namin, I was waiting for him to go down too, pero hindi siya bumaba.

"Blaster, ano ba talagang nangyayari? Was everything just a show kasi maraming nakakita sa atin? Ipaliwanag mo naman kasi naguguluhan na naman ako. Ganito na lang ba tayo lagi, ha?"

Blaster sighed, "Cass, honestly yes, everything was just for a show."

My heart broke and tears started to fall from my eyes. Sinubukan kong pigilan pero tulo pa rin nang tulo, "Parang gago lang," natatawa kong sambit. "Sinabi mo na lang sana kasi kaya ko naman mag-acting, Blaster. Hindi 'yung ganito." Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero inilayo ko kaagad. Tumingin ako sa kaniya, akmang magsasalita pero, for the second time—hinalikan niya ulit ako. It wasn't like the first time, it didn't last for a split-second. It was passionate, like he was making me feel his love for me.

And then his tears started to fall the moment he broke the kiss.

"Please... trust me. Sobrang mali ng nangyari. I swear I meant to court you, pero hindi ngayon. Hangga't hindi ko pa naaayos 'yung problemang ginawa ko. Cass, I love you, so much that it hurts seeing you cry like this. Gago, oo, pero pangako aayusin ko 'to. Just don't leave me please. Just stay. Just please be with me."

Ngumiti ako, "Kaya ko namang umacting, Blaster. Don't worry. Okay lang. If you want me to act like everything's just okay, then ayos lang. Ayaw ko namang sirain 'yung image mo at saka for sure, marami na ring news tungkol dito," sambit ko. "Huwag kang mag-alala."

"Cass, please..." He held my hand. "Please trust me. Mahal na mahal kita. Ngayon lang, please. This isn't an act, I just want to give you insurance na ikaw at ikaw lang ang pipiliin ko."

"I just wanted to assure you that it will always be you. So please, trust me. Trust me, and I promise you won't regret it. Please. Alam kong ang dami ko nang ginagawa para masaktan kita, pero hayaan mo lang akong iparamdam sa'yo na mahal na mahal kita. Na ikaw lang talaga."

I chewed on my lip, hindi ko alam kung ano'ng gagawin o sasabihin ko.

Kaya kahit hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako—tumango ako.

"I said I'd take the risks... so promise me it will be worth it."

Blaster smiled, "I promise you. Just be with me."

I smiled, tears still falling from my eyes and nodded. He pulled me and crushed me into a hug.

Kahit masakit. Hahayaan ko na lang. Just as long as I'm with him.

Just as long as I'm with him.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top