Chapter Thirty

Thank you sa mga nagbabasa! I really love your reactions, hahaha! 💓

Gustong-gusto kong habulin ulit si Jules, sabihin sa kaniya ang totoo, pero pakiramdam ko naistatwa lang ako sa kinauupuan ko pagkaalis niya.

Hindi ko pa nga inaayos 'yung gulo namin ni Blaster, gumagawa na naman ako ng bago.

Napapikit na lang ako at ginulo ang buhok ko. God, I knew it—sa sobrang bilis ng pangyayari, sobrang bilis din ng karma.

Parehas lang kami ni Jules ng gusto, maging masaya si Unique. God knows how much I want him to be happy, but not with me—I know not with me.

As much as I want him to be happy, I will never be able to digest the idea of making his life even more miserable.

It's been a month. I know he's been trying hard to make me happy, to make me forget. Pero hindi pa rin sapat. Hangga't gusto kong kausapin si Blaster. Hangga't mahal ko siya, wala lang din patutunguhan.

Hindi siya magiging masaya.

Kahit ano'ng sabihin niya.

Napa-buntonghininga ako at lumabas na ng café. Nagulat ako nang biglang sumulpot na lang sila Zild at Blaster sa kung saan. Gusto ko sanang magtago, pero nilagpasan lang nila ako.

Unti-unti, naramdaman ko na namang parang bumibigat ang dibdib ko. Sobrang sakit pa rin.

Maglalakad na sana ako palabas pero naramdaman kong may humigit sa akin. Nanlalaki ang mata ko nang marinig ko ang boses niya.

"Sandali." Unti-unti kong naramdaman ang pagbalot ng braso niya sa katawan ko. Parang slow-mo. Parang tumigil ang lahat. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko.

"B-Blaster..."

"Saglit lang." His voice cracked, and it felt like any minute, iiyak na lang siya.

And I was right.

Unti-unti kong naramdaman ang pagbasa ng damit ko sa bandang braso, habang isinisiksik niya ang ulo niya roon.

I chewed on my lip and closed my eyes.

"Cass."

Agad kong iminulat ang mata ko nang marinig ko ang boses ni Zild. Holy shit, did I just daydreamed?

Sa harap ni Zild!?

And he was not even with Blaster, for Pete's sake! Nababaliw na ba ako?

Napangiti naman siya nang bahagya, "I was just wondering kung gusto mong pumunta ng gig namin mamaya? Gusto ko raw kasi makita ni mama."

Napahawak ako sa batok ko, "U-uhm... Marami kasi akong gagawin. Next time na lang siguro?"

Zild sighed, "Look, if this is about Blaster, then I think, wala ring patutunguhan ang pag-iwas ninyo sa isa't-isa," he said. "I know you're leaving, tita told my mom that your dad wants you to go with him as soon as he leaves this country again. I hope you'll be able to fix this before you leave him, or you'll just leave him broken." Napayuko ako. I wanted to stop the tears but they just keep on falling. Naramdaman ko namang hinigit ako ni Zild at niyakap nang mahigpit.

"Everything's gonna be okay, Cass," he whispered. "And I'm here to assure you that he's still waiting. He's still fighting. He still wants you back."

**

I really didn't know what to do. Gulong-gulo ako to the point na, nag-cutting classes na naman ako at pumunta na lang sa Luneta Park para lang humiga sa damuhan at tumitig lang sa langit. Tawag nang tawag sila Andrea sa akin, pero pinatayan ko na lang sila ng phone.

Sobrang gulo ng lahat.

Tapos sobrang samang estudyante ko na rin dahil puro na lang ako cutting. Pakiramdam ko nga ida-drop na ako ng teachers ko sa subjects nila.

Napa-buntonghininga ako at napaupo sa damuhan. Hindi ko maiwasang mapangiti nang bahagya habang pinagmamasdan 'yung mga bata. Sobrang saya nila, walang problema. Walang inaalala sa buhay. Puro lang laro.

Sana bata na lang ulit ako.

I sighed. Bigla ko tuloy naalala ulit lahat ng sinabi ni Zild kanina sa café. Sinabi na pala ni mama kay tita Jen 'yung plano ni papa, pero sa akin hindi pa rin. O baka dahil gusto rin ni mama na kay Zild manggaling. Hindi ko alam kung totoo, pero pakiramdam ko, gusto na rin ni mama na maayos ang lahat ng sa'min ni Blaster.

Para makapagsimula ulit.

Pero ayoko. Ayaw kong umalis. Hindi ko kayang takasan na lang ang lahat.

Pakiramdam ko mas lalo lang akong mamamatay nang paulit-ulit kakaisip kung paano kung hindi ako umalis? Paano kung hinarap ko na lang ang lahat?

Unti-unti kong naramdaman ang pagpatak ng ulan sa balikat ko. Great, namamatay na nga ako sa sakit ng pakiramdam ko, tapos lalagnatin na naman ako.

Pero, hindi ako umalis. Niyakap ko lang ang tuhod ko, hinayaan ko lang mabasa ang sarili ko kasabay rin ng pagpatak ng luha mula sa mga mata ko.

Isang buwan na pero bakit gano'n pa rin?

Bakit ang sakit-sakit pa rin?

Napatayo ako mula sa pagkakaupo at naglakad na paalis. Maraming nakatingin sa akin, pakiramdam ko 'yung iba nakikilala ako dahil nagbubulong-bulungan, naja-judge na naman ako kahit wala naman akong ginagawang masama.

Leche, wala ba silang alam gawin sa buhay kundi ang i-judge ako? Na malandi ako? Na inaagaw ko si Unique kay Jules? Na ginagamit ko lang si Blaster para sumikat?

For heaven's sake, hanggang kailan nila ako sisirain?

Sirang-sira na nga ako.

Gulong-gulo na.

Pakiramdam ko sinasalo ko na lahat ng kamalasang worthy ako dahil sinubukan kong magpakamatay noon.

Dapat kasi hindi na lang niya ako sinagip.

Dapat kasi hinayaan na lang niya akong mamatay.

Napaupo na lang ako sa may sidewalk, hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta. Sobrang kawawa ko na, pero wala talaga akong maisip na matino—sobrang naba-blangko ako. Pakiramdam ko nade-drain na talaga ang utak ko.

"Kanina pa kita sinusundan, hindi na ako nakatiis." Rinig kong sambit ng nasa gilid ko, hanggang sa na-realize ko na pinapayungan na rin pala niya ako.

Hindi ko na napigilang mapaiyak.

"D-Dane." He smiled and crouched in front of me.

"Sorry," he said. "Sorry if I caused you a lot of pain. Akala ko magiging maayos ka na kay Blaster, but God, I was wrong."

"Don't be sorry for being happy," I said, tears still falling from my eyes. "It's all my fault anyway."

Dane sighed, "Tara. Magkakasakit ka na naman, sige ka." Natawa naman ako.

Sumama na lang ako kay Dane sa bahay nila. Kilala naman ako ng ate niya dahil minsan na rin niya akong dinala rito. Pagkabihis na pagkabihis ko, niyakap kaagad ako ni ate Dannika.

"Grabe," sambit niya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Kalansay ka na, Cass." Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Sobrang stressed lang ate," sambit ko naman.

"Naku talaga. Don't worry, ilang beses kong minura si Dane no'ng muntik ka nang mabangga," natatawang sabi ni ate. Napatingin naman ako kay Dane at napangiti.

"Ate, usap lang kami saglit." Napatingin naman si ate Dannika kay Dane.

"Ingatan mo iyan, gago ka. Bubugbugin na talaga kita pag pinaiyak mo iyan." Natawa naman kaming dalawa at sinundan ko na si Dane papunta sa kusina. Umupo ako sa may dining table habang siya, nagsasalin ng kape sa mug. Pagkasalin niya, agad niyang pinatong sa harapan ko 'yung isa.

"Musta na kayo ni Meg?" Napangiti naman si Dane, halatang kinilig.

"Okay naman. Kaya naman LDR. Bumalik na siya ulit, e," sambit niya at uminom mula sa kape niya. "Ikaw? Sobrang payat mo na talaga. Ginugutom ka ba ni tita?" biro niya.

"Loko," sambit ko. "Stress lang. Gulong-gulo na kasi ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Aalis pa ako... hindi ko kaya Dane. Hindi ko kayang umalis. Ayaw kong takbuhan na lang ang lahat." Napapikit ako. Leche, ayan na naman. Umiiyak na naman ako. Kailan ba ako mapapagod?

"Call him."

Napatingin naman ako kay Dane. Ilang segundo rin iyon bago siya ngumiti, "Call him. I know he's waiting for you. Call him. Whoever you want. Choose today, Cass. You can't ignore them. So, call him. Kung sino man ang naiisip mo."

He smiled, "You'll regret even more if you won't."

So I did. I called him.

"Take me away, please."

And then I smiled, "Blaster, I still love you."

Screw them. It's him who I want.

Always will.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top