Chapter Four
Kinabukasan, pakiramdam ko ay sagad hanggang lupa 'yung eyebags ko, dahil tatlong oras lang ang naging tulog ko. Una, dahil sa sinabi ni Blaster. Umuwi akong lutang dahil paulit-ulit lang nagre-replay sa utak ko 'yung 'I'm glad you're safe' na linyahan niya. Pakiramdam ko tuloy nayanig ang buong sistema ko.
Pangalawa, dahil in-add nila akong apat sa Facebook at tinag din ako ni Tita Jen sa isang group photo na kasama ako. Halos sumabog ang inbox ko dahil ang daming nagtatanong kung ano'ng ganap, kung may nangyari bang meet and greet with the IV OF SPADES family at piling fans lang ang nakasama at kung anu-ano pang similar theories.
Bigla ko tuloy na-realize, sa sobrang independent ko sa buhay, ang dami na palang ganap pero ni isa wala akong pinuntahan. Dalawang taon simula nang mamatay si mommy tsaka nagpakasal si papa kay mama. May contact ako sa kanilang dalawa at si mama pa nga ang tumatawag sa'kin tuwing may family event, maging sa mismong kasal nila pero hindi ako pumunta. Hindi naman sa masama ang loob ko sa kanilang dalawa, pakiramdam ko lang kasi, wala lang din patutunguhan kung pupunta ako lalo na't hindi naman ako close kay papa.
Kay mama nga lang ako nagkaroon ng ganitong connection. Kaya nga nagulat ako na kapatid pala ni mama si Tita Jen. Alam kong Garon ang apelyido ni mama, pero hindi ko naman inisip na related sila ni Zild no'ng sinearch ko ang tungkol sa miyembro ng IV OF SPADES. Sa sobrang dami ba namang tao sa mundo, malamang marami ring Garon na nage-exist na hindi naman related sa kanila.
Natuwa lang din ako dahil nalaman ko na tuwing may family meetings, lagi akong naku-kuwento ni mama sa kanila, siya pa ang gumagawa ng excuse kung bakit hindi ako nakakapunta. Ever since kasi na namatay si mama, nagpabili na lang ako ng condo kay papa (which was when I was in Grade 9). Wala rin namang difference ang buhay ko simula nang tumira ako sa condo dahil lagi rin namang wala ang parents ko sa bahay.
Pero, never ko rin namang naisipan na magrebelde, lalo na't may mga kaibigan naman akong laging nandiyan.
Halos hindi ko na mabuksan 'yung Messenger ko kagabi sa sobrang lag dahil ang daming nagme-message tungkol sa picture na pinost ni Tita Jen. Hindi ko alam kung nagpapakashunga ba sila or hindi lang talaga sila nagbabasa ng caption dahil may nakalagay na 'Thanksgiving Dinner with the IV OF SPADES and some relatives'. Napilitan tuloy akong i-private ang account ko, pagkatapos no'n ay shinare ko na lang 'yung photo na pinost ni Tita Jen, baka sakaling ma-realize nila.
Pangatlo, akala ko magiging chill ako sa Twitter at Instagram, pero nagulat ako dahil habang nagt-Twitter ako ay nag-notify na finollow nila akong apat sa Twitter at IG. Na-stress din ako dahil kaka-post ko lang sa pictures ko kasama silang apat ay 8k agad ang nag-like at nag-retweet.
Putek, ano 'tong pinasok ko? Can't handle the fame, holy crap.
Natawa na lang ako sa naisip ko. Hindi na'ko nag-private ng accounts, mas nakaka-stress mag-accept at mag-ignore ng followers kaysa sa hayaan na lang dumami. Ang nakakaloka nga lang, 'yung 400 na followers ko naging 4k bigla, at karamihan do'n ay puro IV OF SPADES fans.
Napa-buntonghininga na lang ako.
"Kanina ka pa lutang, a," natatawang banggit ni Daphne.
"Nakita mo lang si Blaster nahawaan ka na ng kalutangan niya," dagdag pa ni Aisha. Natawa naman ako sa mga pinagsasabi nila.
"Grabe! Dami bigla ng followers ni Cass! Famous na friend natin!" Pinakita naman ni Carissa 'yung Twitter ko sa'min, nabigla naman ako dahil mas dumami ang nag-follow sa'kin. "Alam mo bang may speculations 'yung fans na baka raw nililigawan ka ni Blaster dahil nakita nila 'yung post namin sa video call na magkatabi kayo ni Ter at nag-uusap. Ang cute ninyo kaya do'n, para kayong mag-jowa."
I pouted, "Hindi ba nila na-gets 'yung post ni Tita Jen?" Natawa sila.
"Alam mo naman ibang fans ngayon, inuuna bibig bago i-process sa utak ang mga ganap," sambit ni Aisha. Tumango naman silang lahat. "Andito naman kami to protect you siyempre!"
"Chosera!" natatawang sambit ko. "Para namang magkaka-basher ako."
"Gaga, may basher ka na kaya!" sambit ni Lucy at kinuha ang phone ni Vininyah. "Ayan o, 'ang landi ni Cass, ginagamit pa IV OF SPADES para sumikat. Pwe!'"
Naningkit naman ang mga mata ko. What the hell? Kung hindi ba naman isa't-kalahating bobo 'yung mga nagsasabi nito at binasa na lang sana nang paulit-ulit 'yung post ni Tita Jen. Ano kayang kinakain ng mga ganitong klaseng fans?
I sighed, "Huwag na lang natin pansinin iyan," sambit ko. Pagkarating namin ng room ay nagpaalam na 'yung iba naming mga kaibigan dahil 'yung iba sa kanila ay iba ng strand at ng section. Papasok na sana kami ng room nina Carissa, Rinoa at Andrea, pero nakasalubong namin si Meg. Ngingitian ko sana siya pero yumuko naman siya at nilagpasan kami.
Akala ko ba okay kami?
"Hindi ba kayo kinikibo ni Meg?" Nagkibit-balikat lang si Andrea at Carissa, dahilan para malungkot ako.
Akala ko okay na.
The classes started after we waited for a couple of minutes. Hindi rin naman boring ang first subject dahil favorite subject ko iyon. Pagkatapos ng klase ay tinawag ako ng professor namin para bigyan ako ng mga notes, every subjects gano'n ang set up. Buti na lang, akala ko maghihirap na naman akong maghabol ng notes.
"Jusko, Calculus!" sambit ni Andrea habang nag-iinat. 'Yun na kasi ang last subject namin, buti na lang at tapos na. Sobrang boring kasi, dagdag mo pa 'yung gloomy ambiance dahil sa umuulan—sobrang sarap matulog.
Papalabas na si Meg kaya mabilis akong tumayo at hinabol siya. Agad kong hinawakan ang braso niya para matigil siya sa paglalakad, "Meg, saglit."
"Cass... I don't know," she uttered, not even looking at me. "Hindi ko pa kaya. Hiyang-hiya ako sa inyo. I can't process the fact na sinaktan kita... kayo."
"M-Meg..."
"Okay lang siya." Nagulat ako nang may magsalita sa likod namin, dahilan para mapalingon si Meg, at umalingawngaw ang malakas na tili sa buong hallway.
There he was, smiling.
Halos mamatay ako dahil sa biglang pagsikip ng dibdib ko. I was struggling for oxygen, but the moment he walked towards me, pakiramdam ko ay binibigyan niya rin ako ng paghinga—kasabay pa rin ng pagsikip ng dibdib ko.
"B-Blaster," tangi kong nasambit. Ngumiti naman siya.
"Hi, Cass," sambit nito. "Don't worry, I'm here."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top