Chapter Forty Five

I took a deep breathe in. Halos hindi na rin ako makahinga, iyak lang ako nang iyak. I've been like this for how many weeks, I was getting homesick at nilalamon na ako ng lungkot. Pakiramdam ko lunod na lunod na rin ako sa sarili kong luha at kahit ano pang gawin ko para sumaya--everything just felt, empty.

Unique have probably noticed. The past few weeks, sobrang distant ko rin sa kaniya. Pakiramdam ko nababaliw na rin ako, iniisip na tuwing mapapalapit ako kay Unique mas lalo siyang mapapaso. Nirarason ko na lang na nade-depress na ako sa studies kahit ang totoo, hindi naman. But I was losing interest on doing anything, pakiramdam ko araw-araw iniisip ko na lang kung paano ko hindi masasaktan si Unique.

He's had his fair share of the pain. Ayoko nang makitang masaktan siya.

Pero mali, e. Alam ko naman. The more na ipilit ko sa sarili ko na okay lang ako, na mahal ko si Unique, na ayos lang kaming dalawa, mas lalo lang kaming nahihirapan.

Pero siya na lang 'yung natitira kong pag-asa para mabuhay. Siya na lang 'yung rason. Tuwing nandiyan siya nakakaramdam ako na ang aliwalas ng paligid ko, pero tuwing lumalayo ako sa kaniya—umiiyak na lang ako. Iiyak nang iiyak hanggang sa matuyo. Mas mabuti nang pasanin ko na lahat ng sakit, kaysa kay Unique.

Ginusto ko 'to.

Sinugal ko lahat.

The least I can do is to not make Unique sad.

But I knew I was doing otherwise.

***

Kaunting oras na lang, matatapos na 'yung last film namin for our requirements. Napansin naman ni Kirs na wala ako sa sarili ko kaya sinolo na muna niya 'yung buong directing, konting minuto na lang naman ang natitira, at kaya na rin naman ni Kirs i-interpret 'yung script.

"Nag-away ba kayo ni Unique?" tanong ni Kirs at uminom ng tubig. Napatingin lang ako sa kaniya, pero hindi ako umimik. Napa-buntonghininga naman siya. "Grade 12 na tayo o. Konti na lang."

Napangiti ako kay Kirs. Hindi ko magawang magsinungaling kay Kirs, she did nothing but offer me kindness kaya wala rin akong maisikreto sa kaniya.

Baka mas lalo akong sumabog kung itatago ko lang sa sarili ko lahat.

So I told her everything. Lahat-lahat. Mula sa simula.

Pero, sana hindi na lang.

"That girl? She's a bitch," rinig kong sambit ng isa sa mga kasamahan namin sa ginagawa naming film. The past few days, hindi na rin lumalapit sa akin si Kirs, which is kind of odd. Lumayo na rin siya sa akin at lumipat ng upuan. I wanted to shrug it off, but almost everyone's giving me a clue of what's really happening.

I kept my silence the whole week kahit ako na yata ang laman ng lahat ng chismis. Hindi ko alam kung ano'ng kwinento ni Kirs sa buong batch. 

Hanggang sa nalaman ko na lang na ikinalat niyang may boyfriend ako sa Pilipinas pero nagpapakarat lang ako dito—kay Unique. Sa mismong harapan ng bulletin board ng art school, naka-post lahat ng pictures namin ni Blaster, tapos mayroon ding pictures namin ni Unique.

Naistatwa lang ako sa kinatatayuan ko. Pinagmamasdan lang ang mga litrato namin, hinahayaang pumatak ang mga luha mula sa mga mata ko.

"C-Cass..." Napalingon ako kay Kirs, ngumiti kahit peke. "H-hindi ko sinasadya..."

"Hindi sinasadya?" Natawa ako. "Alam ko namang gusto mo si Unique, Kirs, e. Tama na, huwag na tayong maglokohan dito." Lahat ng mga estudyanteng nakapalibot sa amin nagbubulungan lang. 'Yung iba tinatapunan ako ng tingin pero iirapan lang din ako kapag napatingin ako sa kanila.

Ganito ba 'yun? Ginagawa ko naman lahat para hindi ko masaktan si Unique, pero bakit lagi na lang ako 'yung pinapahirapan? Hindi ko naman ginusto 'yung ganitong buhay. Gusto ko lang namang makalimot kaya sumama ako kay papa, pero bakit hanggang dito hinahabol ako ng sakit?

Pusanggala naman, o.

Hindi siya umimik. Naglakad ako hanggang sa magpantay ang mga balikat namin, "Alam mo 'yung masakit, Kirs? I trusted you. Just like how I trusted Blaster, pero pareho lang pala kayo. Manloloko," sambit ko at naglakad na papalayo, hanggang sa napatakbo na lang ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, takbo lang ako nang takbo. Masakit pero pakiramdam ko namamanhid na lang ang buong pakiramdam ko.

Alam ko naman, hindi sinasadya ni Kirs. Oo, nadala lang siguro ng damdamin niya. Nagalit sa'kin dahil sinasaktan ko si Unique. Naiintindihan ko naman siya.

Pero nakakapagod umintindi. Nakakapagod na. Bakit hindi naman ako ang intindihin nila? Mahirap ba? Ngayon lang ba sila nakakita ng taong sobrang gulo ng isip?

Ngayon lang ba sila nakakita ng katulad ko?

Natigil ako sa pagtakbo. Hindi ko na rin alam kung nasaan ako. Napaupo na lang ako sa damuhan, niyakap ang mga binti ko at hinayaang umiyak lang.

Nakakapagod na, pusanggala. Kailan ba nila ako patatahimikin?

"Bakit ba lagi kang umiiyak pag nakikita kita bigla?" Umupo siya sa harapan ko at ngumiti nang bahagya, nakatingin lang ako sa kaniya habang hinahayaang tumulo ang luha mula sa mga mata ko. Halos hindi na rin ako makahinga dahil pakiramdam ko nalulunod na ako. Napa-buntonghininga naman siya at hinila ako saka ako niyakap nang mahigpit.

Mas lalo akong napahagulgol.

Oh God, I don't deserve this man. Why do you even have to let him meet someone who keeps on hurting him? He deserves someone better. Someone who's not insane, someone who's not as messed up as I am. 

Kasi sobrang gulo ko na, e. Nakakapagod na rin. Na sa tuwing gumigising ako araw-araw, iniisip ko kung bakit sa dinami-dami ng tao na nakilala niya, bakit sa akin pa? Na sobrang gulo. Na hindi alam ang gagawin sa buhay.

Gusto ko lang naman maging masaya kami, pero bawal ba 'yun? 

Hanggang kailan Mo ako sasaktan? Nakakapagod na. 

"Saan masakit?" bulong niya. "Wala ba ako magagawa para hilumin 'yung sakit, Cass? Ayaw na kitang umiiyak, pero sobrang wala bang kwenta lahat ng ginagawa ko para umiyak ka pa rin nang ganito?"

Napapikit ako at niyakap siya nang mahigpit.

Unique, if you only know how much I thank you.

"Masakit ba masyado?" 

Hindi ko na napigilan, napatango ako. Napahigpit ako ng hawak sa laylayan ng suot-suot niyang t-shirt at napakagat sa ibabang labi ko. 

"Unique... sorry..." bulong ko. "Sorry kasi kahit ano'ng gawin ko nasasaktan ka lang. Sorry kasi kahit ano'ng pilit ko na masaya ako, I just keep on going back to that sadness deep inside me. Hindi ko na rin alam kung paano ako lalaya, gusto ko rin namang lumaya. Gusto kong sumaya. Pero, kahit ano'ng gawin ko hindi ko kaya. Kahit ano'ng pilit ko na, okay lang tayo, parang paulit-ulit lang din akong nagsisinungaling. Sorry... sorry kasi kahit ano'ng gawin ko hindi kita kayang mahalin katulad ng pagmamahal na deserve mo dapat. I won't deny Unique, mahal kita, minahal kita, at mahal pa rin kita, pero alam ko hindi naman sapat 'yun e. You deserve so much more, at hindi ako 'yun..."

"Hindi ako 'yun." 

Hinintay kong magsalita si Unique, pero nanahimik lang siya. 

Do'n sa lugar na 'yun. Do'n ko siya huling nakita. 

***

"Okay ka na, nak?" I nodded my head and smiled. Dad must have noticed, I couldn't contain the excitement inside me.

Finally, I'm home. After 5 long years. I'm home, pwede na rin akong ipagmalaki ni mama dahil kahit sobrang gulo ng buhay ko sa mga nagdaang taon, I was still able to finish my degree program in Film making. Although dad wanted me to study Business Ad, naintindihan niya rin naman na hindi iyon ang gusto ko. I wanted to turn my imaginations into visual arts, I wanted to see my imaginations into real life. 

Kinulong ko ang sarili ko sa mga bagay na ayaw ko noon, pero I can't do that anymore. Masyadong masakit. Masyado akong nahirapan. Pakiramdam ko ikinulong ko lang ang sarili ko at hindi ako makahanap ng daan papalabas. 

Pagkalabas namin ng airport, sinalubong kaagad kami ni mama at ni Ashton. Nalungkot ako nang kaunti dahil hindi ko man lang nakitang lumaki si Ashton dahil nagpaka-busy ako sa College years ko para lang hindi ako mawalan ng focus. I decided to deactivate all of my social media accounts, minsan binubuksan ko kapag wala naman akong ginagawa pero dine-deactivate ko rin kaagad. Pero, nagu-usap pa rin naman kami ng mga kaibigan ko sa Skype.

They made me sane throughout my 5 year stay in London.

"Grabe! Konti na lang mas matangkad ka na sa'kin!" biro ko kay Ashton at niyakap siya ng mahigpit. "Na-miss kita! May girlfriend ka na 'no?" sambit ko pagkalayo ko sa yakap at ginulo ang buhok niya. 

"Ate naman! Studies first!" Natawa ako.

"Nakita ko card mo, boy."

"Joke lang," natatawang sambit niya. Napatingin naman ako kay mama na naluluha-luha pa kaya nilapitan ko siya at niyakap nang mahigpit.

"Ma, sorry hindi ako naging doctor," natatawang sabi ko. 

"Cass naman," sambit ni mama at ngumiti. "Kahit ano namang desisyon mo sa buhay, susuportahan ka pa rin namin ng papa mo." Mas napayakap ako sa kaniya nang mahigpit. 

Niyaya ko sila mama na kumain muna bago kami umuwi, pero sabi naman ni mama na nagluto siya sa bahay. Pumayag ako kaagad kasi na-miss ko rin nang sobra ang luto ni mama. 

Pagkabukas ko ng pinto halos maiyak ako sa gulat nang biglang bumukas ang ilaw.

"Welcome back, Cass!" sigaw nila at nagpaputok ng confetti. Niyakap naman ako kaagad ng mga kaibigan ko, 'yung iba naiiyak-iyak pa. Natawa naman ako.

"Mukha kayong bangag!" biro ko at pinunasan ang pisngi ko. Halos lahat sa mga kaibigan ko, stable na ang buhay. Kay Rinoa lang talaga ako nagulat dahil kahit naging sila ni Zild at medyo dramatic daw ang naging ending nila, pumayag pa rin siyang maging wedding coordinator ni Zild at Shanne. No hard feelings naman daw kasi 5 years ago naman na 'yun. Past is past.

Do'n ko lang din na-realize na kahit may dumating na iba sa buhay mo, kung kayo talaga--kayo talaga. 

Busy kaming nagku-kuwentuhan ng mga kaibigan ko habang kumakain nang biglang may nag-doorbell. Tumayo agad ako para buksan ang pinto, at bumungad sa akin ang isang lalaki na may hawak na bouquet, hindi ko makilala kung sino dahil nakatakip ang bouquet sa mukha niya.

Hanggang sa unti-unti niyang ibinaba iyon.

Hindi ko na napigilang mapaluha.

"Welcome back, Cass."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top