Chapter Forty

My last few days before leaving my old life (for good), was definitely a mess. I almost didn't eat anything, nagkulong lang ako sa loob ng kuwarto ko. I really didn't want my parents and friends to worry about me, pero sobrang wala akong gana. I almost wanted to pretend that I'm okay, kaso hindi ko kaya.

Hindi talaga.

It was my last day, hindi na ako inabala ni Dad when it comes to my documents kasi siya na rin 'yung naglakad lahat. My friends came to help me pack my things, but they weren't their usual self. Sobrang tahimik nila, magtatanong lang kung dadalhin ko ba 'yan, o 'yun, pero pagkatapos no'n, tahimik na lang ulit.

I sighed, "Ang tahimik ninyo," sambit ko. Malungkot na tumingin sila sa akin.

"Biglaan naman kasi," sambit ni Rinoa. "Akala namin magta-transfer ka lang ng school, tapos biglang nalaman namin no'ng isang araw, aalis ka na pala talaga. Rant ako nang rant kay Zild, punyemas ka talaga." Natawa ako. Ilang araw lang akong nawala, tapos bigla ko lang din nalaman na okay na ulit sila ni Zild dahil siya rin 'yung nagsabi sa kanila na aalis na ako.

As much as I wanted to stay, siguro mas okay na lang din na umalis ako. Leave everything behind and start my life again. Kasi kung mags-stay lang ako, we'll just seriously screw over our lives until we're both dead, and that would suck more.

"Tama na nga drama!" Natatawang sambit ko, ayaw ko namang malungkot kaming lahat, siyempre parte 'yun ng pag-alis and it's inevitable, pero ayaw ko ng gano'n. I want to be happy with them, kahit huli na.

After we finished packing my clothes, bumaba na rin kami para kumain. Kaunting damit lang naman 'yung mga dinala ko, mostly 'yung mga favorite clothes ko lang, tsaka ibang pang-ginaw na rin. Pagkababa namin, nakaluto na rin si mama ng lunch kaya sabay-sabay na rin kaming kumain.

"So do'n mo na rin tatapusin 'yung College?" I shrugged my shoulders, kasi hindi ko rin alam. At saka, hindi ko pa rin alam kung ano'ng kukunin ko sa College. I want to pursue Med, pero kung sa STEM pa lang, bumabagsak na ako, I'd probably find another path other than becoming a Doctor.

"I'd probably shift programs," I said. "Arts & Designs, maybe?" I added. Isa rin naman sa pangarap ko ang maging isang Film maker, probably ever since. At saka, Blaster loved shows so much, baka mai-apply ko rin 'yung pagiging bihasa niya ro'n sa mga gagawin kong pelikula.

Biro lang.

"Sa'n tayo?" sambit ko habang nagliligpit kami ng pinagkainan. Nagkibit-balikat lang sila, lahat kami gulat na gulat kasi pagkatapos naming magligpit saktong dumating si Meg kasama si Dane.

"Loka ka!" sambit ni Meg at niyakap ako nang mahigpit. "Kung kailan okay na ako, kung kailan nakabalik na talaga ako, saka ka naman aalis?!"

Natawa kaming lahat, napatingin naman ako kay Dane at napangiti bago ko sinagot si Meg, "Malay ko bang babalik ka! Akala ko do'n na kayo ikakasal ni Dane, e!" natatawang sambit ko. Mahina naman niyang hinampas ang balikat ko at isinubsob ang mukha sa balikat ko. Kahit i-deny ko, ramdam na ramdam kong umiiyak si Meg.

"Kasalanan ko," sambit niya. "Kung sana hindi ko na lang kayo sinira ni Dane, siguro okay pa rin kayo ngayon. Siguro walang Blaster na gagaguhin ka lang pala nang paulit-ulit..."

Napangiti ako at hinawakan ang magkabilang balikat niya at saka itinulak siya nang mahina para makita niya ako, "Hindi mo kasalanan, okay?" sambit ko habang nakangiti pa rin. "Ginusto ko rin 'yun. I could've just avoided Blaster from the start, pero hindi ko ginawa. Kasi gusto ko rin. At saka, ano ka ba! Kung hindi mo 'yung sinabi kay Dane, magb-break pa rin kami niyan, ang ganda-ganda ko kaya for him!" Natawa naman silang lahat, pati si Dane, sa sinabi ko.

"To be honest, ngayon ko lang 'to sasabihin pero kahit isang buwan lang 'yun, Cass? Napasaya mo ako," he said. "Kaya thank you. You really deserve someone better."

Napangiti ako, hindi napansing may mga nagbabadya ng luha mula sa mga mata ko.

"Ayan tuloy!" natatawang sambit ko at pinunasan ang magkabilang pisngi ko. "Pinapaiyak ninyo ako, para namang hindi ako magbabakasyon dito. Mga bwisit kayo." Natawa naman silang lahat.

"Group hug!"

Siguro sobrang malas ko talaga pagdating sa pag-ibig. Pero pagdating sa mga kaibigan ko? Sobrang swerte ko.

***

Pagkatapos ng kung ano mang kadramahan na naganap kanina, we decided to go for a stroll. Window shopping lang nang kaunti, hanggang sa napunta kami sa arcades. Sobrang daming tao, kaya tawang-tawa kami dahil dumagdag pa kami sa dami.

Habang naglalaro 'yung iba, lumapit ako kay Rinoa, "Huy." Napatingin naman siya sa akin kaya ngumiti ako. "Zild again?"

Napa-buntonghininga naman si Rinoa, "I don't know what happened but they broke up," she said. "Sabi ni Zild they called it quits kasi masyado na silang busy, pero I doubt. Parang may mali kasi, e." Magsasalita pa lang sana ulit si Rinoa pero biglang nag-ring 'yung phone niya, pagkalabas niya no'n, nakita ko kaagad 'yung pangalan ni Zild sa screen. "Teka, sagutin ko lang." Bahagya kong itinango 'yung ulo ko at pinagmasdan siya habang papalabas ng arcade.

Hindi ko alam, pero sobrang manhid na ba ni Rinoa? O sadyang nagbubulag-bulagan lang siya? I doubt that she can't feel it. There's something between them but she keeps on denying it.

Ilang minuto pa ay bumalik na rin si Rinoa, nakangiti, "Labas muna tayo?" Napakunot ako ng noo pero pumayag na lang din ako. Nagpaalam muna kami kila Andrea bago lumabas. Unti-unti akong kinabahan dahil biglang may mga tumili at tumakbo pababa.

Right on cue, someone played Mundo.

Sumilip kami sa ibaba, the guy was playing Mundo in acoustic. He looked up, face covered with a black mask while on top of his head is a bucket hat.

And then he started singing—eventually melting my heart in any way possible.

He was just staring at me, as if pleasing me to stay. Nagulat ako nang bigla naman akong hilahin ni Rinoa paibaba. Wala akong magawa, pakiramdam ko bigla akong nawala sa ulirat ko kahit alam ko kung ano'ng nangyayari sa paligid. Na-realize ko na lang na nasa harapan ko na siya, tumutugtog ng gitara, kumakanta pa rin ng Mundo.

Mugtong-mugto ang mga mata.

Matapos niyang kumanta, tinanggal niya 'yung face mask niya at ngumiti kahit halatang pilit. Gusto kong tumakbo papalayo, pero pakiramdam ko naistatwa na lang ako sa kinatatayuan ko ngayon.

"Cass, please stay..." Unti-unting nagtubig ang mga mata niya, sunod-sunod ang paglunok, parang naghahanap ng pwedeng sabihin. "Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko para lang manatili ka. Hindi ko na rin alam kung ano'ng pwedeng sabihin ko para magbago ang isip mo. Kasi sino nga ba naman ako? Blaster, Silonga, 'yung taong sinasabing mahal ka pero walang ibang ginawa kundi saktan ka..." Napayuko siya nang bahagya. May nakatapat na mic sa harapan niya kaya rinig na rinig ang bawat hikbi na kumakawala mula sa bibig niya.

I couldn't help it. My eyes automatically watered as I stare at him. Gusto ko siyang yakapin, pero nananatili akong matatag.

Akala ko magsasalita pa siya ulit no'ng tumungo siya, pero ngumiti lang siya at nag-strum ulit sa gitara niya.

"I am not the only traveler,
Who has not repaid his debt."

His eyes were swollen, but tears just kept on running down his cheeks. Naguunahan. Halos basang-basa na rin ang suot-suot niya, pero ni hindi man lang niya pinunasan.

"Take me back to the night we met."

I closed my eyes as I clench my hands. If only we could go back in time, the night I met him, the night I felt the connection between the both of us.

I should have just ended it. I should have just stayed away from him. I should have just ignored every possibility of 'us'. Kasi wala naman talaga, parang trial lang.

"I have all and then most of you, some and now none of you...
Take me back to the night we met."

The moment he stopped singing, I turned my back and started running away from him. Rinoa was trying to call me but I ignored her.

I ignored the world.

Even the smallest possibility of me and Blaster.

Blaster, we have the same wish. To take the both of us back to the night where I met you.

Because, if I knew this would happen—I never would have chosen to love you.

***

"Is everything ready yet?" Napatingin ako kay papa at tumango nang bahagya. Hinila ko na 'yung maleta ko papalabas ng kuwarto at sumunod na kay papa palabas. Tawang-tawa ako pagkakita sa mga kaibigan ko dahil 'yung iba halos papaiyak na.

Ngumiti ako.

"Videochat ka pa rin namin kapag pupunta kaming gig!" biro ni Lucy, ginatungan pa nila Viniyah at Daphne.

"Huwag mo kaming kakalimutan, ha," natatawang sambit ni Andrea. "Pahingi na lang kung may makita kang gwapo." Natawa naman ako at mahinang hinampas ang balikat niya. Sumakay na kami ng van at nagkuwentuhan habang bumabiyahe papuna NAIA. Medyo traffic, pero nakarating naman kami on time.

"Ingat ka do'n ha?" Ngumiti ako at tumango. "Ayaw mo bang magpaalam kay Blaster?" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Rinoa kaya napalingon ako, nando'n sila Zild, kuya Badjao at ate Aimee, tapos si Blaster.

Ngumiti siya.

"You know I won't just give up on you." I managed to smile. "I won't stop you now. Pero ang hiling ko lang ngayon, sana... sana tayo pa rin pagbalik mo. And I promise I'll do anything just to win you back." Magsasalita pa lang sana ako pero nagsalita na si papa na kailangan na naming pumasok.

Blaster smiled, "I'll wait for you."

I smiled and nodded. Binalikan ko sila Andrea at niyakap sila isa-isa bago kami pumasok.

"Bye," mahinang bulong ko at nag-wave ng kamay ko bago kami pumasok.

And my soul almost escaped my body.

"A-ano'ng ginagawa mo rito?" Ngumiti siya at inilabas ang ticket niya.

"Mag-aaral ako do'n," sambit niya. Nakatitig lang ako sa kaniya, hindi makapaniwala na nasa harapan ko siya ngayon.

Oh my God, Unique.

"Are you for real?"

"Baka tayo talaga ang para sa isa't-isa, Cass," natatawang sambit niya at kumindat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top